Thursday, March 29, 2012

GESTA: D' VISAYAN LEGEND

ISKUP natin ito sa Philippine boxing!
NAG-TEXT ang discoverer ng wala pang talong si Pinoy boxer Mercito Gesta na si Master Rolly Catoy kaugnay sa latest updates sa kanyang prodigy na inirereto kay Mexican legend Juan Manuel Marquez sa buwan ng Hulyo 2012.
Isa kasi si Mercito na sinusubaybayan ngayon ng mga boxing aficionados hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Wala pa siyang talo at hawak siya ngayon ng promoter na si Bob Arum.
Inihahanap siya ng tuneup fight bago isabak kay Marquez pero sa dinarami ng mga hinahamon niya at inaaro, marami na ang umatras.

----$$$---
IBINUNYAG ni Catoy na naikuha na ni Arum si Gesta ng iskedyul sa Mandalay Bay, Las Vegas at inihahanap siya ng katunggali.
Pinakahuling tumango ay si Jose Alfaro ng Nicaragua, pero kamakalawa lamang ay bigla itong umatras.
Nakatakda sa Abril 14, 2012 ang susunod na laban ni Gesta na kasalukuyang undefeated lightweight North America Boxing champion (NABO) na may record na 24 panalo, walang talo, pero may 12 knockout wins.
Tubong Mandaue City ang 24-anyos na si Mercito na isang dating muay thai at kickboxing international champion mula sa pangangalaga ng kanyang ama na si Pareng Anecito, isang world championship muay thai finalist ;
at ni Master Catoy, pangulo ng IAMTF-Kickboxing Association of the Philippines (KAP).

-----$$$---
MATAPOS umatras si Alfaro , inirereto naman ngayon kay Gesta si William ‘Baby Face” Silva ng Brazil na 25-anyos lamang pero may taas na 6-foot-1 kompara sa 5-foot-7 ng Mandaue kid.
Hawak ni Silva ang record na 18 panalo; wala ring talo pero may 11 knockout wins.
Kung susuriin, patas na patas ang tale of the tape nina Mercito at Baby Face, ipagdasal nating matuloy na ang laban ng dalawa sa Abril 14 sa prestihiyosong Mandalay Bay.
Nauna nang inireto kay Gesta pero nagsiatras din sina Luis Arceo; Ty Barnett; Rey Beltran at ang pinakahuli ay si Alfaro.

-----$$$--
PERO kung tatanungin si Mercito, mas gusto talaga niyang makaharap ay ang tubong Mexico na si Brandon Rios ng United States na tulad niya ay walang talo at may record na 29 panalo na may 12 knockouts---pero naduduwag naman siya kay Gesta dahil nabalitaan nito kung gaano KABAGSIK ANG KAMAO ng Visayan fighter.

-----$$$--
KURSUNADA rin ni Catoy na magharap sina Gesta at Rios dahil maganda ang comparison ng dalawa.
Parehong nakasagupa nina Rios at Gesta sina Manuel Perez at Oscar Meza na parehong Mexicans kung saan masusukat agad ang kaliskis ng dalawa.
Nauwi sa draw o tabla ang laban nina Rios at Perez pero tinalo ni Gesta si Perez sa unanimous decision.
Nang maglabanan sina Rios at Meza ay tinalo ng una ang huli sa 5th round knockout; pero tinalo naman ni Gesta si Meza sa 4th round nang itigil ng referee ang laban matapos mabugbog –sarado ang Mexican.
Ayon kay Catoy, nang malaman ni Rios ang kalidad ni Gesta ay umatras ito dahil ayaw niyang sumabak sa isang KALIWETE tulad ni Gesta na tulad ni Manny Pacquiao.

-----$$$---
MAHALAGA kay Gesta ang panalo kay Silva sapagkat magsisilbing tuneup fight ito laban kay Marquez sa buwan ng Hulyo.
Kursunada naman ni Marquez si Gesta dahil isa itong kaliwete kaya’t epektibong buwelo ito sa kanilang IKATLONG PAGHAHARAP ni Pacquiao na isa ring LEFT-HANDED.
Kung gusto ni Marquez na manalo si Gesta kay Silva, lalong gusto ito mismo ni Mercito na paboritong anak ni Pareng Anecito na lumuwas na sa America upang alalayan ang BAGONG BAYANI ng Visayas.
Ibinunyag ni Catoy na nakatakdang pagharapin ni Arum sina Marquez at Pacquiao sa buwan ng Nobyembre sa taong ito.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 30, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745. )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home