ARAW ng mga tatay ngayon!
Naalala ko ang yumao kong ama
na si Kapitan Sucing.
Pito kaming magkakapatid na
lalaki at may tatlo kaming kapatid na babae.
Ikinukuwento ng aking ama na
nang binata pa siya, siya ay estranghero, mahilig sa sugal, uminom pero
dumadayo siya kung saan-saan upang magtrabaho.
Pero nang makaisang dibdib
niya ang aking yumaong ina na si Inang Talia, pokus siya sa pamilya.
Nagamit niya ang natutuhan
niya sa latwaksa—bihasa siyang magkapintero, bihasa siyang mekaniko,
electrician, tubero, magsasaka, mangingisda;
at bihasa siyang POLITIKO o lider sa
lipunan kaya’t naging barangay captain siya.
Haligi siya ng Nacionalista
Party sa aming bayan ng Balagtas, Bulacan.
Iniidolo niya si dating
Pangulong Marcos.
Ipinagmamagaling niya ang
litrato niya kasama si Pangulong Marcos nang dumalaw sa Motorpool sa Guiguinto,
Bulacan noong 1965.
Bilang kapitan ng barangay,
tinanggap niya nang personal ang tseke na nagkakahalagang P5,000 bilang pondo
sa PROYEKTO na personal na pipiliin ng puno ng barangay.
Isang eksena ito na hindi
niya malilimutan .
Alam ba ninyo kung saan
inilaan ng aking AMA na barangay captain ang pondong P5,000?
Taliwas sa ibang barangay,
inilaan niya ang pondo sa pagbili ng INIDORO (toilet bowl), hallowblocks,
semento, bakal, buhangin, graba at yero upang magkaroon ng LIBRENG PALIKURAN
ang NAGDARAHOP NA PAMILYA sa aming barangay.
----$$$--
SA panahon iyon, bibihira
lang sa aming barangay ang may TOILET.
Ang barangay Longos ay nasa
tabi ng ILOG-BALAGTAS at hinahati ang teritoryo nito ng RILES ng tren.
Sa Balagtas River araw-araw LUMALANDING ang
“FLYING SAUCER” tuwing umaga at gabi.
Sa madaling araw naman,
nag-uunahan ang ilang residente sa pagpunta sa TULAY NA RILES ng tren na may
hawak-hawak na TABO na may tubig at
DIYARYO.
Hindi pampaligo o pansepilyo
ang isang TABONG TUBIG at hindi rin para BASAHIN ang DIYARYO—alam na ninyo kung
saan ito gagamitin.
Ganyan kagrabe ang sitwasyon
nang walang PALIKURAN ang mga bahay.
Iyan ang dahilan kung bakit
IPINAGPAGAWA ng aking ama na si Kapitan Sucing ng kanya-kanyang LIBRENG TOILET
ang mahihirap na pamilya sa aming barangay.
-----$$$--
DISIPLINADO kaming 10
magkakapatid.
Bawal sa babaeng kapatid ang
magpunta sa bukid, taga dala lang sila ng MERYENDA.
Pero ang tatlong babae ang
nakatoka sa paglalaba, pagluluto at pag-aalaga ng bata.
Ang mga lalaki naman ay nakatoka sa pag-ibig ng tubig at trabaho sa bukid—pagdadamo, paggapas, pagtatanim,
paghuhulip, pagpapatubig at pagbomba ng insekto at pagbugaw sa mga daga at
ibon.
Pero kapag dumating na kami
sa bahay, buong gabi kaming maiingay, naglalaro kami ng chess, naggitara,
nagdedebate sa doktrina sa bibliya at isyu tungkol sa gobyerno ni Marcos.
Nang kami ay nasa
elementarya, ang bawat 100 percent na grado sa QUIZ at exam ay may katapat na
CASH GIFT—at siyempre, lagi akong may PERA, madalas akong maka-one hundred eh.
----$$$--
NOONG Pebrero 24, 1986, nasa
tabi ng aking ama ang TRANSISTOR na iniregalo sa kanya ni Pangulong Marcos na
ang marka ay “F-r-e-E-d-o-M. Nakikinig siya sa ulat ng pagbagsak sa poder ni
Marcos at lumuluha.
Sabi niya: “Anak, hindi ka ba
pupunta sa Malacanang? Marami nang tao dun at mukhang tagilid na siya sa
puwesto?” wika sa akin ng aking ama.
“Gusto ko pong pumunta, pero
maghahanap ako ng kasama”, sagot ko.
Inabutan ako ng aking ama ng
P200 sabay ang sabi: “Sige, INGAT KAYO”.
------$$$--
NOONG Hunyo 2, 2012, umakto
akong ama sa kasal ng pamangkin ko.
Naulila sa ama ang tatlo kong pamangkin at tuwing may ikinakasal sa kanila—ako ang PROXY
FATHER.
Isinama ko ang aking 8-year old
na unico-hijo na si Rainier sa PANGANAY na kapatid ng aking yumaong ina na si
Lola Luding
Pinagmano ko si Rainier sa kanyang Lola Luding na hindi na nakakakita
sanhi ng katarata.
Nakaupo na hinagod-hagod
lamang ng aking Nana Luding si Rainier.
“Ilan taon na po kayo ,
Lola,?” tanong ni Rainier.
“NINETY-FOUR na ako, iho,”
sagot ni Lola Luding sa nagulat na si Rainier.
“Huh, ninety –four? Six na
lang, ONE-HUNDRED na!,” natatawang namangha ang paslit.
-----$$$--
LUMAPIT ako sa eksena.
“Anak gusto mo ba na ang
iyong Daddy at Mommy ay maging 100 years old din?”, urirat ko kay Rainier.
“I don’t want that, Daddy,” sagot niya.
“Bakit”, tanong ko agad.
“NO, because, I WANT BOTH OF YOU—DADDY AND MOMMY TO STAY
YOUNG FOREVER”.
Otso-anyos siya, pero alam
agad niya na HINDI ANG MATANDANG EDAD ang MAHALAGA kundi ang manatiling MALUSOG
at BATAMBATA sa habang panahon.
HAPPY FATHER’S DAY po sa
inyong lahat.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar
Newspaper, June 17, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/
@bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272)