BLACKMAIL NI PANGILINAN
NAPIKON na ang komprador na
si Manny Pangilinan.
Nagbanta ito na ililipat sa Hong Kong ang lahat ng kanyang negosyo.
BLACKMAIL ang tawag dyan.
-----$$$---
KAPAG napipikon ang tao,
nauubusan ito ng argumento o epektibong katwiran upang maiabsuelto ang sarili
sa negatibong sitwasyon.
Ibinisto kasi ni Sen. Antonio
Trillanes IV ang “secret agenda” ni MP.
Mukhang maghahalo ang
balat-sa-tinalupan.
----$$$--
MALABONG gawin ni Pangilinan
ang kanyang banta.
Bakit?
Kapag tinotoo niya ang paglipat sa HongKong ng kanyang mga negosyo, makukumpirma na siya ang TRAYDOR sa bayan.
Kapag tinotoo niya ang paglipat sa HongKong ng kanyang mga negosyo, makukumpirma na siya ang TRAYDOR sa bayan.
Personal na interest ang
kanyang ipinakikipaglaban.
Babagsak ang lahat ng kanyang
NEGOSYO sapagkat ang TUBO o KITA ng kanyang mga “transaksiyon” ay itatakbo niya
patungo sa ibang bansa.
Ibig sabihin, hindi na siya
maituturing na tunay na FILIPINO bagkus
ay isa nang siyang ADOPTED SON ng China .
-----$$$--
KUNG inaakusahan ni Senate
President Juan Ponce Enrile si Trillanes
na nagseserbisyo pabor sa China ,
lumalabas ngayon na si Pangilinan ay nakikipag-LARO rin sa China .
At makukumpirma ito sa
kanyang banta na ilipat ang mga negosyo sa HONGKONG—na aktuwal na teritoryo ng China .
Sakaling totoo na sina Trillanes at Pangilinan ay
nakikipag-negosasyon nang “nakahapay” o naka-KILING pabor sa China —kaawa-awa naman ang
Pilipinas,sapagkat “WALANG PATRIOTIKONG PINOY ang kasama sa “negosasyon”.
Ang mga negosyador ay
pare-parehong PABOR sa China .
Iyan ang dahilan kung bakit
dapat na tumindig at linawin ng Malacanang ang naturang isyu.
----$$$--
MAAARING nagpapapansin lang
si Pangilinan o pinepeke ang publisidad sa pagbabanta na ililipat niya sa Hong
Kong ang mga negosyo upang PALITAWIN na siya ay maka-CHINA imbes sa BINTANG ni Trillanes na “maka-US” ang Big Boss tulad
sa interes na ipinapostura ni Foreign Affairs secretary Alberto del Rosario.
Maselan ang isyu
sapagkat lumalabas na si Pangilinan ay
may DALAWANG MUKHA---isang maka-China at isang maka-US.
Pero, walang paling o
pahiwatig na siya ay maka-PILIPINAS.
Ang mga PINOY—ay kanya lang
pinagkikitaan sa kanyang mga DAMBUHALANG negosyo.
------$$$--
MALINAW na malinaw, pamba-BLACKMAIL
ang banta ni Pangilinan na ilipat sa Hong Kong
ang kanyang mga negosyo.
Direktang BLACKMAIL ito sa Malacanang upang ibigay ang kanyang
KAPRITSO na hindi ibinubunyag sa publiko.
(BISTADO column ni Ka Ambo, Bulgar newspaper for Sept. 23, 2012 issue. UNEDITED.
Cc. bistado.blogspot.com/ danilo_ambrocio@yahoo.com/
09173525272/ bistadoniambo on twitter.)
---30---