AYAW tayong tantanan ng mga
text hinggil sa sinapit na pagkatalo ni Manny Pacquiao kaugnay ng ating pagtaya
na na naghunos siya sa isang “mahusay na boksingero”.
Sa totoo lang, TANGING ang
kolum na ito lamang ang nagsasabi na “nag-LEVEL-UP” ang performance ni Pacquiao
kompara sa mga dati niyang laban.
Sa totoo lang, maganda ang
dalawang huling laban ni Pacquiao, una kay Timothy Bradley, ikalawa ay kay Juan
Manuel Marquez.
Parehong “may SISTEMA” ang
kanyang estilo sa dalawang laban.
Hindi ito napansin ng mga
SPORTS ANALYST.
Ang bagong taktikang ito ni
Pacquiao—ay siya niyang dine-DEVELOP bilang paghahanda laban kay FLOYD
MAYWEATHER.
Ibang isyu ang “pagkatalo” ni
Pacman kay Marquez.
Ang nais nating bigyan
pansin—ay aktuwal na MANIOBRA.
------$$$--
KUMBAGA, hindi tayo
naniniwala na “kayang pabagsakin” si Pacquiao sa “overhead” punch na pinalampas
sa ibabaw ng braso” sa ikatlong round.
Hindi ito nalalayo sa
“suntok” sa pelikula ni Lito Lapid—TUMATALSIK ang kontrabida—at bagsak kahit
WALANG PUWERSA.
Sa pelikula ay may tinatawag
na “cue” bago ang “execution”—NAGDIKIT ang mukha ni Pacquiao at GLOVES ni
Marquez—matapos TAPAKAN ANG PAA ng “fallen hero”.
Matagal sa lona si Pacman, sa
iisang dahilan—walang iniwan ito sa
patutsadang MAHIRAP GISINGIN ang GISING!
------$$$--
BAKIT walang puwersa ang
“knockout punch” ni Marquez?
Taliwas sa dakdak at
pakuwentong analyses ng mga SPORTS COMMENTATOR, dapat ay gumamit tayo ng matematiks, geometry at
physics upang patunayan natin na WALANG “FORCE” o puwersa ang naturang suntok
na sasapat upang “makatulog” ang MADIDIKITAN ng kamao ni Marquez.
Una, saan ba ang “point of origin” ng naturang suntok ni
Marquez?
Ang lakas ng puwersa—ay hindi
nakikita sa KUNG SAAN TUMAMA ang suntok, bagkus ay kung saan NAGMULA ang
suntok.
Sa pelikula, para ipakita ang
“impact”—iniuutos ng direktor na i-closeup ang MUKHA na tatamaan ng suntok—at
kapag nakita ng mga manonood na tumilamsik ang pawis, dugo at nangiwi ang
BIKTIMA—iko-conclude ng AUDIENCE—na MALAKAS ANG SUNTOK.
Alam natin na “WALANG
PUWERSA” ang suntok sa mga pelikula nina
Fernando Poe Jr at Lito Lapid, subsob at tulog ang kanilang sinusuntok.
Pero sa aktuwal at sa physics, malakas ang PUWERSA ng suntok—kung
MAY BUWELO.
Para makita ang buwelo—kailangan masukat mo kung saan
nagmula ang suntok o ang saan POINT of origin ng KAMAO ni Marquez.
Suriin ninyo ang VIDEO, at
mapapansin ninyo na ang orihinal na pinagmulan ng suntok ni Marquez mula lamang
sa 18 inches hanggang 24 inches.
Meaning, mula sa “static
point” (di gumagalaw na puwesto ng kamao) patungo sa PUNTO kung saan nagtagpo
ang suntok at mukha ni Pacquiao—ay halos two-feet lamang.
Mag-eksperimento kayo—ang
inyong kamao ay ilayo ninyo nang DALAWANG PIYE mula sa TARGET area—at kahit
anong lakas nito—ibayo ninyo nang todo, walang gaanong puwersa ito.
Nang masuntok si Pacquiao sa
6th round, ang kamay ni Marquez ay naka-PERPENDICULAR (geometry), o
naka-90 degree ang upper arm sa lower arm. Kumbaga, ang siko ay naka-VERTEX—o
siya ang sulok ng triangle. Kumbaga, nakaliko ang braso ni Marquez imbes na
nakatuwid—bago suntukin si Pacquiao. Ang
puwersa dito ay magmumula lang sa braso at siko kaya’t mahina ang impact nito.
----$$$--
PERO magmumula sa mga masel
sa BALIKAT , biceps at triceps ang malakas na puwersa kung naka-180 degree
(nakatuwid) ang upper at lower arms ni Marquez—magmumula ang BUWELO mula sa ibaba malapit sa sahig ng lona—at mula dito, iyan ang ibubuhos
niyang puwersa sa mukha ni Pacquiao: Mula sa tuwid na upper at lower arms,
unti-unting ililiko papa-pendicular
habang humihigop ang lakas patungo sa target. Iyan ang ubod nang lakas na
magpapaospital kay Pacman!
Pero, subukin ninyo irebyu
ang video clip ng laban—kapag nakakita
kayo ng BUWELO na ganyang kalayo bago pinakawalan ang suntok—maaaring LEHITIMO
ang naturang suntok!!
----$$$--
HINDI iyan ang maririnig
ninyong pagtaya sa DALAWANG MALAKING TV stations dahil ayaw nilang KONTRAHIN ang propaganda ni Bob
Arum.
Kasi’y ang dalawang TV
network—ay may INTEREST sa mga promosyon ng laban ni Pacman.
Hindi ninyo maririnig ang
ganyang pagtaya.
Hindi nila puwedeng ukilkilin
ang isyu na “BIGAY ANG LABAN”—sapagkat masisira ang kanilang negosyo tulad sa
pagkasira ng RAKET ni Arum at MAFIA sa Las
Vegas.
----$$$--
PARA madali ninyong maunawaan ay ito ang SHORKAT:
Ipaghalimbawa nating
NABALIKTAD ang sitwasyon.
Imbes si Pacquiao, ay si
Marquez ang tumimbuwang sa IKATLO at IKAANIM NA ROUND.
Halimbawang si Marquez ang
NAKATULOG nang ganoong katagal, ano sa palagay ninyo, mayroon pa bang
PAG-UUSAPANG ika-5 laban? Ika-anim na laban? Ika-7 laban ng dalawang fighters?
Wala na. hindi ba?
Tapos na ang Pacquiao-Marquez
racket ni Arum.
Magsalita kayo!!!!!
-----$$$--
INAAMIN ng mga eksperto na
HINDI KAILANMAN naging malinaw ang posibilidad ng laban nina Pacquiao at Floyd
Mayweather.
Kung talunin man ni Pacquoiao
si Marquez—(kung wala si Mayweather) sino ang makakalaban ni Pacquiao na tatabo
sila ng BILYON o MILLION DOLLARS?
Hindi ba’t wala?
-----$$$--
NGAYON, natalo at natulog si
Pacquiao, hindi na KAILANGAN KAUSAPIN si Mayweather—kasi’y ang PACQUIAO-MARQUEZ
5TH ENCOUNTER—at sapat na upang MADOBLE ang income ni Arum, income
ni Marquez at income ni Pacquiao.
Sa totoo lang, dapat ay may
KAPARTE ang kampo ni Pacquiao sa kinita ni Marquez—sapagkat, hindi naman siya
talaga ang dapat NAGWAGI.
Dahil diyan, ang KONTRATA sa
susunod na paghaharap ng dalawa—ay IDIDIKTA lamang ni Arum—at ang kampo ni
Marquez—ay simpleng sasang-ayon lamang.
Kapag yan ang naganap at
sitwasyon sa susunod na kontrata—iyan ang KUMPIRMASYON na “totoo ang tsismis”
na BIGAY ANG LABAN.
Sa susunod na laban ni Pacquiao at Marquez—PATOK ULI SA TAKILYA—ang BAGONG
SCRIPT ng TOP RANK.
Marami kasi ang hindi
nakakaunawa ng PROFESSIONAL BOXING na hindi nalalayo sa PROFESSIONAL WRESTLING.
(BISTADO ni Ka Ambo, Bulgar newspaper
for Dec. 11, 2012 issue. UNEDITED. Bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)