SI JOB AT SI PACQUIAO
DARATING ngayon si 8-divison
world boxing champ Manny Pacquiao.
Siya ngayon ang usap-usapan,
bukod sa Bagyong si Butchoi at ang lindol sa Saranggani.
Hindi maiwasan na IDIKIT sa
kuwentuhan ang “trahedya”.
Ang Unang Trahedya ay ang pagkatalo niya sa kamay ni
Tim Bradley na malinaw na tinalo niya sa suntukan, pero hindi sa HATOL NG
HUWES.
Ang Ikalawan Trahedya ay ang
biglang PAGBAHA mismo sa kanyang lalawigan at distrito ng SARANGGANI.
Ang Ikatlong Trahedya ay ang
sorpresang LINDOL na magnitude 5.5 mismo rin sa General Santos City—ang punong lungsod sa kanyang
lalawigan.
Sumasabay pa dito ang Bagyong
Butchoi na nagpaulan din sa kanyang distrito.
Iniayos natin ng ganyang
PORMA upang maihawig natin sa TRAHEDYA na ipinalasap ng Diyos ng Israel sa
bansang EHIPTO dahil sa MATIGAS NA PUSO ng Pharaoh.
Mas madaling mauunawaan yan
ni Pacman at ng mga nagbabasa ng Bibliya.
----$$$---
MAGING JOB ay idinaan ng
Diyos sa isang napaka-LAGIM na pagsubok, pero hindi siya sumuko.
Nakahanda ba si Pacquiao na
tanggapin ang ganyang pagsubok?
Matitiis ba niya na MADAMAY
sa pagsubok ang kanyang mga MAHAL sa buhay at mga constituents?
-----$$$--
MAY nais lang tayong itanong
kay Mr. Pacquiao.
Ano bang relihiyon ang
kanyang kinabibilangan ngayon?
Siya ba ay nananatiling
KATOLIKO na ang lider ay ang Santo Papa sa Roma?
Siya ay nagpabinyag na si Jesus Is Lord Fellowship na ang lider ay si Bro. Eddie Villanueva?
Siya ay nagpabinyag na si Jesus Is Lord Fellowship na ang lider ay si Bro. Eddie Villanueva?
Alam ba niya ang pagkakaiba
ng dalawang RELIHIYON?
Ang kanyang interpretasyon ba sa mga SITAS na binabasa niya ay IDINIKTA o inimpluwensiya ng PASTOR na naka-BOLA sa kanya?
Ang kanyang interpretasyon ba sa mga SITAS na binabasa niya ay IDINIKTA o inimpluwensiya ng PASTOR na naka-BOLA sa kanya?
Ginagamit lamang ba niya ang
BIBLIYA na pang-KOBER sa ilan niyang pagkukulang tulad din ng ibang
nagpapanggap na “maka-BIBLIYA” at “maka-Diyos?
Kailangan masagot niyan yan
upang MATIGIL ang malas!!!
-----$$$--
MAHALAGANG magmuni-muni muna
siya at BASAHIN nang cover-to-cover ang BIBLIYA ng ilang ulit
bago siya MANGARAL.
Kapag tinangka niyang
MANGARAL gamit ang DOKTRINA na idinikta ng JIL ay BINABASTOS niya ang DOKTRINA
ng Katoliko na nakaugat sa UNANG SIGLO matapos mamatay sa krus si Hesukristo.
Alin ang gusto niyang
DOKRINA?
Ang DOKTRINA na mula nagmemorya ng mga sitas o ang DOKTRINA na pinagdebatehan ng mga PAHAM ng Simbahan daan-daan siglo na ang nakakaraan?
Ang DOKTRINA na mula nagmemorya ng mga sitas o ang DOKTRINA na pinagdebatehan ng mga PAHAM ng Simbahan daan-daan siglo na ang nakakaraan?
Bago malulong sa doktrina at
bibliya si Pacman, dapat muna niyang SURIIN ang kasaysayan ng GRUPO na kanyang
kinabibilangan.
Iyan ay para hindi siya
magkamali at hindi rin siya mapagbitangang MINAMALAS.
----$$$--
KINUKUWESTIYUN ngayon ang
RELIHIYON ni Pacquiao matapos “TANGGALIN” niya ang BANAL NA ROSARYO na
dati-rati niyang isinusuot bago ang LABAN.
Alam kaya ni Pacman na marami nang TESTIMONYA hinggil sa HIMALA na
idinidikit sa paggamit ng BANAL NA ROSARYO.
Pero, kung saka-sakali,
ngayon lang tayo makakapag-RECORD ng serye ng KABABALAGHAN—na mag-uugat sa
pang-i-ISNAB sa HOLY ROSARY.
Alam din kaya ni Pacman na 85
PERCENT ng 90 milyong Pinoy ay mga lehitimong Katoliko?
Ano kaya ang sey dito ni
Nanay Dionesia?
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar
newspaper, June 16, 2012 issue. UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo
on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home