Tuesday, July 27, 2010

SONA ni PNoy: Unconstitutional!!!

DAPAT isailalim sa masinsinang module sa public administration ang lahat ng mga bumubo ng hindi pa man lang naile-LEGAL na Communications Group.
Sino kaya ang natoka sa “content” ng talumpati sa SONA?
Malinaw na nakapag-compose sila ng “materyales” pero kapos ang speech writer sa basic concept sa democratic process.
Alam lamang ng nag-sulat ng SONA ay ang simpleng page-expose.
Pero, mahahalata ditto na hindi niya alam kung ano ang tamang proseso laban sa pagsugpo sa katiwalian at kung paano ito nireresolba sa isang demokratikong gobyerno.
Malinaw na hindi alam ni PNoy na MALI ang kanyang kinabisado o binabasang SONA.
Hindi alam ng speech writer na ang PANGULO ay dapat siyang mauunang gagalang sa due process.
Ang due process ay itinatadhana sa Saligang Batas na nagsasabi na dapat bigyan ng karapatang maibigay ang panig na inaakusahan bukod pa sa hindi siya maituturing na GUILTY hangga’t hindi nahahatulan ng alinmang hukuman.
Kung nakinig kayo ng SONA, malinaw na itinuring ni PNoy at naimpiuwensiyahan ang mga NAKINIG na guilty ang mga inaakusahan.
Kahit sa simple procedure sa paglalatag ebidensiya at mosyon sa husgado—ay mali na agad ang SONA—wala kasing PARTIKULAR na inaakusahang OPISYAL ditto, kahit ang espesipikong opisina, bureau o komite ay hindi binanggit na siyang RESPONSIBLE sa “sinasabing pagnanakaw”.
Masusukat natin ngayon kung ANONG KLASE ng liderato mayroon ang bagong administrasyon.
Masusukat din natin kung “may karga” ang kanyang mga advisers.
Nakakalungkot isipin at nakakahinayang, mag-aantay tayo ng ANIM NA TAON sa ganitong klase ng administrasyon.
----30-----

1st SONA NI \PNOY: ala-TULFO!!!

TRYING hard ang SONA ni PNoy.
Tila “expose” ng isang journalist” ang kanyang TALUMPATI imbes na isang “may kalidad” na political speech.
Kasi’y batbat ito ng AKUSASYON, pero hindi naman nagharap ng EBIDENSIYA sa harap ng publiko.
SImpleng “KOMPOSISYON” ito ng isang “expose sa media”.

-----$$$---
Sa tingin ko, ang “speech writer’ ay isang MAMAMAHAYAG, isang “ordinaryonG reporter na excited na makapagbunyag ng alingasngas”.
Marami tuloy ang NAGSASABI na “PARTISAN POLITICS” ang estilo ng kampanya.
Nakakahiya!!!

----$$$$---
NALIMUTAN ng “speech writer” na ang magtatalumpati ay PANGULO NG REPUBLIKA—hindi mamamahayag, hindi rin oposisyon o hindi isang bagitong mambabatas na gagamit ng tinatawag na PRIVILEGE SPEECH.
Sa isang privilege speech kasi’y puwedeng mag-akusa ka nang mag-akusa kahit “wala kang sapat na ebidensiya” at kahit hindi mo HINGIN ang panig ng inaakusahan.
Malinaw na hindi NAUUNAWAAN ng “speech writer” ang kahulugan ng DUE PROCESS.


------$$$--
ITINATADHANA n gating Konstitusyon na hindi maituturing na GUILTY ang isang akusado o suspek hanggang hindi NAHAHATULAN ng Husgado.
Pero, sa SONA ni PNoy, ginawa agad niyang “GUILTY” ang LAHAT ng kanyang inaakusahan.
Kamangmangan ito sa democratic process sa ating bansa.
Pang-KALYE lamang ang ganitong klase ng TALUMPATI.
Nakakalungkot.

-----$$$---
KAAWA-AWA naman kung may ISA o dalawang opisyal o empleado ng gobyerno na “MALINIS ANG BUDHI” na namamasukan sa mga binanggit ni PNoy na batbat ng katiwalian—tulad sa MWSS, DPWH, NAPOCOR, DA,Customs, BIR, NFA at iba pa.
Napaka-SWEEPING ang kanyang akusasyon.

------$$$---
NALIMUTAN ni PNoy na siya ang “PANGULO” at pinakamataas na opisyal ng GOBYERNO.
Ang ini-EXPOSE ni PNoy ay ang SARILI niyang GOBYERNO o ISTRUKTURANG pinaglilingkuran.
Kumbaga, ipinangalandakan niya na BULOK ang isa niyang “PAA”, inuuod ang kanyang “kamay”, may “tumor “ ang kanyang “bituka”, at may cancer ang kanyang “ utak”.

------$$$--
KUNG ang presentasyon sa SONA ay PAGBUBUNYAG sa mga nakagawa ng MALI at KASAKIMAN sa ilalim ng kanyang gobyerno—bakit ini-EXPOSE lamang niya—pero HINDI NIYA INIUTOS agad ang IMBESTIGASYON ang mga espesipikong OPISYALES na sangkot ditto?
Bakit ang SONA ay nag-EXPOSE, pero hindi naman nag-utos na IPAKALABOSO agad o ipaaresto ang mga GUILTY sa pagwawaldas ng kaban ng bayan.
Malinaw na “HINDI PA GUILTY” ang kanyang mga inaakusahan—at ginamit ng SPEECH WRITER ang SONA---upang impluwensiyahan ang EMOSYON ng publiko.

-----$$$--
DAPAT ay inihatid ni PNoy sa KONGRESO ang palldo-paldong ENVELOP ng mga ebidensiya—at ipinakita sa PUBLIKO—na iyon ay kanyang ipasusuri sa mga ABOGADO upang sakaling makakuha ng MALILINAW NA EBIDENSIYA—ito ay pakakasuhan niya sa KORTE.
Yan ang tamang “CONTENT” ng kanyang talumpati.

------$$$---
NAKASAKAY ako sa taxi at NAIDLIP pero NAGISINGako habang NAGTATALUMPATI ang pangulo.
Akala ko ay pinakikinggan ko sa RADYO ay ang isa sa mga TULFO BROTHERS—nage-expose ng katiwalian.
Pag nagsalita kasi, GUILTY na agad ang inaakusahan eh.
Pero ang sabi ng taxi driver sa akin: “sir hindi po TULFO yan —yan po ay si PNOY”.
Sabi ko, SORRY po, kulang na lang kasi ay MAGMURA eh.
----30-----