Saturday, June 23, 2012

SI DOLPHY AT ANG BIGAA



USAP-USAPAN ngayon ang kalagayan ni Tito Dolphy.
Lingid sa kaalaman ng marami, kamag-anak po ng inyong abang-lingkod si Tito Dolphy.
Isa rin po siyang Dugong Bulakenyo.
Sa totoo lang, ,may lupain si Tito Dolphy sa Bgy. Wawa, Balagtas, Bulacan.
Ikinukuwento ng aking amain na si Kapitan Pabling Miranda na ang tawag ni Tito Dolphy sa aking Lolo o ama ng aking ama  ay  “TATA PACIO”.
“Kumusta na si      Tata Pacio sa Longos,” yan ang lagi niyang itinatanong tuwing magkikita sila ni Lolo Kanor na ama ni Tata Pabling sa kabilang barangay.
Ang malapit na kamag-anak ni Tito Dolphy sa Balagtas ay ang lahi ni Lolo Kanor o mas kilala sa tawag na Tata Kanor.
Madalas din siyang pumunta  sa Municipal Trial Court sa Bigaa (Balagtas ngayon), upang ayusin ang mga dokumento ng kanyang lupain dito na nasa pagitan ng Ilog Balagtas at     municipal cemetery sa Bgy. Wawa.
Ang pagkakaalam ko, unang ipinakilala ni Tata Pabling na naging barangay captain ng Bgy. Wawa si CHONA VELASQUEZ kay Tito Dolphy nang hindi pa ito gaanong popular.
Sa totoo lang, ang unang exposure sa telebisyon ni Chona ay sa BARANGAYAN kung saan naging host sina Bert Marcelo at Pilita  Corrales.
Ang BARANGAYAN ay isang amateur singing contest sa Channel 4 kung saan INILALABAN ng mga barangay ang PAMBATO nilang mang-aawit.
At si CHONA ang inilaban ng Balagtas, Bulacan mula pagkandili ng KAMAG-ANAK ng malapit na kamag-anak ni Tito Dolphy na si KAPITAN PABLING.
Pumangalawa lamang si CHONA sa naturang nationwide search at pinaniniwalaang DINAYA.
Pero, mula noon BINAGO na ang pangalan ni         CHONA at ginawang “REGINE” na sumikat nang todo at naging kasikuhan ang PINSAN ni Tito Pabling na si Tito Dolphy.
Kung ano ang naging PAPEL ni Tito Dolphy sa pagsikat ni CHONA ay isang lihim na ang tanging nakakaalam  lamang  ay si Kapitang Pabling.
Kapag umuuwi si Tita Dolphy sa Bigaa, tumutuloy siya sa matandang bahay ni Lolo Kanor at Kapitang Pabling  sa Bgy. WAWA—ang barangay kung saan NAGKAISIP at nag-aral ng  elementarya si REGINE.

-----$$$--
SA ngayon, hindi lamang ang taga-MetroManila ang nagdarasal sa pagrekober ni Tito Dolphy kundi  maging ang kanyang mga kababaryo,  kababayan at kamag-anak sa Bulacan.
Isang lahing Bulakento si Tito Dolphy tulad ng mga  bayaning rebolusyonaryo.
May ilang anak si  Tito Dolphy na  nananatiling NANINIRAHAN sa Bulacan dahil marami silang KAMAG-ANAK dito.
Sa ngayon ng aming pamilya, mga taga-Balagtas at mga taga-Bulacan, ipinaaabot namin ang aming PANALANGIN na sana ay mabilis na makarekober sa kanyang kalusugan ang HARI NG KOMEDYA na isa rin sa INSPIRASYON ng kolum na ito.
Ang mga DYOK at BIRO mula sa kolum na ito ay walang duda na mula sa LAHI ng mga artista at magagandang lalaki.
Siste pa rin, maraming salamat po!!!
(BISTADO ni Ka Ambo, Bulgar Newspaper, June 24, 2012 issue. UNEDITED. Cc. blogspot.bistado.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home