Saturday, June 23, 2012

$1B: TIRAD PASS NI PNOY


MUKHANG mapapahamak si PNoy sa $ 1 billion pledge sa IMF para maipautang nababangkaroteng  bansa ng Greece!
Maaaring may katwiran ang mga financial consultant  na ipautang ang DOLLAR RESERVES, pero ito ay mahirap MAUNAWAAN ng 90 milyong Pinoy na ang 80 porsiyento ay nagdarahop.
Kapag pinagdebatehan ang naturang isyu sa barberya, parlor, palengke at turo-turo, hindi malayong MAGKASUNTUKAN at magkapatayan.
Iyan ay kung may tatayong TAGAPAGTANGGOL ang Malacanang na magdedepensa na TUMPAK ang naturang desisyon.
Ang naniniwala lamang na tumpak ang naturang desisyon ay ang 10 PAMILYA na BILYONARYO o tatlong porsiyento ng populasyon—pero may kontrol ng GOBYERNO at MILITAR.
Pero ang 97 porsiyento ng masang Pinoy na inilalarawan nasa ilalim ng pundasyon ng PIRAMIDENG SOSYAL ay nagngingitngit sa galit.
Paano mauunawaan yan ng mga nakatira sa squatter area?
Paano mauunawaan yan ng mga drayber ng pampasaherong bus, dyip, traysikel at pedicab?
Mauunawaan ba yan ng mga obrero, mangingisda, magsasaka, karpintero, tubero, basurero at tindero?
Lalo namang mahirap maunawaan yan ng mga nagugutom at nagpasyang magbenta ng aliw, magnakaw, mag-isnatch, manggoyo at manloko ng kapwa?
Hindi natin alam kung idedepensa ni PNoy sa kanyang SONA ang $1 billion pautang sa Europe, kasi’y wala tayong makitang epektibong ANGGULO , ARGUMENTO o katwiran upang maunawaan ito ng ORDINARYONG MAMAMAYAN.
Hindi malayong  ang $1 bilyong pautot na ito ni PNoy ay  magsilbing TIRAD PASS ng kanyang political career—dito na matatapos kanyang POPULARIDAD!
Kasi’y yung $2.4 dollar ni Ex-CJ Renato Corona ay simpleng HINDI LAMANG niya idineklara pero nasibak at isinumpa.
Pero ang $1 BILYONG DOLLAR—ay lantarang kukulimbatin mula sa BANGKO SENTRAL para sa ipam-FIVE SIX  lamang sa  mga nagdarahop na MATATANGOS ANG ILONG!
(EDITORIAL  ni Ka Ambo, Bulgar Newspaper, June 24, 2012 issue. UNEDITED. Cc. blogspot.bistado.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home