Wednesday, March 28, 2012

MAY UTANG SA PUBLIC SCHOOL: DI PINAGA-GRADUATE

MARAMI pa ring nagrereklamo laban sa mga administrador at nangangasiwa sa mga eskuwelahan na nagbabawal sa mga ESTUDYANTE na maka-GRADUATE hangga’t hindi nababayaran ang mga utang sa matrikula.
Sa pribadong eskuwelahan ay maaari itong ipatupad sapagkat isang klase ng negosyo ang turing ng mga may-ari nito.
Pero sa public school tulad sa University of Caloocan City ay isang masamang pangitain ito sa mga magulang ng estudyanteng KINAPOS ng pambayad sa eskuwelahan kung saan ang GRADO ng kanilang mga anak ay hindi IBINIBIGAY at hindi rin ISINAMA ang kanilang mga ANAK sa graduation ceremony.
Hindi nag-iisa ang University of Caloocan sa pagpapatupad ng ganitong klase ng patakaran kung saan IPINAGKAKAIT sa mga menor-de-edad at sa kanilang mga MAGULANG ang “SAYA NG TAGUMPAY” sa araw ng Pagtatapos.
Dapat ay aksiyunan ito ng kinauukulan dahil hindi lamang ito LABAG SA BATAS bagkus ay labag sa MORAL at isang klase ng DISKRIMINASYON---sa mga “MAY PERA” at mga “KAPOS SA BUHAY”.
Isang malaking paghamon din ito sa matataas na OPISYAL ng gobyerno na SURIIN ang patakaran sa mga PUBLIC SCHOOL na ang motibo ay MAGLINGKOD SA EDUKASYON—at hindi upang MANGOLEKTA ng salapi.
Ang isang MENOR-DE-EDAD na pinagkaitan ng “kaligayahan na maka-akyat sa ENTABLADO sa panahon ng GRADUATION”—ay kaawa-awang BIKTIMA ng isang MALUPIT NA PARUSA ng mga “naturingang” EDUKADONG TAO .
Sana’y bantayan ng mga awtoridad ang mga PUBLIC SCHOOL sa buong bansa na lumalabag sa maayos na pagkakaloob ng edukasyon sa nagdarahop na hanay ng lipunan.
Maglabas dapat nang MALINAW na direktiba ang Department of Education at Malacanang hinggil ditto: Mga may utang sa public scholl bago mag-Graduation!!!
(EDITORIAL, Bulgar Newspaper, March 29, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home