Thursday, July 19, 2012

BLUNDER SA SONA


TAMA ang payo ni Senate President Juan Ponce Enrile na huwag ISAMA MULI ang issue sa Spratlys sa SONA ni PNoy.
Sa totoo lang, isang BLUNDER ng mga speechwriter ni PNoy ang pagsama sa REED BANK o RECTO Bank sa 2011 SONA ni PNoy.
Binanggit na natin noong nakaraang taon sa KOLUM na ito na MALI ang pagsigaw ni PNoy sa kanyang SONA noong 2011—kung saan nambola siya at nagyabang nang: Yung REED BANK o RECTO BANK—ay teritoryo ng Pilipinas gaya sa RECTO AVENUE.
Isang pagkakamali yan—kasi’y aktuwal siyang naglabas ng FOREIGN POLICY sa kanyang SONA noong nakaraang taon na ikinaalarma ng Beijing.
Mula noon, lihim na nagmaniobra ang China upang sakupin nang aktuwal ang malaking bahagi ng Spratlys kasabay ng pagtatayo ng SHANSA CITY.

----$$$--
TALIWAS kay Pnoy na nambobola, tahimik ang lideratura ng China, pero aktuwal itong kumikilos nang KONGKRETO at EPEKTIBO.
Aktuwal silang NANGINGISDA at sinusuportahan ang mga CHINESE VESSELS na umuokupa sa Scarborough Shoal at malaking bahagi ng Spratlys.
Ang Pilipinas—ay puro PAMBOBOLA lang, protesta at KUWENTO, pero walang aktuwal o  kongkretong HAKBANG o utos sa AFP at mga mangingisda.
Iyan ang paulit-ulit nating sinasabi sa SONA ni PNOY—punumpuno ito ng BOLA.
Walang laman, walang talab, puro hangin lang.

-----$$$--
ANO ngayon ang sinasabi ni PNoy na ang REED BANK o Recto Bank ay hindi nalalayo sa RECTO AVENUE?
Wala.
Nakakahiya.
Naipahamak niya ang SOBERANIYA at TERITORYO ng Pilipinas sa isang MALING TALUMPATI na ginawa ng kanyang mga SPEECWRITER.
Dapat maunawaan ni  PNoy na ang anumang letra, mensahe at kataga ng SONA—ay nagsisilbing GOVERNMENT POLICY.
Kapag bumanggit si PNoy tungkol sa SPRATLYS—ituturing yan ng CHINA na isang FOREIGN POLICY kaya’t dedepensa o OOPENSA ang mga ito nang lihim.
Hindi dapat NAMBOBOLA si PNoy—kasi’y NAIPAPAHAMAK niya ang buong Republika ng Pilipinas.

-----$$$--
KUNG hindi man dapat banggitin ni PNoy ang tungkol sa SPRATLYS, hindi rin niya dapat banggitin ang tungkol sa SUB STATE ng Bangsa Moro sa Mindanao.
Pero, tila hindi makikinig ang kanyang mga SPEECHWRITER sa ating PAYO.
Dahil may kutob tayong OPISYAL niyang  ihahayag sa Lunes, Hulyo 23—ang paglagda ng government panel sa SUB STATE ng mga Moro sa Mindanao.
Isang panibagong BLUNDER ng kanyang mga speechwriter at mismo ni PNoy.

----$$$--
ANG BLUNDER  ni PNoy gamit ang PAMBOBOLA sa SONA—ay maaaring malaki ang maging KAPALIT.
Delikadong mawala siya sa MALACANANG—nang hindi inaasahan, sa isang hindi rin inaasahang SITWASYON at hindi inaasahang PAMAMARAAN.
Ipinaaalaala natin ito ito kay PNoy upang maingatan niya ang kanyang PUWESTO na ipinamana ng kanyang ina at ng kanyang AMA na pinatay at biktima ng isang PERFECT CRIME.
Buong pagpapakumbabang ipinapayo natin yan, para sa PERSONAL niyang  kaligtasan.
Mag-ingat siya sa mga taong nasa paligid niya, baka IPINAPAHAMAK na siya.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, July 20, 2012  issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home