Thursday, March 29, 2012

DEDMA SA KRISIS

WALANG malinaw na paliwanag ang Malacanang hinggil sa nararanasang krisis sas enerhiya sa Visayas at Mindanao.
Ang inilalabas na PABALITA ng Malacanang ay tandisang kinokontra at pinasisinungalingan mismo ng mga residente sa mga naturang rehiyon particular sa mga liblib na lugar.
Bagaman sinisisikap ng mga kinauukulan na pakalmantehin ang populasyon sa pagsasabing kontrolado nila ang problema pero mabibisto na ang naturang paliwanag ay sa gitna ng dalawang pasubali: Maresolba ang serye ng brownout—Una, kapalit ng mas mataas na presyo sa singil ng konsumo sa elektrisidad; ikalawa, pagkakaloob ng standby o emergency power kay PNoy upang makapaglabas ng direktiba na tatapak sa karapatan ng ilang sector.
Sa ganitong dalawang klase ng pasubali, malinaw na may krisis!
Hindi ito nalalayo sa garantiya ng gobyerno na MAY SAPAT NA SUPLAY NG BIGAS sa bansa, pero ang BIGAS—na iginarantiya ay TONE-TONELADANG IMPORTASYON sa Thailand at Vietnam.
Ibig sabihin, may KRISIS sa bigas—kapag WALANG IMPORTASYON.
Iyan din ang kahulugan ng KRISIS sa suplay ng elektrisidad—sapagkat, malulutas lamang ito GAMIT ANG ABNORMAL NA PROSESO o sitwasyon.
Kung totoong walang krisis, dapat ay maresolba ito nang HINDI TATAAS ang halaga ng konsumo at hindi kailangan ang EMERGENCY POWER.
Ang terminong emergency ay kasingkahulugan ng katagang KRISIS.
Kung gayon, dapat nang kumilos ang gobyerno at hindi dapat mag-ANTAY NG BUNGA NG BAYABAS na babagsak sa kanilang nakabukang BUNGANGA!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 30, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745. )


----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home