Sunday, March 25, 2012

PAJE, SOLIMAN : DI TUWID NA DAAN

KAHIT matino ang pamumuno ni PNOY, sa pagpupumilit niyang italaga ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete na ibinasura na ng Commission on Appointments (CA) at matatawag nang “bulok na kamatis” ay lutang na lutang ang kanyang kahinaan.
Sabi nga ni Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) Chairman Dominador Pena, dapat nang sibakin ni PNoy ang mga miyembro ng Gabinete na nagpakita ng kahinaan at pagkairesponsable habang nasa tungkulin partikular sina DENR Sec. Ramon Jesus Paje at DSWD Sec. Dinky Soliman.
Hindi na nga dapat ipilit ni PNoy ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na tinanggihan na ng CA lalo si Paje na pumalpak nang hindi pagkalooban ng ECC (environmental compliance certificate) ang $6 bilyong Tampakan Copper-Gold project dahil lamang sa open-pit mining ban ng South Cotabato.

-----$$$---
SABI nga ni Pena: “Malaking kabobohan ang ginawa niya dahil hindi maaaring manaig ang isang bagong provincial ordinance na ipinasa lamang noong 2011 sa umiiral nang 1995 Mining Act at kahit hindi nakapag-aral ay maiiintindihan ito. Napakabobo talaga nitong si Paje sa kanyang ginawa laban sa Tampakan project. ”
Ang pagiging iresponsable ni Paje ay nakita mismo ng Chamber of Mines of the Philippines na halos nagdeklarang “pagsabotahe” sa ekonomiya ang aksiyon nito laban sa Tampakan project kaya tiyak na muling ibabasura ng CA ang reappointment nito, kahit paulit-ulit pang gawin ni PNOY.

-----$$$---
May ulat na ipinamamalita ni Paje sa pamamagitan ng dati niyang boss sa DENR na si ex-secretary Mike Defensor na nasa likod niya ang Iglesia ni Cristo (INC) kaya hindi siya magagalaw ni Pnoy na malaki kuno ang takot sa nasabing grupong pangrelihiyon.
Tinuligsa rin ng 4K ang reappointment ni Soliman sa DSWD dahil kabilang ito sa mga nandaya sa halalan noong 2004 para manalo si GMA at nakinabang sa maaanomalyang Peace Bonds ng CODE-NGO.
Hindi ba ang dapat nakakulong itong si Soliman kasama ni GMA dahil magkasama sila noong 2010 nang dayain si FPJ?

-----$$$---
Sana naman, may magpayo nang mabuti kay PNoy na alisin na niya sa Gabinete ang mga bulok na kamatis lalo sina Paje at Soliman.
Nahihirapan na nga siya sa multi-tasking, tapos ang mga nakapaligid pa sa kanya ay inutil din?
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 26, 2012 issue.UNEDITED. CC. Bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home