Aug. 21: Baluktot na kasaysayan
Batay sa mga historyador na
anti-Marcos, ang asasinasyon kay Ninoy noong Agosto 21, 1983—ay siyang mitsa ng
pagbagsak ng kanyang administrasyon.
Isa tayo sa hindi naniniwala
dito.
Bakit?
Sapagkat yan ay paniniwala at
nakahapay pabor sa mga anti-Marcos.
Bilang isa ang inyong
abang-lingkod na organic part ng naturang gobyerno mula 1975 hanggang
1986—masasabi ko na dapat din nating pakinggan ang kabilang panig upang
maunawaan natin ang KASAYSAYAN at istorya sa likod ng kasaysayan.
Taliwas sa paniniwala ng
lahat, ang panghihina ng Rehimeng Marcos—ay hindi nagsimula sa asasinasyon kay
Ninoy noong 1983 , bagkus ang naturang eksena ay bunga ng PANGHIHINA ng
administrasyong Marcos noong 1981.
Batay sa mga record, mismo si
PNoy ay hinikayat ng ilang oposisyon na umuwi sa Pilipinas dahil may sakit
umano si Marcos at maaring bawian ng buhay anumang oras---ibig sabihin, uuwi
ang ama ni PNoy—dahil AKTUWAL nang mahina ang gobyerno ni Marcos!
Walang debate dyan.
Batay mismo sa deklarasyon ng
isang dating kongresista sa Ilokos na kapwa kaibigang matalik nina Marcos at
Ninoy, gustong umuwi ng dating senador dahil mahina na ang kalusugan ni Marcos,
at siyempre, mahina na rin ang kanyang administrasyon.
Sa puntong ito, paano HIHINA—ang
talaga namang mahina na?
Ibig sabihin, kahit hindi
napatay si Sen. Ninoy ay talagang papahina na ang hawak sa PODER ni Marcos—at
yan ang nais kong MAUNAWAAN ng mga kabataan ngayon na inililigaw ng mga HISTOYADOR
na anti-Marcos at pro-Aquino.
Hindi ang asasinasyon ni
Ninoy noong Agosto 21,m 1983—ang mitsa o simula ng panghihina ng poder ni
Marcos, bagku ito ay BUNGA (imbes mitsa) ng aktuwal na panghihina ng Rehimeng
Marcos.
-----$$$--
SA totoo lang, kahit kayo
magsaliksik, ang panghihina ng Rehimeng Marcos ay hindi nag-ugat sa asasinasyon
ni Sen. Ninoy (na umuwi dahil sa power play na sintomas ng humihinang
gobyerno), bagkus ay teknikal itong nanghina—nang ALISIN ang epekto ng Batas
Militar mismo noong Enero 17, 1981 sa bisa ng Proclamation 2045.
Matapos mag-plebisito,
nagtakda ng presidential election noong Hunyo 16, 1981 at nakalaban niya si
dating Bulacan Governor at World War II
hero Alejo Santos.
Ang lakas at kapangyarihan ni
Marcos ay teknikal nakapundasyon sa Batas- Militar—at nang tanggalin niya
ito—ay unti-unting humina ang kanyang poder, pero hindi yan binabanggit ng mga
HISTORYADOR, bagkus patuloy nilang pinaniniwala ang mga kabataan na ang
pagkamatay ni Ninoy ang nagpahina sa poder.
----$$$--
BAKIT KUSANG INALIS ni Marcos ang epekto ng Batas
Militar noong 1981?
Ito ay upang pagbigyan at
makumbinse ang Santo Papa na si Pope John Paul II na dumalaw sa Maynila noong
Pebrero 17, 1981—isang buwan matapos i-LIFT o tanggalin ang Martial Law.
Pagbibigay-tuwa din ito ni Marcos sa bagong upong si US President
Ronald Reagan.
Ang petsa kung kailan inalis
ni Marcos ang epekto ng Batas Militar ay iniiwasang paluntangin dahil ayaw
palabasin na ang PAGKUKUSA ni Marcos na alisin ang bisa ng Martial Law—ang TUNAY
NA MITSA ng kanyang pagbagsak.
Sa puntong teknikal, malinaw
at aktuwal na nanghina ang poder ni Marcos nang mawala ang epekto ng Martial
Law na sinabayan ng paglakas ng grupong oposisyon na nag-aaway-away naman sa
iba’t ibang paksiyon.
Pinagrabe ang sitwasyon ng
ulat ng PAGHIHINA ng kalusugan ni Marcos na dumanas ng lupus at sinasabing
nagda-dialysis sa basement ng Malacanang.
Iyan ang eksena nang
magkusang magbalik si Sen.Ninoy sa Pilipinas—sa iisang motibo: Makipag-agawan
sa poder na maaring bakantehin ng maysakit na si Marcos.
Mismong ang US intelligence
service ang nagkumpirma kay Ninoy na mahina ang kalusugan ni Marcos.
At batay sa testamento ng
dating kongresistang malapit sa dalawang politiko, nakakapag-usap nang maayos
sina Marcos at Ninoy kung saan tatangkain ng dating senador na ilipat sa kanya
ng Presidente nang maayos at mapayapa ang gobyerno—bago ito MAAGAW ng mga
rebeldeng KOMUNISTA na nakaporma na sa iba’t ibang panig ng MetroManila.
Isa sa motibo ng PAGBABALIK ni Ninoy ay makausap si Marcos sa Malacanang
para sa isang payapang transisyon, pero hindi ito naganap.
Isa ito sa mga detalyeng
inililihim at ipinagkait sa KABATAANG PILIPINO na biktima ng mga propaganda laban sa Pamilya
Marcos.
(BISTADO column ni Ka Ambo, Bulgar
Newspaper, August 21, 2012.UNEDITED.CC: bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on
twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272.)