Tuesday, April 10, 2012

NGIYAW NG PINAS

DIRE-DIRETSO lang ang kaguluhan sa Mindanao.
Kaliwa at kanan pa rin ang BOMBAHAN.
Bakit dedma pa rin ang mga awtoridad?

----$$$---
TAMA si Senate President Juan Ponce Enrile sa pagsasabing dapat MANAHIMIK ang Malacanang kaugnay ng rocket launch ng North Korea.
Kumbaga, SALING-PUSA lang ang Pinas, pero siya pa ang SOBRANG NGIYAW sa isyu.
He, he, he.

----$$$--
PATAY ang 2 Pinoy seamen pero nailigtas ang WALONG kasamahan nila nang I-RESCUE sila ng IRANIAN NAVY mula sa Somali pirates na nang-hijack ng kanilang barko.
Iyan ang IRANIAN.
Iyan ang PINOY.
Iyan ang SOMALI PIRATES.
Nasaan ang Malacanang?

----$$$---
HINDI raw NATATAKOT ang Liberal Party sa TANDEM nina Bise Presidente Jejomar Binay at Pareng Erap.
Kunwari.

----$$$---
SA totoo lang, WALA namang BAGO sa Binay-Erap Tandem, yun kasi mismo ang TIKET nila sa huling eleksiyon.
Meaning, WALANG BAGO sa makinarya.

-----$$$---
NAKAPAGTATAKANG tameme ang LP sa plano nila sa 2013 senatorial elections.
Nakikiramdam muna sila.
Baka nga NINENERBIYOS.
Maaring simpleng nagno-NOYNOYING lang.

----$$$--
ISA na namang BRODKASTER ang pinatay sa DAVAO.
Balita pa ba yan?
Ang balita ay kung may NADAKIP NA ASSASSIN.
Wala kasing NADADALENG killers.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, April 11, 2012 issue. Unedited. Cc.bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home