Sunday, August 15, 2010

NCAA: Letran vs EAC

By LUCAS P. CRISOSTOMO

86th NCAA W L

San Beda 7 0
San Sebastian 7 0
Jose Rizal 5 2
Mapua 5 2
Arellano 3 5
Letran 2 5
Emilio Aguinaldo 2 5
St. Benilde 1 6
Perpetual Help 0 7

Mga Laro Ngayon (The Arena)
10 am - EAC vs. Letran (Jrs)
12 nn - St. Benilde vs. Perpetual Help (Jrs)
2 pm - EAC vs. Letran (Srs.)
4 pm - St. Benilde vs. Perpetual Help (Srs.)

APAT na koponang nasa ibaba ng standings ang maghahangad na wakasan ang first round scehdule ng 86th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa pamamagitan ng [panalo ngayong hapon sa The Arena sa San Juan.
Sa unang laro sa ganap na 2 pm aymaghaharap ang Letran Knights at Emilio Aguinaldo College generals na kapwa may 2-5 record. ito’y susudan ng pagtutuos ng College of St. Benilde at Perpetual Help.
tng Knights ae Generals ay kapwa galing sa masasaklap na kabiguan noong Biyernes. Ang mananalo sa kanila mamaya ay makakasosyo ng Arellano University (3-5) Chiefs sa ikalimang puwesto.
Ang Letran ay naungusan ng Chiefs, 78-76noong Biyernes. Sa larong iyon ay nilamangan nila ang Chiefs ng 15 pntos sa first quarter subalit nalimita sa pitong puntsos sa second period at tuluyang nabigo.
Mas masaklap naman ang sinapit ng EAC dahil nakalamang ang Generals ng pitong puntos laban sa Jose Rizal Heavy Bombers sa huling apat na minuto. peronakabawi angHeavy Bombers at nakatabla, 57-all sa pagtatapos ng regulation at nagwagi matapos ang overtime, 74-70.
Tampok na duwelo ang shooting match nina Argel Mendoza at Kevin Alas. Si Mendoza, na sia sa mga top scorers ng liga noong nakaraangseason, ay tila nangangapa ngayon. Nagbalik naman si Alas sa active duty matapos na mawala ng tatlong games bunga ng knee injury. Bagamat nagtapos siya ng may 13 putnos para sa Letran ay napakababa naman ng kanyang shooting percentage.
Sinimulan ng St. Benilde ang kampanya sa pamamagitan ng panalo kontra Arellano University subalit nakalasap ng anim na sunod na kabiguan pagkatapos. Sa kabilang dako, ang Perpetual Help ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng panalo sa torneo at may 0-7 record.
Ang Blazers ay pinangungunahann nina Mark de Guzman, Ian dela Paz, Robbie Manalac at prized rookie Dan Carlo Lastimosa. Ang Altas ay mayroon lang dalawang carryover buhat sa line-up noong nakaraang season at ito’y sina Raffy Ynion at Chrisper Elopre.
** ** **.

3 consecutive draw si Wesley So, Netherlands chess

NAUWI lamang sa ika-3 sunod na draw ang laban ni Filipino sensantion grandmaster (GM) Wesley Barbasa So kontra kay Israeli GM Boris Gelfand sa 21moves ng Petroff defense sa patuloy na hostilidad ng NH Chess Tournament binansagang the Experience team and the Rising Star sa NH Grand Hotel Kransnapolsky sa Amsterdam, Netherlands nitong Sabado.

Matapos ang round 3, nakalikom ang the Rising Star ng kabuuang 9.5 puntos kontra sa koponan ng the Experience team ito'y matapos ding manalo sina GM Hikaru Nakamura(USA), GM Fabio Caruana (Italy) at GM David Howell (UK) kontra kina GM GM Peter Heine Nielsen (Denmark), GM Peter Svidler (Russia) at GM Loek Van Wely (Netherlands), ayon sa pagkakasunod. Nauwi naman din sa draw ang laban nina GM Anish Giri (Netherlands) at GM Ljubomir Ljubojevic (Serbia).MB

Tuesday, August 10, 2010

GMA mas grabe kay Makoy, PNoy mas grabe kay GMA

Para sa mga kritiko ng dating pangulo, nararapat lang daw ang kanilang ginagawang pang-insulto sa kanilang kasamahang kongresista.
Idinepensa naman ng kanyang mga kapartido sa Lakas- Kampi-CMD si Rep. Glo sa pagsasampa ng kaso sa Ethics committee sa unang kasamahan nila na nambastos umano sa dating lider ng bansa.
Imbes naman na sagutin ng isa ring priliege speech, minabuti na lang ni Rep. Glo na mag-walkout.
Umeksena naman si Rep. Manny Pacquiao sa pagsasabing itigil na ang bangayan at magsimula na silang magtrabaho para sa bayan.
Sa kabilang dako, nagkainitan muna ang mga senador bago naareglo ang pagsusuwangapan sa chairmanships ng mga komite sa Mataas na Kapulungan.
Malinaw ngayon na wala tayong maasahang matinong Kongreso at sa benggador na administrasyong Aquino.
Taliwas sa paniniwala ng lahat na mayroong pag-asa ang bawat isang Pinoy, mauuwi sa bula an gating mga hilaw na pangarap na maiahon sa kabulastugan ang ating pamahalaan.
Mananatili pa rin ang napakasamang kantiyaw—mamili ka sa dalawang demonyo sa panahon ng eleksiyon.
Kayo na ang sumagot, sino ang napili ninyo?
Mga anghel ba ang napili ni Juan o hindi nalalayo sa dati-rati ninyong kinasusuklaman?

R.A. 6713 : Inutil

TILA walang KONSENSIYA si Pnoy at masyadong PANGAHAS sa pagtatanggal ng tao sa gobyerno.
Isipin na lang ninyo, SINIBAK si PAGASA chief Frisco Nilo nang walang DUE PROCESS.
Bakit hindi nila binigyan ng PAGKAKATAON si Mr. Nilo na ibigay ang PANIG laban sa kanyang mga kritiko.
Makikita natin na basta-basta na lamang NAKIKINIG si Pnoy sa mga sepsep at sa mga NAGKAKAIINTERES sa posisyon.
Isang BANANA REPUBLIC ang Pilipinas sa administrasyong Arroyo.

------$$$---

NAAWA ang ABS-CBN crew nang pasyalan ang bahay ni Nilo.
Nakatira ang kanyang PAMILYA sa isang simpleng bahay—na hindi para sa isang EHEKUTIBO ng gobyerno.
Sa totoo lang, SIMPLE LIVING lang ang buhay ng direktor PAGASA.
Iyan kasi mismo ang itinatadhana ng Article XI, Section 1: "A public officials must lead at MODEST LIVES."

------$$$---
Kung SINO yun HINDI CORRUPT at may EBIDENSIYA na hindi NAGNAKAW—siyang siinisibak sa administrasyong Arroyo.
Dapat siyang IPAGTANGGOL ng mga ordinaryong mamamayan.
Dapat siyang idepensa ng mga HINDI MAGNANAKAW.
Mukhang walang nagdedepensa kay Nilo.
Nagpapatunay ba ito na maging ang mga MILITANTENG GRUPO at ORDINARYONG MAMAMAYAN---ay pawang MAGNANAKAW din?

-----$$$---
ITINATADHANA ng R.A. 6713, Section 4, paragraph "h": "Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their position and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form."
Sinikap ni Mr. Nilo na TUPDIN at GAMPANAN ang naturang itinatagubilin ng batas, pero ano ang kanyang NAPALA?
Hindi na siya binigyan ng DUE PROCESS, hiniya pa siya sa PUBLIKO.
Anong KONSENSIYA mayroon si PNoy?

------$$$---
KAHIT ang pagkakasibak kay Willie Revillame at sa WOWOWEE ay "may anino" ng Malacanang.
Ang pagpuwesto ni Kris Aquino sa NOON TIME show ay isang ebidensiya ng BENGGANGGSA at pagkakaroon ng CONFLICT OF INTEREST.
Nakakahiya, nakakasuka!!!

----$$$---
DATI-RATI ay kinokontra ng "dating oposisyon" ang pagsasapribado ng PAGCOR, ngayon sila na ang NAKAAGAW ng poder sa Malacanang, sila ngayon ang PROMOTOR ng pagsasapribado ng naturang GAMBLING EMPIRE.
Hindi pa nakaabot ng first 100 days si PNoy---$10 BILYON agad ang unang PRESYO sa UNANG SUBASTA ng pag-aari ng Republika ng Pilipinas.
Kung malala pa kaysa kay Marcos si Ate Glo, mas GRABE ang kahihinatnan natin kay Pnoy, sige, isipin ninyo yang MABUTI.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--
KUNG kinontra ni Ate Glo ang pagtaas ng SINGIL sa pasahe sa MRT at LRT, si PNoy pa ang nag-endorso sa kanyang SONA na palobihin ang SINGIL sa mga commuters.
Ano bang klase ng diskarte yan?

-----$$$---
INENDORSO din ni PNoy na IBENTA ang "Naval Headquarters" ng Pilipinas sa kanyang SONA.
Mukhang mayroon siyang KLIYENTE na foreigners.
Hulaan ninyo, GAANO ang kanyang maibubulsang "SOP"?