Monday, March 26, 2012

US TROOPS IN MANILA: NOT AGAINST CHINA...READY FOR KOREAN WAR

KRISIS, krisis, krisis!
Hindi pa man nareresolba ang hindi maawat na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, pangunaing bilihin at singilin sa serbisyo tulad sa konsumo ng elektrisidad, tubig, pasahe, matrikula at iba pa, may malaki na naman ang problema ang administrasyong Aquino---ang GIYERA kontra North Korea.
Kung hindi tinablan ang Pilipinas sa gulo sa Iraq, Afghanistan, Libya at Syria—imposibleng hindi MARINDI ang Malacanang sakaling pagbagsakin ng Japan ang long-range rocket ng North Korea na maghahatid ng satellite sa kalawakan.
Nagwarning na ang Japan, nagreklamo naman ang Department of Foreign Affairs; at naglabas ng opinion ang tanggapan ng bise presidente kaugnay ng kaligtasan ng mga OFWs sa South Korea.
Ang senaryo ay may LOHIKA: Matapos bawian ng buhay si Kim Jong Il ay ipinasa sa kanyang batambatang anak na agresibo ang TIMON ng gobyernong komunista at upang ipakita ang LIDERATO, ilulunsad ang long range missile alinmang araw sa susunod na linggo.
Tiniyak ng Japan na papasabugin ito sa ere.
Ano ang posibleng gawin ng North Korea?
Sa naunang opisyal na pahayag, nilinaw ng North Korea na GAGANTI sila ng BOMBA sa alinmang BANSA na didispalinghado ng kanilang PLANO sa paghahatid ng Satellite sa kalawakan.
Ibig sabihin, bobombahin din nila ang Japan, at kapag ginawa yan, siyempre, isasabay sa PAMBOBOMBA—ang tunay na kaaway nilang MORTAL na South Korea kung saan naroroon ang libo-libong OFWs.
Ano ang gagawin ng United States?
No choice si US President Barrack Obama na saklolohan ang dalawa nilang KAALYADO—Japan at South Korea.
Kayo ang humusga, walang duda na DAMAY na damay ditto ang Pilipinas!
Bakit?
Sapagkat sa oras na ito, NAKAHIMPIL sa teritoryo ng Pilipinas ang libo-libong US troops na ang aktuwal na motibo—ay ang maging RESERBANG PUWERSA ng US laban sa North Korea.
Tama po, hindi ang CHINA ang pinaghahandaan ng US troops bagkus ay ang posibleng paglala ng kaguluhan sa KOREAN PENINSULA.
Ang mabigat, dahil ginagamit ng US bilang HIMPILAN ng US troops ang Maynila, ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago—isang MAGNETO ito na HIHIGOP ng BALA ng missiles mula sa North Korea sakaling magkaroon ng digmaan.
Ipagdasal nating MALI ang SAPANTAHA ni Sen. Miriam.
Sa panahon ng Semana Santa sa susunod na linggo, MAGDASAL TAYO NANG WALANG PATID.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blospot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home