Tuesday, February 06, 2007

Mahahabang ilong

(Bulgar newspaper, for: feb. 07 issue)

HUWAG kayong mabibigla!
Ibinunyag ng mga awtoridad ng pangkat ng bandidong Pentagon Gang ang itinuturong umatake sa Cotabato Provincial Jail kung saan itinakas ang 49 na preso kabilang ang mga suspected bombers.
Alam ba ninyong pinamunuan ang pagsalakay ng kanilang lider na si Tahir Alonto, iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay nila nang bombahin ang kuta nito noong 2004.
Lumabas ngayon, na isang “kasinungalingan” ang kumpirmasyon ng AFP na napatay nila si Alonto na ikinatwiran nilang itinakas at inilibing ng kanyang mga tauhan sa gitna ng kabundukan nang mawarat ang bangkay nito.
Lumutang din kahapon ang “kasinungalingan” ng mga awtoridad nang aminin mismo ni Major General Benjamin Dolorfino na totoo siyang HINOSTAGE ng MNLF breakaway group taliwas sa paliwanag ng AFP na sila ay “pinigil” lamang.
Talamak ang pagsisinungaling ng AFP—partikular ang pagdedepensa nito sa “Hello Garci scandal” na hindi sila nandaya sa eleksiyon.
Pero, ang pagiging “mahabang ilong” ng militar ay maaaring hindi ang tunay na isyu ngayon—kundi ang PAGLUTANG ng dalawang napakapanganib na bandido sa Mindanao kapalit ng Abu Sayyaf: 1) Pentagon Gang sa Cotabato area 2) MNLF breakaway group sa Sulu at Basilan.
Hindi biro ang pagsalakay sa provincial jail na dalawang beses nang ginawa ni Pentagon Gang na isa ring breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Biro bang masasabi ang hostage-taking sa isang heneral, isang gabinete, 2 colonel at 12 iba pa kung saan iniulat na nagbayad ng “hindi ransom” (panibagong kasinungalingan uli) kuno ang gobyerno?
Hindi natin dapat abangan kung makakastigo o mahuhuli ng AFP ang Pentagon at MNLF breakway group kundi ang “LIHIM NA PANGHIHIMASOK” dito ng Kano sa mga susunod na araw.
Tiyak na magiging “madugo” at delikadong magkaroon ng civil war sa Mindanao kapag umeksena dito si US Prez George Bush.
Masasabay ang kaguluhan sa election period---hindi malayong makopo ng “grupo ni Ebdane” ang mga balota nang legal at moral.
Huwag kayong mabibigla kung maka-LANDSLIDE sa Mindanao ang kampon ni Mrs. Garse habang nagkukubli sa “kaliwa't kanang pagsabog”!
----30---

Housing czar

(Bulgar newspaper, for: feb. 07 issue)

MAGRE-RESIGN na si Presidential Chief of Staff Mike Defensor.
Hindi para iwanan si Ate Glo kundi upang kumandidatong senador.
Goodluck!

----$$$---
ALAM ba ninyong 22-anyos nang maging konsehal ng Quezon City si Baby Mike?
Pinakabata rin siyang naging miyembro ng gabinete nang pamunuan ang DENR.
Sakaling manalong senador, siya rin kaya ang maging pinaka-batang Pangulo ng bansa?
Kwidawwwww!

-----$$$--
ISA sa pinakaproduktibong posisyon niya ang pagiging Housing Czar.
Hindi po “HOUSING” ng cellphones kundi libreng “house and lot” sa mahihirap.

----$$$--
HINDI raw kakandidatong senador si Bro. Eddie Villanueva.
Baka MANGANGANTIYAW na lang.

----$$--
NAGSUMITE na rin ng certificate of candidacy ang anak ni Sen. Nene Pimentel na si Atty. Koko.
Bigkasin nang mabilis: Kay Koko si Nene!
Ang problema kapag pinalitan ng “e” ang mga “o” at “o” ang mga “e”.

----$$$---
KAHIT marami sa kanila ang na-SALVAGED,sasali pa rin sa eleksiyon ang ANAK-PAWIS Party List.
Dapat ay hindi na “Anak-pawis” ang itawag sa kanila.
Kundi “ULILANG-LUBOS”.

----$$$--
PUMALAG ang pundador ng “Kayang-Kaya ni Misis” na si Jaye Lacson Noel ng CAMANAVA area sa rekititos na sumailalim sa two-week training ang mga domestic helper bago pahayagang makapag-abroad.
Hiniling ng may 3,000 miyembro ng KKM kay Ate Glo na ibasura ang naturang rekititos kung saan gagastos ng P10,000 hanggang P15,000 ang mga DH.
Namputsa, kaya nga sila MAGPAPAALILA eh, walang kuwarta—KOKOTONGAN pa ninyo!
Bwisettttt!

-----$$$--
KAKANDIDATO rin pala ang radio brodcaster na si Rey Langit.
OK ang kanyang plata-porma-de-gobyerno.
IHAHATID niya ang “LANGIT” sa inyong mga tahanan.
Ang problema, pag natalo na naman siya.
Nakakatakot ang banner sa mga diyaryo: LANGIT GUMUHO!!!

-----$$$---
NAKUMPIRMA ang pag-atake ng MAD COW disease sa Japan.
Ingat po tayo sa CORNED BEEF.
-----$$$---
SOSONAHIN na ng US troops ang Baghdad.
Diyan na sila magde-THE END!

----$$$--
SUMANIB na si Sen. Ed Angara sa administration ticket.
Iyan na MISMO ang “KULAY” mo!

-----$$--
MADALAS daw mapaaway ngayon si Borgy Manotoc.
Baka MANA SA INA o MANA SA LOLA?
---30---

Monday, February 05, 2007

Mag-bible na lang

(Bulgar newspaper, for: feb. 06 issue)

KINANSELA na ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay In jin Chi ng South Korea na gaganapin sana sa Macau sa buwan ng Abril.
Hindi natin malaman ngayon kung dapat “paniwalaan” pa ang mga sportswriters o dapat pang paniwalaan pa mismo si Pacquiao?
Dati- rati, tanging ang mga sportswriters lamang ang karaniwang nagsasabi ng totoo o nagbabalita “nang malapit” sa katotohanan, pero ngayon ay lumalabas na “hindi totoo” ang mga iniulat sa nagdaang mga araw.
Kasi naman ay ibinalita agad sa mga sport page na tiyak ang laban ni Pacquiao sa Macau kahit alam nila na walang namang kontrata na nilalagdaan.
Ngayon, lumalabas na nais ni Bob Arum na ganapin sa Texas, USA ang susunod na laban ni Pacman—at siya naman ngayong “iniuulat” ng mga sportswriters.
Pero, sa totoo lang, malabo pa rin ang laban ni Pacquiao sa teritoryo ng US—kasi'y alam naman nating lahat na “nagdemandahan” sa US court ang magkaaway na promoters na sina Bob Arum at si Oscar dela Hoya.
Dapat ay inaayos mabuti ng mga “sports editor” ang mga ulat mismo na ipinapasa ng mga “sportwriters” upang maibigay ang wastong pangyayari sa larangan ng sports.
Sana'y ang larangan man lamang ng sports ay masagip natin sa masamang reputasyon ng pag-uulat lalo pa't nasa gitna tayo ng election period—hindi natin alam kung alin ang “lehitimo” o “hindi lehitimong balita” sa media.
Ang problema, maging si Pacquiao na siyang “laman” ng mga balita sa pahina ng sports—ay mahirap nating pagkatiwalaan.
Hindi malinaw ang kanyang mga pahayag at madali siyang “mauto” ng mga kumakausap sa kanya.
Lalo namang mahirap makahanap ng “totoong ulat” mula sa showbusiness.
Mas mainam yatang magbasa na lamang tayo ng “bibliya”--yun nga lang, laging WALANG KATAPUSAN ANG DEBATE!
-----30---

Basket-bolero

(Bulgar newspaper, feb. 06 issue)

GUSTO ring kumandidato ni Sen. Dra. Loi Estrada.
Naloko naaa!

----$$$--
NAKAUWI na sa Maynila ang mga “HINDI HINOSTAGE” na sina Maj. Gen. Benjamin Dolorfino, Usec Ramos Santos; at 12 iba pa.
Nagsisinungaling na naman sila sa PUBLIKO!

----$$$---
NAPUWERSA ng MNLF faction ni Nur Misuari ang isang “tripartite conference” kasama ang Organization of Islamic Conference (OIC).
Hindi kaya gayahin ito ng MILF—kidnapin din ang mga heneral at cabinet secretaries?
Ganyan po KATATAG ANG ATING REPUBLIKA!

----$$$---
TEPOK ang 20 katao sa Florida, USA nang umatake ang tornado.
Ayaw iwanan ng MALAS ang mga Kano.

----$$$--
IPATUTUPAD ang “partial automation” sa eleksiyon.
Partial din ang magiging dayaan.

-----$$$--
OKEY na raw ang National ID system sa Marso.
Mauuso na naman ang pekeng pirma.

-----$$$---
NAGPROTESTA ang mga Pinay DH sa HongKong dahil sa hindi patas na LABOR LAWS.
Ang Malacanang, tameme lang!

----$$$---
HANDA raw itigil ng North Korea na itigil ang paggawa ng nuclear weapons kapalit ng OIL SUPPLY.
Bakit, mayroon ba silang ITITIGIL.
Mukhang napeke ditto ang US.

-----$$---
AYAW pa ring PALAYAIN ng mga kidnaper ang 24 seamen sa Nigeria.
Wala ring RANSOM na hinihingi kundi KALAYAAN ng kanilang lider na NAKABILANGGO sa naturang bansa.
Iyan ang PINAKADELIKADO.

----$$$---
KINANSELA na ang laban ni Manny Pacquiao kontra kay In jin Chi sa Macau.
Oppps, minalas na ang inyong idol!
---$$$---
HINDI pa rin mapigil ang bird flu.
Magsanay na kayong MAGDASAL.
----$$$---
NAGMAMATIGAS ang Iran sa paggawa ng nuclear arms.
Iyan mismo ang PANAKOT nila sa US.
----$$$---
BAWAL daw ang short time sa mga motel sa Maynila.
Maniwala kayo dyannn?
------$$$--
MAAYOS na raw ang gusot sa RP Basketball.
Pahayag yan ng mga BASKET-BOLERO.
-----$$$--
NAIIYAK si Gradys Guevarra kapag kinukulit siya.
Iyan ang estilo niya para “MAGPATAWA”.
----30---

Saturday, February 03, 2007

$7.25 per hour salary increase

(Bulgar newspaper, for: feb. 04 issue)

TULAD sa Pilipinas, pinalusot na rin ng US Senate ang dagdag na $7.25 KADA ORAS na suweldo sa mga obrero sa naturang bansa.

Hindi po P7.25 kundi dolyares—at hindi rin kada ARAW—kundi kada ORAS!

Halos isang dekadang hindi nakakatikim ng increase ng suweldo ang mga obrerong Kano.

Napakalaki nito mula sa $2 kada oras na suweldo!

Pero, iba-iba ang pasuweldo sa bawat estado ng US.

Bilang insentibo naman sa mga kompanya bibigyan sila ng malaking DISCOUNT SA TAX kapag ipinatupad ang naturang salary increase!

Ang panukalang-batas na dagdag na suweldo ay katuparan ng PANGAKO ng mga anti-Bush lawmakers na DEMOCRATS na siyang may control ngayon ng US Congress.

Ibig sabihin, tinotoo ng DEMOCRATS lawmakers ang “plataporma-de-gobyerno” na kanilang ipinangako sa panahon ng KAMPANYA.

Sa Pilipinas maglalakas-loob kaya ang administration party na IPANGAKO ang katuparan ng P125 kada-araw na dagdag suweldo?

Kailangang linawin iyan ng ADMINISTRATION CANDIDATES sa mga botante!

Kapag nagkamali sila—mabobokya sila sa Mayo!

Hindi sinasadya, makokopo ng oposisyon ang Kongreso—nang walang kahirap-hirap!

------30---

Boobs ara-t ara-t ara-t

HINOSTAGE ng Moro National Liberation Front (MNLF) ni Nur Misuari ang isang cabinet undersecretary, isang marine general at 11 sundalo.
Nakuppp, akala ko ba ay KONTROLADO ninyo ang MINDANAO?

----$$$--
NAGMAMATIGAS ang Liberal at Nacionalista Party leaders.
Sumobra naman ngayon ang YABANG nila.

----$$$---
DALAWANG helicopter ng US ang pinasabog sa Baghdad.
No choice, kailangan NANG TUMAKAS ng mga Kano mula Iraq.
Kung paano ang GRACEFUL EXIT—iyan ang “lihim na pinagdedebatehan”.

---$$$---

NAGKAKAINITAN na rin ang US at Russia
Mukhang AMOY PULBURA na ang mundo!

----$$$---
IBINUBUYO ng Malacanang si Manny Pacquiao na kumandidato
Mga pahamakkkk!

----$$$--
AABOT sa 50 katao ang natepok nang sumabog ang LPG tanker sa Zamboanga.
Buti hindi nakatapat sa KAMPO ng military

----$$$---
HINAHABOL ng PCGG ang mga kompanya ni Lucio Tan.
Nakupp, HAHARBAT lang ng “campaign fund” ang mga yan?
-----$$$--
ITINAAS ni Speaker JDV ang kamay ni Gov Chavit
He, he, he!

-----$$$---
IAANGAT sa $7.25 kada oras ang suweldo ng mga obrero
Hindi po sa Pilipinas kundi sa US

-----$$$---
ITINATWA ni LOVI POE na boyfriend niya si Cogie Domingo
O, e, ano ngayon?

-----$$--
SA Hunyo pa raw aaminin ni Ogie Alcasid na DYOWA niya si Chona Velasquez
Aantayin muna niyang MABUNTIS?
Tsek n’ya siguro kung UNANO ang lilitaw sa ultra-sound!

----$$---
SUKI pala natin ang may 3,000 miyembro ng KKM sa Malabon- Navotas area
Ang KKM ay “Kayang- Kaya ni Misis”, isang samahan na pinamumunuan ni Madame Jaye Lacson- Noel.
Nakapokus ang kanilang aktibidad sa pag-aangat ng KABABAIHAN sa pagkakaloob ng livelihood programs.
Oooops matutuwa ang mga mister—pwede na silang hindi MAGTATRABAHO.
Ngek, erkkk!!

-----$$$---
KAKANDIDATO rin pala si ARA MINA
Ano kaya ang angkop na campaign jingle sa kanya.
Hala Ara, Hala Ara, Hala Ara!
BOOBS, ARA-T, ARA-T ARA-T!
BOOBS, ARA-T, ARA-T, ARA-T!

----30—

Friday, February 02, 2007

Patong sa ulo

(Bulgar newspaper, for: feb.03 issue)

ISANG lantarang panghihimasok ng United States ang paglalaan ng MILYONG DOLYARES na PATONG SA ULO sa mga SUSPECTED BOMBERS sa Mindanao.
Karaniwang itinuturong nambobomba ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa ilalim ng peace negotiation sa gobyerno.
Umaasa ang mga “mediators” na malapit nang magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao pero ang panghihimasok o pakikialam ng US ang dumidiskaril mismo sa negosasyon.
Pinakahuling insidente ay ang paglusob ng mga hinihinalang MILF commandos sa Cotabato provincial jail kung saan nakatakas ang 49 preso kabilang ang mga suspected MILF bombers.
Sakali kasing diktahan ng US ang Malacanang, hindi malayong “mapugutan” ng ulo ang mga naturang suspect tulad ng ginawa ng US kay Saddam Hussein na ipinakatay ng Pentagon sa mga political rivals ng dating pangulo ng Iraq.
Hindi patas ang ginagawa ng US—at malinaw na paglabag ito sa INTERNATIONAL LAW.
Ang US mismo ang sagwil sa PAGKAKAISA ng mga Pinoy.
Sakali kasing magkaroon ng wagas na kapayapaan sa Mindanao—hindi na tayo aangkat pa ng multi-bilyong dolyar na halaga ng ARMAS sa US.
Biglang yayabong din ang industriya sa Katimugan at magiging tunay na PANGAKONG PARAISO ito hindi lamang para sa mga Pinoy kundi maging sa buong Asia.
Magkakaroon din ng malayang oil exploration, mining at agricultural plantation sa Mindanao na walang duda na mag-aangat sa Pilipinas bilang isang REGIONAL POWER sa ating kontinente.
Dapat ay ilinya sa direksiyon ito ang mga plata-porma-de-gobyerno ang mga kumakandidatong senador at kongresman.
Pagtulung-tulungan naging sagipin ang Mindanao mula sa KUKO NG MGA DAYUHANG DINOSAURS.
-------30---

Pacquiao knockedout

TUMAKAS ang 49 preso mula sa Cotabato provincial jail.
Baka magpa-FILE din ng Certificate of Candidacy.
Natakot silang ubusin ng mga KAPWA nila hoodlums ang mga forms sa Comelec.
----$$$---
NANGAKO si Ate Glo na magiging HONEST ang eleksiyon sa Mayo.
Iyan din ang naging PROMISE niya sa 2004 presidential election.
I AM SORRY! I AM SORRY! I AM SORRY!
----$$$--
NATANGGAP na ni Defense Sec. Hermogenes Ebdane ang “bayad” sa pagiging campaign operators sa huling eleksyon.
Tenkyu, Mrs. Garse, tenkyu Mrs. Garseee!
----$$$--
KONTRA si ex-en. Kit Tatad sa political dynasty.
Hindi kaya “baog” siya?
----$$$--
MAGTIPID daw sa TUBIG.
Sikaping i-RECYCLE ang mga IHI.
Kapag naipon, puwede itong PAMBUHOS sa toilet bowl.
At kapag binilad—puwedeng makaipon ng ASIN.
---$$$--
BINANSAGAN ni Venezuela President Hugo Chavez si US Prez George Bush na isang KRIMINAL.
Si Chavez ang BAGONG FIDEL CASTRO!
Hindi nauubos ang kalaban ng Imperyalismong Kano.
Nadadagdagan ito at MAS TUMATAPANG!
-----$$$--
KINONTRA ng kanyang mga tagahanga ang plano ni Manny Pacquiao na kumandidato.
Gusto ba ninyong MAKATIKIM NG LEFT HOOK?
---$$--
MARAMI ang nagdududa na maaaring NAALOG ang “UTAK” ni Pacquiao nang masuntok ni Erik Morales sa ulo.
Hindi ka kasi “STABLE” ang kanyang isip.
-----$$$--
WALA raw makalaban si Pacman na maaaring tumalo sa kanya.
Pero, kapag tumigas ang kanyang ulo sa PAMUMULITIKA—may mabigat siyang MAKAKALABAN.
Iyan si FLASH DIONISIA—ang kanyang nanay.
Hahampasin siya ng PALO-PALO sa ulo, tiyak KNOCKED-OUT ang inyong idol.
-----$$--
LUMIIT sa P62 bilyon ang budget deficit sa 2006.
Buwelo ito sa DAMBUHALANG EXPENSES sa 2007.
----$$$---
WALANG duda, buhay-na-buhay ang dati-rating magkaribal na Liberal at Nacionalista Party.
MAGKAHAWAK pa sila ng KAMAY sa paglaban sa mga promotor ng multi-party system.
Hindi kaya MAG-AWAY-AWAY din yan matapos ang eleksiyon?
-----30---