Friday, June 29, 2012

BLUNDER NI KOKO



KUMALAS na si Sen. Koko Pimental mula sa partido nina Bise Presidente Jojo Binay, dating presidente Erap at Senate President Juan Ponce Enrile na United Nationalist Alliance (UNA).
Bagaman, isa nang partido politikal ang UNA, ito ay aktuwal na ALYANSA ng mga partido.
Ibig sabihin ng alyansa, kahit magkakaiba ang pananaw o prisipyong politikal ay nagsanib ang Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at PDP Laban para magtuwang sa 2013 elections.
Sa totoo lang, kahit magkasalungat ang paniniwala ni Sen. Koko sa mortal niyang kaaway na si ex-Sen.Migz Zubiri ay pwede naman silang mag-ALYANSA na maaaring ikatuwa ng publiko—sapagkat may kakayahan siyang UMUNAWA sa isang tao na “hindi kauna-unawa”.
Iyan ang ESENSIYA ng pag-ibig sa kapwa tao, pag-ibig sa bayan—kaya mong isakripisyo ang PERSONAL na  emosyon kung nakataya ang PAGKAKAISA.
Sinayang ni Sen. Koko na makapagtalumpati na ang ESENSIYA ay may “temang malawak na pang-unawa, pagpapatawad at wagas na pag-ibig alang-alang sa PAGKAKAISA.
Ang masakit at masama, inamin ni Sen. Koko kung PAANO siya magtatalumpati.
Kasi’y inabiso na niya na magtatalumpati siya laban sa mga NANDAYA sa nakaraang halalan.
Hindi niya masisikmura na ang “taong nabiyayaan” sa kanyang KAAPIHAN ay makakasama niya sa plataporma sa talumpating politikal.
Mas nais ni Sen. Koko na italumpati ang kanyang GALIT, HINAGPIS, PAGKAPOOT at  HINANAKIT—kaysa sa talumpati ng PAGPAPATAWAD PANG-UNAWA, PAG-IBIG at PAGKAKAISA.
Ngayon pa  lamang ay NABAWASAN na siya ng MILYONG MILYONG BOTO.
Sa bawat panayam, tiyak na hindi niya maiiwasang UPAKAN si MIGZ, imbes na ipokus niya ang KAMPANYA sa positibong aspekto ng pag-unlad ng bansa.
Walang duda, na-BLUNDER si Sen. Koko.
Ipagdasal nating mapasama siya sa Top Ten, kasi’y baka mapang-13 uli siya at mapang-12 uli si Migz.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, June 30, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistadokamao.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home