Tuesday, March 27, 2012

PACQUIAO VS BIR: FIGHT! FIGHT! FIGHT

MABIGAT ngayon ang laban ni Manny Pacquiao.
Kasi’y talagang NAGAGALIT na siya sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ngayon lang niya NAPAGTANTO na ipokrito’t ipokita ang mga nasa gobyerno.
Hindi totoo na KINIKILALA ng mga ito ang KANYANG AMBAG na karangalan sa Inang Bayan.
Nasaan ngayon ang mga TUNAY NA KAIBIGAN sa gobyerno ni Pacman?
Bakit WALANG nagtatanggol sa kanya at sumasaklolo?

----$$$--
IMBES na maging MODELO o SIMBOLO si Pacman ng PAGSUNOD sa DIREKTIBA ng BIR na magbayad ng buwis, isang SIMBOLO ngayon si PACQUIAO sa PAGKONDENA kontra sa HINDI MAAYOS na pamamalakad ng BIR.
Ibig sabihin, magiging BUHAY na TAGAPAGTANGGOL si Pacman ng mga ORDINARYONG NEGOSYANTE na nagsisikap na magnegosyo pero GINIGIPIT pa rin ng BIR.
Isang SIMBOLO si Pacman ng INAAPING URI kung saan NAGKUKUSA silang MAGBAYAD ng buwis, pero PINUPUWERSA pa ring HUTHUTIN NG GOBYERNO—ang kanilang PINAGHIRAPAN kung saan itinaya niya ang BUHAY.

-----$$$---
ISANG simbolo si Pacman ng ORDINARYONG OBRERO—na kapos ang KINIKITA sa araw-araw pero PINUPUWERSA ng GOBYERNO na magbayad ng buwis.
Buwis na kinokolekta nang PUWERSAHAN—at hindi makatarungan kung saan DINADAMBONG naman ng mga BUWAYA sa pamahalaan.


-----$$$--
LINGID sa kaalaman ng marami, IPINAGBABAWAL mismo ng KONSTITUSYON ang PAGPAPATAW ng buwis—na WALANG KAKAYAHAN na magbayad ang mamamayan.
Ibig sabihin, itinatadhana ng Konstitusyon na maaari lamang MAGPATAW ng buwis---sa ANTAS o SITWASYON na maluwag na MAKAKABAYAD ang taxpayers.
Kapag ang TAXPAYERS—ay nahihirapang MAGBAYAD ng buwis sapagkat UBOD-NANG-LAKI ng sinisingil—UNCONSTITUTIONAL ito.
Dahil UNCONSTITUTIONAL, maaaring humingi ng SAKLOLO si Rep. Pacquiao sa KORTE SUPREMA—upang protektahan siya LABAN sa panggigipit ng BIR.

-----$$$--
KAILANGANG kumilos at PANGATAWANAN ni Pacquiao ang PAGLABAN sa SOBRANG SINGIL ng buwis upang MATULUNGAN niya ang ORDINARYONG NEGOSYANTE na pinupuwersa ring MAGBAYAD ng buwis nang sobra-sobra sa pamahalaan.
Kapag ang BUWIS na ipinapataw ay NAGPAPAHIRAP sa isang INDIBIDWAL at naaapektuhan ang OPERASYON at pangangailangan ng pamilya---LABAG ito sa Konstitusyon.
Pero sa ngayon, walang sinumang LIDER NG BANSA ang humihingi ng LEGAL OPINION sa Korte Suprema hinggil ditto.
Hinahamon ng KOLUM na ito si Pacquiao na magbuo ng PANEL OF LAWYERS upang linawin ang isyung ito.
Kapag nagawa ni Pacman ang mungkahi iyan, WALANG DUDA—puwede na siyang KUMANDIDATONG BISE PRESIDENTE o PANGULO ng ating bansa sa HINAHARAP.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 28, 2012 issue, UNEDITED.Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home