Wednesday, April 11, 2012

PINAS TARGET NG ROCKET;ZAMBALES PINASOK NG CHINESE WARSHIPS

MAY dalawang malaking sakit ng ulo sa araw na ito si PNoy.
Una, ang ibinabala niya mismo ang pagtama ng debris ng rocket launch ng North Korea sa Northern Luzon.
Ikalawa, ang sorpresang pag-ipit ng dalawang barko-de-giyera ng China sa tanging barko-de-giyera ng Pilipinas sa Scarborough Shoal na sakop ng karagatan ng Zambales.
Hindi maaaring idedma ni PNoy ang dalawang problemang ito na parehong may kaugnayan sa relasyon sa dalawang KOMUNISTANG BANSA.
Sa biglang tingin, pero hindi nahahalata ng marami, ang PILIPINAS ngayon---ay nagsisilbing “KAGIRIAN” ng China at North Korea.
May mga nagtatanong, hindi kaya ito ay bunga ng kanyang PAMBUBUSKA sa North Korea kaya’t nairita ang China?
Alam ng lahat, na ang tanging KAALYADO ng North Korea ay ang pundador ng komunismo na Mainland China.
Isa ring tinatanong ng mga observers ay ang epekto ng nakatakdang RP- US military exercises mismo sa Scarborough Shoal.
Maaari kasing isa itong PAGHAMON o panduduro ng China sa Pilipinas upang masukat kung SERYOSO ang KANO na saklolohan ang Maynila sa gitna ng ganitong klase ng krisis.
Nangangahulugan din ito na sakaling maging MITSA ng giyera ang pagpapasabog ng rocket ng North Korea, ay AKTUWAL nang nakapasok sa teritoryo ng Pilipinas ang DALAWANG CHINESE WARSHIPS—higit na una sa mga ipinangangalandakang US fleet ng America.
Sakaling pasabugin ng Japan ang rocket ng North Korea anumang oras mula ngayon---at rumesbak ang mga ito ng pagbomba sa South Korea at
Japan, maaaring pasukin ng China ang Maynila upang hindi magamit ng US bilang launcing pad ng missiles laban sa kaalyadong North Korea.
Sino ngayon ang makapagsasabing WALANG KINALAMAN o hindi SANGKOT ang Pilipinas sa giyera ng dalawang Korean plus Japan?
Isipin ninyong mabuti: Aktuwal nang nasa teritoryo ng Zambales ang dalawang war ship ng China!
Nasaan naman ang US troops na ipinambola kay PNoy na aasiste sa sandatahang lakas ng Pilipinas?
Nasaan?
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 12, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home