Monday, March 26, 2012

KOREAN WAR 2012 ON APRIL FOOL'S DAY

NAGBABALA na si Sen. Miriam Defensor Santiago sa posibilidad na BOMBAHIN ng North Korea ang teritoryo ng Pilipinas.
Malaki ang TAMA ni Sen. Miriam.
Hindi pwedeng MAGKIBIT-BALIKAT ang Malacanang sa naturang WARNING.
Kasi’y may LOHIKA ang babala.

----$$$---
BATAY sa mga lumalabas na ulat, AKTUWAL na nag-WARNING mismo ang Japan na PASASABUGIN nila ang ilulunsad o PAKAKAWALAN sa ere na SATELLITE ng North Korea alinman sa mga araw ng Abril.
Maaaring sorpresang isagawa ito sa April FOOL’s day.

------$$$---
NAUNA rito, inabiso na ng Malacanang na SANG-AYON si PNoy na panatihin sa teritoryo ng Pilipinas ang US troops higit na marami sa nagdaang mga taon.
Ngayon, mabibisto natin—na ang MOTIBO ng pagpasok ng US troops ay hindi sa simpleng PHL-US military exercises at hindi rin upang DURUIN ang China, bagkus ay UPANG gawing “STANDBY BATTALION” sakaling magkagulo sa buwan ng Abril.

-----$$$--
SAKALING kasi’y bombahin ng Japan ang LONG-RANGE ROCKET na maghahatid sa SATELLITE sa kalawakan, maaaring mag-RUMESBAK ang North Korea.
Sa aktuwal na pagtaya, ang BALLISTIC MISSILE ng Korea ay may KAPABILIDAD na makaabot sa teritoryo ng Pilipinas kaya’t MULING madadamay ang Maynila.

-----$$$--
MAAARING inililihim ng Malacanang ang SENARYONG ito imbes na maging TRANSPARENT.
Tameme naman ang SENADO na may RESPONSIBILIDAD na i-REVIEW ang aksiyon at desisyong Malacanang sa lahat ng may kaugnayan sa NEGOSASYON sa ibang bansa.
Maaari kasing MAPAHAMAK o MAGKAMALI ang Malacanang sa LIHIM na pakikipagkasundo sa US nang hindi kinukonsulta sa Senado.
Tama si Sen. Miriam, pero mas mainam ay PORMAL niyang HAMUNIN ang kanyang mga kasaman na maglabas ng POSISYON hinggil ditto.
Ang problema, naka-BAKASYON ang Senado kaya’t Malaya ang MALACANANG na makipag-ULAYAW sa US nang hindi kinukonsulta ang SENADO.

-----$$$---
NAUNA nang nagbabala at PUMIYOK ang Department of Foreign Affairs sa plano ng North Korea, pero hindi naman sila PINAPANSIN.
Dahil ditto, hindi maiaalis na maidikit sa naturang ISYU ang pagpahayag ni PNoy na makapasok sa Pilipinas ang US troops upang gamitin itong EMERGENCY MILITARY BASE sa buong buwan ng ABRIL.
Hindi ito biro.
Sapagkat sa oras na ito, nakahimpil na sa TERITORYO ng Pilipinas ang BARKO-DE-GIYERA ng AMERIKA.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, March 27, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blospot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home