Wednesday, March 28, 2012

KASO SA OMBUDSMAN: MODUS-OPERANDI

NAIS natin linawin na hindi po CITY HALL ang kinukuwestiyung transaksiyon sa Pasay City kundi MARKET MALL.
Karaniwang kasing tinatawag itong CITY MALL kasi’y aktuwal na MALL ang DESENYO ng arkitektura pero ito ay tinatawag na MARKET MALL ngayon.

------$$$--
ITINANGGI naman ni Bise Alkalde Marlon Pesebre na isa siya sa nagreklamo sa Ombudsman kaugnay ng pagpaparenta sa naturang MALL bagkus ay siya mismo at kasama si Pasay City Mayor Tony Calixto at mga bumubuo ng City Council ng Pasay ang inireklamo.
Ang kumukuwestiyun sa transaksiyon ay isang Pamela Ann Paredes- Bautista kaugnay ng public market na ginawang MALL bago ipinarenta sa pribadong kompanya.

------$$$---
BINIGYAAN-DIIN na ang naturang MALL ay pinarenta ng City Government sa WideScope Managements sa bissa ng lease contract agreement na pinagtibay ng Konseho matapos ang isang subasta at serye ng mga pagdinig at konsultasyon.
Bago ipinarenta ang MALL, kumukolekta ng P2 milyon kada buwan ang City Hall pero gumagastos naman ng P3.81 milyon sa maintenance kasama ang pasuweldo at iba pang serbisyo kaya’t nalulugi pa ng halos P2 milyon dahil sobra ang gastos sa nakokolekta.
Pero, matapos iparenta, kumikita pa ang City Hall ng mahigit P1 milyon at naitatabi o nailigtas pa nila ang P3.81 milyong gugulin kada buwan.

-----$$$--
DAHIL sa nalalapit na eleksiyon, kaliwa’t kanan ang kaso na natatanggap na kaso ng Ombudsman na ang karaniwang motibo ay wasakin at sirain lamang ang reputasyon ng mga kalabang politico—at isa ditto ang kaso sa Pasay City.
Dapat ay maging alerto ang mga prosecutors sa Ombudsman sa pagsusuri ng reklamo at hindi sila dapat pumayag na gamiting KASANGKAPAN ang kanilang AHENSIYA sa pangha-harrass sa katunggali sa politika.

----$$$--
DAPAT maunawaan ng Ombudsman na isang maituturing na MODUS-OPERANDI ang pagsasampa ng COMPLAINT sa naturang ahensiya kahit walang MATIBAY na ebidensiya na ang tanging MOTIBO LAMANG ay MAITALA o MAIREHISTRO sa “blotter” na may “COMPLAINT” laban sa politico.
Matapos kasi na mamarkahan nang “RECEIVED” ang reklamo, Malaya nang mailalathala sa MEDIA entities ang complaint—kung saan gagamitin naman ang TERMINONG KASO—kung saan nagmimistulang “GUILTY” ang mga respondents kahit hindi pa man, nasusuri ang petisyon.
Sa bandang huli ay naaabsuelto ang RESPONDENTS pero nasisira na ang kanyang repustasyon tulad sa naranasan ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri.
Dahil ditto, dapat ay may SISTEMA ang Ombudsman kung paano MAPAPARUSAHAN ang mga INDIBIDWAL na nagsasampa ng WALANG KUWENTANG KASO para lamang was akin ang reputasyon ng kalaban sa politika.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, March 29, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home