Thursday, July 19, 2012

RH BILL: COMATOSE


NINENERBIYOS na ang mga proponent ng Reproductive Health Bill.
Kasi’y maraming mambabatas ang kumokontra dito kahit pa alam nilang ineendorso ito ni PNoy.
Bistado kasi na idinidikta lamang ito ng ibang bansa partikular ang United Nations at United States upang magkamal ng salapi ang mga multi-national companies na nangangapital sa mga drug companies.
Kapag kasi naibasura ang RH Bill, hindi malayong malugi ang ilang multi-national drug companies na nagmamanupaktura at nagdi-distribute ng mga condoms at iba pang contraceptives.
Nabawasan ng malaking kita ang mga multi-national drug companies na ito na nakabase sa US at Europe nang maging batas ang Generic  Drug Act at ang panibagong pagbasura sa RH bill ay  huling pako na magseselyo sa kabaong ng kanilang pagkalugi.
Ang inaasahang pagkabangkarote ng ilang multi-national drug companies ay direktang makakaapekto sa naghihingalo nang ekonomiya ng Europe at America.
Ibig sabihin, mulat ang mga  mambabatas na makikinabang lamang sa RH bill ay ang mga dayuhan kung saan target nito na paliitin ang populasyon ng Pilipinas.
Sa ngayon, ang pundasyon ng dollar reserves ay nagmumula sa mahigit na 10 milyong overseas Pinoy na ang ibig sabihin--  GULUGOD ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang mismong MANPOWER o HUMAN RESOURCES na nagmumula sa bilang ng kanyang 90 milyong populasyon.
Sa simpleng matematika, kapag binawasan mo ang BASE NUMBER o pundasyon, mababawasan mo rin ang LAKAS ang isang gusali.
Ang 10 milyong  overseas Pinoy ay nakapundasyon  mismo sa POPULASYON—kaya’t ang anumang pagtatangka na idiskaril at bawasan ito—ay ISANG LUBID na itinatali natin sa ating mga leeg.
Maunawaan sana ito ng mga BAYARAN at SEPSEP na mambabatas na naglilingkod sa mga dayuhan.
EDITORIAL  NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, July 20, 2012  issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home