Tuesday, March 27, 2012

BLACKOUT:"FVR SOLUTION" IN THE OFFING

NAGHUHUGAS kamay ang Department of Energy sa kakapusan ng suplay ng elektrisidad sa Visayas at Mindanao kung saan nanganganib na rin ang Luzon.
Kinakapos daw ng suplay sa enerhiya sapagkat WALANG KAPITALISTA na nagi-invest sa mas tipid na pinagmumulan ng elektrisidad tulad sa coal o hydroelectric power.
Gusto ng DoE na ang pribadong sector ang magpasimuno sa paglikha o pagtuklas sa mapagkukunan ng elektrisidad imbes na PANGUNAHAN ng gobyerno.
Sa ganitong sitwasyon, aktuwal na SUMUSUKO ang administrasyong Aquino sa problema kung saan mistulang inaamin nila na HINDI MARERESOLBA ang pesteng brownout at blackout sa Mindanao, Visayas at Luzon sa mga susunod na panahon.
Batay sa pag-aaral, matagal nang ALAM ng National Development Economic Authority (NEDA) na magkakaroon ng energy shortage sa dekadang ito, pero hindi sila umaaksiyon upang maresolba ang problema.
Pero, ang totoong motibo nito ay upang i-JUSTIFIED ang RAMOS-SOLUTION kung saan palalayain na naman ang mga INDEPENDENT POWER PRODUCERS na umeksena sa industriya imbes ang mas LEHITIMONG SOURCE o energy na geothermal o hydroelectric power.
Sa ngayon, isa ang Pilipinas sa may PINAKAMATAAS na presyo sa elektrisidad dahil sa IPPs na iniuso at isina-LEGAL ni FVR bilang solusyon sa power crisis sa bungad ng dekada 1990’s.
Naagapan ni FVR ang power crisis, pero PINAMANAHAN naman niya ang buong populasyon ng SOBRANG-TAAS na halaga ng elektrisidad.
Sa lumalalang brownout at blackout, nakikini-kinita natin na SUSULPOT ang FVR SOLUSYON—kung saan PARARAMIHIN na naman ang IPPs na PEPESTE sa bulsa ng ordinaryong mamamayan.
Maaaring mawala ang brownout, pero walang duda, MAGSISILAYAS ang mga INVESTORS dahil sa sobra-sobrang presyo sa singil sa konsumo ng ELEKTRISIDAD—bago matapos ang termino ni PNoy.
Ang FVR SOLUSYON, ay maaring KOPYAHIN ni PNOY imbes na tumuklas ng INOBASYON---na reresolba sa brownout na hindi “PINAPATAY SA HIRAP” ang mga MAMAMAYAN.
Maaari naman kasing masolusyunan ang problema gamit ang mas TIPID na pinagmumulan ng enerhiya—tulad ng WIND, GEOTHERMAL at DEUTERIUM.
Imbes kasi na magsaliksik at mag-iisip, sila ay pakuya-kuyakoy lang!!!

(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 28, 2012 issue, UNEDITED.Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home