Saturday, June 16, 2012

SHOAL DISPUTES SOLVED SA BAGYO


KUSA nang mareresolba ang patintero ng mga barko ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal.
Bakit?
Kasi’y nagkakasunod-sunod na ang malalakas na unos at bagyo.
Wala nang dahilan upang ilagay sa panganib ang mga barko at buhay ng mga sundalo.
Kinumpirma ng Malacanang na pinababalik na sa aplaya ang natitira pang  dalawang barko ng Pilipinas, hindi dahil sa naduduwag sa China, kundi upang makaiwas sa trahedya ng malalakas na unos sa karagatan.
Hindi rin maaaring magmatigas ang China, anumang araw ay maaari na rin silang lumayas sa naturang USLI ng mga bato.
Iyan ay kung wala silang KARGANG KARGAMENTO sa pagtatayo ng KUTA o GARRISON sa lagoon na pinag-aawayan ng dalawang bansa.
Ginawa na yan ng China sa Spratlys kung saan nagtayo sila ng KONGRETONG KAMPO sa naturang Kalayaan Islands pero hindi sila napigil ng Pilipinas at ng alinmang bansa na umaangkin sa naturang teritoryo.
Ikinakatwiran kasi ng China na HIMPILAN iyon ng mga MANGINGISDA na inaabutan ng DALUYONG sa gitna ng dagat.
Kapag walang KAMPO sa Scarborough Shoald, walang duda lalayas din ang mga barkong ng Tsino.
Umiinit ito sa gitna ng ulat na pumayag ang US, Britain, Canada at Japan na saklolohan ang Pilipinas sa PAGPAPALAKAS ng puwersang pandagat.
Maaaring isa rin ito sa dahilan ni PNoy sa pagpapauwi sa mga barko.
Bahala ang mga DAYUHANG BANSA ang sumagupa sa China.
Gayun lang kasimple ang solusyon.
Kung may lohika ito o wala, bahala na ang taumbayan ang humusga.
(EDITORIAL  NI KA AMBO , Bulgar Newspaper, June 17, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272) 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home