Netizens are above the law
MASELAN ang oral argument sa Korte Suprema kaugnay ng
kontrobersiyal na Cyber Crime Act.
Kailangang si Haring Solomon ang magpaliwanag hinggil dito.
Nakapokus ang argumento sa “libelous post” sa facebook.
Ayon sa abogado ng gobyerno, nagkakasala ng libel ang
sinumang may account na mag-“like” o mag-klik ng “like” sa naturang paskil
na nakasira ng reputasyon ng isang tao.
Para sa gobyerno, guilty ng libel ang mga magla-like sa
ganitong klase ng post sa facebook.
Pero, ayon sa mga kontra sa naturang batas, walang nilalabag
na batas ang mga nagla-like sa “libelous post” sapagkat ginagamit lang nila ang freedom of
expression; at hindi rin sila ang orihinal na nag-post dito.
Nangangatwiran ang solicitor general, na kapag hindi kinasuhan
ng libel ang mga nagla-like sa libelous post, mistulang binalewala na rin ang
“reputasyon” ng isang tao.
Nagugulo ang mga mahistrado at mga eksperto sa isyung ito sa
cyber act dahil binabasa o binibigyan nila ng interpretasyon ang sitwasyon
batay sa “depinisyong umiiral” o batay sa mga naunang batas o kalakaran.
Dapat maunawaan ng mga mahistrado na nalipasan na nang uso
at pagiging epektibo ang mga “aklat sa akademya” bunga na rin ng hindi maawat
na pag-unlad ng teknolohiya.
Ang teknolohiya kasi ay ipinakakahulugan lamang nila sa
pisikal na pagbabago ng mga gadgets, pero nalimutan nila na ang progreso ay
hindi nakakapit lamang sa “materyal na bagay” bagkus ay kakambal nito ang
tinatawag na “non-matter” o mga hindi
pisikal na bagay o sitwasyon.
Halimbawa, ang libelous post ay tama na ikumpara sa isang
bulletin board, pero nagkamali ng interpretasyon ang mga mahistrado o
ekspertong abogado.
Nang wala pa ang internet, kapag nagsulat ng libelous
statement sa bulletin board, maaaring mag-comment lamang ng verbal ang
makakabasa nito, pero malabo
na makisulat ang “nakikibasa” sa naturang dingding.
Pero, may sariling komento ang nakabasa, kung saan
“sasarilinin na lamang ito o mananatiling ibinubulong bulong niya sa kanyang
isip” kahit pa sabihing nakikisimpatiya siya sa nag-post sa bulletin board.
Dahil sa teknolohiya, modernisasyon, nagagawa na ng mga tao
na ang “laman ng utak” ay maisulat sa cyberspace kung saan nakaaabot sa
kaisipan din ng buong mundo.
Sa totoo lang, ang facebook o website post—ay wala namang
ginamit na ballpen, lapis o ink---kaya’t puwedeng ituring itong “EXTENSION NG
IDEA” na masuwerteng naimbento ng tao na mai-post sa cyberspace.
Kung ang “pag-like” sa libelous post ay isang SIMPLENG
IDEA—nasaan ang pagbabawal dito?
Maaari mo bang ibawal ang “unlimited market of ideas”?
Iyan ang argumento na dapat suriin at saliksikin ng mga
mahistrado.
Ang pag-post sa
alinmang cyberspace innovations tulad ng facebook at twitter ay isang
neo-physical expression of conscious and subconcious mind—kaya’t walang batas
na nilalabag dito.
Neo-physical ang internet post, kasi’y hindi ito aktuwal na
materyal na bagay bagkus ito ay isang “bagong entidad” sa nagbabagong mundo ng
komunikasyon.
Walang batas sa balat na lupa na nagbibigay ng kompleto at
kongretong NEO-PHYSICAL characteristics ng post sa internet, kaya’t natutuliro ang mga eksperto.
Kung ang naturang “internet post sa facebook’ na isang
“neo-matter” na siyang porma kung paano isinulat ang idea at bagong terminong pang-komunikasyon—malinaw na WALANG BATAS na nakakasakop dito.
“neo-matter” na siyang porma kung paano isinulat ang idea at bagong terminong pang-komunikasyon—malinaw na WALANG BATAS na nakakasakop dito.
Maunawaan sana
ito ng lahat.
(EDITORIAL NI KA
AMBO, Bulgar newspaper, Jan. 30, 2013 issue. UNEDITED. bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272.
bistadoniambo on twitter.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home