Sunday, October 30, 2005

usapang kaluluwa

Editorial (31Oct05)

KAHIT bisperas pa lamang ay dinudumog na ng mga debotong Katoliko ang mga sementeryo upang gunitain ang alaala ng minamahal nilang yumao.
Sa kabila ng mahabang tradisyong ito ng mga Kristiyano, nananatiling pa ring bigo ang siyensiya na patunayan na may kaluluwa ang isang tao.
Wala pang scientist ang nakakaimbento ng panukat upang maipasok sa test tube ang kaluluwa ng indibidwal—at nakapagtatakang walang nagtatangka!
Mahalagang matukoy at masaliksik ang pisikal na aspekto ng kaluluwa na karaniwang inilalarawan na isang maputing USOK—kung usok, e dib a dapat itong masukat?
Malinaw ngayon na ang kaluluwa ay bahagi lamang ng doktrina ng mga relihiyon at sa modernong henerasyong ito, maaaring dumating ang araw na malimutan ng mga musmos at kabataan sa hinaharap ang ganitong paniniwala.
Marami nang kabataan ang nilalamon ng iba’t ibang teknolohiya bunga ng pagdagsa ng mga bagong imbensiyon at inobasyon sa cyber science.
Isang malaking paghamon sa mga religious leader na paigtingin ang doktrina kaugnayan ng kahalagahan ng “kaluluwa”—ito lang kasi ang hindi napanghihimasukan ng modernong teknolohiya.
Sa pagsasaliksik sa kaluluwa, doon lamang natin, mare-realize ang pagkakaroon ng isang DIYOS.
Kapag hindi natin ito ginagawa, mabubuhay ang mga kabataan sa mga susunod na henerasyon nang hindi nauunawaan ang kaluluwa at kikilos sila na mistulang WALANG DIYOS!
----30---

Pichay vs JDV totoo ba yan?

Bistado (31Oct05)


MALINAW na nanghihimasok na ang mga Kano sa gobyerno ng Pilipinas.
Sintomas ito ng isang DAMBUHALA at BIGLAANG pagbabago sa mga susunod na araw.

-----$$$---
SUNOD-SUNOD na ang awiting Pamasko sa radio at telebisyon.
Kay lungkot na Pasko!

-----$$$---
MASYADONG malapit ang distansiya ng planetang Mars sa Earth.
Nangangahulugan ito ng GREAT CHANGES sa mga Aries, Scorpion at mga isinilang sa petsang 9, 18, 27.
Huhhh, kasama ako dun ahhhhh!]

------$$---
MARAMI na ang excited sa pagbabalik ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez.
Marami kasi ang WALANG DATUNG.

-----$$$--
SABI ni MJ, wala siyang dapat ikahiya kahit NAKALABOSO siya sa US.
Kasi’y hindi siya nakulong sa PAGNANAKAW ng kuwarta.
Kundi nabilanggo siya dahil sa PAMIMIGAY NG PERA.
Tama nga si Congressman.
Teka, Congressman, pabilanggo ka uli—at AKO NAMAN ANG BIGYAN MO NG PERA.
Ngekkk!

------$$$--
ALIN kayang sa PUNTOD ni Fernando Poe Jr at Raul Roco ang dadagsain ng tao sa Nob. 1?
Kahit sa kabilang buhay ay NAGDADAIGAN sila.

----$$--
MUKHANG hindi nagawang arestuhin ng NBI si JIL leader Bro. Eddie Villanueva.
Eh, di lalong SUMIKAT ang anak ng BOCAUE.

-----$$$---
MARAMI ang nagdududa kung totoo ang girian nina Rep. Prospero Pichay at Rep. JDV para sa speakership.
Sabi kasi ng mga sabungero, isang TIYOPE si Pichay.
Ibig bang sabihin, bago siya sasabak sa botohan kay Kuneho ay IBIBITIN MUNA SIYA NANG PATIWARIK nang buong magdamag?

------$$$--
SINUSPINDE muna ang balak na pagpapalobo muli ng TOLL FEES sa North Luzon Expressway.
Magandang Pamasko yan ah.
Kahit sandali lang.

---30—

Saturday, October 29, 2005

halang ang kaluluwa

Bistado (30Oct05)

BUMUWELO na ang Cebu at Capiz kontra sa BIRD FLU.
May TAMA kayo dyannnnn!

------$$---
UMAATAKE na naman ang typhoid at diarrhea.
Prutttt, purutttttt!

-----$$---
INAAKUSAHAN si ex-Vice President Tito Guingona na kakutsaba ng mga KOMUNISTA.
Eh, baka na-INDOKTRINAHAN nang mag-AMBASSADOR siya sa China.

----$$--
ITINUTURO si ex-President FVR na nagpapakana ng KUDETA.
Dati na yan napupurnada lang.

------$$---
NANANATILI pa ring may hatak sa tao si Pareng Erap.
Puwede na siyang GUMAWA muli ng Pelikula

------$$--
IDINEPENSA ni Philip Salvador ang kaibigang actor na si Rudy Fernandez dahil hindi raw ito manununtok nang WALANG RASON.
Oh, pati si RASON ay idinamay mo pa!

-----$$$---
ANUMANG oras daw ay makakapasok sa Pilipinas ang bird flu.
May paraan ba para mapigil ito?
Ayon sa mga eksperto ay WALA.
Mapapatagal lang ang epekto.

------$$$---
NAGBABALA ang Philvolcs na maaaring magkaroon ng malakas na lindol na wawasak ng maraming GUSALI sa MetroManila.
Hindi sila nalalayo sa hula ni Madame Auring.

------$$$---
GITGITAN ang mga umuuwi sa mga lalawigan.
Ingat kayo, baka masabit ang KUWINTAS sa pako ng bus—ay MABIGTE pa kayo!

-----$$$---
GUGUNITAIN sa Nobyembre 1 ang kaarawan ng mga MATATAAS NA OPISYAL NG GOBYERNO.
Ito kasi ay ARAW NG MGA HALANG ANG KALULUWA.

-------$$---
NAPANAGINIPAN kong namatay ako kahapon ng madaling -araw.
Natawa ako nang mapansin kong hindi pala totoo!
Walang duda, MALAKING PAGBABAGO ang magaganap sa buhay ko sa mga susunod na araw.
Pero, natakot din ako kasi Todos Los Santos na bukas.
Ngiiiiii, ngiiiiii.

-------30—

suriing mabuti

Editorial (30Oct05)

INAAKUSAHAN si dating Vice President Tito Guingona na nakikipagkutsaba sa mga makakaliwang puwersa o ideolohiyang Komunismo dahil pumayag siyang pamunuan ang tinatawag na People’s Court.
Kung teknikal na itinuturing na isang pagkilos ng mga Komunista ang People’s Court, maaaring ituring din itong isang lehitimong KANGAROO COURT.
Pero ang malaking problema ditto ay hindi kung sino ang bumubuo ng “hukuman” kundi kung sino ang lilitisin?
Lilitisin sa ilalim ng People’s Court ang pangulo ng Republika ng Pilipinas!
Maselang ito dahil maaaring akusahan ang mga taong nasa likod nito ng pambabastos sa commander-in-chief at Konstitusyon.
Hindi malayong kumilos din ang sekretong grupo ng AFP na itinuturong nagsa-salvage ng mga militanteng lider.
Dapat ay suriing mabuti ang legalidad ng naturang paglilitis sa People’s Court kung may nilalaba ba itong probisyon sa Konstitusyon o maituturing itong isang klase ng pag-aalsa.
Kapag nagkagayon, maramimg maaaresto at matitimbuwang sa gitna ng lansangan na posibleng pagsimulan ng isang giyera-sibil.
Ipagdasal nating manatiling matuwid ang mga kinauukulan at makatagpo ng tamang solusyon sa mga problemang itong unti-unting nagiging MASALIMUOT SA BAWAT ARAW.
---30---

Tuesday, October 25, 2005

saan papunta si Juan?

Editorial (26Oct05)

NAGTAAS na naman ng presyo ng petroleum products ang Petron, Shell at Caltex. Nagdagdag sila ng 50 sentimos kada litro ng gasoline at 50 sentimos naman kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG). Nauna nang itinaas ang presyo ng diesel at kerosene.
Sa totoo lang, bumaba na ang presyo ng langis sa world market pero dito sa Pilipinas patuloy na pinarurusahan ang mga konsiyumer. Dapat nating maunawaan na iiral ang Expanded Value Addedc Tax (EVAT) epektibo sa Nobyembre 1, kung saan todo-todo pang lolobo ang presyo ng mga produktong petrolyo, singil sa konsumo ng elektrisidad, tubig at maging sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Saan pupunta si Juan? Wala na silang masusulingan. Ang matataas na opisyal ng gobyerno, pulisya, military, mambabatas at hukuman ay pawang magkakakutsaba sa pagto-TORTIYUR sa dati nang nakalugmok na ordinaryong mamamayan. Hindi puwedeng sumigaw nang pagdaing ang mga anak-pawis dahil hahambalusin sila ng kahoy at bobombahin ng malakas na pressure ng tubig ---paslit ka man, babae o may edad!
Para sa kanila, sumunod ka lamang sa idinidikta ng mga naghaharing uri dahil sila mismo ang BATAS! Kung mayorya man ang nagugutom at naghihirap, matutong tayong SAMBAHIN ang ating mga PANGINOON sa Malacanang. Mas mabuti pa ang manahimik kahit kumakalam ang sikmura, kaysa iyakan ka ng iyong mga anak na isang MALAMIG NA BANGKAY sa gitna ng MENDIOLA.
----30----

buwaya

Bistado (26Oct05)



TINANGGIHAN ni Ate Glo ang snap election.
Siyempre, KAWMANYUNNN!

---$$--
NAG-ALOK siya ng Coalition Government.
Gobyernong maaaring paghatian ng kapwa niya BUWAYA.

--$$---
PINAGBAWALAN ni Justice Secretary Raul Gonzales ang isang reporter na mag-COVER sa DOJ.
Walang JUSTICE sa JUSTICE Department.

----$$---
TUMAAS pa nang 50 sentimos kada litro ng gasoline at 50 sentimos din kada kilo ng LPG.
Pukawnamoooooo!

----$$--
AYON sa Consultative Commission (ConCom), hindi sila RUBBER STAMP.
Pero, hindi naman nila itinanggi na ang kanilang MUKHA ay YARI MULA SA MAKAPAL NA GOMA.
Mga sepsepppppp!

-----$$--
INAMIN ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na siya ay isang MEDIA-ASAR.
Buti alam ninyo, noh?
May “TAMA” ka nyan, Sec. Bunye!
May TAMAAAAAA kaaa!

------$$--
NAGKAKAGULO ngayon sa CHED (Commission on Higher Education) dahil nag-aagawan sa puwesto ang tatlong HEPE.
He, he, he, mistulang agawan ito ng GUTOM-NA-GUTOM na bayakan.

------$$--
MAY lumabas na MEMORY TABLET na isang food supplement.
Epektib daw ito.
Iyan ay kung hindi ninyo MALILIMUTANG INUMIN.


----$$---
NAKAPAGTATAKA ang SSS, GSIS at mga bangko na nag-aalok ng HOUSING LOANS.
Kailangan daw ay may TITULO ka ng lupa at bahay.
Huhhh, kaya ka nga UUTANG, eh wala kang pag-aari eh.

----30---

Sunday, October 23, 2005

world war 3 na

Editorial (24Oct05)

LANTARANG hiniling ng United States sa United Nations na gumawa ng marahas na aksiyon laban sa bansang Syria makaraang lumabas sa pagsisiyasat na may kinalaman ang Damascus sa pagpatay kay dating Lebanese Prime Minister Rafiq Hariri.
Pero, itinanggi ng Syria ang pagkakasangkot sa krimen sa pagsasabing umiimbento lamang ang US upang magkaroon ng katwiran upang lusubin ang kanilang bansa tulad sa ginawa ni US Prez George Bush sa Afghanistan at Iraq.
Walang duda na nagpapakana na naman ang US ng isang pang pagkubkob sa soberaniya ng ibang bansa na isang tanda ng paghahari-harian sa buong daigdig kakutsaba ang Britain at Australia.
Kapag pinasok ng US at kaalyadong bansa ang Syria, malinaw ditto na dadambungin lamang nito ang oil supply ditto at babastusin ang mga sagrado at makasaysayang teritoryo tulad sa “panggagahasa” sa sinaunang Mesopotamia at Babylon.
Kapansin-pansin na isinabay ditto ang pahayag ng US na may sobra-sobrang missiles at war armaments ang China na maaaring gamitin sa panggigiyera sa malalayong bansa.Malinaw ditto na ibinubuyo na ng US ang China sa kinatatakutang World War III.
Kapag pinasok ng US ang Syria, walang duda na papalag ang China kaya’t papasukin din nito nang walang abog-abog ang Taiwan kasabay ng pagkontrol sa Pilipinas at Vietnam.
Ang “away” ay hindi upang labanan ang terorismo kundi upang makontrol ang OIL INDUSTRY at mai-REVERSE ang bumabagsak na WORLD ECONOMY.Ang mga aksiyon, desisyon at sitwasyon ay pumupunta sa iisang direksiyon: MADUGONG DIGMAANG PANDAIGDIG!Magdasal tayong lahat na huwag sana itong maganap!
----30-----

modernong Hitler

Bistado (24Oct05)


NAGSISISI si Tita Cory at Bro. Eddie sa pagsuporta kay Ate Glo.
He, he, he, tipikal na eksampol nang:NASA HULI ANG PAGSISISI.

----$$$---
NAUUBOS na ang piloto ng Philippine Air Force (PAF) dahil naga-apply sa commercial airlines.
At nagpapalipad na lang nga SARANGGOLA NI PEPE.

-----$$---
BINANSAGAN ng isang gobernador na suspected gambling lord si Edward Hagedorn na isang MAD DOG.
Dito na sila MAGKAKAPATAYAN.

-----$$--
KINUMPIRMA ni Dr. Christopher MOW na wala nang DIPERENSIYA ang tuhod ni Pareng Erap.
Pero, hindi niya nilinaw kung may DIPERENSIYA pa rin ito sa utak.

-----$$--
MABILIS daw dumarami ang TAMARAW sa Mindoro.
Kahit nakatakas ang isa papunta sa Malacanang.

-----$$--
OKEY kay GMA ang rekonsilyasyon huwag lang hihilingin ang kanyang ULO.
He, he, he, pasensiya ka na sa mga CANNIBAL.

-----$$$$---
MATAPOS kubkubin ang Afghanistan at Iraq, bumubuwelo naman ngayon ang US upang salakayin ang SYRIA.
Aba, mukhang mabibisto ang modernong HITLER na si US Prez George Bush.

-----$$--
KAPAG pinasok ng US ang Syria, walang duda na mapipikon na ang China.
Hindi malayong gumanti ang China at kunin ang Taiwan at Pilipinas---NANG MAGKASABAY.

-----$$-
NAPAKALINAW kung sino talaga ang TERORISTA.
Walang kaduda-duda na ito ay si BUSH.
Siya ang tinutukoy sa Bibliya na ANTI-CHRIST.
At The Beast!

-----$$$—
IPINAGDIRIWANG ngayon ang United Nations Day.
Tanging KANO, Britons at Australians ; Christians at Jews lamang ang pinaglilingkuran nito.
Hindi kasama ang ISLAM.
Pweeeeee!
---30---

Saturday, October 22, 2005

mga suwapang kasi

Editorial (23Oct05)

LANTARAN na ring hinihingi ni dating Pangulong Ramos ang pagbibitiw ni Ate Glo sa pagsasabing isakripisyo ng babae sa Malacanang ang nalalabing panahon sa kanyang 6-year term.
Iyan din mismo ang paulit-ulit na idinakdakdak ni House Speaker Jose de Venecia na kadueto ni Tabako sa pang-aasar kay Ate Glo. Hindi malayong sina FVR at JDV ang tinutukoy ni Security Adviser Norberto Gonzales na pinagmulan ng "private" fund upang tustusan ang $75,000 monthly payment sa PR scheme upang maikampanya sa United States ang Charter Change.
Kung may "kuwarta" sina FVR at JDV sa pambabastos sa Konstitusyon, may pera din sila upang guluhin ang administrasyong Arroyo.
Malinaw kung gayon na ang "destabilisasyon" ay kapwa nagmumula sa grupo mismo ni Ate Glo at sa oposisyon na pinalalala ng mga maka-Kaliwang CPP-NPA-NDF at maka-Kanang SFP-RAM-YOU-Guardian.
Nakapagtatakang nananatili sa puwesto ni Ate Glo. Ang dahilan dito ay dahil sa SOBRANG DAMI ng nais pumalit. Ang katatagan ni Ate Glo sa Malacanang ay hindi dahil sa kanyang husay sa paglalaro sa politika kundi dahil din mismo sa PAGSUSUWAPANGAN ng kanyang mga kritiko.
Kaawa-awa dito si Juan, kasi'y mamamatay siya sa gutom nang walang kalaban-laban.
---30---

giyera patani

bistado (23Oct05)

IBINEBENTA na ng mag-asawang Rep. Jules Ledesma at actress Assunta de Rossi ang kanilang hacienda sa halagang P222 milyon.
Huhhh, gayahin kaya ito ni Tita Cory?

---$$---
LANTARAN nang pinabababa sa puwesto ni FVR si Ate Glo.
Iyan na ang totoong GIYERA-PATANI.

---$$---
IMINAMANIOBRA na rin ang pagsibak kay Speaker Jose de Venecia.
Iyan ay kung kaya ninyong TAPATAN ang kuwarta ni Kuneho.

---$$---
UUWI na sa Maynila si Rep. Mark Jimenez.
He, he, he, may FINANCIER na ang katunggali ni JDV.

---$$---
BINUBUSALAN na ng Malacanang ang mga BROADCASTER at DIYARISTA.
Huhhh, napipikon na ang mga Lintekkk!

---$$---
NASUGATAN ang walong katao sa dispersal ng ralista kahapon.
He, he, he, marami pang kasunod yann.

---$$---
ITSINITSISMIS na bumuwelo na ang isang full-military takeover sa gobyerno.
Higit pa ito sa deklarasyon ng Martial Law.

---$$---
BAKIT daw walang nagtatagumpay na kudeta.
Wala kasing SUNDALO na handang MAGBUWIS ng buhay.
Lahat sila ay GUSTONG MAKAAGAW lamang ng poder.
Para mangurakot din.
Bwisettttt.

---$$---
BAKIT daw walang US troops na nagsu-SUICIDE BOMBER?
Iyan ang ebidensiya ng pagiging DUWAG.

---$$---
ITATAAS na rin ang singil sa kuryente at tubig.
Pukawnamoooooo!

---$$---
PERO tiniyak na ITAAS din ang suweldo ng mga obrero.
Kunwari.

---$$---
MARAMI nang traysikel boy ang tumigil sa pamamasada.
At taxi driver na hindi na rin naghahanap buhay.
Pero dumami naman ang mga MAGNANAKAW.
Simpleng bumago lang sila ng LARANGAN.

---$$---
PERO ang mga parak, kahit maliit ang suweldo ay nakakatagal.
Karaniwang kasi sa kanila ay may SIDELINE---holdaper sa gabi!

---$$---
NAGLIPANA ang sangkatutak na prostitutes.
Binargeyn na rin nila ang presyo.
Isang KILONG-BIGAS kada TIHAYA.

---$$---
PERO hindi dapat matuwa ang mga MABOBOGLI sa mababang singil ng mga PUTA.
Kasi'y puwedeng MAY PASUNOD pa itong VD at AIDS virus.

---30---

Thursday, October 20, 2005

tanda ng wakas

Bistado (22Oct05)


IMPOSIBLE nang maisali ang BASKETBALL sa Southeast Asian Games na idaraos mismo sa Maynila.
Isa itong TRAHEDYA sa RP sports.

---$$---

NAGHIHINTAY kay Manny Pacquiao ang $4 million sa rematch kay Erik Morales sa Enero 21 sa Las Vegas, Nevada.
Puwede nang bilhin ni Pacman ang buong Mindanao.

---$$---
NAKAPASOK na rin ang BIRD FLU sa Romania matapos makumpirma ang avian influenza sa Turkey.
Malinaw na nahawa na ang EUROPE sa epidemya na kumitil ng 60 katao at milyong milyong manok sa Vietnam, Thailand at Indonesia.

---$$---
HINDI matanggap ng mga world experts na HOPELESS sila sa pamemeste ng bird flu sa buong mundo
Iyan na ang TANDA ng WAKAS.

---$$---
IKINUKUMPARA ng Malacanang ang EVAT
bilang isang MAPAIT NA GAMOT sa krisis sa ekonomiya.
Dapat maunawaan ni PGMA na hindi tumatalab ang droga
kahit gaano ito kapait sa isang dumaranas ng KANSER.
Kailangang putulin ang paa, kamay o bahagi na kumikirot.

---$$---
Kung nasa ulo ang KANSER.
Madededbol ang pasyente!
Kung ayaw magpaputol ng ulo ang pasyente, SISIBAKIN na lamang nito ang DOKTOR.
Iyan iyan ang katumbas ng KUDETA at rebolusyon.

---$$---
KAILANGAN patunayan ng Malacanang na magagamot ng EVAT ang kanser.
At diyan pumapasok ang taning:Hanggang Pasko lang!

---$$---
NAHAHATI na rin ang mga Catholic bishops dahil sa pakikialam sa politika.
Sabi sa bibliya: Kapatid-sa-kapatid, ngipin-sa-ngipin!

----$$--
BUWAN ng Holy Rosary ngayon.
Tumalab kaya ito sa problema ni Ate Glo?

----30—

delikado pa sa bird flu

editorial (22Oct05)

BABALIK na sa bansa ang kontrobersiyal na si dating Manila Rep. Mark Jimenez matapos pagdusahan sa bilangguan sa United States nang may 27 buwan ang kasong PAMIMIGAY NG REGALO sa mga US presidents.
Walang anumang kaso sa Pilipinas si MJ kaya’t malaya siyang makakakilos pagdating sa Maynila. Inaasahang magbibigay ng malaking sakit ng ulo si MJ kay Ate Glo kasi’y ibinunyag nito at nagsisilbi siyang testigo laban kay dating Justice Secretary Nani Perez kaugnayan ng “lagayan” blues sa mga kontrata sa pamahalaan.
May ulat na sinadya ng United States na pabalikin si MJ sa Pilipinas upang patuloy na guluhin ang administrasyong Arroyo tulad sa kontrobersiyal na pagsasampa ng kasong ESPIONAGE kay Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Kapansin-pansin ngayon ang “ANINO NG KANO” sa maseselang kontrobersiya at eskandalo na yumayanig sa Republika ng Pilipinas. Maging si Ate Glo ay kaawa-awang biktima ng modus-operandi ng Amerika na hawakan sa leeg ang ating Inang Bayan.
Nakapagtataka naman na walang sinumang heneral o military na nagtatangkang sagipin ang Republika mula sa kuko ng mga dayuhan. Hindi kaya maging ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay kontrolado na rin ng US spies? Iyan na ang delikado, higit pa sa bird flu!
---30---

mapipigil ba?

Editorial (21Oct05)

KINUMPIRMA ng Meralco na magtataas sila nang 60 centavos kada kilowatt-hour na konsumo sa elektiridad dahil sa implementasyon ng expanded value added tax matapos pagtibayin ito ng Korte Suprema.
Inaasahan namang magpapatong nang P3.21 kada litro sa liquified petroleum gas (LPG); P 3.40 kada litro ng premium gasoline; P2.80 kada litro sa regular gasoline; at P1.17 kasa litro ng diesel. Walang duda na magsusunuran sa pagtaas ang singil sa pasahe sa taxi, dyip, bus at tricycle. Siyempre, lolobo rin ang pamasahe sa barko at eroplano! Hindi mapipigil kung gayon ang pag-angat din sa presyo ng pangunahing bilihin na tuwirang eepekto sa ordinaryong Pinoy. Walang matitira sa suweldo ng mga obrero at kung itataas muli ang kanilang monthly salary--maraming kompanya ang magsasarado. Marami ang mawawalan ng trabaho, at milyon-milyon Pinoy ang magkakasakit dahil sa malnutrisyon. Milyon din ang magugutom at babawian ng buhay dahil sa kawalan ng pagkain at pambili ng gamot!
Paano mapipigil ni Ate Glo ang nag-aalburutong Pinoy? Deklarasyon ng "State of Emergency" at Martial Law ang sagot dito. Dumating ang kinatatakutan ng lahat. Iyan ay kung magpapatiuna ang militar sa isang madugong kudeta.
---30---

darami pa ang protesta

bistado (21Oct05)

MAGTATAAS ang Meralco nang 60 sentimos kada kilowatt hour na konsumo sa elektrisidad.
Iyan ang unang epekto ng EVAT.

---$$---
READY daw ang Malacanang sa negatibong implikasyon ng EVAT.
Kahit magkaroon ng KUDETA?

---$$---
IPINALILIPAT ng Korte Suprema ang petisyon kontra sa Northrail Transit sa trial court.
Paktaylo, DISKARIL na ang proyekto.

---$$---
PINAGSUSUSPETSAHAN kasing DADAMBUNGIN lamang ng mga kontratista ang pera ng bayan sa pagbuhay sa PNR train na LUMANG MODELO ang gagamitin sa $500 milyong halaga.
Ito ang tinatawag na TRAIN ROBBERY.

---$$---
IBINUNYAG na may 82 JI terrorists na nasa order of battle ng militar.
Huhhhh, siguro kayong walang karugtong na "L" sa dulo ang inyong JI terror suspects?
Baka kasi magalit si Bro. Eddie.

---$$---
BABALIK na sa Maynila si ex-Manila Rep. Mark Jimenez.
Isang panibagong ESKANDALO ito.

---$$---
INILATHALA ng "Los Angeles Times" sa US na sasama ang ilang AIR FORCE officers sa pagpapabagsak sa administrasyong Arroyo.
Nakapasok na ang US spies sa AFP.

---$$---
NAKALUSOT ang "Hyatt 10" sa Mendiola at nakapagsimba pa sa San Beda.
Huhh, baka naubos na ang TUBIG na isinuplay ni Malabanan.

---$$---
NAKAPASOK naman ang 2,000 ralista sa Redemptorist Church sa Paranaque City mula sa Laguna.
Hindi nauubos ang mga nagpo-PROTESTA.
Dadami pa ito dahil sa EVAT.
---30--

Wednesday, October 19, 2005

hawak na ng Kano

Editorial (20Oct05)

MANANATILI sa Pilipinas ang 4, 500 US troops. Hindi pa kasama ditto ang sekretong pagpasok ng Australian military agents. Hindi mabuti sa isang may soberaniyang bansa ang magkaroon ng foreign troops.Isang sampal ito mismo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pero sa totoo lang, walang lakas ng loob na pumalag o kumontra ang Republika ng Pilipinas sa kapritso ni Uncle Sam. Kasi’y nakapasok mismo sa loob at labas ng burukrasya ang mga doble-karang American spies na maaaring magpagewang ng administrasyong Arroyo.
Pinakamalinaw na eksampol dito ay ang kontrobersiyal na pagsasampa ng kasong ESPIONAGE kay Michael Ray Aquino kung saan iniulat na bumaliktad na at “kumanta” si Leandro Aragoncillo.
Kung hawak ng US operatives si Aragoncillo, ang mga official statements nito ay maaaring MAGPAGUHO sa ating Republika. Dahil sa kasong “espionage”, hawak-hawak ng ng mga Kano ang ilong ni Juan.
Kumbaga, walang magagawa ang ating Inang Bayan kundi ang kusang MAGPAGAHASA sa mga dayuhan. Wala ring matipunong PRINSIPE ang maaaring magtanggol at magligtas sa ating soberaniya kasi’y tameme ang ating Sandatahang Lakas na proteksiyon ang ating Konstitusyon. Sa pananatili ng US troops, mag-antay na lang tayo ng daan-daang Fil-Ams sa susunod na siyam na buwan.
---30---

pekeng rekord

Bistado (20Oct05)

NAGSUMITE ng medical leave si National Security adviser Norberto Gonzales.
Tama yan, kaysa ATAKEHIN siya sa puso o kaya ay MALASON nang walang kalaban-laban.

----$$---
NAISUBASTA sa halagang $1,300 sa United Nations fair
ang isang Manyikang Pinoy na nakasuot ng MARIA CLARA GOWN.
Huh, akala ko nakasuot ng T-BACK.

---$$$---
MARAMI raw estudyante ang peke ang high school records
na ginagamit sa pagpasok sa KOLEHIYO.
Hindi kaya marami dito ay naging CONGRESSMAN at SENADOR?

---$$$---
IPINATIGIL ni Vice Noli de Castro ang demolition
sa mga bahay sa Commonwealth Avenue
upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Good move. Kunwari.

---$$---
PAPAYAGAN daw ang Australia troops na hantingin
ang mga TERORISTA sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Nakupp, pati PARAK ay IMPORTED na rin.
Ano ba yannnnnn?

---$$---
PINAYUHAN ni ex-president FVR ang mga MATATANDA:
“Don’t let yourselves be used”.
Hayaan mo, sasabihin ko yank ay ex-FL MING RAMOS.

---$$---
NAKABALIK na sa lupa ang Chinese astronauts.
Sakaling magka-GIYERA, alam na nila kung saan sila MAGTATAGO.

---$$---
UUBOS ang US troops ng P5.6 milyon sa 17 araw na pananatili sa Pilipinas.
Kasama kaya ditto TIPS sa mga GROs?

---$$---
HABANG tumatagal nababaon sa problema si Ate Glo.
Nakakatulog pa kaya siya nang MAHIMBING?

---30---

Tuesday, October 18, 2005

maunawaan sana

Editorial (19Oct05)

LANTARANG binatikos ng kanyang religious adviser na si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai si Ate Glo dahil sa hindi maayos na dispersal scheme kontra sa mga demonstrador kung saan binomba ng tubig ang mga lider-ralista.
Nagbanta si Velarde na na lalong magugulo ang larangan ng politika sa bansa dahil sa naturang aksiyon ng pulisya. Kasabay nito, naghihintay naman si Jesus Is Lord (JIL) Fellowship Bro. Eddie Villanueva na arestuhin siya ng mga awtoridad dahil sa mandamyento de aresto na inilabas ng korte.
Tinatayang kapwa may tig- 5 milyong miyembro at panatiko sina Velarde at Villanueva.
May magagawa kaya si Ate Glo kapag nagsanib ng puwersa ang El Shaddai at JIL kung saan maaaring pumagitna sila sa iba’t ibang pambansang lansangan?
Ilang bumbero ang gagamitin ng pulisya? Hindi kaya masimot ang tubig sa Angat Dam kapag binomba sila ng water cannons?
Sa totoo lang, hindi ang paraan sa dispersal ang susi upang matigil ang protesta kundi ang maayos na pagsagot sa karaingan ni Juan.
Maunawaan sana ito ni Ate Glo bago mahuli ang lahat!
---30---

Monday, October 17, 2005

religious revolt

Bistado (19Oct05)



NAG-ALBURUTU na rin si El Shaddai founder Bro. Mike Velarde dahil sa pambobomba ng water cannons kay ex.Vice President Tito Guingona, Sen. Jamby Madrigal at mga Catholic bishops.
Tsk, tsk, tsk, NABABAWASAN na ng supporters si Ate Glo.

-----$$---
BINATIKOS ni PNP Chief Arturo Lomibao ang MEDIA sa paglalabas ng NEGATIBONG IMAHE ng mga parak.
Huhhh, mukhang nagpa-PANIC ang mama.

-----$$$--
LOLOBO daw ang produksiyon ng palay bago matapos ang taon dahil sa kawalan ng UNOS at peste sa pananim.
Pero, patuloy pa rin ang pag-IMPORT ng bigas.
Eh, baketttt?

----$$---
UMABOT sa 50,000 ang kumpirmadong namatay sa malakas na lindol sa Pakistan.
At marami pa ang TINUTUNGKAB sa mga gumuhong gusali.

----$$$---
BUBUSALAN daw ang media.
Ummmph, uhhhh, umphhhh!

-----$$---
MAGSASAGAWA ng long march ang mga anti-GMA.
He. He, he, kokopyahin nila si MAO TSE TUNG.

-----$$$---
HINILING sa Sandiganbayan na ilipat si Pareng Erap mula sa Tanay, Rizal tungo sa kanyang bahay sa San Juan, MetroManila.
He, he, he, para siguro madaling MAKABALIK sa Malacanang anumang oras.

----$$$---
MATAPOS magretiro, isa na ngayong bible preacher si Brig. Gen. Francisco Gudani.
Huhhh, may bago kang karibal sina Bro. Mike, Bro. Eli at Bro. Eddie.
Siya si BRO. FRANK!

----$$$--
IPINAGBABAWAL na mismo ni Ate Glo ang TELEBABAD sa mga government employees.
Kasama kaya ang TELEPHONE BRIGADE sa mga radio stations?

-----30---

Sunday, October 16, 2005

malaking kahihiyan

editorial (17Oct05)

ILANG araw na lamang at magsisimula na ang 23rd Southeast Asian Games kung saan magsisilbing host ang bansa. Pero, naghihintay ang isang napakalaking kahihiyan sa mata ng international sports community dahil sa pagiging gahol sa preparasyon partikular sa mga lugar na pagdarausan ng kumpetisyon.
Hanggang sa kasalukuyan ay naghahagilap pa ng panggastos ang organizing committee gayong matagal na naigawad ang karapatan sa pagiging host. Malabo ring maganap ang pantasya ng mga RP sports officials na maging overall champion ang Pilipinas sa biennial meet.
Pero, sa mga apisyonados, higit na malaking kahihiyan ang maihihilamos sa mukha ng sambayanang Pinoy sa kabiguan na maisali ang BASKETBALL sa calendar of events.
Dahil sa simpleng panghihimasok ng Philippine Olympic Committee (POC) sa awtonomiya ng isang national sports association (NSA) na Basketball Association of the Philippines (BAP), hindi papayagan ng International Basketball Federation (FIBA) na pangasiwaan ng POC-created NSAs ang basketball event.
Ang pagiging gahaman ng dalawang commercial basketball leagues—Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Basketball League (PBL) na negosyohin at kontrolin ang “amateur basketball” kakutsaba ang POC, pinigil ang BAP na magpasok ng RP Team at pinupuwersa ang sarili nilang “GRUPO” kung saan ibinasura naman ng FIBA.
Dapat ay palayin ng POC na pangasiwaan ng BAP ang pagbuo ng RP Team dahil may awtonomiya ang anumang existing organization mula sa kanyang “pederasyon”.
Ang simpleng sintudo-kumon ay mauunawaan ang problema ito.
No.1 sports ang basketball sa Pilipinas—pero hindi ito maisasali sa SEAGames na gaganapin sa Maynila.
Isang malaking kahihiyan ito na bubura sa dambuhalang karangalang inihandog ni People’s Featherweight world boxing champion Manny Pacquiao sa ating Republika.
---30---

'di pa tapos ang WWII

Bistado (17Oct05)

KARANIWANG ginagamit daw ngayon ang TEXT MESSAGES
upang I-BREAK ang relasyon ng mag-DYOWA at mag-ASAWA.
Ayaw nila ng personal, kasi’y BAKA ROMANSAHIN sila nang todo
—ay bumigay uli sila.Ngekkkk!

---$$---
IPINAGBABAWAL ang pagbiyahe ng behikulo sa buong
Iraq kasabay ng referendum sa Konstitusyon.
Kasi daw ay maglalakad lang sa presinto ang mga botante.
Eh, di maglalakad na lang din ang mga SUICIDE BOMBERS.

---$$---
PINALILINIS ng China sa Japan ang mga ibinaon nilang CHEMICAL WEAPONS
sa naturang bansa.Huhh, hindi pa rin tapos ang World War II.

---$$---
NAGTAGUMPAY ang Chinese spacecraft na manatili muli sa orbit.
Mas kailangan nila ang RELOCATION sa atmosphere dahil sa bilyong populasyon.

---$$---
UMAASA ang Philippine Olympic Committee (POC)
na maisasali pa rin ang basketball sa SEAGames.
Mahina talaga ang mga KUKOTE ng mga ito.

---$$---
NAKAKATAKAM na $2 milyon ang naghihintay na premyo kay Manny Pacquiao
kaugnay ng rematch nila ni Erik Morales sa Enero 21, 2006.
Tsikenpid lang yan sa mas malaking PAY-PER-VIEW shares ni Pacman.

---$$---
SISIMULAN na ang 23rd SEAGames next month,
pero gahol na gahol pa rin ang mga sports officials sa Maynila.
Nakaamba ang isang NAPAKALAKING KAHIHIYAN.

---$$---
ISANG singer ang umamin na gumamit siya ng MARIJUANA
upang magamot ang kanyang breast cancer.
Nang tanungin siya kung hindi natatakot mabilanggo,
sumagot siya: OKEY LANG!At least buhay pako!

---$$---
SISIYAP-SIYAP si ex-Vice President Tito Guingona matapos
tirahin ng WATER CANNON sa Mendiola.
Iyan po ang ating gobyerno ngayon!

---$$---T
INAMAAN naman sa ulo ng bomba ng WATER CANNON
si Fr. Robert Reyes sa dispersal ng mga ralista.Bininyagan lamang siya.
---30---

Saturday, October 15, 2005

bugnot na si ate

editorial (16Oct05)

PARANG buga ng armalayt na kinakana na ng diretso ni Ate Glo ang oposisyon. Pinakahuling upak ay ang pambubuska na purnada na ang pagnanasa ng oposisyon na maagaw ang poder ng Malacanang.
Inaasahang lalong mag-aapoy ang balitaktakan lalo pa’t tinamaan ng bomba ng water cannons sina ex-Vice President Tito Guingona, Fr. Robert Reyes at iba pang Catholic Bishops sa isang kilos-protesta sa Mendiola. Malinaw na nagbabalik ang mga eksena bago ideklara ang Batas Militar noong 1972.
Isa lang sa hindi natin nakikita ngayon ay ang malawakan at araw-araw na demonstrasyon ng mga aktibistang estudyante university belt. Nangangahulugan na totoong hindi nakaporma nang husto ang mga cadre ng CPP-NPA-NDF kompara sa dekada 70’s kung saan nadoktrinahan nila ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo.
Pero, mas delikado ngayon ang labanan, kasi’y nangangahulugan ito na lehitimong kritiko ng demokrasya ang mga pumapagitna sa lansangan. Mahirap sabihing lider ng komunismo sina Guingona at Fr. Robert tulad ng ginagamit na pananggalang ni ex-President Makoy.
Kapansin-pansin ang pagkabugnot ni Ate Glo sa nagdaang araw. Sintomas kaya ito ng papalapit na malaking problema sa kanyang buhay?
---30---

dolyar ang suweldo

Bistado (16Oct05)



GUMAGAWA na ng DEPENSA ang 25-nation European Union kontra sa Bird Flu pandemic.
Huhhh, sa Pinas, nagdedebate pa sa Konstitusyon.

------$--
IMBES na lumikha ng PANDEMIC COMMISSION na kukunsulta sa mga lalawigan, naglilibot ang Constitutional Commission (ConCom) kung paano BABASTUSIN ang Saligang Batas.
Pweeeee!

----$$--
SINIBAK ang limang immigration officers dahil sa pagpapatapon sa kidnaper ni Jackie Tiu.
Baka ibinigay na ng suspek ang kanilang SEPARATION at RETIREMENT BENEFITS.

----$$---
PAPAYAGAN na raw mag-ari o magnegosyo ng MEDIA OUTFIT ang mga foreigners.
Yipeeee, magiging DOLYARES ang suweldo ng editors at reporters!

----$$--
LULUSOB ang 4,500 US troops sa Pilipinas sa BALATKAYO ng isang US-RP military exercise.
Hindi kaya biglang isabay dito ang US-backed COUP D’ ETAT?

-----$$--
NATATAKOT ang mga foreign students sa Mindanao na mapagkamalang terorista.
Aba, eh, di magpakasal kayo sa isang PINAY sa kalye.

-----$$--
NAKIPAGKASUNDO daw ang gobyerno sa MILF upang ibigay dito ang hurisdiksiyon sa ARMM kapag isinalong ang armas sa Peace Talk.
Paniwalaan naman kayo ang isang gobyernong malapit nang bumagsak?

-----$$---
BINUSKA ni Ate Glo ang oposisyon na napurnada na umano
ang ipinakikipaglaban sa pagsibak sa kanya sa Malacanang.
Hindi kaya nalungkot nang todo si Vice Noli?

-----$$--
MAWAWALAN ng trabaho ang 8,000 obrero dahil sa LABOR STRIKES.
Ts, tsk, tsk, paabutin naman ninyo ng PASKO!
---30---

Friday, October 14, 2005

sino ang atat?

Editorial (15Oct05)

NAG-AALBURUTU na rin si topnotcher senator Mar Roxas laban sa pamamalakad ni Ate Glo.Isa si Roxas sa unang nagtraydor kay Pareng Erap sa Edsa Dos na nagbigay-daan upang maluklok sa Malacanang si Ate Glo.
Bagaman, isang administration senator si Roxas, pero maaanghang ang kanyang batikos kay Ate Glo na hindi pangkaraniwang nakikita at naririnig sa kanya sa mga nagdaang panahon. Ang paghuhunos ni Roxas bilang isang lantarang piskalayser ng Malacanang ay magpapasimuno ng isang bagong yugto sa tanawing pampulitika ng bansa.
Nakakasawa o nakakasuya na kasi ang mga batikos nina Sen. Nene Pimentel, Sen. Ping Lacson, Sen. Joker Arroyo, Sen. Frank Drilon at Sen. Juan Ponce Enrile. Unti-unti kasing nakukumpirma ni Roxas na talagang may pagka-utak Makoy si Ate Glo—ayaw nang umalis sa pagkakaupo sa Malacanang.
At dahil dito, maglalaho rin ang kanyang pangarap na matikman ang tungkulin na ginampanan ng kanyang LOLO na matagal na rin niyang pinananabikan. Angkop-na-angkop sa kanilang lahat mismo ang bukambibig na "lust for power" na kung tatagalugin o isasa-Filipino ay napakasagwang pakinggan: LIBOG-NA-LIBOG SA KAPANGYARIHAN!
Sino kaya ngayon ang atat na atat sa kapangyarihan—ang oposisyon ba o si Ate Glo? Mahirap sagutin yan? Iisa ang malinaw, hindi na kailangan ng ating mga politiko ang bagong tuklas na drogang "viagra".
----30----

libog na libog

Bistado (15Oct05)


NAGO-OPPOSITION na rin ngayon si Senatorial topnotcher Mar Roxas.
Kasi’y kapag kinunsinte niya si Ate Glo, malabo siyang maging PRESIDENTE.

---$$---
BINANSAGAN ni Ate Glo ang oppposition na may "LUST FOR POWER".
Ano sa Tagalog ito?
Eh, di LIBOG-NA-LIBOG sa KAPANGYARIHAN.
Hindi ito naiintindihan ng mga paslit.
Nakakaintindi lang nito ay mga may PLENTY OF SEX.

---$$---
NAGLALAYASAN na ang mga foreign investors dahil sa MAGULONG POLITIKA.
Mainam yan, nang hindi nila ma-EXPLOIT ang ating Likas na Yaman.
At LIKAS-NA-YABANG.

---$$---
NASASAKSIHAN natin ngayon ang KAMAY-NA-BAKAL ng Martial Law.
Binobomba ng TUBIG ang kaawa-awang mga demonstrador.
Hindi na po kailangang ideklara ang Batas Militar.
Atkuwal na itong IPINATUTUPAD.

---$$---
UMIIRAL ang Martial Law.
Kaya’t walang duda na aagawin na rin ng gobyerno ang buong Hacienda Luisita.

---$$---
AT dahil may "de facto" military rule, tiyak na mabubuo ang bagong rebel group.
Mula sa Kaliwa at mula sa Kanan.

---$$---
KAPAG hindi tumigil ang paglobo ng presyo ng langis, walang duda na pormal na idedeklara ang State of Emergency.
At kapag sinaklot tayo ng bird flu, isusunod ang deklarasyon ng Martial Law.
Paktay kang bata ka!
----30—

Thursday, October 13, 2005

jobless program

Bistado (14Oct05)

MAWAWALAN ng trabaho ang may 200,000 garment workers.
Bahagi ito ng ONE-MILLION-JOBLESS program.

----$$--
IKINAKALAT ng mga Kano na natabunan na rin ng lupa si Osama bin Laden nang lumindol sa Pakistan.Talagang tinotopak na si Uncle Sam.
----$$---
IPINAGMALAKI ni Sharon Cuneta na nabawasan ang kanyang TIMBANG.
Huhhh, paano pa niya MAGAGAMPANAN ang bidang babae sa "D' Dely Atay-atayan" true-to-lif story?
-----$$$---
INABSUWELTO ng DOJ si ex- Agricultute Sec. Arthur Yap sa tax chargers.
Magkano kaya?
----$$--
PINASISIBAK ni Sen. Joker Arroyo si National Secutiry adviser Norberto Gonzales.
Huwag, baka MAPALITAN siya ng isang totoog MATINO.
Mahihirapan kayo na mapabagsak si Ate Glo.
Kay Gonzales kasi, tiyak na mapapahamak ang Malacanang.
----$$--
SANGKATUTAK ang upak sa Northrail Transit system.
DISKARIL na naman ang proyekto.
----$$--
INAASAHAN ang panibagong pagtaas sa presyo ng langis.
Nanangkupooooo!
-----$$---
HINDI mapakali ang World Health Organization (WHO) sa hindi mapigil na pagkalat ng BIRD FLU sa buong mundo.
Grabe ang epekto nito kaysa sa NUCLEAR BOMB.
-----$$$---
KAPAG nalipol ang tao, may bagong RELIHIYON na susulpot sa balat ng lupa.
Matututo kasing MAGDASAL ang mga halang-ang-bituka.
----$$--
NAAAMOY na ang simoy ng Kapaskuhan.
Marami na ang nalulungkot at NAGPAPAKATIWAKAL.
---30---

state of emergency

editorial (14Oct05)

KINUMPIRMA mismo ng Department of Justice (DOJ) na naghahanda sila ng isang executive order para sa agarang implementasyon ng State of Emergency. Pero nilinaw nila na ito ay ibabatay sa sitwasyong magaganap partikular ang pag-atake ng mga terorista, hindi maawat na kaguluhan (peace and order) at paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa tatlong ito, madaling imbentuhin ang "atake ng terorismo" at kakambal siyempre nito ang pagkasira ng "peace and order" pero ang paglobo ng presyo ng langis--ay isang siyento-porsiyentong magaganap bago mag-Disyembre.
Malinaw dito na maaaring ideklara talaga ng Malacanang ang "State of Emergency" tulad sa pangyayari nang kunwaring "NA-AMBUSH" si dating Defense Sec. Juan Ponce Enrile na ngayon ay isang senador.
Kwidaw, tumiwalag na sa oposisyon si Enrile (pero huwag sana siyang ma-AMBUSH muli para lang madeklara ng ikalawang Martial Law).
Pero, may isang nalimutan si DOJ Sec. Raul Gonzales na maaaring pagbatayan ng "State of Emergency", ito ay ang kinatatakutang pagkalat ng BIRD FLU mula sa kalapit na bansang Vietnam, Indonesia at Thailand.
Ang unang tatlong tinukoy ni Gonzales ay hindi "makatwiran" na pagbatayan ng deklarasyon ng Martial Law, pero ang pamemeste ng bird flu ay isang matuwid na batayan ng "State of Emergency.
Yung nga lang, hindi ligtas ang mga taga-Malacanang kapag nalipol ang mga Pinoy. Ang mabigat nito, baka ang lalagda sa State of Emergency ang siya pang maunang tamaan ng bird flu.
Hindi siya nakakatulog kaya't mahina ang kanyang resistensiya!Huwag naman sana!
---30---

Wednesday, October 12, 2005

sepsep

bistado (13Oct05)

ITINANGGI ng AFP na pinayagan nila ang AUSTRALIAN TROOPS na hantingin ang mga terorista sa Mindanao.
Eh, may naniniwala kaya sa mga SEPSEP?

----$$--
IPINABABASURA ng 16 senador sa Korte Suprema ang Executive Order No. 464.
Iyan kung hindi AAKTONG TUTA rin ang mga mahistrado.

----$$--
INILUKLOK bilang kauna-unahang woman chancellor ng Germany si Angela Merkel.
Hindi po totoo na MADALING ARAW rin nang siya ay IPINROKLAMA.

----$$--
SINUSUBAYBAYAN ng mga doktor ang kanyang tinalo na si Gerhard Schroder.
Baka raw kasi ito ma-STROKE din tulad ni Da King.

---$$---
NAKIPAGKITA pala ang dalawang JI bombers kay Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani noong 2004.
Pinag-usapan siguro nila kung paano makapagbebenta ng KUWITIS sa Bocaue, Bulacan.

---$$--
BUBUWISAN din ang produktong MINERAL WATER.
Ito ay isang NAKAPALINAW na kapalpakan.

-----$$---
IPINAAALIS na ni Sen. Aquilino Pimentel ang parusang BITAY.
Baka kasi TAMAAN si Pareng Erap.

----$$--
LUMAGO raw ang “investments” sa RP.
Marami ang pumasok sa operasyon ng VIDEO KARERA.

----$$--
NILINAW ng mga eksperto na hindi TATALAB ang anumang klase ng VACCINE kapag kumalat ang BIRD FLU sa buong daigdig.
Nagaganap na ang nasusulat sa Banal na Kasulatan.
May matetepok sa lahat ng BAHAY.

----30--

aksiyon ngayon

Editorial (13Oct05)

NILINAW ng mga eksperto na hindi rin mapapakinabangan ang mga droga o vaccines na inihahanda laban sa napipintong epidemya ng bird flu na maaaring kumalat nang biglaan sa buong daigdig.
Naniniwala ang mga nagsasaliksik na magkaroon ng biglaan mutation o paghuhunos ng bagong strain ng virus kung saan sang-iglap itong kakalat sa buong daigdig na ikamamatay ng may 150 milyong katao mula sa iba't ibang nasyon.
Dahil dito, dapat na makipagtulungan ang lahat ng gobyerno sa “prevention” sa pamamagitan ng pagmumulat at pagpapatupad ng emergency measures upang maiwasan ang pagkalat nito.Batay sa pagsasaliksik, patuloy ang pananalasa ng bird flu at umaangat nang dire-diretso lamang ang paghuhunos kung saan maaari itong tuwirang maging “full blown human influenza” na walang gamot na makapipigil.
Maging ang United States ay nagdodoble kayod kung paano ito mapipigil pero aminado ang kanilang mga ekperto na wala silang magagawa kapag bigla itong umatake sa kasalukuyang panahon.
Pero ang malinaw dito, milyon-milyong manok na ang nililipol upang masugpo ang pagkalat ng bird flu pero hindi pa rin ito mapigil sa pananaklot sa buong daigdig kung saan mahigit nang 60 katao ang namamatay dito. ana'y lumikha ng special task force ang Malacanang na magsusuri, magmomonitor at aaksiyun laban sa bird flu.
Sana'y gawin ito, hindi bukas—kundi NGAYON!
---30---

Tuesday, October 11, 2005

sisikat

Bistado (12Oct05)


NAKAPASOK sa Mindanao ang elite Australian troops upang hantingin ang dalawang TERORISTA ni Osama bin Laden.
Isang PAMBABASTOS ito mismo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kinukunsinte ito ng mga “sepsep” na heneral.

-----$$---
WALA daw Martial Law.
Nakowwsss, lokohin ninyo lelong nyooo!

----$$---
EPEKTIBO pala sa hayop ang VIAGRA.
Sige, gagamitin ninyo sa BABOY ninyo.
He, he, he.

-----$$---
PUMALO na sa mahigit 40,000 ang namatay sa malakas na lindol sa India, Afghanistan at Pakistan.
Hindi kaya HAGUPIT din yan ni Allah?

----$$---
MINASAKER ng NPA ang siyam na sundalo at sibilyan sa Misamis Occidental.
Huhhh, akala ko ba ay LUMPO na ang mga rebelde?

----$$$---
INIIMBESTIGAHAN na ng Ombudsman si ex- Justice Sec. Nani Perez.
Mabuti naman!

----$$---
BINABALAK na rin ng US na KUBKUBIN ang Syria.
Talaga ang mga KANO ang tunay na TERORISTA.
Peste kayo sa MUNDOOOO.

-----$$---
NATUTUYO na raw ang Yangtze o Yellow River sa China.
Iyan na ang DELIKADO.

-----$$--
SINIBAK ang isang police chief sa Bulacan matapos makahuli ang Camp Crame ng tatlong jueteng collectors.
Huhhh, akala ko ba ay wala nang jueteng.
Sandamakmak kayong SINUNGALING.

-----$$--
SIKAT-NA-SIKAT na naman si AIKO Melendrez dahil sa kanyang kaso laban sa isang SOCIALITE.
Puwede na siyang gumawa muli ng PELIKULA.
At kumandidatong MEYOR SA KYUSI.
He, he, he, wala siyang “talo” sa kaso, kitammmmm!

---30—

malalim na tinik

Editorial (12Oct05)

MAGRERETIRO ang mahigit 20 heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at walang walang duda na makakaangat ang mga junior officers sa mas mataas na posisyon.
Hindi maiwasan ang pagbalasa kung saan maaaring ikatuwa ng ilang military officers at ikapikon naman ng ilang kabataang opisyal.
Iyan na mismo ang problema na hindi makakayang solusyunan ng commander-in-chief.Siyempre, itatalaga sa magagandang puwesto ang mga sepsep o may loyalty kay Ate Glo. At ibuburo naman ang mga pinaniniwalaan nilang sympathizers ng oposisyon—at susuriing mabuti ang idelolohiya ng mga outstanding officers.
Hanggang kailan magtatagal ang isang liderato na nakasandal sa “loyalty check” ang promosyon imbes sa performance sa trabaho?Mahirap sagutin yan. Sa malaon at madali, makokontrol ng mga kabataang opisyal ang maseselang posisyon sa hinaharap.
Kumbaga, pagkahaba-haba man din ng PRUSISYON—KUNG MATINIK AY MALALIM.Ngeekk!Hindi dapat mag-fiesta si Ate Glo.
---30---

Monday, October 10, 2005

mas mabagsik sa Martial Law

Bistado (11Oct05)

Head:
NALIBING nang buhay ang mahigit 2,000 katao sa isang landslide sa Guatamala.
Hindi nag-iisa ang Aurora Province.

----$$---
GINANAP sa Pampanga ang FROG FESTIVALS.
Tiyak na dinayo rin ito ng mga AHAS para kainin ang mga palaka.

----$$---
MAY inilabas na SHOOT-TO-KILL ORDER ang mga awtoridad sa mga magre-RECRUIT para sa kudeta.
Huhh, mas grabe ito kaysa sa Martial Law.

----$$---
ITINANGGI ng US embassy na nanggugulo ang mga Kano upang mapabagsak si Ate Glo.
He, he, he, may MANINIWALA kaya sa mga NUMERO UNONG TRAYDOR?

----$$--
DEDBOL ang apat na PUGANTE sa New Bilibid Prisons.
Oh, mayroon pa ba diyang magtatangkang UMESKAPO?
----$$--
KINUMPIRMA ng isa pang AYUDANTE ni Ate Glo na namumuro na ang isang MILITARY REVOLT.
Kung kalian, iyan ang isang malaking SORPRESA.
Hindi kaya gawin sa All Saint Day o sa Pasko at Bagong Taon?

----$$---
TINALO ng kapatid ni Manny Pacquiao na si Bobby ang katunggaling si ex-IBF World champion Carlos Hernandez.
Huhhh, may makakapalit na si Pacman.

-----$$$---
HINDI raw maaaring i-pressure ng Malacanang ang White House na ibunyag ang MASTERMIND ng PAGE-ESPIYA sa America.
He, he, he, imposibleng kasing UTUSAN ng isang TUTA ang kanyang AMO.

-----$$--
INAKALA ng mga taga-Pakistan, Afghanistan at India na nagunaw na ang MUNDO nang tamaan ng malakas na lindol.
Humm, natuto silang MAGDASAL.

----30—

para saan pa?

Editorial (11Oct05)

MAUGONG ang ulat na inihahanda ang isang Executive Order na magpapairal ng “kamandag” ng Martial Law sakaling mapagtibay ang Anti-Terrorism Bill. Desidido ang Malacanang na gumamit ng kamay-na-bakal upang mapigil ang kumpirmadong pag-aalsa ng ilang kabataang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Malawak kasi ang kahulugan ng “terorismo” dahil hindi ito maaaring ikapit lamang sa mga “nanggugulo laban sa US” o tinatawag na imperyalismo kung saan itinatak na sa mga kalaban ng demokrasya tulad ng CPP-NPA-NDF.
Maaaring gamitin ang “depinisyon” ng terorismo sa pagtatangka na pabagsakin ang gobyernong Arroyo kaya’t ang unang maaapektuhan nito ay ang oposisyon na gagamit ng dahas. Iyan na ang malaking debate. Pero may “nangyari bang debate” nang patayin ang impeachment complaint sa Kongreso?
Sa totoo lang, tulad sa impeachment proceeding, magaan na magaan na mapagtitibay ang “Anti-Terrorism Bill” dahil ang sinumang kokontra ay ipakakalaboso--- dahil pagbibintangan silang TERORISTA.
Hindi patas ang deliberasyon sa Kongreso at nagmumukhang timawa naman ang mga senador at sundalo.
Sa totoo lang, hindi naman kailangang ideklara ang Batas Militar o pagtibayin pa ang Anti-Terrorism Bill kasi’y nagagawa naman lahat ni Ate Glo ang lahat ng kanyang kapritso—kahit walang batas. Kumbaga, para que?
---30---

Saturday, October 08, 2005

layk fader, layk doter

editorial (09Oct05)

HINDI matapos-tapos ang intriga, eskandalo at mga expose kontra kay Ate Glo pero mistulang may bertud siya ni Palos dahil nananatiling kontrolado niya ang Palasyo.
Pero, marami ang nagtatanong: May nalalabi pa siyang limang taong singkad bago mag-expire ang termino sa 2010, makatagal kaya siya? Dapat ay magpamisa si Ate Glo sa pagpasok ng Enero, 2006 dahil nakalusot siya sa nakakanerbiyos na 2005!
Nangangahulugan kaya na bawat taon ay sasampahan siya ng impeachment complaint?
Isang depensa dito ay mismong kapanalig niya ang "magsusumite" ng reklamo bawat taon—at huhusgahan din ito ng kanyang mismong mga "kapanalig".
Sa biglang tingin ay epektibo ang modus operandi, pero mapanatili ba niya ang loyalty ng mayorya ng mga kongresista? Sa ngayon, wala nang jueteng, saan kukuha ng itutustos na padulas ang kanyang "secret ninong" upang manatiling sinusuportahan siya ng mga "buwaya"?Kung walang dambuhalang pork barrel ang mga kongresista, manatili kayang ipinagtatanggol ng mga ito ang interest ni Ate Glo?
Sa susunod na limang taon, mauubos ang kaban ng bayan para mapanatili sa Malacañang ang Reyna. Ito ang dahilan kung bakit sinasabing tipikal na "Cong. Dadong" si Ate Glo—inuubos ang termino sa sariling publisidad.
----30---

Garci sa Baghdad

Bistado (10Oct05)

NAG-SUICIDE ang 4-kataong pamilyang Japayukis
sa Tokyo nang magutom ang mga ito dahil sa kawalan ng trabaho.
Pang-Holloween ang balitang iyan.

---$$---
NAGWARNING si Sen. Pong Biazon na MAG-AALSA na rin ang 10 AFP officers.
Ang problema, hindi pinaniniwalaan ng Malacanang ang dating ex-AFP chief.

---$$---
KALMANTE ang US na mananalo sa referendum ang YES VOTE sa Iraqi Constitution.
Iyan ay kung NAGTATAGO si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa BAGHDAD.

---$$---
MAY ulat na sisibakin na si PNP Chief Arturo Lomibao.
Nagamit na kasi siya NANG TODO.

---$$---
MAPEPERHUWISYO daw nang husto ang mga ralista at oposisyon
kapag ipinatupad ang Anti-Terrorism Bill.
Eh, kung mapapatalsik si Ate Glo, sila naman ang magiging OPOSISYON di ba?
Oh, e, di sa KANILA natin gamitin ang KAMAY-NA-BAKAL.

---$$---
HANDANG magbalik daw sa BUKID si Lt. Col. Alexander Balutan
kapag hinatulan siya sa COURT MARTIAL.
Huhhh, dapat masanay siya sa HOYO.
Mahirap maging SUNDALO.
Kailangang marunong kang MAGING TRAYDOR SA INANG BAYAN
—kung gusto mong maging HENERAL.

---$$---
NAWALA na raw ang jueteng.
Pero nagkalat naman ang VIDEO KARERA at VIDEO PRUTAS.
Pesteeeee!

---$$---
NATUWA si Ate Glo nang ibunyag mismo ng US
na may nag-ESPIYA sa Amerika para pabagsakin ang kanyang gobyerno.
He, he, he, hindi siya dapat MATUWA.
Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga TRAYDOR.
---30---

Friday, October 07, 2005

maling akala

editorial (08Oct05)

KUNG inaakala ng Malacanang na naabsuwelto na si Ate Glo matapos na ibasura ang impeachment complaint sa Kongreso, malinaw na nagkamali sila.
Iba ang katagang "absuwelto" kaysa sa "nabigong imbestigahan" ang eskandalo.
Malinaw na na-reject ang complaint, pero hindi ito nangangahulugan na "walang kasalanan" si Ate Glo. Sa punto ng pilosopiya ng batas, biktima mismo si Ate Glo sa naturang "pagkitil" sa impeachment complaint kasi'y nawalan siya ng pagkakataon na linisin ang kanyang "sarili" na inakala ng kanyang mga kapanalig at tagapayo--ay kasingkahuluhan ng katagang "absuwelto". Batay sa resulta ng mga survey, hinatulan ng mayorya ng populasyon si Ate Glo na "GUILTY" sa pandaraya sa 2004 presidential election-- at hindi nagbabago ang ganitong paniniwala na sana'y malilinis kung naibigay ng Malacañang ang kanilang panig at aktuwal na "I-ABSUWELTO" mismo ng Impeachment Court na bubuuin ng Senado.
Sa ngayon, dire-diretso pa rin ang paglitaw ng malilinaw ebidensiya at aktuwal na TESTIGO kabilang ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at opisyal ng pamahalaan. Sa ngayon, ipinauubaya na lamang ni Ate Glo ang kanyang kapalaran sa "kamay ni Bathala" at sa "DULO" ng baril ng mga kabataang sundalo.
----30----

delikado si juan

bistado (08Oct05)


HINDI daw bawal ang holding hands
ng ordinaryong Katoliko sa harap ng altar.
Huwag lang magse-sex.

---$$---
BUMABAHA ang ebidensiya ngayon kaugnay ng 2004 election fraud.
Dahil "dedbol" na ang impeachment complaint, nagpipiyesta ito ngayon sa MEDIA.
Iyan ang negatibong epekto nito. Magdusa kayo!

---$$---
TALIWAS sa paniniwala ng "matatalinong adviser"
ni Ate Glo na NAABSUWELTO ang kanilang amo
sa pagkakabasura ng impeachment, mali ang ganyang PAGTANAW.
Nabigo si Ate Glo na ibigay ang kanyang panig--at siyempre,
NABIGO siyang burahin sa isip ng tao na siya ay NANDAYA. Simple lang yan!

---$$---
NAWAWALA ang pangunahing TESTIGO sa fertilizers SCAM.
Hindi kaya NAISABOY na sa gitna ng bukid ang kanyang mga ABO
kasama ng mga PATABA sa pananim?

---$$---
TALAGANG nagbabalik ang anino ng Martial Law.
Kayrami ng "MISSING PERSON".

---$$---
NAGBITIW daw ang Ombudsman na si Atty. Simeon Marcelo
dahil pinaaabsuwelto ang mga maka-GMA at pinakakasuhan ang mga ANTI.
Totoo kaya yan? Delikado na si Juan.

---$$---
NINAKAW daw ng dating US Marine spy na si Leandro Agoncillo
ang mga dokumento tungkol sa RP mula sa tokador ni Vice President Dick Cheney.
Nagpapasalamat ang CIA at FBI at hindi Russians ang sangkot dito.Yun ang akala nila.

---$$---
AYON sa CPP-NPA-NDF, babalik lang sila sa PEACETALK
kapag nabago na ang "tao" sa Malacanang.
Teka, antay kayo bago mag-PASKO.

---$$---
MALABO nang maisali ang "basketball event" sa 23rd SEAGames
na gaganapin pa naman sa Maynila.
Ito ay dahil sa KABOPOLAN ng mga sports leaders.

---$$---

SANGKATUTAK ang nasasaktan ngayon
sa pagbuwag sa mga ralista.
Iyan mismo ang KAMAY-NA-BAKAL.
----30---

Thursday, October 06, 2005

nabahag ang buntot

Bistado (07Oct05)

NABIYUDA na ang aktres na si Gloria Romeo nang yumao ang mister na si Juancho Gutierrez.
Malaya na siyang pumagitna sa kalsada kasama si Susan Roces at Amalia Fuentes.

---$$--
MARAMI ang nae-EXCITE sa paghahamon ni Bro. Eddie sa mga awtoridad na ARESTUHIN siya agad.
Nabahag ang BUNTOT ng mga pro-GMA.
----$$--
MISTULANG Martial Law ang iiral kapag ipinatupad ang anti-TERRORISM BILL.
He, he. he, sige pa, hindi pa NASASAGAD ang ngitngit ni Juan.

---$$--
INI-EXPORT ang Ifugao rice sa United States.
Isusunod na ibibiyahe ang mga IGOROT.

----$$--
AYON kay Madame Meldy, MASINOP na ipinundar daw ng kanyang pamilya ang MARCOS WEALTH.
Ha! Ha! Ha!

----$$-
NAKAAKYAT sa 27-foot na ituktok ng Himalayas Mountain ang isang grupo ng Pinoy mountain climbers.
Ipagdasal ninyo ang Pilipinas, ,MALAPIT NA KAYO SA LANGIT eh.

----$$--
IBINEBENTA ang Hacienda Luisita sa presyong P1 milyon kada ektarya.
Huhhh, parang ISDA sa palengke ang BUKID NI TITA CORY

----$$--
HINDI naniniwala ang AFP sa expose ni Sen. Miriam na may TETEPOK kay Ate Glo.
He, he, he, WALA NANG NANINIWALA sa "future Senate president".
Ganyan klase ang mga PRO-GMA.

----$$-
MADUGO ang ginagawang dispersal sa mga nagpoprotesta sa ngayon.
Talagang giyera-sibil ang nangyayari.

----$$$---
SASAMA raw si Bishop Oscar Cruz kay Bro. Eddie Villanueva sa loob ng bilangguan.
Basta't aircon daw ang karsel!

----$$--
KAPAG nagkulong si Villanueva, at nakalaboso rin si Eddie Gil sa isa ring hiwalay na kaso, nenerbiyusin na si Sen. Ping Lacson.
Lahat kasi ng NAKALABAN ni Ate Glo sa nakaraang eleksiyon, ay nakukulong--KUNG HINDI MAN NATETEPOK.

----30--

panira

editorial (07Oct05)

HINDI na magkadaugaga ang gobyerno sa pagsagot sa katakot-takot na expose at eskandalo na ibinubunyag ng oposisyon.
Pero marami ring taga-gobyerno ang natutuwa kasi'y hindi napapansin ng Malacañang ang ilang kabulastugan sa pagtatalaga ng mga opisyal at ehekutibo sa iba't ibang kagawaran.
Kabilang dito ang pagdududa sa pagtatalaga kay Roseller Tolentino bilang district engineer sa first engineering district sa Quezon City sa ilalim ni DPWH Secretary Hermogenes Ebdane.
Kinukuwestiyun sa Ombudsman at Civil Service Commission ang kuwalipikasyon ni Tolentino pero pinagkatiwalaan pa rin siya ng isang maselang posisyon sa kagawaran.
Isa sa nagrereklamo sa appointment ni Tolentino si Rizal Provincial Board Member Rolando Rivera dahil nagkaroon ito ng mga kaduda-dudang transaksiyon sa naturang lalawigan pero imbes na masuspinde ay nabigyan ito ng promosyon.
Maging ang responsibilidad ng bagong district engineer sa kahabaan ang Commonwealth at buong Novaliches ay hindi nito nagagampanan dahil sa hindi pa rin naiaayos ang pambansang lansangan sa dami ng lubak, hindi maayos na paghuhukay at palpak na kalsada na nagiging dahilan ng nakababagot na trapiko partikular kapag umuulan.
Ang kaso ni Tolentino ay isa lamang sa maraming kapalpakan sa pagtatalaga ng mga bagong opisyal at ehekutibo sa gobyerno kung saan sinasamantala ng mga ito ang init ng eskandalo at expose laban kay Ate Glo.
Imbes na makatulong ang mga gabinete, sinisira ng mga ito ang kredibilidad ng pamahalaan dahil sa mga hindi kuwalipikadong opisyal na itinatalaga sa iba't ibang sangay ng pamahalaan.
Kung kailan ito matitigil--iyan ang isang malaking katanungang walang kasagutan.
Iyan ang malaking problema ni Ate Glo at mismo ni Juan.
--30--

Wednesday, October 05, 2005

gasolina sa apoy

Editorial(06Oct05)

TAMA ang desisyon ng founding leader ng Jesus Is Lord (JIL) Fellowship na si Bro. Eddie Villanueva na huwag magpiyansa sa kasong estafa na nakasampa sa Department of Justice (DOJ). Ipinadarakip ni DOJ Sec. Raul Gonzales kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco si Villanueva anumang oras.Isang ebidensiya ito ng kabulukan ng justice system ng bansa.
Hindi ba't ordinaryong kaso ang estafa sa panahon ng krisis, sa libo-libong suspected na estapador--bakit si Bro. Eddie lang ang binigyan ng espesyal na aksiyon ng DOJ at NBI?Magmimistulang engot ngayon ang gobyerno kapag inaresto ni Bro. Eddie kasi'y makakakuha ito ng milyon-milyong symphatizers na muling magpapagulo sa lipunan. Kumbaga sa Istorya ng Pagong at Matsing, ihahagis ng gobyerno si Bro. Eddie sa larangan na kanyang matagal nang pinapangarap--maging MARTIR SA MATA NG MASA.
Alam kaya ng marami na isang orihinal na aktibista si Bro. Eddie at hindi natatakot na makulong at may malalim na pundasyon sa IDEOLOHIYA higit kina Gonzales at Wycoco?Kung inaakala ng mga adviser ng Malacanang na makakaagaw ng eksena ang pagdakip kay Bro. Eddie sa isyu ng pagbubunyag nina Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan--ay nagkakamali sila. Lalong mag--aapoy ang isyu sa kabulukan ng administrasyong Arroyo tulad ng pagsaboy ng GASOLINA sa nasusunog na KABAHAYAN.
-----30---

bitag

Bistado (06Oct05)

PINAAARESTO ng Malacanang si Bro. Eddie.
He, he, he, malapit na silang kumagat sa BITAG.

---$$---
KINASUHAN ang JIL founder ng ESTAFA.
Huhhh, inaakusahan siyang kamag-anak nina Dimas, Hestas at Barabas.

---$$---
HINDI raw magpi-PIYANSA si Bro. Eddie.
Korek ka dyan!

---$$---
KAPAG ikinalaboso ng gobyerno si Bro. Eddie, magkakaroon ng rallying point ang oposisyon.
Diyan na sila babagsak.

---$$---
MAS mainam na isabay ang pag-TAKEOVER ng gobyerno sa Hacienda Luisita sa Tarlac.
Magmimistulang APING-API rin si Tita Cory.
Na papabor muli sa kalaban ni Ate Glo.

---$$---
MISTULANG nasa kumunoy si Ate Glo.
Habang kumikilos lalong NABABAON.

---$$---
INIULAT sa internet na INATAKE ng US troops ang Western Iraq upang mabawi daw ito.
Huhhh, mabawi?Parang INARI na nila ang TERITORYO, baliktad yan.
Ang mga Iraqi ang babawi sa teritoryo na kinakamkam ng dayuhan.
Isang klase ito ng MALING PAGBABALITA ng mga reporter na MAKA-US.

---$$---
PAYAG na ang Malacanang na ipagbawal ang artificial birth control method.
YUMUKOD na ang gobyerno sa Simbahan.

---$$---
SA PILOSOPIYA ng creation at development ng human species--mali ang anumang klase ng family planning method.
Sa ngayon, mas marami ang MATATANDA kaysa sa mga bata.
Hihina ang produksiyon kapag uuugod-ugod ang PUNDASYON ng isang pamayanan.
At diyan papunta ang mga industrialized countries tulad ng Japan, Singapore, Britain, US at China.
Nagsisisi sila ngayon sa kanilang KALOKOHAN.

---$$---
PINIPIGIL ng mga developing nations ang paglobo ng populasyon ng "mahihirap na bansa"--dahil ang "tao" ang mismong KAYAMANAN ng mga ito.
At bilang "likas na yaman" ang tao--hindi nila ito MASYADONG MAE-EXPLOIT dahil may "ISIP".

---$$---
SA ngayon, ang No.1 export at pundasyon ng EKONOMIYA ng Pilipinas ay MANPOWER--na pawang kabataan na nasa iba't ibang bansa.
Kapag pinigil ang pagdami ng POPULASYON--mababawasan ang bilang ng mga OFWs dahil mao-OVERAGED sila.
Kailangan bang i-memorized yan?

---30---

Tuesday, October 04, 2005

kawawang Pinoy

Editorial (05Oct05)

IPINIPILIT pa rin ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na dapat nang gamitin ang 1,000 vote-counting machines na binili ng ahensiya sa halagang P1.3 bilyon pero idiniklara ng Korte Suprema na illegal ang nagging proseso ng transaksiyon.
May katwiran si Abalos dahil hindi naman ang paggamit ng computer machines ang idineklarang illegal o ang mismong makina—kundi ang PRESOSO LAMANG NG BENTAHAN.
Ayaw nang isoli ng suppliers ang perang ibinayad sa kanila at ayaw na ring tanggapin muli ang mga makina na nananatili sa pangangalaga ng Comelec. Dapat ay gumawa ng special task force si Ate Glo upang suriin ang teknikalidad ng naturang kaso upang hindi maaksaya o mauwi sa bula ang kuwarta ni Juan de la Cruz.
Ang kapabayaang ito ng Malacanang ay isang klase rin ng pagwawaldas sa kaban ng bayan. Imbes na ayusin ang gusot, naglaan ng panibagong P1.6 bilyon si Budget Secretary Romulo Neri para modernisasyon ng election process bilang preparasyon sa 2007 election. Nangangahulugang ito isinantabi na lamang ang P1.3 bilyon?Nakakatiyak ba tayo na maayos din ang procurement sa panibagong P1.6 bilyong pondo?
Paano kung ideklara uli ng Korte Suprema na illegal ang transaksiyon.Kaawa-awa ang Pinoy, pinaglalaruan lamang ng matataas na opisyal ng bayan.
---30---

reyna

Bistado (05Oct05)


ITINANGGI ni Brig. Gen. Danilo Lim na patatalsikin siya bilang puno ng First Scout Ranger Regiment na nakabase sa San Miguel, Bulacan.
He, he, he, mukhang TULIRO na rin ang mga military.

-----$$--
ITINIKOM nina Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan ang kanilang bibig habang iniimbestigahan ng PROVOST MARSHAL.
Huhhh, baka naman madedbol kayo sa SUFFOCATION.

----$$--
NAKIKIUSAP ang PNP sa mga text brigades na huwag ikalat ang RUMOR sa kudeta.
Secret lang daw ito.
Ngekkkk!

-----$$--
AKTUWAL na Reyna ang ginawang pagtanggap ng mga Pinoy kay Miss International Preciouse Lara Quigaman.
Huhhh, puwede na siyang MAUPO sa Malacanang.
Malapit na kasing MABAKANTE!

----$$--
NAGPUGAY din sa Malacanang ang “Tatlong Hari” na sina Manny Pacquiao, Brian Viloria at Boom Boom Bautista—pawang world class boxing hero.
Iba talaga ang Noypi!

-----$$--
IDINEMANDA ng P20 libelo ni Rep. Rodante Marcoleta si ex-DSWD Sec. Dinky Soliman.
Tsk, tsk, tsk, di maubos ang ESKANDALO.

----$$--
WALANG sapat na suporta si Sen. Miriam upang mapabagsak si Sen. Frank Drilon bilang senate president.
Sa ngayon.
Eh, kung BUMAHA ng DATUNG?

----$$--
MAGKAKASALUNGAT ang opinion ng mga taga-PCGG kaugnay ng pagsusubasta sa “ALAHAS NI MADAME MELDY”.
I-tsek nyo muna, baka napalitan nay an ng FANCY.


-----$$--
INAMIN ng Hacienda Luisita na nakasanla sa limang bangko ang malaking bahagi ng lupain sa halagang P300 milyon.
At malapit na itong MAREMATA.
Paktaylo, farmers ka!

----$$--
NABABAHALA si DOJ Sec. Raul Gonzales na patayin si Ate Glo ng sariling BODYGUARDS tulad sa sinapit ni Indira Gandhi ng India.
Akala ko, baka patayin ng SARILING GABINETE.

---30---

Monday, October 03, 2005

pang-Halloween

Bistado (04Oct05)


IBINUNYAG ni Sen. Miriam na may planong patayin si Ate Glo.
Huhhhh, pang-HALLOWEEN yan ah!

---$$---
HANDA sina Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan na ibuwis ang kanilang buhay.
Eye witnesses sila sa 2004 election fraud.
Huhhh, delikado na yan, ah!

---$$---
HINDI ang Pilipinas ang nakikinabang sa oil exploration sa Malampaya kundi ang mga dayuhang negosyante.
Ngayon lang ninyo nalaman yan?

---$$---
LUMOBO pa ang presyo ng lequified petroleum gas (LPG).
Nanangkupoooo!

---$$---
IBINABALA ng mga eksperto na magkakaroon ng pandemic o global epidemic sa bird flu anumang oras.
Iyan ang totoong PESTE!

---$$---
MALILIPOL ang 150 milyong populasyon kapag dumiretso ang bird flu pandemic.
Kaya pala, nag-aapura ang mga Kano na makarating sa BUWAN at MARS.

---$$---
ITINUTURING ngayon ang United States na isa sa PINAKALAOS na bansa.
Nauubos ang kanilang sundalo sa Iraq at hinahagupit sila ng KALIKASAN.

-----$$---
PINALALAWAK na ang McArthur Hi-way sa Bulacan.
Mainam naman.

------$$--
KINAKABUGAN si Speaker JDV sa pagsisiyasat kaugnay ng P503 milyong North rail transit.
Mabibisto ang kanyang KALOKOHAN.

-----$$-
ITINUTURO si Senate President Frank Drilon na utak ng destabilisasyon.
He, he, he, sige pa.
Duruin pa ninyo nang kaunti--para totoo nang magkagulo.

----30--

palubog na barko

editorial (04Oct05)

NINERBIYOS na ang Malacanang!Ibinunyag ni Sen. Miriam na may planong itumba si Ate Glo. Nagdeklara sina Brig. Gen. Francisco Gudani at Marine Lt. Col. Alexander Balutan na nakahanda silang ibuwis ang buhay sa kanilang expose na nagkaroon ng dayaan sa 2004 election. Nauna rito, kinumpirma ng US embassy na naniniktik sila sa gobyerno at naghahanap ng posibleng ipalit kay Ate Glo.
Iisa lang ang malinaw ngayon---nanghihimasok na ang US at aktuwal nang may MILITARY COMPONENT ang pagpapatalsik kay Ate Glo.Ang dalawang maselang bagay na ito ang kulang sa kainitan ng "Hello Garci" controversy--pero mayroon na ngayon! Iyan ang dahilan kung bakit nagpa-panic ang Malacanang at umuugon muli ang kudeta. May mga ulat na may magaganap na kakaibang sitwasyon sa buwan ng Oktubre o kaya'y mababago na ang "tao" sa Malacanang bago mag-Pasko. Bukod sa pakikialam ng mga Kano at AFP, aktuwal nang mararanasan ang epekto ng krisis sa ekonomiya bunsod ng paglobo ng presyo ng petrolyo, kawalan ng trabaho, paglala ng kriminalidad, graft ang corruption, mataas na presyo ng bilihin at kalamidad sa pag-ulan at pagbaha. Malinaw na hindi nakatulong ang pagbasura sa impeachment complaint sa Kongreso bagkus ay nagpalubha pa ito ng sitwasyon.
Hindi rin naagaw ng isyu sa Charter Change at pagpapaliban ng Barangay election sa 2007 ang pagsusulong na mapatalsik si Ate Glo sa Malacanang.Ang mga sitwasyon ay dumidiretso sa katuparan ng iisang senaryo--PAGLUBOG NG BARKO!
---30---

Sunday, October 02, 2005

'di mapipigil

Editorial (03Oct05)

PINULONG bigla ni Ate Glo ang mga heneral at opisyales ng Philippine National Police (PNP) at kinansela ang isang mahalagang appointment. Dahil dito, nag-panic ang mga negosyante sa pangambang may kaugnayan ito sa tsismis sa kudeta. Sino ngayon ang nagpapaliyab ng mga balita na may maniobrang nagaganap sa Armed Forces of the Philippines (AFP)?
Ang tanong: May magagawa ba ang PNP sakaling magrebelde ang mga junior officers ng AFP?Ang sagot: Mayroon. Dahil isasarado nila ang North Luzon at South Luzon Exepressway upang pigilin ang troop movements bukod pa sa pagsasagawa ng mga checkpoints.
Pero, ang ganyang depensa ay epektibo lamang kapag kakarampot o ilang pulutong lamang ang mag-aaklas tulad sa Oakwood Mutiny. Paano kung bata-batalyong sundalo ang lumusob sa Malacanang—mapipigil kaya ng pulisya ang atake mula sa Air Force, Navy, at Marines. Paano kung commanding officer mismo ng mga military units ang maga-aklas?
Bakit, may nagawa ba si ex-PNP Chief at ngayon ay senador na si Ping Lacson nang tumalikod sa Commander-In-Chief ang mga traydor na pinamunuan ni ex-AFP Chief Angelo Reyes sa Edsa Dos?
Ang bulkan ay nag-iipon ng init at pressures bago SUMABOG---hindi ito napipigil ng alinmang puwersa ng PULISYA at MILITAR.
---30---

milyon malilipol

Bistado (03Oct05)


NAG-RESIGN na si Atty. Simeon Marcelo bilang OMBUDSMAN.
Hindi na rin siguro niya MASIKMURA na kasuhan ang mga WALANG KASALANAN.
Mula sa simpleng KAPRITSO ng kanyang padrino.

-----$$---
PINULONG ni Ate Glo ang mga PNP General.
Buti, hindi siya HINOSTAGE!

-----$$---
KINASUHAN na rin ng TAX EVASION ang actor na si Richard Gomez.
Kaawa-awa naman ang mga ANTI-GMA.
Talagang BUHAY-NA-BUHAY si Marcos.

-----$$--
KAPANSIN-PANSIN ang pagiging masaya sa nagdaang araw ni dating First Lady Imelda Marcos.
Kasi’y kung susuriing mabuti ang aksiyon at desisyon ng mga taga-MALACANANG---ay NAAALALA niya ang kanyang yumaong asawa.

-----$$--
MAS may puso si Marcos kaysa kay Ate Glo.
Hindi nagawang KAMKAMIN ng gobyerno ang Hacienda Luisita sa panahon ng Martial Law.
Pero, ngayon—NANGANGANIB na mawala ito sa Pamilya Aquino.

-----$$---
SI Ruffa Gutierrez daw ang Imelda Marcos ng showbiz.
Huhhh, kailangan niya ng isa pang Makoy.

-----$$--
AABOT daw sa 150 milyong katao ang malilipol sakaling kumalat sa buong mundo ang BIRD FLU.
At naghahanda na ang mga bansa kung paano ito matatakasan.
Kaya pala GINAGALUGAD na ng mga Kano ang MARS at MOON.

-----$$--
NASUSUNOG ang malaking bahagi ng California.
BARIL-DE-TUBIG ngayon ang gamit ni Governor Arnold Swarzenegger.

----$$--
BINIGYAN-DIIN ni Tita Cory na HINDI siya titigil hangga’t hindi napapalayas sa Malacanang si Ate Glo lalo pa’t bina-blackmail ang Hacienda Luisita.
Hindi kaya MAGHUNOS muli si KUMANDER DANTE?

----$$--
PINAG-AAWAYAN ngayon ng pulisya at traffic enforcers ang mahigit 20,000 TMG car plates.
Sa halagang P1,500 bawat isa—KAYO NA ANG MAG-COMPUTE ( mahina ako sa math), kung magkano ang kurakot.
Garapalang PANGONGOTONG yan na KINUNSINTE ng mga kolokoy.
Lahat ng ANTAS ng gobyerno—ay TADTAD NG CORRUPTION.
Kailangan pa ba ang EBIDENSIYA dyan?

---30---

Saturday, October 01, 2005

'di patas

bistado (02Oct05)

PINURI ng Hyatt 10 ang pagrerebelde ni Brig. Gen. Francisco Gudani.
He, he, he, dumarami kasi ang kanilang KABALAHIBO.

---$$---
DUMARAMI ang smuggling ng MOTORBIKES
dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Marami na naman ang BIGLANG YAYAMAN.

---$$---
HINDI iniiwanan ng ESKANDALO ang administrasyong Arroyo.
At mahimalang NALULUSUTAN lahat. Sa ngayon!

---$$---
MAGING si Sen. Miriam Taray, este Santigo ay kontra sa Exec. Order
na nagbabawal sa mga gabinete na tumestigo sa Senate hearing.
Isang klase kasi ito ng PAMBABASTOS at PAMBABRASO.

---$$---
OKTUBRE na.
Buwan ito ng mga senglot.
As in OCTOBEERFEST.

---$$$---
NAKAPAGTATAKANG hindi kasama si Vice President Noli de Castro
sa iimbestigahan kaugnay ng Northrail Transit gayong libo-libong SQUATTER
ang nasadlak sa dispalinghadong RELOKASYON.
Kasi’y katropa niya si Senate President Frank Drilon
at Sen. Manny Villar. Hindi talaga PATAS ang batas sa Pinas.

---$$---
TAPOS na ang Setyembre na pinakamaselang buwan sa panahon ng krisis.
Sa buwan ng Oktubre, ay ilalabas na kasi ang KUWARTA
ng mga negosyo na mamumuhunan sa mga X’MAS goods.
Papaganda na ang takbo ng ekonomiya hanggang Pasko.

---$$---
MAY ilang kompanya naman na nagbibigay na ng 1st installment
ng kanilang X’Mas bonus sa katapusan ang Oktubre
at ang kalahating maiiwan ay ibibigay sa Disyembre.
Huhh, unti-unti nang mapupuno ang mga mall.

---$$---
DAHIL sa “no permit, no rally policy”, ililipat na lamang ng mga militante
ang kanilang PROTESTA sa mga mall.
At mas okey dito. Kasi’y MALAMIG at parangPasko ang simoy ng hangin.

---$$---
MAY diarrhea ourbreak sa Catanduanes sa Bicol.
Napuno na raw ang mga KUBETA.

---$$---
ISANG Pinay OFW ang ginilitan ang leeg sa Spain
at inihulog naman mula sa tuktok ng gusali ang isa pang OFW sa Singapore.
Ang gobyerno, tameme lamang sa insidente.

---30---

anino ni Ninoy

Editorial (02Oct05)

ISANG malaking isyu ang kahilingan ng 5,000 magsasaka na makapag-ari ng lupa sa Hacienda Luisita sa Tarlac na pag-aari ng pamilya ni Tita Cory. Nakatakda kasing ipamahagi ng gobyerno sa mga lehitimong magsasaka ng naturang asyenda ang lupain na bahagi ng agrarian reform act. Pero, kumokontra dito ang Pamilya Aquino.
Sa totoo lang, ito mismo ang ugat ng pagtatangka ni Tita Cory na makialam sa pagpapalit ng liderato sa Malacañang upang hindi matuloy at maibinbin pa nang matagal ang pagkakaloob sa mga magsasaka ng naturang lupain.
Ito rin mismo ngayon ang gagamiting “pain o umang” ng Malacanang upang mapatahimik si Tita Cory na umaaktong lider ngayon ng oposisyon. Maselan ang isyu kasi’y hindi naman ngayon malaman ng mga militanteng organisasyon kung sino ang kakampihan: Si Ate Glo na kanilang pinapatalsik sa Malacañang o si Tita Cory na isang propitaryo na ayaw sumunod na agrarian law?
Kung babalikan ang panahon ng Rehimeng Marcos, pinaniniwalaang kumontra sa Martial Law si dating Sen. Ninoy Aquino kasi’y tinangka rin ni Makoy na itakeover at ipamigay sa magsasaka ang Hacienda Luisita—pero pineste ito ng pagtatag ng New People’s Army (NPA) kaya’t nahirapang ito panghimasukan. Ngayon, nagbabalik ang “anino” ni Ninoy sa katauhan ng kanyang biyuda. Ideklara na rin kaya ang Martial Law?
---30---


ANG