BLUNDER SA SONA
TAMA ang payo ni Senate
President Juan Ponce Enrile na huwag ISAMA MULI ang issue sa Spratlys sa SONA
ni PNoy.
Sa totoo lang, isang BLUNDER
ng mga speechwriter ni PNoy ang pagsama sa REED BANK o RECTO Bank sa 2011 SONA
ni PNoy.
Binanggit na natin noong
nakaraang taon sa KOLUM na ito na MALI
ang pagsigaw ni PNoy sa kanyang SONA noong 2011—kung saan nambola siya at
nagyabang nang: Yung REED BANK o RECTO BANK—ay teritoryo ng Pilipinas gaya sa RECTO AVENUE .
Isang pagkakamali yan—kasi’y
aktuwal siyang naglabas ng FOREIGN POLICY sa kanyang SONA noong nakaraang taon
na ikinaalarma ng Beijing .
Mula noon, lihim na
nagmaniobra ang China upang
sakupin nang aktuwal ang malaking bahagi ng Spratlys kasabay ng pagtatayo ng SHANSA CITY .
----$$$--
TALIWAS kay Pnoy na
nambobola, tahimik ang lideratura ng China , pero aktuwal itong kumikilos
nang KONGKRETO at EPEKTIBO.
Aktuwal silang NANGINGISDA at
sinusuportahan ang mga CHINESE VESSELS na umuokupa sa Scarborough
Shoal at malaking bahagi ng Spratlys.
Ang Pilipinas—ay puro
PAMBOBOLA lang, protesta at KUWENTO, pero walang aktuwal o kongkretong HAKBANG o utos sa AFP at mga
mangingisda.
Iyan ang paulit-ulit nating
sinasabi sa SONA ni PNOY—punumpuno ito ng BOLA.
Walang laman, walang talab,
puro hangin lang.
-----$$$--
ANO ngayon ang sinasabi ni
PNoy na ang REED BANK o Recto Bank ay hindi nalalayo sa RECTO AVENUE ?
Wala.
Nakakahiya.
Naipahamak niya ang
SOBERANIYA at TERITORYO ng Pilipinas sa isang MALING TALUMPATI na ginawa ng
kanyang mga SPEECWRITER.
Dapat maunawaan ni PNoy na ang anumang letra, mensahe at kataga
ng SONA—ay nagsisilbing GOVERNMENT POLICY.
Kapag bumanggit si PNoy
tungkol sa SPRATLYS—ituturing yan ng CHINA na isang FOREIGN POLICY
kaya’t dedepensa o OOPENSA ang mga ito nang lihim.
Hindi dapat NAMBOBOLA si
PNoy—kasi’y NAIPAPAHAMAK niya ang buong Republika ng Pilipinas.
-----$$$--
KUNG hindi man dapat
banggitin ni PNoy ang tungkol sa SPRATLYS, hindi rin niya dapat banggitin ang
tungkol sa SUB STATE
ng Bangsa Moro sa Mindanao .
Pero, tila hindi makikinig
ang kanyang mga SPEECHWRITER sa ating PAYO.
Dahil may kutob tayong
OPISYAL niyang ihahayag sa Lunes, Hulyo
23—ang paglagda ng government panel sa SUB
STATE ng mga Moro sa Mindanao .
Isang panibagong BLUNDER ng
kanyang mga speechwriter at mismo ni PNoy.
----$$$--
ANG BLUNDER ni PNoy gamit ang PAMBOBOLA sa SONA—ay
maaaring malaki ang maging KAPALIT.
Delikadong mawala siya sa
MALACANANG—nang hindi inaasahan, sa isang hindi rin inaasahang SITWASYON at
hindi inaasahang PAMAMARAAN.
Ipinaaalaala natin ito ito
kay PNoy upang maingatan niya ang kanyang PUWESTO na ipinamana ng kanyang ina
at ng kanyang AMA na pinatay at biktima ng isang PERFECT CRIME.
Buong pagpapakumbabang
ipinapayo natin yan, para sa PERSONAL niyang
kaligtasan.
Mag-ingat siya sa mga taong
nasa paligid niya, baka IPINAPAHAMAK na siya.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar
newspaper, July 20, 2012 issue, UNEDITED.
CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)