Wednesday, June 20, 2012

JORDANIAN: A DOUBLE AGENT, BEWARE



TULIRO ang Malacanang sa isyu ng pagkidnap kay  Baker Abdullah Atyani na isang Jordanian journalist.
Hindi magkandatuto kung paano iha-HANDLE ang maselang problema ito.
Nabisto kasi  na may “LINK” ang Jordanian  kay Osama bin Laden.
Kasi daw ay si Atyani ang “HULING naka-INTERBIYU” kay Osama.
Iyan mismo ang LUMALABAS sa ulat kahapon pero NGAYON, lamang ninyo mababasa sa mga pahayagan.

----$$$--
DITO masusubok na naman ang inyong mga SINTIDO-KUMON.
Kumbaga, kung gagawin ninyong MASALIMUOT—ang sitwasyon sa LIKOD ng mga balita, lalo sasalimuot ang UTAK ninyo.
Pero, kung sisimplehan ninyo ang pag-analisa, matutuwa kayo sa LOHIKA ng sitwasyon.

-----$$$--
ITO namang  MEDIA—pinakokomplikado ang TINGIN kaya’t tiyak na MAGKAKAMALI ang mga KOMENTARISTA sa PAGKILATIS kay Atyani.
Ito ang TANONG: Kangino nagseserbisyo si Atyani?
Sa  Al Qaida o Jemaah Islamiya ba?
O sa CIA o  sa INTELLIGENCE UNIT ng Pentagon?
Kayo ang SUMAGOT.
Sa biglang tingin o sa biglang sagot—madaling sabihin na MAY LINK o NAGSESERBISYO si Atyani sa terrorist group.
Huh, baka magkamali kayo dyan?
Paalala lang naman natin.
Yan din ang PAALALA mismo ni DOJ Secretary Leila de Lima.

-----$$$--
ETO  kasing si DILG Secretary Jesse Robredo ay agad NGUMAKNGAK nang ngumakngak at hiniling kay PNoy na ideklarang PERSONA NON GRATA si Atyani.
Bigla tuloy sumali at PUMAGITNA mismo si PNoy sa BALIKTAKAN kahapon.
Ano ang opisyal na pahayag ni PNoy?
Narito: “Bago natin hatulan si Atyani, hayaan munang bigyan natin siya ng PAGKAKATAONG SUMAGOT.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Hindi DAPAT MARKAHAN si Atyani bilang “kapanalig ng Al Qaiada o ng terorista!

----$$$--
BAKIT ganyan ang pahayag ng Malacanang?
Bakit bigla silang SUMALI sa “BALIKTAKAN” na simbilis ng KIDLAT?
Baka kasi sila MAPAHAMAK.
Kasi’y “sakaling isang CIA agent’ si Atyani, “mapapa-GALITAN” sila ng White House.
Iyan din ang DAHILAN kung bakit binabastos at balewala lang kay Atyani ang PATUTSADA ni Robredo.
He, he, he.

-----$$$--
SA kolum lang na ito ninyo ito MABABASA o matutunghayan.
Una, si Atyani ay malinaw na DOUBLE AGENT.
Kumbaga sa detective story at suspense thrillee sa Hollywood—si Atyani ay isang DOUBLE SPY.
Mahihirapan ang sinuman na MATUKOY ang kanyang TUNAY NA KULAY.

----$$$--
KUNG itatanong naman ninyo sa kolum na ito kung ano ang ating OPINYON, aba’y siyempre, sasagutin natin yan ng UBOD-TAPANG.
Sa tingin natin, si ATYANI ay isang CIA AGENT.
Bakit?
Una, siya ang HULING NAKA-INTERVIEW kay Osama bin Laden, bago NATUKOY ang kuta sa Pakistan, at bago napatay ang NO.1 MOST WANTED ng daigdig.
Pwess, si ATYANI ay NAGSESERBISYO sa CIA imbes sa terrorist.
At hindi malayong siya mismo ang “nag-tip” sa pinagtataguan ng No.1 Enemy ng US,

-----$$$--
TAMA naman ang analysis na “MAY LINK” si Atyani  sa terrorist group.
Tumpak yan, kasi nga ay isa siyang DOUBLE AGENT o DOUBLE SPY.

-----$$$-
PERO , HINDI iyan ang ISYU.
Ang isyu ay kung ANO ANG MOTIBO ni Atyani sa PAGPUNTA sa Mindanao?
Mahirap matukoy yan.
Pero, iisa ang MALINAW—hindi ito sa IKABUBUTI ng Pilipinas.
Malinaw dito na ang INTEREST ng “ibang bansa”—ang pinagseserbisyuhan ni Atyani.
Isang MAPANGANIB na personalidad ang Jordanian media.

----$$$-
NAGPUNTA si Atyani sa Mindanao sa ISANG MISYON lamang.
At kung magsusuri tayo, ito ay maaaring may KAUGNAYAN sa “lihim na ulat” sa NAPIPINTONG AGREEMENT ng Republika ng Pilipinas sa BANGSA MORO REPUBLIC.
Tulad sa nauna na nating binanggit.
May ulat na lalagdaan na o pumayag na ang Malacanang sa “PAGKAKAROON” ng SUB STATE SA MINDANAO.
Ano ang ROLE ng Abu Sayyaf at terroristang ISLAMIST sa “naturang negosasyon”?
Guluhin muli ang Mindanao o sumuko matapos LAGDAAN ang kasunduan sa “BANGSAMORO SUBSTATE”.

----$$$--
GAYUNMAN, batay sa kasaysayan: Ang ABU SAYYAF ay binuhay  upang GAMITING pang-BLACKMAIL sa MAMAMAYANG PILIPINO.
Kung ano ang IKIKILOS ng mga BANDIDO sa Mindanao sa mga SUSUNOD NA ARAW—yan ang mismong MENSAHE o MOTIBO ng pagpunta ng “double spy”sa Timog.
Kailangan natin ang mga “BAYANING”  magtatanggol sa TERITORYO ng Pilipinas—laban sa MAPANGHIMASOK na mga DAYUHAN.
Sa ngayon, HOPELESS tayo sa pagkontrol ng DAYUHAN  mismo sa ating soberaniya at lupain.
Iyan ang dahilan kung bakit, ang HIMAGSIKAN tungo sa GANAP na kalayaan ay hindi kailanman DAPAT TULDUKAN sa mga ampaw na seremonya tuwing Hunyo 12.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, June 21, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado-blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home