Monday, August 29, 2005

Luksa sa Kongreso

MAUGONG ang ulat na pupuwersahin ngayon ng mayorya na “patayin” na ang impeachment complaint sa Kongreso bilang pabaon kay Ate Glo patungo sa New York.Pero sisikapin ng oposisyon na mapalawig pa ang pagdedebate hangga’t hindi pa nakokopo ang target na 79 signatures.Krusyal ngayon sa administrasyon Arroyo ang linggong ito.Tiyak na hindi na mapagkatulog si Ate Glo.Hilong-talilong naman ang kampo ni Vice President Noli de Castro na binubuo ng Nacionalista Party at Liberal Party dahil kapag ibinasura ang Impeachment complaint sa araw na ito—liliit na ang tsansa na maupo ang kanilang “manok”.Pero kapag naramdaman ni Speaker JDV na makukuha ang 79 boto mula sa NP at LP ay hindi malayong tularan nito ang diskarte ni ex-AFP Chief of Staff Angelo Reyes kung saan INUNAHAN nito ang isang military faction na loyal kay Gov. Chavit sa pagtalikod sa kanyang commander-in-chief.Tulad ni Reyes, kapag naunahan ang Lakas-CMD na bumabaliktad at nailusot ang Impeachment, mawawalan sila ng PODER sa susunod na administrasyon na pamumunuan ni Vice Noli.Pero, kapag nai-TAYMING nila ang maniobra, maaaring maging BISE PRESIDENTE si Speaker JDV para sapawan ang pangarap nina Sen. Manny Villar ng NP at Sen. Frank Drilon ng LP.Sa linggong ito, masasaksihan natin ang “katapatan” at “kalokohan” ng mga mambabatas.Huwag sana silang magkamali.At huwag sanang masunog ang kanilang mga bahay sa init ng balitaktakang pulitika.----30---

galit sa aso

(Aug.30, 2005 issue)

PAPATAYIN daw ngayon ang Impeachment complaint.
At marami ang SALARIN.

----$$--
PERO umaasa pa si Rep. Ronnie Zamora na mapapalawig ito.
He, he, he, daig pa niya si Kristo, bubuhayin ang “patay”.

----$$--
IKINULONG na nang todo ang mga OFWs sa US military barracks upang hindi mapatay ng mga Iraqis.
BILANGGO sila sa sarili nilang KAGUSTUHAN.

----$$$---
NAPUNO ng “petitions” ang TEXT MARY project server.
Ganyan karami ang mga MAKASALANAN.

-----$$--
HUMIHINGI ang mga siklista ng sariling BIKE LANES sa mga lansangan.
Ngayon lamang nila ito gagawin kung kailan nagaganap ang krisis.
Pag natapos na ang BIKE LANES, tapos na rin ang krisis.
Ganyan sila ka-BOPOL.

-----$$$--
INAMIN ng DENR na tone-toneladang HAZARDOUS WASTE ang itinatapon sa ilog araw-araw.
Iyan ang dapat TRABAHUHIN ni DENR Sec. Mike Defensor.

----$$--
GAGAMITIN ang Intramuros bilang SIMBULO ng TURISMO.
Kasama kaya dito ang NAGKALAT NA PUTATSING sa historical site ?

----$$--
EEKSENA na rin ang mga ASO sa anti-GMA protest.
Nakupp, magagalit ang mga TUTA sa Malacanang.

----$$$---
SINISISI pa ngayon ng Pacific Plans Inc. ang mga NAGOYO nilang planholders sa kanilang KABULASTUGAN.
Lintek na raket yannnnn!

-----$$---
IPINAGMALAKI ng DPWHna tinapalan na nila ng ASPALTO ang mga baku-bakong daan sa MetroManila.
ASPALTONG NATUTUNAW ng ulan.
Para aspaltuhin muli next week.
Simpleng PANGUNGURAKOT.

----$$$---
ISASARADO na raw ang International School of Manila.
Simbolo kasi ito ng DISKRIMINASYON sa mga obrero.
Dolyar ang suweldo ng foreign teachers, at mamiso sa Pinoy tutors.

-----$$--
IYAN din ang mismong inirereklamo ng Pinoy cagers sa Philippine Basketball Association (PBA) kontra sa mga IMPORTED PLAYERS.
Kinukunsinte ng gobyerno ang PANG-AAGRABIYADO sa sariling kababayan.
Mga inutilllllll!
----30—

Friday, August 26, 2005

prinsesa, 2 misis (28aug05)

Tiktik—28aug05, advance for: aug 28 issue

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay dumalo sa isang engrandeng okasyon. Nakasuot ako ng damit tulad sa isang prinsesa. Kumikinang ang mga pahiyas sa aking damit. May orkestra na tumutugtog at nang magpalakpakan ang mga panauhin ay biglang lumabas ang isang nakapaguwapong escort ko. Nanginig ako sa tuwa at napaluha habang isinasayaw niya ako sa gitna ng bulwagan. Biglang namatay ang ilaw kaya’t nagsigawan ang lahat pero nang muling mabuksan ang ilaw ay nagising na ako at natulala pa rin dahil isang panaginip lang pala ang lahat. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong titser sa isang day care center pero dalaga pa ako.Ako na lang ang walang asawa sa aming magkakapatid. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1975. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MYRNA NG SAN ILDEFONSO, BULACAN

Dear Myrna,
MASYADONG apektado ang iyong panaginip ng iyong pagpapantasya na makapag-asawa ng isang ideal man. Pero ang magarang damit ay repleksiyon din naman ng iyong malinis na pagkatao. Malinaw dito na ikaw ay maraming natatagong katangian. Kumbaga, marami kang assets, pero hindi nakikita ng mga tao particular ang mga binata sa iyong paligid. Ang orkestra ay nagsasabi na dapat na maging sistematiko at organisado ang bawat pagkilos. Ang bulwagan ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa iginagalang na angkan at ang prinsipe ay nagpapahiwatig na mayroon kang strong personality at ito mismo ang sagwil kung bakit nabalam ang iyong pag-aasawa. Kung namatay ang ilaw, nangangahulugan ito na ikaw ay kailangan magdesisyon nang mabilisan upang hindi ka maiwanan ng panahon. Katapat ng grande ay No. 27; No. 28 ang prinsipe; No. 40 ang bulwagan; No. 33 ang magarang damit; No. 14 ang pagsasayaw; No. 7 ang binata; at No. 6 ang palakpakan. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay mabalam ang pag-aasawa. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head:Dalawa ang asawa

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon ako ng asawa. Nabiyudo na ako noong nakaraang taon kasi nagkaroon ng kanser sa obaryo ang misis ko. May apat kaming anak at naiwan sila sa akin. Mapagtapos ko kaya sila ng pag-aaral? Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970.


ALEX NG MALABON CITY


Dear Alex,
HUWAG kang mag-alala, makakapag-asawa ka naman muli dahil may dalawang guhit na lumitaw sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Kapwa ka magiging maligaya sa kanilang piling bagaman sa magkaibang panahon. Makakatapos naman ng pag-aaral ang apat mong anak at madaragdagan pa ito ng dalawa na kapwa rin magtatagumpay. Malilinaw at matitikas kasi ang anim na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

bilyar-dreams,abroad-palmistry (27aug05)

TIKTIK—for; aug 27 issue

01. NUMERO AT PANAGINIP


Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay naglalaro ng bilyar? Kalaro ko raw ang aking ama at ina. Pero, nag-aagawan sila sa tako hanggang sa mag-away sila. Sinikap ko silang awatin pero ako ang napagalitan nila. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.



EDGAR NG LIPA CITY


Dear Edgar,
ANG ang bilyar ay repleksiyon ng iyong buhay. Nagsasabi ito na ikaw ay nasa proseso ng pagbabalik-tanaw sa iyong nagdaang buhay. Ang iyong ama at ina ay sumisimbolo sa iyong maturity. Ibig sabihin, pumapasok ka na sa panibagong yugto ng iyong buhay tungo sa maturidad kaya’t dapat na maging responsible ka sa iyong mga ikinikilos, ugali at desisyon. Kung nag-aaway ang iyong magulang, malinaw na mayroon kang inner conflicts kung saan hindi mo magawang disiplinahin ang iyong sarili, at nahihirapan kang magbago ng ugali at mga nakamihasnan. Nagpapahiwatig ang bilyar na ikaw ay nangangarap na matupad ang maraming pangarap kung saan mapapagitna ka sa masasalimuot na problema. Katapat ng bilyar ay No. 24; No. 10 ang tako; No. 18 ang away; No. 37 ang nanay; No. 49 ang tatay; No. 23 ang paglalaro; No. 33 ang pag-awat. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir pero matutupad ang mga pangarap sa kabila ng matinding pagsubok. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

HEAD:Mahaba ang buhay

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad kasi’y nais ko ring malaman kung makakaahon pa ako sa paghihirap.Isa akong security guard at maliit lang ang suweldo ko. Balak kong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Nangangarap kasi ako na mapagtapos ng pag-aaral ang tatlo kong anak, magawa ko kaya ito? Sino sa kanila ang magtatagumpay. Sa totoo lang, madalas akong makaramdam ng pananakit ng ulo at nagagambala ako, mahaba ba ang buhay ko? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1960.


JAIME NG IBA. ZAMBALES

Dear Jaime,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap kasi’y maraming guhit ang pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan at marami dito ay mapapakinabangan mo. Magagawa mo ring makapagtrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at sa trabaho sa malayong lugar. Kalmante ka lamang dahil mahaba ang buhay mo kasi’y hindi naman napatid o nagkaroon ng buhol ang iyong Life Line. Makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong tatlo mong anak kasi’y pawang mahahaba at matitikas ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

tipid, iraq (27aug05)

Head:may titipirin ba?


DUMIDIKIT na sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market!
Higit sa TSUNAMI ang epekto nito sa buong mundo.

-----$$--
PINAGTITIPID ng Malacanang ang mga mamamayan bilang sagot sa KRISIS.
May matitipid ba ang mga WALANG PERA?

----$$--
LANTARAN naman ang pagluluho ng gobyerno kung saan nakasakay sa magagarang kotse ang mga ehekutibo.
Pukawnamooo!

----$$---
KALMANTE si Ate Glo na maibabasura ang Impeachment.
Ganyan din ang pagiging KALMANTE ni Pareng Erap bago napatalsik.

-----$$--
MAGIC 79 ang hinahanap ng oposisyon.
Nakupp, kailangang madagdagan pa ito ng isa para maging 80.
Iyan kasi ang MALAS na numero ni PGMA.

----$$--
IKINATUWA ni Sen. Miriam ang pagbaliktad ni Sen. Johnny Enrile tungo sa administrasyon.
Hindi niya alam, makakaribal niya ito sa SENATE PRESIDENCY.

-----$$--
WALA palang budget ang CHACHA sa 2006 allocation.
Talagang NILOLOKO nila ang publiko.
At ang sarili nila MISMO.


-----$$--
ISINOLI na ng CIDG at ISAFP ang election returns na pag-aari ng oposisyon.
Ganun lang ba yun?
Mga buhonnnnnG!


-----$$--
AABOT sa siyam na milyong Pinoy ang may DIABETES.
Panahon na para ipagbawal ang SOFTDRINKS.

----$$--
ISASAILALIM na sa land reform program ang Hacienda Luisita ni Tita Cory.
Ito na ang TOTOONG AWAY.

----$$--
DEDBOL ang isang Pinoy sa Iraq.
Buti nga isa lang.

-----30—

EDITORIAL

HEAD:


NAPATAY ang isa at dalawa ang sugatang Pinoy sa Iraq.
Hindi biro ito.
Isa itong babala.
Dapat ay higpitan pang mabuti at iseryoso ng gobyerno ang pagbabawal sa mga OFWS na pumasok sa Iraq.
Sa totoo lang, kasi si US President George Bush ay isinusumpa ng mga Kano particular ang mga naulila ng mga US troops na kinatay sa Baghdad pero nagmamatigas pa rin siya na panghimasukan ang soberaniya ng ibang bansa.
Kung mayroon mang pinakamasamang gobyerno sa balat ng lupa, ito ay ang mga United States dahil ginagamit nitong lisensiya ang “demokrasya” upang bastusin ang kalayaan ng ibang bansa.
Hindi mapapatawad ng kasaysayan ang pang-aabuso ng America at darating ang panahon na siya ang ituturing na ikalawang Hitler ng kasaysayan dahil sa libo-libong inosenteng sibilyan ang minamasaker sa Iraq at Afghanistan.
Nakapagtatakang nakikipagkutsaba sa kanya ang Britain, Australia at maging ang Pilipinas.
Ngayon pa lamang ay dapat nang lumayo ang Pilipinas sa pundiya ni Uncle Sam kung ayaw nating madamay sa Karma ng mga halang ang bituka.
---30---

Thursday, August 25, 2005

dilaw, berde sa networking,26aug05

For: aug 26 issue

Dear Oliver,
HIWALAY ako sa asawa at ako lamang ngayon ang bumubuhay sa aking dalawang anak. Pero, sa totoo lang, livein lang kami ng mister ko. Hindi siya nagbibigay ng sustento at hindi rin dumadalaw sa kanyang mga anak. Isa akong officer worker pero maliit lang ang suweldo ko. Sumasali ako sa mga networking business, klik ba ito sa akin? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1960.


JOSEPHINE NG TACLOBAN CITY

Dear Josephine,
DILAW at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kakulay ng sinag ng araw ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay makakatanggap ng mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Pero, makakaranas ka rin ng paulit-ulit na dagok ng buhay na maaaring sumira sa iyong diskarte na siyang didiskaril ng iyong malalaking buwenas. Sikaping mapanatag sa gitna ng malalaking problema upang mahigop mo ang buwenas sa porma ng magagandang oportunidad tungo sa pag-unlad. Kung mahilig ka sa networking, magsuot ka lagi ng kulay dilaw at berde—at mahihigop mo ang mga positive prospects. Magparami ka ng kaibigan at bagong kakilala. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at bagong pag-ibig. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Numero kuwatro (4) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37- 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-20-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-7-2/ 1-3-9/ 7-5-6/ 2-1-6. 6-digit: 6-7-2-3-1-5/ 7-9-2-2-3-6/ 1-2-5-6-2-2. Bingo Mystery Eight: 2-16-23-36-46-56-70-75. Mapalad ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa sais (6) at uno (1).
----30-

birds, sex act, 26aug05

Head:Endangered birds

HALOS ISANG BILYON PISO ang interest kada araw sa utang ng Pilipinas sa mga international financing institution.
Pukawnamooooo!

----$$---
HINAHANTING ng DENR ang mga sangkot sa pagbebenta ng ENDANGERED BIRDS.
Kasama kaya dito ang mga BIRDS na nasa pagitan ng mga hita?

-----$$--
TULUYAN nang bumalimbing ang dating opposition leader na si Sen. Juan Ponce Enrile.
Magkano kaya?

----$$---
NAKAKUHA ng temporary restraining order si Cavite Gov. Ayong Maliksi.
MALIKSI talaga siya.

-----$$--
SUSUPORTA daw ang 20 congressmen ng Nacionalista Party sa Impeachment kontra Ate Glo.
He, he, he, baka nagpapalaki lang ng PRESYO.

-----$$---
IBABAON dawn g todo ang mga jueteng lords sa panibagong star witness ng oposisyon.
Nakupp, magugunaw ang mundo, pero di ninyo matitinag ang JUETENG.

----$$---
ISANG popular PLAY ang na-SOLD OUT ang ticket sa London kahit hindi alam kung ano ang PANONOORIN nila.
Pero, tungkol ang PALABAS sa “LIHIM AT PAGSISINUNGALING”.

-----$$--
DALAWA pang hepe ng pulisya dahil sa JUETENG.
Kaawa-awa sila, NAISAKRIPISYO.

----$$$--
BINABOY pala ni MMDA Chairman Bayani Fernando ang isang miyembro ng Viva Hot Babe at nakuhanan ng litrato ang MALALASWANG EKSENA.
Napahamak siya ng SOBRANG LIBOG!

-----$$$--
MAGDEDEKLARA raw ng Martial Law si Ate Glo.
Imposible ito.
Dahil idinideklara lang ang Batas Militar ng mga pangulo na “MAY BAYAG”.


------30---


EDITORIAL

Head:
Sex Act okey

WALA raw malisya ang eksena kung saan nakasubsob ang mukha ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa dibdib ng isang miyembro ng Viva Hot Babe bukod pa sa hinahalikan ang nalabas na bandang ibaba ng balikat na nalathala sa isang pahayagan.
Inabsuwelto agad ng Malacanang si Ka Bayani sa pagsasabing bahagi ito ng “laro” sa isang fund raising drive na dinaluhan ng dalawa.
Nakakahiya ang ganitong eksena pero binalewala lamang ng Malacanang ang kapilyuhan ni Ka Bayani.
Dapat ay kastiguhin o gumawa man lamang ng paunmanhin si Ka Bayani sa publiko dili kaya’y sa mga kabataang nakakita ng naturang larawan.
Kahit sino ay malalaswaan sa gayong eksena pero dedma lamang dito si Ate Glo.
Grabe ang diskarte ng kasalukuyang administration dahil bukod sa pagkunsinte sa pagnanakaw sa gobyerno, ismagling, sugal, prostitusyon pati ang pambababoy sa mga kabataang babae ay itinuturing na isang karangalan.
Sa bagay, kung inabsuwelto man ng Malacanang si Ka Bayani, maabsuwelto rin kaya siya ng kanyang misis?
----30---

dreams, palmistry, 26aug05

For: aug. 26 issue

01.NUMERO AT PANAGINIP

head: Naglamyerda sa mall


Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang ako at nagpunta sa isang mall at kasama mo ang aking mga kabarkada sa high school. Nagtambay lang kami sa corridor hanggang sa may dumating na isang langkay ng mga aso na may iba’t ibang kulay ang balahibo. Laking takot naming nang sagpangin kaming bigla kaya’t nagtakbuhan kami. Nakarating ako sa isang swimming pool at doon ako tumalon pero hindi ako marunong lumangoy kaya’t nagsisigaw ako hanggang sa magising. Ipinanganak ako noong Disyembre 22, 1970. Binata pa ako at isang superbisor sa isang pabrika. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

LEO NG ANTIPOLO CITY

Dear Lea,
ANG gusali ay repleksiyon ng iyong pagkatao. Nangangahulugan na ikaw ay isa sa mga iginagalang sa inyong lugar dahil napanaginipan mo ang mall. Kung mga kabarkada mo ay nagsasabi na ikaw ay nananatiling kapos ng tiwala sa sarili at natatakot kang magtangka na isagawa ang mga kakaibang ideya na pumapasok sa iyong isip. Ang aso ay nagsasabi na kailangan mong matuto na makisama sa kapwa at umunawa rin sa pagkukulang ng iba. Kung naglublob ka sa swimming pool, nagsasabi ito na ikaw ay may strong sexual urges kaya’t dapat na lumagay ka na sa tahimik. Katapat ng mall ay No. 40; No. 28 ang barkada; No. 4 ang aso; No. 33 ang swimming pool; No.11 ang corridor; No. 27 ang maraming kulay. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 22 ay magkaroon ng maraming kaibigan at makatanggap ng maraming buwenas. Pinakabuwenas mo ang No. 4 at No. 1. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo mo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head: Makakapag-aasawa muli


Dear Sir Dennis,
NAGPASYA na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon pa ako ng pag-asa na makapag-asawa muli. Biyudo na kasi ako at naiwan sa akin ang dalawa naming anak. Isa akong foreman sa isang kompanya. Binabalak ko ang mag-abroad, matuloy kaya ako? Pangarap kong magkaroon ng sariling bahay at lupa, magawa ko kaya ito? Ipinanganak ako noong Agosto 21, 1970.

FERNANDO NG LOS BANOS, LAGUNA

Dear Fernando,
MATUTUPAD naman ang pangarap mong makapag-asawa muli, Dalawa kasi ang guhit na lumitaw sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Ibig sabihin, dalawang beses kang iibig at dalawang beses ding makakabuo ng isang masayang pamilya sa hinaharap. Matutuloy ka sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon ito ng sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at malayong lugar. Makapagpupundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa ilalim ng middle finger). Nagsasabi rin ito na buwenas sa lahat ng may kaugnayan sa lupa at agriculture.
---30--

Wednesday, August 24, 2005

bertud sa berde't pula, 25aug05

For: aug 25 issue


Dear Oliver,
MADALAS po akong magbasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong dating sacristan pero umalis na ako kasi’y mamamatay sa gutom ang mga magulang ko kasi’y maliit lang ang suweldo. Namamasukan ako ngayon bilang waiter. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1982.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


CECILIO NG DUMAGUETE CITY

Dear Cecilio,
BERDE at pula ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ibinabadya ng berde. Kulay ito ng luntiang dahon kung saan hindi mabubuhay o mapapakinabangan ng halaman kapag hindi nasikatan ng sinag ng araw. Ganyan din ang iyong buhay, mabibigo ka kapag nagsosolo kang nagtatangka. Kailangang lagi kang may kasama o alalay o katuwang sa bawat pagkilos. Makakaranas ka lamang ng pag-angat sa buhay sa panahon ng iyong pag-aasawa. Ang pula ay kakulay ng dugo na nagpapahiwatig din ng simbuyo ng damdamin at katapangan. May sobra-sobra kang lakas ng loob pero kailangang makontrol mo ito upang hindi ka mapahamak.maging praktikal ka. Buwenas ka sa negosyo o larangan na may kaugnayan sa apoy tulad sa restaurant, welding shop o iba pang tulad nito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na trabaho at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero siete (7) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-20-23-27-30-33-38-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 8-9-2/ 1-2-5/ 8-9-2. 6-digit: 4-3-5-8-1-2/ 8-9-1-4-5-6/ 1-2-1-7-8-2. Bingo Mystery Eight: 4-7-23-35-44-57-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang siete (7). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa asul at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at sais (6).
----30---

Pineda 4 president?

BULGAR EDITORIAL (Aug25,2005)

Nakakatawa ang bagong anti-jueteng czar na si Edward Hagedorn.Bilib ang marami kay Hagedorn dahil napatigil kasi niya ang jueteng sa Palawan.Lingid sa kaalaman ng iba na isang dating suspected jueteng operator si Hagedorn kaya’t nang kumandidato at manalong mayor sa Puerto Princesa ay nawala ang jueteng.Paano naman kasi ang dating suspected jueteng lord ay nagging public official.Ngayon, kung naniniwala ang mga tao na si Bong Pineda ang tunay na Lord of lords ng jueteng sa Pilipinas, dapat ay irekomenda nating palitan niya sa Malacanang si Ate Glo—tiyak tigil ang jueteng tulad ng diskarte sa Palawan.Kasi’y magiging Pangulo ng Republika ang isang dating suspected jueteng lord.
Ganyan lang kasi kasimple ang lohika kung paano nagging epektib si Hagedorn.May talab ba si Hagedorn sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao?Pero kung totoo ang hinala kay Pineda, mas dapat siyang italaga bilang anti-jueteng czar.Ganyan din ang lohika nang italaga si Gen.Victor Corpus sa ISAFP.Matapos siyang bumaliktad sa CPP-NPA at nagbalik-loob sa AFP ay itinalaga siyang intelligence czar.Nakakatawa ang mga Pinoy.Walang magawang mabuti.Kasi’y hindi nila matanggap na ang jueteng ay higit na mas MALAKI kaysa sa Republika ng Pilipinas.Sa totoo lang, ang gobyerno ng RP ay UTONG lamang ng isang dambuhalang bundok ng jueteng.Itanong ninyo yan kay Ka Roger, dahil nabubuhay din ang CPP-NPA-NDF sa intelehensiya mula sa jueteng.Nagdedebate kayo sa jueteng?Lokohin ninyo ang lelong n’yo!

pumayag kaya?

BULGAR EDITORIAL (Aug24,2005)

MAGANDA kung magkakatotoo ang ulat na pumayag si Ate Glo sa isang “Coalition Government” imbes na Revolutionary government bilang bahagi payapang pagpapaikli ng kanyang 6-year term na magbibigay-daan sa pagbabago ng Konstitusyon at istruktura ng gobyerno.Maselan ang desisyon ito kaya’t marami ang nagtataas pa rin ng kilay.Unang ginulat ni Ate Glo nang ideklara niyang hindi siya kakandidato bilang pangulo, pero kamukat-mukat ay bigla siyang nagsumite ng certificate of candidacy sa 2004 election.Ginawa ni Ate Glo ang gayong pagsisinungalin upang makontra ang dumadausdos na popularidad—at nagklik ang gimik hangga’t sa iproklama siya bilang pangulo ng Republika.Ngayon, ikinakalat mismo ng kanyang mga ayudante na nagkukusa na si Ate Glo na bumaba sa puwesto bago matapos ang termino sa 2010 at marami ang napapaniwala.Maugong ang ulat na kinakausap mismo ng Malacanang hindi lamang ang kampo ni Pareng Erap., Tita Cory at dating First Lady Imelda Marcos kundi ang mga lehitimong political opposition kung saan iniaandot ang sharing of power huwag para maudlot ang kaguluhan.Magandang ideya at taktika ito kung saan walang duda na tatalab.Kung matutuloy ang Coalition Government, iyan ang mahirap paniwalaan.Ang malinaw dito, mababawasan nang malaki ang tensiyon!
--30--

gusi ng ginto

Bulgar—25aug05

Bistado

Gusi ng ginto
ng anti-GMA congressman.
Pero, bigo pa rin sila sa target na BILANG.
Kailangan ninyo ngayon si Garci—mahusay siyang MAGBILANG.

----$$--
HINDI malaman kung nasaan si Atty. Sammy Ong.
Nalipasan na siya ng USO.

----$$--
TAHIMIK na rin si Sgt. Vidal DOBLE.
Baka doble- doble ang PASAK sa kanyang bunganga.

----$$---
ISA pang testigo na may malaki kaysa kay Michaelangelo Zuce ang ililitaw ng oposisyon.
Puwede natin siyang tawaging PADLOCK.

-----$$--
TEPOK ang 37 pasahero ng isang eroplano sa Peru.
PERU, ayaw pa rin nilang aminin na sanhi ito ng TERORISMO.

-----$$--
ITINANGGI ni US Prez George Bush na panibagong VIETNAM ang Iraq.
He, he, he, bayaan nating MALIPOL ang US troops nang walang kalaban-laban.

----$$--
KUNG imumulat lang ng mga Pinoy ang kanilang isip kaugnay ng PAGSAKOP ng US sa Iraq—ganyan-na-ganyan mismo ang pananakop na ginawa sa Pilipinas ng mga Kano.
Idinedeklarang BANDIDO, TULISAN at REBELDE ang ating mga tunay na bayani.
May topak lang ang mga nauupo sa Malacanang dahil lahat sila ay NAGPAPALOKO sa mga Kano.
Pweeee!

-----$$--
IPINAGYAYABANG ni Edward Hagedorn ng Palawan na kaya niyang IPATIGIL ANG JUETENG.
He, he, he, nadagdagan na naman nang ISA ang bilang ng JUETENG LORD.

----$$--
IPAPALIT daw sa jueteng ang BINGO COMBO.
Iyan din ang sinabi nilang nang ipakilala ang 2-BALLS at LOTTO.
Imposible yan, kasi’y mawawalan ng CAMPAIGN FUND ang mga politico.
At mawawalan ng GUSI ng GINTO ang mga parak.

------30—

dreams,numerology,palmistry,25augo5

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Iginapos sa hagdanan

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang aking ina na galit na galit sa akin kasi’y gabi na ako nang umuwi ng bahay, pero hindi ako sumagot bagkus ay nagtatakbo na lamang ako sa aking silid. Dire-diretso lang ang pagsesermon sa akin. Nang tumahimik na siya ay unti-unti akong bumangon at nagtangkang lumayas kung saan dumaan ako sa bintana pero nahuli ako ng nanay ko. Kinuha niya ang lubig at iginapos ako sa tabi ng hagdanan. Nagsisigaw ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1985. Natigil ako sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagbubulakbol. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ARNEL NG TANDANG SORA, QC.

Dear Arnel,
ANG iyong ina ay nagsasabi na ikaw ay dapat na maging responsible sa mga ginagawa mo. Hindi ka dapat nag-aaksaya ng mahahalagang panahon. Kung nasermunan ka, malinaw ditto ay ikaw ay may guilty feelings sa mga magkukulang na ginagawa mo sa iyong sariling kapakanan. Kung dinedma mo lamang ang sermon ng iyong ina, malinaw ditto na maraming magagandang oportunidad ang hindi mo napapansin at naaksaya sa mga walang kuwentang aktibidad. Ang bintana ay nagsasabi na kailangang mabuksan mo ang iyong isip at puso kasabay ng pagkamulat sa mapait na katotohanan. Kailangang maging responsible ka sa mga ginagawa mo.Kung iginapos ka sa hagdanan, nagbabala ito na madidiskaril ang iyong pag-unlad at matitigil ka sa pag-aaral nang matagal kung hindi ka magpapakatino o magkakaroon ng disiplina sa sarili. Katapat ng galit ay No. 27; No. 49 ang nanay; No. 40 ang silid; No. 20 ang sermon; No. 18 ang pagkagapos; No. 23 ang hagdanan; No. 4 ang bintana. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal kaya’t dapat na makontrol ang simbuyo ng damdamin. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-30-35-40-42.
----30—


02. PALMISTRY

Head: Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon pa ako ng tsansa na makaaahon sa hirap. Baon ako sa utang dahil isang ordinaryong empleado lang ako. Nag-aaral ang dalawa kong anak at ayaw ko naming patigilin sila sa pag-aaral. Binabalak kong magtrabaho sa ibang bansa, matupad ko kaya ito? Sino sa mga anak ko ang makakatapos ng kolehiyo at magtatagumpay. Ano bang negosyo ang buwenas sa akin? Ipinganak ako noong Nobyembre 22, 1970.


JONES NG APALIT, PAMPANGA

Dear Jones,
MARAMI kang pagsisikap sa buhay. Lahat ng paraan ay gagawin mo makaahon ka lamang sa pagdarahop. Walang duda na makakakarekober ka at giginhawa ang buhay. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan at marami rin ditto ay magagamit mo sa iyong pag-unlad. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong dalawang anak at makakatulong sila sa iyong pag-unlad. Kapwa kasi malinaw at matikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Ituloy mo lamang ang paga-apply mo ng trabaho sa ibang bansa dahil matutuloy ka. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagbibiyahe at makakaipon ka ng malaking halaga.. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger).

----30--

Tuesday, August 23, 2005

galaw ng numero, 24aug05

For: aug 24 issue


Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1970. Isa akong yaya pero maliit lang ang suweldo ko. Gusto kong magtayo ng sari-sari store kapag nakaipon ako dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng amo. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


MARINA NG CEBU CITY

Dear Marina,
NUMBER seven (7) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Venus ang kumukubabaw sa iyo. Buwenas ka sa kulay berde at maroon. Likas kang mabait at madaling maimpluwensiyahan ng kapwa kaya’t karaniwang nabibiktima ka ng manloloko. Dahil dito, darami ang karelasyon mo kung kaya’t ipinapayo sa iyo na mag-asawa ka nang may edad na o matured na upang makapagtindig ka ng masaya at masaganang pamilya. Masyado kang emosyonal kaya’t mas mainam kung ang pagtitinda ay gagamitan mo rin ng emosyon. Kaibiganin mo ang mga suki sa pamamagitan ng pakikipag-tsikatsika sa kanila at mas epektib kung papasyalan mo sila sa kanilang mga bahay. Kapag dumami ang suki mo—at magbabayad sila nang maayos—mabilis kang uunlad.Sila rin ang magbibigay sa iyo ng mga oportunidad sa pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles.Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-15-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 3-7-1/ 3-7-2/ 1-3-7/ 8-2-1. Wiretips: 3-5-7/ 8-9-3/ 1-2-7. Double digit: 3-7/ 4-7/ 1-2/ 8-2. Luzon guide: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. Four Number: 4-7-2/ 1-3-7/ 8-9-2. Coded tips: mangga- santol- mansanas/ blue- black – brown/ n-d-r.
----30--

mystic yellow n gray , 24aug05

For: aug 24 issue

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Balak kong magtayo ng computer rentals, ano ba ang buwenas na kulay para sa puwesto? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong family driver at gusto ko nang mag-resign sa pamamasukan. Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MARIO NG DAVAO CITY

Dear Mario,
DILAW at abuhin ang mahihiwaga mong kulay. Nagsasabi ito na ikaw ay may sobra-sobrang resistensiya at enerhiya na pangatawanan ang anumang responsibilidad na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Makakatanggap ka ng mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Kailangang manatili kang mabait at kalmante upang mahigop ang suwerte . Ang abuhin o gray ay nagsasabi na ikaw ay kailangang maging alalay o amuyong lang ng mga sikat o matatagumpay tao at simpleng mahihigop mo ang suwerte ng iyong paligid kabilang ang iyong mga amo. Hindi ka pa dapat magbitiw hangga’t wala ka pang malaking ipon, at kapag may puhunan na, maghanap ka naman ng isang alalay na makakasama mo palagi sa mga lakad at transaksiyon. Lagyan mong desenyo ng gulong o wheel of fortune ng Tarot card ang logo ng iyong computer shop upang mahigop mo ang buwenas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-12-18-23-26-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-20-23-27-33-34-38-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 1-2-5/ 7-8-2/ 6-digit: 3-2-1-5-2-2/ 7-8-2-2-1-1/ 1-2-1-2-5-2. Bingo Mystery Eight: 3-15-33- 44-56-67-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang sais (6). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at kuwatro (4).
----30--

koalisyon

Bulgar 24aug05

Bistado

ITITIGIL daw ang jueteng operations sa Setyembre 15.
Ha! Ha! Ha!

-----$$--
NAHATI na naman ang Cavite.
Nabuhay ang bagong Magdalo at Magdiwang.

----$$--
PAAANDARIN ang MRT at LRT kahit sa madaling araw.
Dagdag trabaho ito sa mga ISNATSER at HOLDAPER.

-----$$--
PABOR si Sen. Miriam Santiago na palayain si Pareng Erap gamit ang PIYANSA.
Mukhang babaliktad na naman si Taray.

----$$--
PINASUSUSPINDE ni DPWH Swc. Hermogenes Ebdane ang pagre-release ng ROAD USER’S TAX.
Baka hindi na malinas ang kanyang MAKUKURAKOT.

-----$$--
MAY bagong star witness sa jueteng payola na ihaharap si Sen. Nene Pimentel.
Hindi kaya ito ay mismong si Big Mike?

-----$$--
KUMITA raw ng $10 milyong ang Bureau of Immigration (BI) sa alien legalization scheme.
Huhhh, dati na yan, ah?

----$$--
HINDI garantiya ang pagbasura sa impeachment sa pagtiyak na mananatili sa Malacanang si Ate Glo.
Baka ito pa mismo ang maging MITSA ng isang panibagong rebolusyon.

---$$--
TIG-P90 milyon daw ang matatanggap ng mga pro-GMA congressman.
Yes, ma’ am, yes ma’am!

-----$$$---
PUMAYAG daw si Ate Glo na paikliin ang kanyang 6-year term.
Huhhh, di kaya panibagong kaso ito ng PAGSISINUNGALING?

----$$---
NAGRESERBA dawn a raw ng espesyal na SILID si Pareng Erap sa kanyang Tanay Mansion para kay Ate Glo.
Huhhh, nakakapa-PANIC ka naman ah.
At nakakaaasar.

---30—

Monday, August 22, 2005

berde at dilaw sa uniporme

(TUMBOK, 23AUG05)

Dear Oliver,
MATAGAL na akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 11, 1960. May dalawa akong anak pero maliit lang ang suweldo. Mapagtapos ko kaya sila sa pag-aaral sa kolehiyo.Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas na kulay na magagamit ko sa itinatayo kong karinderia? Ano ba ang masusuwerte kong numro lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. FELIX NG BORONGAN, SAMAR

Dear Felix,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ipinahihiwatig ng berde. Kakulay nito ang luntiang dahon na hindi mabubuhay nang hindi masisikatan ng araw. Ganyan din ang iyong kapalaran, kailangan mo ang pag-asiste at pagdamay ng kapwa tao, iiangat ka ng iyong mga kaibigan sa pag-unlad kaya’t mahalagang matuto kang makisama, umunawa at matulungin. Maraming oportunidad ang iaalok ng iyong mga kakilala na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Kung magtatayo ka ng karinderia, kulayan mong ng pink ang dingding, blue sa kisame pero ang mga tauhan mo ang pag-unipormehin mo ng t-shirt na kulay berde at dilaw—magugulat ka sa buwenas na lalapit sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan magkiklik ang iyong negosyo.
Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero dos (2) at kuwatro (4) ang buwenas mo.
Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-7-11-19-22-26-29-33-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-5/ 7-8-2/ 1-3-5/ 6-digit: 4-3-6-2-1-1/ 7-8-2-3-2-1/ 7-8-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23-35-44-56-67-70-73.Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa black at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1).
---30--

Thursday, August 18, 2005

Galaw ng numero

For: aug 19 issue

Dear David,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong obrero sa isang construction site at maliit lang ang suweldo dahil naghaharimunan ako kaysa sa maistambay lang. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970. Marunong akong mag-drive pero wala akong lisensiya dahil napaso na. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.ELISEO NG DAVAO CITYDear Eliseo,NUMBER five (5) at four (4) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Mercury at Uranus ang kumukubabaw sa iyo. Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kaya’t mahalagang matuto kang magdesisyon nang agaran at tumpak.Huwag kang matakot magkamali dahil iyan mismo ang proseso tungo sa perfection. Susuwertehin ka sa paglalakbay at anumang klase ng espekulasyon o pagsusugal. Mararamdaman mo ang pag-angat at pagbagsak ng presyo ng mga produkto sa merkado kaya’t maaari kang magnegosyo. Buwenas ka sa paglalako at pag-aahente. Matindi ang iyong convincing power kaya’t dapat na magamit mo ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes.
Kulay gray at yellow ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 4 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-7-2/ 1-3-6/ 8-9-3/ Wiretips: 3-2-6/ 8-9-3/ 1-3-5/ 5-3-7. Double digit: 3-2/ 6-2/ 8-4/ 6-6. Luzon guide: 3-2-11-19-23-24-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-11-18-23-24-34-36-40-42. Four Number: 2-5-7/ 6-7-2-1/ 1-3-5-6. Coded tips; bangus- biya- tilapia/ ginto- tanso- ruby/ n-a-s.
--30--

Desisyon

ANUMANG oras ay maaaring ilabas ng Korte Suprema ang hatol kaugnay ng petisyon ng ilang sector na ideklarang illegal ang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).Hindi naman magkandatuto si Pangulong Arroyo kung saan poposisyon—itutuloy ba ang EVAT o ibabasura ito.Magkakasalungat ang mismong mga tagapayo ng Malacanang dahil naniniwala ang ilan na magbubunsod ng matinding krisis ang implementasyon ng EVAT.Pero, kinokontra ito ng ilang tagapayo na nagsasabi namang kapag hindi naipatupad ang EVAT ay mababangkarote ang gobyerno dahil maba-blacklisted ang Pilipinas sa mga international financing institusyon.Kumbaga, sala-sa-init; sala-sa-lamig!Mas mainam talaga na ipaubaya na lamang sa Korte Suprema ang paghatol dito at pikit-matang ipatupad ito dahil isa na itong pinagtibay na batas.Ang mahalaga, ay may matibay na desisyon ang isang lider---MALI man ito tama sa paningin ng iba.Ang napakasama, ay ang kawalan ng DESISYON!
--30--

Garci huli sa Britain

SAKSI, BOMBA (Aug. 19, 2005)

Pilosopong Pacio

GUMAGAMIT daw ng illegal drugs ang mga tao sa call centers
kaya’t nakakatagal sila nang MAGDAMAGAN.
Baket, hindi ba kaya ng KAPE ang paglalamay?
----$$--
IPINANAKOT na naman ng oposisyon ang EDSA 4
kapag napurnada ang Impeachment kontra kay PGMA.
Huwag na kayong magbanta,
TUWAD-KUNG-TUWADDDDD!
----$$--
SINALAKAY ang safehouse ng oposisyon kung saan nakalagak
ang mga EBIDENSIYA sa election fraud.
Below-the-belt talaga ang DISKARTE!
----$$--
BAKIT kaya nagpapagamit ang PNP at AFP sa kapritso ng Malacanang?
Isang paglabag ito sa Konstitusyon.
At malaking KAHANGALAN.Bwuseetttt!
----$$--
HINAMON ni ex-Sen. Loren Legarda si Vice President Noli de Castro
na suriin sa gitna ng MEDIA ang mga election returns
na DINAMBONG ng CIDG sa kanilang headquarters.
Umiinit na ang AWAY ng mag-KUMARE’T KUMPARE.
----$$--
WALANG duda na mapapagitna na tayo sa KRISIS.
Ang babae sa Malacanang,
NAKABUNGISNGIS pa rin.
----$$---
NAGTATAKBO raw sa LONDON via Singapore
si ex-Commissioner Virgilo Garcillano.
Nakupp, madaling mahuhuli sa Britain si Garci.
KAKAUNTI kasi ang PANGIT dun.
Nababalita agad kapag NADAGDAGAN ng ISA.
------30---

Sunday, August 14, 2005

Dugo sa ulan

Tiktik—advance for: aug 14 issue

Don Honesto

Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay naliligo sa ulan. Nakatapat ako sa alulod ng aming bahay. Kasama kong naliligo ang mga nakababata kong kapatid. Pero, laking gulat naming na maging kulay pula o mistulang dugo ang tumutulo mula sa itaas kaya’t nagtakbuhan kami sa loob ng bahay at takot na takot. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong waitress at nakikipag-date ako sa mayayamang kustomer. Ipinanganak ako noong Mayo 24, 1983. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. - ELIZABETH NG TONDO, MAYNILA

Dear Elizabeth,
KUNG naligo ka sa ulan, kinukumpirma nito ang pakikipag-ulayaw mo sa maraming kapareha. Naging dugo ang tubig ulan, na nagsasabi na dapat na maging maingat ka sa pakikipagrelasyon dahil maaring mahawa ka ng mapanganib na sakit na sa bandang huli ay maaaring mapahamak ka. Kung kasama mo ang mga kapatid mo, nagsasabi ito na ikaw ay likas na mabait at matulungin sa kapwa., Madaling mabagbag ang iyong kalooban. Ang bahay ay repleksiyon ng iyong pagkatao, kung simple lang ito, maliwanag na simpleng buhay lang ang pangarap mo. Katapat ng ulan ay No. 11; No. 27 ang dugo; No. 20 ang paligo; No., 33 ang kapatid; No. 17 ang takot; No. 40 ang bahay; No. 10 ang alulod; No. 32 ang pagtakbo. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 24 ay maging emosyonal at magkaroon ng maraming karelasyon. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 1. Sa jai alai, isama mo ang No. 5. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-30-38-40-42.02.

Saturday, August 13, 2005

Makatatapos sa kolehiyo

Tiktik Aug.14, 2005
PALMISTRY

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad. Nais ko kasing itanong kung magkakaroon ako ng tsansa na makatapos ng pag-aaral. Madalas akong matigil kasi’y namamasukan ako at nag-iipon bago ako makapag-enroll sa kolehiyo. Mahirap lang ang buhay naming at nakatira lang sa squatter area. Makapagpundar kaya ako ng sarili kong bahay at lupa? Panganay ako sa apat na magkakapatid at wala na kaming ama. Makapag-aasawa ba ako ng isang maykaya sa buhay o may matatag na trabaho? Ipinanganak ako noong Hunyo 12, 1978.FELOMENA NG TAGUIG, METROMANILA

Dear Felomena,
ITULOY mo lamang ang page-enroll tuwing may pera ka at maghanap ka ng trabaho na makakatulong sa iyo sa iyong mga pangarap. Walang duda na makakatapos ka ng pag-aaral sa kolehiyo. May nag-parallel kasing guhit sa paitaas sa bandang ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng ring finger). Nagsasabi ito na makakaangat ka sa larangan na napili mo. Marami kang pagsisikap, pagtitiyaga sa buhay kaya’t walang duda na makakaahon ka rin sa hirap (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na kailangan mong magpatulo ng pawis upang matupad ang iyong mga pangarap. Makapag-aasawa ka naman nang maayos at magkakaasawa ka nang mabait at may matatag na trabaho. Isang masaya at masaganang pamilya ang mabubuo mo. Malinaw kasi ang nagsosolong guhit sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Makakapagpundar ka rin ng sarili mong bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).---30---

Sinalsal...sa media

SAKSI Aug. 13, 2005

Pilosopong pacio

BINUSALSAL lang daw ang Hello Garci
kaya’t nasabit si Ate Glo.
Nabastos na ang isyu.
Sa media, ang tawag dito ay SINALSAL!
---$$--
NAKA-MEET kahapon ng mga fans natin
sa Hong Kong na si Connie si Vic Sotto.
He, he, he, sino kaya ang kanyang KA-DATE?
---$$--
SISIBAKIN na pala si Executive Sec. Eduardo Ermita.
Mainam naman!
---$$--
SISIPAIN na rin si DOJ Sec. Raul Gonzales.
Mas mainam.
---$$--
MAS okey patatalsikin na rin si Presidential Spokesman Ignacio Bunye.
Sila kasi ang TATLONG ITLOG sa Malacanang.
---$$--
KAKASUHAN ng graft and corruption
si ex-AFP Chief Lisandro Abadia.
Eh, bakit siya lang? Paano yung iba pang EX-AFP CHIEF?
Pasensiya na kayo, si Abadia lang kasi ang anti-GMA.
---$$--
KINUKUMBINSE ni FG Mike si ex- Gov. Dy
na huwag nang tumestigo kontra kay GMA.
Huhh, pagkakataon na niyang maging “GOV. CHAVIT”.
---$$--
IBINASURA ng Korte Suprema ang plano ng Meralco
na magdagdag ng singil.
He, he, he, hintayin na lang ninyo
ang pag-upo sa Malacanang ni Vice Noli.
---30---

Galaw ng numero (Aug13)

Bandera—13aug05

Galaw ng Numero ni David Smith

ISA akong tindera sa palengke pero suwelduhan lang ako ng amo ko. Gusto ko nang umalis ditto kasi’y masungit sila at maliit lang ang kinikita ko. Pangarap kong magkaroon na lamang ng maliit na sari-sari store sa tapat ng aming buhay. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970. May isa akong anak sa pagkadalaga at siya ang binubuhay ko. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ang buwenas ba ang buwernas kong kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.- MARISSA NG ILIGAN CITY

Dear Marissa,
NUMBER eight (8) at one (1) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Saturn at Sun ang kumukubabaw sa iyo., Buwenas ka sa kulay itim at dilaw. Maraming pangarap mo ang matutupad pero sa totoo lang, mistulang magdaraan ka sa butas ng karayom pero sa pagsapit ng edad 44-anyos pataas, unti-unting masisilayan ang katuparan ng iyong mga malaimposibleng ambisyon kung saan nabigo ka sa panahon ng iyong kamusmusan. Disiplina, malinaw na mithiin at konsentrasyon ang susi sa iyong pag-unlad. Gayunman, makakatanggap ka ng mga hindi pangkaraniwang buwenas kaya’t magtataka ka kung paano ka nakakalusot sa mabibigat na suliranin ng buhay. Walang duda na makakapagpundar ka ng sari-sari store pero ito ay matutupad sa pagsapit ng mapalad mong taong 2006 at 2008 kung saan marami ring pangarap mo ang maabot mo kabilang ang paglagay muli sa tahimik. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 5, 9, 11, 19, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Lunes.
Sa jai alai, isama mo sa No.8 at No. 1 ang No. 7. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-2-8/ 7-2-4/ 3-2-6/. 6-7-2. Wiretips: 3-2-7/ 8-9-3/ 4-1-6. Double digit; 6-9/ 2-4/ 1-6. Luzon guide: 2-7-11-19-23-26-34-40-42. VisMin: 2-6-11-19-23-26-34-37-40-42. MegaLotto: 3-16-23-27-34-37-40-43. Four Number: 5-6-3-1/ 7-8-2-1/ 8-9-2-1. Coded tips: tilapia- bangus- galunggong/ bibingka- kutsinta- puto/ k-a-t.
---30--

Germany napuwersa

Bulgar Aug. 13, 2005

Bistado

NAPUWERSA ang German embassy na bigyan na rin ng VISA
ang 43 delegado sa World Youth Day.
Okey pa rin ang negosyo sa TNT.
---$$--
KINUMPIRMA ng isang American expert na peke
ang ikinakalat na Hello Garci CDs.
He, he, he, nagulo na naman ang hanay.
---$$--
HINDI na mapipigil ang paglobo ng oil prices sa world market.
Nagpa-PANIC na ang buong daigdig.
---$$$--
NAGDEMAND ang bribery case ang dalawang
Comelec officials laban sa isang ex-general.
Panibagong GENERAL PROBLEM.
---$$--
NANANALASA ang bagyong si HUANING sa Ilocos region.
Huh, dine sa Kongreso mas malakas
ang BAGYO at HANGIN ng mga kongresista at senador.
---$$--
HINAHANTING ang 10 Indonesians na suspected suicide bombers.
He, he, he, hindi kaya sila ay nariyan lang
sa BANGKETA at nagbebenta ng pekeng VCDs?
---$$--
SISIBAKIN ng ABS-CBN ang 210 empleado.
Dagdag sila sa ONE-MILLIONB-JOBLESS PROGRAM.
----$$--
PINAG-AAGAWAN ng pribagong sector ang sosyo ng gobyerno
sa Philippine National Bank (PNB) na bahagi ng privatization.
Kumbaga, IBINEBENTA na nina Nanay at Tatay
ang ari-arian sa sobrang pagdarahop.
----$$--
IBINASURA ng Korte Suprema ang hirit ng Meralco
na magdagdag ng SINGIL sa konsumo sa elektisidad
.Beh, buti nga!
---$$--
PERO may isa pang ALAS ang Meralco.
Ito ay pag NAUPO na si Vice Kabayan sa Malacanang.
---30---

Friday, August 12, 2005

Magpaliwanag!

Bulgar Aug13, 2005

Editoryal

INATASAN ng Korte Suprema ang Malacanang, Department of Finance (DoF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpaliwanag hinggil sa implementasyon ng Expanded Value Added (EVAT) na diniskaril ng hukuman matapos ipetisyon ng mga konsiyumer at negosyante.Dapat ay madaliin ng Korte Suprema ang paglalabas ng desisyon hinggil sa EVAT upang makalmante na ang mga negosyante at mamamayan.Sakaling tuluyang ibasura ng korte ang EVAT, isang tagumpay ito ng ordinaryong mamamayan na mapoproteksiyunan laban sa mapang-abuso pagkolekta ng buwis.Pero, isang malaking dagok ito sa matataas na opisyal ng gobyerno dahil kakapusin sila ng koleksiyon na maaring magpalobo ng budget deficit sa taong ito.Mapupurnada rin ang pagtatangka ng gobyerno na madagdagan pa ang utang na tinatayang papalo sa P4 trilyon sa susunod na taon.Habang pinagtatagal ng Korte Suprema ang desisyon hinggil sa EVAT ay pinahahaba rin nito ang kaguluhan sa gitna ng lansangan lalo pa’t nakaamba ang hindi mapigil na paglobo ng presyo ng petrolyo sa world market.Anu’t anuman, negatibo o positibo man—dapat na magpasya nang totohanan ang Korte Suprema.Ang mahalaga ay matuto tayong magdesisyon nang mabilis at tumpak.
--30--