Tuesday, April 03, 2012

ROCKET LAUNCH NG NOKOR, PHL DAMAY

ITO na ang totoo.
Idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang “NO FLY ZONE” ang buong Northern Luzon sa Abril 12 -16.
May bendisyon ni PNoy ang naturang babala bagaman siya ay dumadalo sa 20th ASEAN Summit sa Cambodia kung saan hinihimok niya ang mga miyembrong bansa na sumama sa pagkondena at pagpigil sa nakatakdang ROCKET LAUNCH ng North Korea sa naturang petsa.
Nangangamba ang mga awtoridad na pumalpak ang paglulunsad ng ROCKET sa kalawakan kung saan ang DEBRIS o bahagi ng nakalas na spacemodule ay bumagsak sa teritoryo ng Pilipinas sa Hilagang Luzon.
Inabisuhan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iwasan at kanselahin ang mga biyahe sa Northern Luzon upang maiwasan ang disgrasya.
Apektado ng kanselasyon ang 20 flights mula sa United States, Japan at South Korea.
Bagaman, hindi binanggit sa ulat, may ilang sector ang nababahala na maaaring PASABUGIN ng Japan ang naturang SATELLITE na ihahatid ng rocket sa kalawakan.
Nagbanta kasi ang North Korea na ang alinmang bansa na didiskaril at magwawasak ng kanilang SATELLITE program ay gagantihan din nila ng PAMBOBOMBA.
Sa gitna ng pangingilin sa Semana Santa, ipagdasal nating huwag sana itong maganap dahil maaring maging MITSA ito ng panibagong digmaan kung saan walang duda na madadamay ang mga Pinoy.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 04, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home