RH BILL: PNOY'S BIOLOGICAL WEAPON
IBINALIK ni Senate President
Juan Ponce Enrile ang X’ Mas gift ni Sen. Pia Cayetano.
Baka naman ang gusto ni
Manong Johnny ay “CASH”.
----$$$---
INAMIN ni Enrile na “may
bilang” ang pro-RH bill sa Senado.
Siyempre, alangan naman puro
“LETRA”.
----$$$---
INAKUSAHAN ng isang arsobispo
si PNoy na magma-MASAKER ng milyong kabataan kapag nilagdaan ang RH bill sa
Malacanang.
Kung mataas na kalibre ng
baril ang ginamit ng isang KILLER BAGETS sa Connecticut , ano ang ARMAS ang puwedeng
gamitin ni PNoy?
Sabi ng arsobispo, simpleng
TINTA ng ballpen.
Huhh, ano yung BIOLOGICAL
WEAPON?
-----$$$---
LUSOT na rin sa Senado ang
FREEDOM OF INFORMATION bill.
Matutuwa ang mga MISIS ng mga
senador.
Puwede silang makakuha ng
IMPORMASYON kung ilan ang KABIT ni mister.
----$$$---
IPATUTUPAD na naman ang OIL
PRICE ROLLBACK bago mag-Pasko.
----$$$--
NAGDEKLARA ng giyera si Nanay
Dionesia laban sa mga PROTESTANT PASTOR.
Pwes, ineendorso ko siya sa Vatican City na maging kauna-unahang SANTANG BISAYA.
-----$$$--
BUMOTO nang kontra sa RH bill
si Congressman Manny Pacquiao.
Kasi’y kung ipinatupad agad
ang RH bill sa Unang Republika, walang isisilang na 8-Division world champion na kumukobra ng
ISANG BILYONG PISO kahit natulog sa laban.
-----$$$---
AKTUWAL nang magreretiro sa
araw na ito si dating PNP Chief Nicanor Bartolome.
Isang hindi naman
malilimutang araw ang petsang ito kay NEW PNP Director General Alan Purisima.
Congrats po sir, and Merry
X’Mas po.
-----$$$---
NAKAKATUWA ang expose ng
jueteng sa Pangasinan.
Yung ini-expose ay yung
dating “jueteng czar” sa buong bansa.
Pero yung kasalukuyang
JUETENG czar ay SAFE!
Anu bang pangga-GAGO yan sa
katinuan ng madla?
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper,
Dec. 18, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on
twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272)
----30—
0 Comments:
Post a Comment
<< Home