Monday, July 02, 2012

BUS DRIVER SUWELDUHAN; TRAFFIC ENFORCER PORSIYENTUHAN


DINEDMA ni PNoy ang mungkahi ni Senate President Juan Ponce Enrile na buhayin ang CHACHA upang bigyan ng PRAYORIDAD sa badyet ang militar na magdedepensa sa Spratlys.
Malinaw na gusto ni Enrile ang CHACHA.
Pero, binasted din siya ng Kamara ng mga Representante na sumusunod lang sa KUMPAS ni PNoy.
Kasi naman ay BISTADONG-BISTADO ang motibo ni Enrile.
Gusto ni Enrile na magkaroon ng OPORTUNIDAD na mabago ang Konstitusyon—upang maging PRIME MINISTER bago siya mag-ala DOLPHY.
Meaning, hindi totoo  na MILITARY budget ang nais niyang isulong kundi ang TULUYANG  baguhin ang PORMA ng gobyerno.

----$$$-
HINDI ba ninyo nahahalata na VERY CONSISTENT si Enrile sa kanyang posisyon na buhayin ang CHACHA pero hindi siya makaporma.
Pero, consistent lang siya sa CHACHA pero INCONSISTENT at iba-iba ang kanyang ginagamit na ARGUMENTO at katwiran para mai-JUSTIFIED ito.
Hindi ba ninyo natatandaan na “ECONOMICS PROVISION” ang naunang katwiran at argumento na IKINAKATWIRAN ni Enrile  NOON upang magkaroon ng CHACHA, at ngayon lamang ay MILITARY BUDGET.
Masyado na siyang nabibisto.
Iyan ang totoong BISTADO—gusto niya na maka-TSAMBA na maging PRIME MINISTER bago siya tuluyang “mamaalam”.

-----$$$--
MAY SUWELDO na ngayon ang mga DRIVER at KONDUKTOR ng bus.
Ngayon, ito namang mga TRAFFIC ENFORCERS—ay “PORSIYENTUHAN” ang kompensasyon imbes na suwelduhan.
Hindi biro yan, TOTOO po yan!!
Ay buhayy, talaga!!!


-----$$$--
BANDANG huli niyan ay baka mareklamo ang mga ISNATSER at  HOLDAPER sa bus.
Baka HUMINGI na rin sila ng SUWELDO mula sa mga PROTEKTOR na parak.
Kasi’y nahihirapan sila na “makatanggap ng kaparte” mula sa dinambong nila sa mga PASAHERO.
Hindi naman sila makapag-SINUNGALING sa bilang at halaga ng kanilang NAKUKULIMBAT.
Kasi. Ini-IMBENTARYO ng kanilang police protector ang nasa listahan sa “BLOTTER”.
He, he, he.

-----$$$---
KAYA  para WALANG AWAY, baka  gawing “SUWELDUHAN” na rin ang kita ng mga ISNATSER at HOLDAPER sa bus.
Maganda ang MUNGKAHING iyan ng KOLUM na ito.
Sa ganyang paraan, MABABAWASAN ang “bilang ng mga napapatay sa holdap”.
Kasi’y SUWELDUHAN na ang mga holdaper eh.
Hindi ba’t ang ESTILO yan ay hindi nalalayo sa SOLUSYON ng gobyerno sa  laban sa KILLER BUS?
He, he, he, yan namang solusyon natin ay laban sa totoong KILLER.
Pareho lang silang PINAGKIKITAAN ng mga PARAK!!!
Imbes na PARUSAHAN, pina-SUWELDO pa sila!!!
Ha! Ha! Ha!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, July 3, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home