Saturday, March 31, 2012

LAMEDUCK PRESIDENT IN THE MAKING

BUO na ang TIKET ng PDP Laban party ni Vice Binay para sa 2013 senatorial election.
Tipong KOALISYON ito ng mga GALIT kay DOTC Sec. Mar Roxas.

----$$$--
MARAMI ang nagsasabi na MALAKAS ang naturang TIKET ni Binay sapagkat naririto ang mga POPULAR na pangalan.
Pero sa totoo lang, hindi natin puwedeng sabihin kung MALAKAS o hindi ang naturang “TIKET” kung hindi pa nabubuo ang KALABANG TIKET.

-----$$$--
ISANG aktuwal na paghamon ito ni Binay sa kakayahan ni Roxas na makabuo ng malakas na KOALISYON ang Liberal Party.
Pero ang tiket ni Roxas ay maaaring mabuo mula sa mga SEPSEP kay PNoy.
Meaning, ang LAKAS o PANALO ng Tiket ng Liberal Party ay nakasandal sa PERFORMANCE ng Aquino Administration.
Malaking problema ito.
Kasi’y kailangang maresolba nila ang KRISIS sa elektrisidad sa Visayas at Mindanao.
Hindi puwedeng SOLUSYON ditto—ay ang PAGTAAS ng presyo sa SINGIL ng konsumo sa kuryente, dahil BUBUMERANG o BABANLANDRA ito sa kanilang KANDIDATO.

----$$$--
KAPAG hindi naresolba ang ARAW-ARAW halos na nakawan, patayan, salvage, carnapping at malagim na mga KRIMEN---MAGDUDURUSA ditto ang kandidato ng administrasyon.
Sinasabing pangungunahan ni DOJ Sec. Leila de Lima ang TIKET ng Liberal Party, MASASAYANG siya, dahil baka si MATIMBOG.

-----$$$--
KAPAG nagsimula nang mabuo ang TIKET ng PDP-Laban at Liberal Party, unti-unti nang HIHINA ang PODER ni PNOY dahil—malilipat ang “PUWERSA” alinman kina BINAY at ROXAS—na kapwa lider ng Partido.
Sakaling makopo ng grupo ni Binay ang MAYORYA sa Senado, MALAKING BAWAS ito sa poder ni PNoy.
Sakaling makopo naman ng Liberal Party ang Senado, hindi ito iskor ni PNoy, bagkus ay iskor ni ROXAS na kakandidatong kongresista para sa pangarap na maging SPEAKER OF THE HOUSE.
Kahit sino o kanginong GRUPO ang kumontrol sa SENADO—hindi makakadagdag ng PODER it okay PNOY—sapagkat, walang RE-ELECTION ang presidente.
Iyan ang matagal na nating sinasabi—walang kauuwian si PNOY—after 2013 kundi ang maging LAMEDUCK PRESIDENT.
Iyan ang pinakamapait niyang magiging KAPALARAN.


-----$$$--
KAPAG naging LAMEDUCK PRESIDENT si PNOY, matutuwa ang kanyang mga PINAGHIGANTIHAN o NABIKTIMA ng “ABUSO” sa kapangyarihan.
Dalawa ang maaaring mangyari: Una, PATAWARIN siya o palampasin ang kanyang ATRASO; ikalawa, maaari siyang RESBAKAN!!!

-----$$$--
MATAPOS ang 2013 senatorial at local elections, iinit na ang 2016 PRESIDENTIAL CAMPAIGN—na tunay na MAGPAPAHINA ng poder ni PNoy sapagkat, lilipat ang LOYALTY ng mga HUNYANGGO at SEPSEP sa pinaniniwalaan nilang NEXT PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.
Kung ang panghihina ng poder ni PNoy ay magsisimula makaraan ang eleksiyon sa Mayo, 2013---ilang buwan na lang ang RUROK ng kapangyarihan ni PNOY sa Malacanang?
Tama po kayo—HALOS 12 BUWAN na lamang o EKSAKTONG ISANG TAON.
Kahit ano ang gawin ni PNoy, madidistorbo na siya ng katakot-takot na INTRIGA sanhi ng nalalapit na mga ELECTION
Kung sa naunang tatlong TAON ay TINAMAD at KUMUYAKOY siya, kahit mag-KAYOD-KALABAW siya, wala na ring TALAB ito sa mga nakatungangang mamamayan.
Isang paalala ito n asana ay maunawaan ng mga AMUYONG sa Malacanang.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, Abril 01, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home