US MASSACRE :A SOCIAL CANCER CASE
KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng
mga paslit sa kamay ng isang huramentadong 20-anyos sa Connecticut ,
USA .
Marami ang hindi nakakaunawa
sa naturang insidente.
Unang pinagbabaril at napatay
ng gunman ang sariling ina.
Pinakamababang dalawang bala
ang ibinaon naman ng suspek sa 28 biktima.
Ano ang ibig sabihin nito?
Repleksiyon ito kung anong
klase ang “setup of mind” o “kultura” ng Kabataang Kano.
Para maunawaan ang insidente,
dapat ay bigyan muna ng paglilinaw kung anong klaseng “social upbringing o
kulturang sosyal mayroon sa United
States .
Sa US , ang mga kabataang 18 anyos
pataas ay hindi itinuturing na DEPENDENT sa magulang.
Ang prinsipyo ng mga batas sa
US (na kinopya ng Pilipinas) ay hindi na dapat umaasa sa magulang ang mga “18
years old pataas”—may trabaho man ito o wala.
Sa America na pinapangarap na
marating ng milyong Pinoy, kung hindi obligasyon ng magulang na saklolohan ang
mga anak na nasa hustong edad, hindi rin naman obligasyon ng anak na suportahan
ang magulang sa anumang pangangailangan kahit sa panahon ng pagtanda.
Dahil diyan, maraming
magulang ang namamatay sa katandaan sa
mga charity institution nang HINDI MAN LAMANG dinadalaw ng kanilang mga anak.
Sa US , ang sinumang magulang na
magtustos sa pangangailangan ng mga apo, manugang at anak na may mga pamilya ay
pinagtatawanan dahil labag ito sa MORALIDAD.
Ang moral sa US society—ay
ang PAGKAITAN ng tulong ang anak na mahigit nang 18-anyos.
Walang pakialamanan ang
magulang at anak na hindi na menor-de-edad kaya’t maraming kababaihan at
kalalakihan ang napapariwara at nakakapag-asawa nang tatlo o higit pang beses
nang lehitimo dahil sa diborsiyo.
Ito ring ang dahilan kung
bakit legal ang ABORTION—sapagkat nakakaabala ang PAGBUBUNTIS ng mga kabataang
babae sa kanilang hanapbuhay na kanilang prayoridad at MORAL na desisyon dahil
hindi sila sinasaklolohan ng kanilang mga magulang.
Opo, bagsak ang moral ng mga
kabataang Kano .
Maging ang mga menor-edad na
binugbog ng kanilang mga magulang ay nauuwi sa demandahan.
Tama, nagtatakbo sa pulisya
ang mga wala pang 18-anyos kapag sinaktan at pinagbantaan ng kanilang mga
magulang kaya’t SOBRANG sama ang kanilang asal sa panahon ng adolescent.
Sa ganitong pananaw, sinong
kabataan ang nais mamuhay sa lipunang Kano ?
Hindi kaya, tiniyak ng gunman
sa Connecticut
na matitigok ang mga biktimang paslit---para hindi na sila “makapamuhay” pa sa
isang bulok na lipunan?
Hindi kaya ayaw ng gunman na
maranasan ng mga pito at walong anyos na American kids ang “kanyang naranasan”
kaya’t pinagbabaril at pinatay?
Mahirap sagutin ito.
Sana’y wala itong
katotohanan.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper, Dec. 18, 2012
issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home