Wednesday, June 20, 2012

CJ ASPIRANTS MAMISO


MAMISO na lamang ang pagiging punong mahistrado.
Bakit?
Kasi’y nominado lahat ang 14 na mahistrado sa Korte Suprema.
Bukod diyan, nominado rin ang mahigit 30 aspirante kabilang ang mga abogado , huwes at mahistrado sa labas ng Supreme Court.
Kumbaga, parang GALUNGGONG ang mga aspirante—DAGSA SA PALENGKE.
Halo- halo ang aspirante-- may beterano, may batambata at may naniniwala sa duwende.
Linsiyak, ano bang klase ng proseso ang ipinatutupad batay sa Saligang Batas?
Dapat ay palitan na rin mismo ang Judicial and Bar Council (JBC) dahil wala silang kakayahan na MAGLABAS ng direktiba kung paano iaangat ang KALIDAD sa proseso sa pagpili ng hepe ng Kataas-taasang Hukuman.
Isasatelebisyon pa ang pilian at interbiyu na tipong NAGSUSUBASTA ng isang “ukay-ukay”  na inidoro sa Plaza Miranda.
Bakit dumarami ang ASPIRANTE?
Simple lang at sintido kumon ang sasagot: Sapagkat n marami ang nais MAKA-TSAMBA sa posisyon ng chief  justice.
Kapag  BINUWENAS nga  naman ang sinuman, bigla niyang MAKOKOPO ang puwestong CHIEF JUSTICE kung saan mabilis  makakaipon ng $2.4 milyon at P80 milyon.
Ibig sabihin, ALAM ng sangrekwang ASPIRANTE na “SUWERTE-SUWERTE’ lang ang pagpili at hindi pagbabatayan nang todo ang KUWALIPIKASYON.
Nakakahiya ito, at hindi dapat na mababoy.
Isang malaking paghamon ito sa mga bumubuo ng JBC—ayusin nila ang kanilang SARILI at huwag magpatangay sa PUBLISIDAD.
Yung “swerte –swerte” hayaan na lang ninyo kay PNoy.
Pero kayong nakapag-ARAL at nagmamahal sa inyong PROPESYON---mahalin naman ninyo ang ating REPUBLIKA—magpatalino kayo at MAGPAKATINO.
Ang puwesto ngayon sa punong mahistrado ay higit pa sa   JACKPOT sa lotto!!!
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, June 21, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado-blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home