Friday, June 29, 2012

BIBLIYA AT ROSARYO NI PACMAN


MARAMI pa rin ang nangungulit kaugnay sa isyu na : Kapag wala sa Bibliya ay hindi totoo at hindi dapat paniniwalaan.
Ang argumentong yan—ay GASGAS na at laging ginagamit ng mga PASTOR upang sirain ang PANANAMPALATAYA ng mga Katoliko.
Wala daw ang “katagang Katoliko” sa bibliya kaya’t hindi ito dapat paniwalaan.
Wala daw ang “katagang Banal na Rosario” sa bibliya kaya’t hindi dapat paniwalaan.
Wala daw ang “Holy Trinity”  sa bibliya kaya’t hindi dapat paniniwalaan.
Ang tanong ay sasagutin din natin ng isang MALAKING TANONG:
Magtutuwad ka at basahin mo nang buong-buo ang  Banal na Kasulatan nang “cover-to-cover”—at wala kang makikitang “katagang BIBLIYA”.
Dapat bang paniwalaan ang BIBLIYA o hindi?
Wala rin yan mismo ang “BIBLIYA” sa BIBLIYA!!
Hige, tingnan ko ang tigas ninyo sa ARGUMENTO.

-----$$$---
Ang lahat lang ba ng nakikita ninyo ay dapat ninyong paniwalaan?
Mali.
Ang hangin ay hindi ninyo nakikita at ang BACTERIA ay hindi rin nakikita ng “naked eye”, hindi ba dapat paniwalaan yan?
Gusto ng mga KOLOKOY ay  paniniwalaan lang nila ay yung mga NAKIKITA nila , nararamdaman at may ebidensiya.
Hanggang ngayon—ay WALANG PHYCICAL EVIDENCE—tungkol sa KALULUWA  ng  tao, dapat bang paniwalaan ang “kaluluwa”?
Ang “SARILI NINYONG DIYOS”—may ebidensiya ba kayo?
Magtutuwad kayo,wala kayong maipapakita na EBIDENSIYA may “existence” ang inyong mga DIYOS?
O, ngayon, bakit kayo NANINIWALANG MAY DIYOS?

------$$$---
UMIINIT ang isyu sa relihiyon dahil sa paggamit ni 8-division world boxing champ Manny Pacquiao ng sitas sa banal na kasulatan.
Napahamak nga siya nang hugutin niya ang SITAS sa bibliya kung saan ISINUSUMPA ang mga bakla at tomboy—at ginamit niya ito sa pagkontra sa pagpabor ni US President Barrack Obama sa “same-sex” marriage.
Dapat ay “CONSISTENT” si Pacquiao sa kanyang “doktrina” na pinaniniwalaan.
Tama naman ang kanyang posisyon laban sa “bakla at tomboy”—kung pagbabatayan ang ISTORYA sa Lumang Tipan.
Kasi’y ang SODDOM at Gomorrah ay ginunaw sa pamamagitan ng APOY—dahil sa BAKLA at TOMBOY.
Pero, umatras at binawi ni Pacman ang “kanyang pangaral”.

-----$$$--
MAY malaking problema si  Pacman, kasi’y  NAMAMANGKA siya sa “dalawang ilog”.
Dumadalo siya sa mga BANAL NA MISA ng mga Katoliko—pero yinayakap din niya ang “DOKTRINA”  ng mga protestante.
Yung pagtigil niya sa paggamit ng Holy Rosary ay DOKTRINA ng mga protestante.
Napapaniwala kasi siya ng mga PASTOR sa kanilang doktrina na HINDI DAPAT PAHALAGAHAN ang INA NI HESUKRISTO na si Birhen Maria.
Ang pagtanggal ni Pacquiao sa Holy Rosary ay kasingkahulugan din sa PAGBALEWALA niya sa HIRAP at PAGMAMAHAL sa kanya ng kanyang INA na si NANAY DIONESIA.
Masama bang ALAYAN ng  mga panalangin ang pinakadakilang INA na nabuhay sa ibabaw ng lupa na si Mama Mary?
Sagutin ninyo!

------$$$--
SINUMAN ang bumastos kay Nanay Dionesia, tiyak na makakatikim kay Pacman ng  “mag-asawang” LEFT HOOK.
Sinuman ang bumalewala sa Holy Rosary na alay kay Birheng Maria ay makakatanggap ng MALAS.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, June 30, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistadokamao.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home