Saturday, March 31, 2012

APRIL ONE ARAW-ARAW SA PINAS

IPINAGDIRIWANG ngayon sa buong daigdig ang April Fools’ Day.
Sinasabing nag-ugat ang paggunita nito sa istoryang Canterbury Tales noong 1392, pero batay sa ilang pagsasaliksik, matagal nang may ganitong klase ng pagdiriwang sa Iran o PERSIA simula pa noong 536 B.C.
Pero ang April Fools Day ay katumbas ng Ninos Inocentes ng Simbahang Katoliko tuwing Disyembre 28 kung saan niloko ng mga pastol ang mga tauhan ni Haring Herodes na humahanting sa bagong panganak na SANGGOL na sinasabing magiging HARI NG ISRAEL.
Taliwas sa ibang kapiyestahan at espesyal na okasyon-- BIRO, PANLOLOKO, PANTASYA, PANDARAYA at PAGSIRA ng katinuan ng tao ang ipinakikita at ipinararanas upang gunitain ang araw na ito.
Ibig sabihin, ang dapat na NORMAL na sitwasyon—ay napapalitan ng ABNORMAL na pagkilos ng tao tuwing April Fools Day na kung tatagalugin ay ARAW NG MGA BALIW.
Bilang pakikisali, magandang matukoy natin kung anong PANTASYA, PANLOLOKO o KABALIWAN ang angkop nating ibunyag sa araw na ito.
Una, hindi dapat lumagda si PNOY sa araw na ito ng anumang DIREKTIBA o kautusan—sapagkat mamarkahan ito ng kanyang mga kritiko na isang UTOS sa Araw ng mga Baliw.
Ang problema, inilabas ng Malacanang ang ulat na isang ENERGY SUMMIT sa Mindanao—isang KABALIWAN ito sapagkat, inamin na nila na walang krisis sa elektrisidad, isang klase ito ng PANLOLOKO sa taumbayan.
Itinatanggi ng Malacanang na WALANG PROBLEMA sa suplay ng elektrisidad sa Visayas at Mindanao gayong ilang buwan na silang PINEPESTE ng serye ng mga brownout, hindi ba’t sila ngayon ang BIDA sa April Fools Day?
Itinanggi din ng Malacanang na hindi nila hina-HARRASSED si Rep. Manny Pacquiao na hindi lumagda sa impeachment complaint, sino ang NANLOLOKO sa publiko, sino ang BALIW?
Iniulat na BINALEWALA na ang KONTRAKTUWALISASYON at bawal na daw ito---isang pinakamalaking KABALIWAN ito na inihayag ng DOLE at Malacanang—sapagkat milyong obrero ang PINEPESTE ng paulit-ulit na ENDO—o end of contract.
Marami nang obrero ang aktuwal nang NABALIW at nagpatiwakal dahil biktima sila ng KONTRAKTUWALISASYON.
Maunlad na raw ang buhay ng Pinoy, kakaunti na ang nagugutom at marami ang nabigyan ng TRABAHO—isa itong KABALIWANG ULAT at panloloko sa katinuan ng mga Pinoy.
Sa ngayon, walang MATINONG PAHAYAG ang gobyerno.
Kumbaga, araw-araw ay ABRIL a-UNO sa Pilipinas!!
Bwaaa, ha, ha, ha!!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Abril 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home