Monday, April 02, 2012

PHL: AHEAD IN CYBERCRIMES

MAKARAANG iulat na isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming adik sa shabu, ibinunyag naman ng isang internet news na markado ang Pinas bilang isa sa mga bansang pinagmumulan ng cyber attack o VIRUS na nagwawasak ng mga computer network sa buong daigdig.
Ibinunyag ng Russian Internet security firm KASPERSKY LABS na ika-13 puwesto ang Pilipinas sa 23 bansang nagwawasak ng serbisyo sa internet at mga computer .
Isang sistema ditto ay ang awtomatikong pagpapadala o pag-send ng walang patid na mensahe sa iisang site o email add upang maparalisado ito o MAPUNO agad ang inbox o ang storage na magbibigay-daan upang hindi magamit o hindi na gumana ang kompiyuter.
Isa ang Pilipinas sa apat na South East Asian countries na “kawatan sa cyberworld”.
Kabilang ditto ang Malaysia na ranked 5th; Indonesia na ranked 18th; at Vietnam na ranked 19th.
Noong 2010, isa ang Pilipinas sa 20 bansa na may PINAKAMARAMING CYBER CRIMES.
Sa gitna nito, walang malinaw at kongretong hakbang ang kinauukulan upang maresolba ang mga krimen gamit ang internet.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 03, 2012 issue. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home