Monday, April 02, 2012

THE FILIPINO ATHEISTS

TUMULAK na si PNOY tungong Cambodia.
Ipagdasal nating MAKABALIK siya nang maayos sa Palasyo.

-----$$$---
MARAMI ang nagsasabi na GAGRABE pa imbes na maresolba ang POWER CRISIS sa Visayas at Mindanao.
Nakikiramay po tayo.

-----$$$---
NAGBABA ng presyo ang LPG.
Para ITAAS uli next week.

-----$$$---
UMUULAN sa Semana Santa
Mainam yan, pampaalis ng ALINSANGAN.

-----$$$---
GUNIGUNITA ngayon ang Holy Week.
Ayon sa mga pari, panahon ito ng PAGTITIKA.
Pero, napupuno ang BEACHES at SWIMMING POOL ng mga taong NAGSASAYA.

-----$$$---
SA totoo lang, maraming may RELIHIYON pero WALANG DIYOS.
Dekorasyon lang nila ang pagkakaroon ng SEKTA.
Yun kasi ang USO eh.
Sa aksiyon, postura at salita, MGA PAGANO sila.

-----$$$---
MAYROON akong naging KLASMEYT kamakailan na “walang diyos”.
Nang dumating si Profesora namin, pinatindig ang lahat para MAGDASAL sa first day ng klase.
Pero, umalis yung KLASMEYT ko na “WALANG DIYOS” sa tabi ko—at tinangkang pumunta sa likuran.
Sinita siya ng propesora, pero maayos siyang sumagot: “Ma’m isa po akong ATEISTA”.
Tiningnan ko ang reaksiyon ng PROPESORA: “Ah, okey”, habang NAMUMUTLA.
Yung klasmeyt kong :”walang diyos”, kalmante lang.

-----$$$---
KAMAKAILAN lang, inilabas sa internet ang isang PINAY na naging ISKOLAR sa US kaugnay sa pagtuklas ng tinatawag na BLACK HOLE sa kalawakan.
Isa siyang SCHOLAR at physicist.
Binasa ko nang buo ang kanyang ACHIEVEMENTS.
Pero sa bandang huli ng interview, inamin niya na HINDI siya naniniwala sa “DIYOS”.
Masaya sana ako sa kanyang ACHIEVEMENTS bilang isang FILIPINO na iginagalang ng mga kapwa niya SCIENTIST.
Pero, nang malaman kung HINDI SILA NANINIWALA SA DIYOS, parang KINUROT ang puso at DIBDIB ko.


----$$$---
HINDI ko sinisisi ang mga tao na ATEISTA o mga taong walang diyos, sapagkat naniniwala din ako na ang mga TAO na nasa ating paligid—ay pawang mga WALA RIN NAMANG DIYOS!
Kasi’y kung MAYORYA ng populasyon ay MAY DIYOS—dapat ay maunlad ang buong mundo at walang AWAY.
Tulad ng United States, nakamarka sa kanilang salapi: IN GOD WE TRUST!
Pero ang negosyo nila ay magbenta ng WAR ARMAMENTS.
Sila rin ang nagpapasimuno ng giyera.
Ilang milyong sibilyan ang NAWALAN ng pag-aari at NAMATAY dahil sa digmaan sa Afghanistan, Iraq at Libya—sino ang NAGPASIMUNO ng mga naturang digmaan?

-----$$$--
ANG mga taong nagpapakilala na ATEISTA ay kahangahanga, sapagkat hindi sila IPOKRITO at IPOKRITA—kompara sa mga MAKADIYOS—na ang ikinilos ay tila mga “walang diyos”.
Sa modernisasyon at teknolohiya, naniniwala tayo na dadami nang dadami ang mga WALANG DIYOS—pero hindi nangangahulugan, magkakaroon ng gulo, tila lalong TATAHIMIK—sapagkat, magiging maingat sila sa pakikisama sa mga tulad din nilang mga “WALANG DIYOS” pero may dekorasyon na krus sa dibdib.
Ayon sa mga ATEISTA, walang record ng krimen ang kanilang GRUPO sa alinmang PANIG ng daigdig particular sa US.
Isang tanda ito na MAS MAY MORAL ang mga WALANG DIYOS, kaysa sa mga MAY DIYOS.
Pagnilay-nilayin natin ito ngayon SEMANA SANTA.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, April 03, 2012 issue. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home