Tuesday, April 03, 2012

BAGONG KRISTO SA MAYNILA ISISILANG

BIRTHDAY bukas, Abril 5, ni Cong. Glo.
Alam na ninyo ang kanyang BIRTHDAY WISH next year.
Makalaya.

-----$$$---
GUSTO ni PNoy na magkaroon ng IISANG POSISYON ang ASEAN kaugnay ng SPRATLYS.
Posisyon na DIKTA ng KANO.

----$$$--
MIYERKOLES Santo na.
May mga nagtatanong, SAKALI bang biglang DUMATING ngayon ang “Bagong Kristo” na inaantay ng mga Kristiyano, at sa PILIPINAS siya umeksena, ano kaya ang senaryo?
Hindi ito imposible sapagkat—ang Pilipinas ang pinaniniwalaang bansa sa MALAYONG SILANGAN na binabanggit sa Bibliya.
At ang Pilipinas ang tanging CATHOLIC NATION sa buong Asia, pinakamalaking kontinente sa daigdig.

-----$$$---
MASELAN ang senaryo sapagkat, malayong malayo na ang SITWASYON noong 33 AD---wala nang SABSABAN sa siyudad, bawal na ang TUPA, BAKA, CAMEL at KABAYO.
Wala rin ang KARPINTERO na hanapbuhay ng kanyang AMA na si San Jose.
Sa ngayon, tiyak na hindi na MAGLALAKAD ang BUNTIS na “bagong Mama Mary” at kung sa Maynila sila mapapadpad, baka mag-PEDICAB siya o mag-KULIGLIG.
Yung nga lang, kapag sa Divisoria sila napadpad, sisingilin sila ng P100 imbes na P20 lang na bayad.
Kumbaga sa SABSABAN, maaaring magkasya na lang silang matulog sa BANGKETA sa Avenida—iyan ay kung hindi sila MADUDUKUTAN sa Carriedo.

-----$$$--
HINDI na isang karpintero ang magiging TATAY ng Bagong Kristo, maaaring CALL CENTER AGENT, o kaya ay drayber ng dyip o KOBRADOR sa loteng.
Imposible kasing maging CIVIL ENGINEER ang maging AMA ng Bagong Kristo, kasi’y nasa Middle East na ang mga enhinyerong Pinoy.

-----$$$--
PERO sa pagbibinata ng Bagong Kristo at tulad sa Pasyon at Bibliya, nakikipagtalo siya sa mga PAHAM, maaari pa rin siyang mapadpad sa PLAZA MIRANDA—at doon siya makipagdebate.
Sayang nga lamang, kasi’y hindi na NAGTATAMBAY ditto ang naging SOSYAL nang si Ka Eli Soriano at mahina naman ang tuhod ni Ka Totoy Talastas na nahasa sa Plaza Miranda bago naging BRODKASTER.


-----$$$--
SAKALING magsisigaw ang BAGONG KRISTO sa PLAZA MIRANDA na siya ang BAGONG LIDER ng modernong henerasyon, baka MADAANAN siya ng PSG at ISAFP—at arestuhin siya.
Kapag pumalag siya, baka ilipat siya sa kustodiya ng mga PULIS—kung saan maaaring TANIMAN siya ng SACHET ng tawas at tea bag ng marijuana—at sabihing ADIK siya at nagha-HALUCCINATE siya sa KAHARIAN NG DIYOS.
Masuwerte ang Bagong Kristo kapag hindi siya “TINUBIG” , KINURYENTE sa yagbols o TAKPAN ng plastic sa ulo.

-----$$$--
KAHIT dumating ang Bagong Kristo, hindi pa rin siya PANINIWALAAN hangga’t wala siyang nagagawang milagro.
Pero sa dami ng MAYSAKIT na mahihirap sa Maynila at KARATIG LUGAR—baka MAPATAY siya sa stampede dahil hindi naman siya AASISTEHAN ng mga parak at BARANGAY tanod---kung wala siyang IBIBIGAY na “DAILY TARA”.
Kaya ba ng Bagong Kristo na PAGALINGIN ang mga nangangayayat na BIKTIMA ng HIV-AIDS sa San Lazaro Hospital?
Ang mga adik sa sigarilyo, shabu at sugal, magagawa ba niyang patigilin ito sa bisyo?

-----$$$--
KRUS din kaya ang IPAPAPASAN sa Bagong Kristo hanggang sa gitna ng Luneta o sa BAYWALK ng MALL OF ASIA?
Hindi kaya itali na lang ang kanyang KATAWAN at ipahila sa RIDING-IN-TANDEM?

------$$$---
MAY “Magdalena” kaya na maawa sa kanya pagdaan sa Ermita? May SIMON SIRENEO kaya na aako ng pagpapahila sa MOTORSIKLO?
Ismagel kaya mula sa China ang PANYO na ipapahid sa kanyang mukha?
Sino kaya ang dalawang “KAWATAN” ang nasa KANAN at nasa KALIWA ng Bagong Kristo---si Renato Corona at si Gloria Macapagal Arroyo kaya?
Dalhin muna kaya ang Bagong Kristo sa TULAY NG MENDIOLA—upang MAHATULAN ni PNOY sa tapat ng Malacanang?
Walang duda, gaya ni PILATO---WALANG DESISYON si PNOY—magiging biktima din siya ng “NOYNOYING”—walang aksiyon, walang desisyon!!!

-----$$$---
SA gitna ng paghihirap ng Bagong Kristo, ano kaya ang mga HULING WIKA na kanyang bibigkasin bago malagutan ng hininga?
Hindi kaya: “Dyaskee, dyaskee, mga bossing, “ANU, ANUU, BA ANG TUMAMA SA BOLA NG JUETENGGGG KANGINA”??
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, April 04, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home