Tuesday, July 17, 2012

PNOY: BAGONG HARI NG KOMEDYA



KUMPIRMADONG may mahigit nang 100 sasakyang pandagat  ang China sa paligid ng Spratlys mula sa dalampasigan ng Dulong Luzon hanggang sa dakong aplaya ng Palawan.
Hindi pa kasama dyan ang regular na nagrerekoridang barko de giyera, at malalaking  barkong pangisda ng mga Tsino.
Ibig sabihin, TOTOO ang text na kumakalat na tipong may flotilla o langkay-langkay na bangkang may-armas na pumasok sa bisinidad ng         Palawan.
Totoo ang abiso o BABALA ng texters sa ikinalat na pabalita NOON pang nakaraang buwan.
Maaaring NAPAGKAMALAN ng texters na  ARMED FLOTILLA ang  mga bangka at barko ng China.
Makikita kasi na may WATAWAT ng China sa mga bangka.
At kung titingnan mo nang malayuan ay  mistulang SUMASALAKAY ito sa arkipelago ng Pilipinas.
Nakakalungkot isipin na INUTIL ang AFP at COMMANDER-IN-CHIEF na  ipagtanggol ang SOBERANIYA ng Republika tulad sa ITINATADHANA ng Konstitusyon.
Sa aktuwal, hindi UMAALIS ang sangrekwang bangka at barko ng China sa Spratlys.
Ano ang tawag ninyo dyan?
Hindi ba’t isang “defacto” o aktuwal na pag-OKUPA na yan sa ating karagatan?
Walang ni isang SUNDALO na nagbubuwis ng buhay upang ipakipaglaban ang ating teritoryo.
Kahit KONTING DAKDAK—ay tameme ang mga “makabayang sundalo”.
Kaawa-awa ang INANG BAYAN—na walang NAGMAMAHAL na sundalo.


-----$$$--
ANG malagim na eksenang ito ng pag-OKUPA sa ating karagatan ay madu-DUPLIKA kapag inihayag ng Government  of the Republic of the Philippines (GRP) na lalagdaan o NILAGDAAN nila ang wagas na kasunduan sa MILF—na magbibigay-daan para sa isang MORO SUB-STATE.
Kapag pumayag si PNOY na maitayo ang SUB STATE sa Mindanao, aktuwal na namang NABAWASAN ang LAND AREA ng Republika ng Pilipinas dahil ibibigay niya ito sa MILF na  magsisilbing PUPPET GOVERNMENT ng mga dayuhan partikular ng United States, Canada, Australia, Japan, Malaysia at Britain.
Sa madaling salita, ang malaking bahagi ng MUSLIM territory ay aktuwal na AAGAWIN ng BANGSA MORO; at ang malaking bahagi ng WEST PHILIPPINE SEA—ay aktuwal na na-OKUPAHAN ng China.
Ang lahat nang ito ay nagaganap sa ilalim ng administrasyon ng  isang DAKILANG LIDER NG PILIPINAS—si PNOY.
Mabuhay ang kadakilaan ni PNoy.
Walang dumadanak na dugo sa kanyang administrasyon.
Ipinamimigay kasi niya nang LIBRE—at WALANG DIGMAAN—ang teritoryo ng Pilipinas.
Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!
Hindi si Vic Sotto, hindi si Willie Revillame at lalong hindi si Epy Quizon ang hahali sa trono ng Hari ng Komedya na si Tito Dolphy.
Si PNOY ang bagong HARI NG KOMEDYA!
Bakit?
Sapagkat ang Pilipinas ngayon—ay PINAGTATAWANAN ng buong mundo.
Viva Pilipinas! D’ LAUGHING STOCK of the world!!
(Bistado ni Ka Ambo column, Bulgar newspaper, July 18, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/  @bistadoniambo on twitter/  bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272) .

0 Comments:

Post a Comment

<< Home