TAPOS na ang impeachment
trial.
Malinaw na malinaw ang
ARGUMETO ng magkabilang panig.
Walang maaaring sabihin na
MALAKI ang agwat ng argumento ng alinmang grupo.
Ibig sabihin, halos PANTAY
lang ang ARGUMENTO.
Pare-parehong mahuhusay!
Klap! Klap! Klap!
----$$$--
IISA ang malinaw na PANALO
dito.
Ito ay ang mismong SENADO o
ang mismong mga senador.
Partikular na kapuri-puri ay
si Presiding judge na si Senate President Juan Ponce Enrile.
Isa pang BAGSAK dyan:
KLAPPPPP!!!
----$$$--
MARAMI ang nangungulit sa
atin gamit ang TEXT.
Ano raw ba ang ating
ESPESIPIKONG sapantaha sa magiging RESULTA ng botohan ng mga senador?
Marami daw silang
napapakinggan at nababasang KOMENTARYO pero walang naga-analisa ng MALINAW sa
BOTO ng bawat senador batay sa personal nating pagtaya at opinyon.
At iyan po ang BUONG
PAGPAPAKUMBABA na ibibigay natin ngayon sa ating mga mambabasa.
----$$$-
IWANAN na natin ang MERITO at
ARGUMENTO.
Kasi’y malinaw naman ang
IBINIGAY ng magkabilang kampo.
Malaya na ang taumbayan na humusga at bahala na ang mga
senador na magpasya MAMAYANG HAPON, Mayo 29.
-----$$$--
SURIIN natin ngayon ang
aktuwal na HAPAY o BIASED ng mga senador sa pasubaling gagamitin nila ang
personal nilang diskarte.
Ito ay batay lamang sa
personal nating pagtingin at siyempre pagsusuri sa estilo ng mga senador.
At ang mga mambabasa natin ay
MALAYANG KONTRAHIN ito batay mismo sa kanilang personal na obserbasyon.
-----$$$--
MAHALAGANG maunawaan ng
marami na HALOS patas ang
argumento-sapagkat pareho silang nagke-CLAIM ng panalo. Walang nagko-CONCEDE at
walang sumusuko.
Kung gayon, mauuwi ang
PAGBOTO sa personal nilang batayan , kompromiso, diskarte at HAPAY o biases.
Simulan na natin:
Unahin na natin si Enrile.
Walang kokontra kapag sinabi
nating PATAS na patas si Enrile.
Hindi muna natin siya isasali
sa BILANGAN.
May kutob tayo na siya ay
magi-INHIBIT sakaling malaman niya na “mayroon nang sapat na bilang”—alinman sa
absuelto o guilty.
Isang paggalang natin ito kay
Enrile at mataas na pagtingin sa kanya.
-----$$$--
KUNG inalis natin si Enrile
sa bilang, 22 senador na lang ang
susuriin natin.
Kailangan ang 16 na botong
GUILTY bago matanggal si Corona.
Kailangan naman ang 8 BOTO
bago maabsuelto si CJ.
----$$$--
SA pinakahuling text sa atin
ng isang kaibigan, inaasahan niya ang CONVICTION kay Corona.
Tinanong ko kung ilan ang
SENADOR na boboto ng conviction, kumpiyansa siyang sumagot: 20 senador.
Ngayon, unahin nating HANAPIN
ang 20 senador na sinasabing magdedeklara ng GUILTY.
Sa totoo lang,, 16 lang ay
sapat na.
Subukan natin kung madali
nating matutukoy ang 20 senador o kahit ang kinakailangang 16 senador.
-----$$$--
WALANG kokontra kapag sinabi
natin ang No.1 na hahatol ng GUILTY ay si Sen. Frank Drilon.
Ikalawa ay si Sen. Kiko
Pangilinan; ikatlo si Sen. Serge Osmena; ikaapat ay Sen. Antonio Trillanes; at
kung pagbabatayan ang ilang komentarista, gawin nating ikalima si Sen. Koko
Pimentel.
Tinukoy natin ang limang
senador na iyan batay sa kanilang mga OPINYON sa nagdaang mga araw.
Subukan natin kung makakakuha
tayo ng IKALAWA LIMA upang maging 10.
Walang kokontra kapag tinukoy
nating ikaanim si Sen. Edgardo Angara; ikapito si TG Guingona; ikawalo si Sen. Ping Lacson;
ikasiyam si Sen. Lito Lapid; at ika-10
si Ralph Recto.
Mabilis tayong nakatukoy ng
10 senador na posibleng bumuto ng GUILTY.
Itigil muna natin diyan:
Kailangan na lang natin sa GUILTY VERDICT ay ANIM na lamang.
-----$$$--
DUMAKO naman tayo sa mga
POSIBLENG boboto ng ABSUELTO.
Unahin na natin bilang No. 1
si Joker Arroyo; ikalawa si Sen. Bong Revilla; ikatlo si Sen. Miriam Defensor
Santiago; ikaapat si Sen. Francis Escudero; at ikalimang si Sen. Bongbong
Marcos.
Bagaman maaari ninyong
kontrahin, pero hindi mapasubalian na POSIBLENG boboto sila ng ABSUELTO batay
sa kanilang mga nagdaang opinyon at pagtatanong sa pagdinig.
Sakaling magkatotoo ito,
kailangan na lang natin ay TATLONG SENADOR upang maging WALO—na siyang
maga-absuelto kay Corona.
-----$$$---
KUNG ibabawas natin ang
tinukoy nating 10 senador na may posibilidad na boboto ng GUILTY, at ang LIMANG
(5) senador na boboto ng ABSUELTO, mayroon na tayong 15 SENADOR.
Susuriin na lang natin ay ang
BOTO ng nalalabing WALONG senador.
Mula sa WALO—ay kailangan ng
ANIM ng GUILTY verdict, pero mula sa WALOng ito ay kailangan na lang nang TATLO
bago maabsuelto.
Ituloy natin ang
paga-analisa.
Kasama sa walong naiiwan ay
si Enrile, na huling boto.
Bale, pito na lang—ito ay
sina ang MAGKAPATID na (1) Allan at (2)
Pia Cayetano; (3)Gringo Honasan; (4)
Manny Villar; (5) Loren Legarda; (6)
Tito Sotto; at (7). Jinggoy Estrada.
Kukuha tayo muna ng tigalawa
na posibleng bumoto pabor sa GUILTY verdict—at ito ay ang magkapatid na Allan
at Pia Cayetano.
Kung kukuha naman tayo ng
dalawa rin pabor sa ABSUELTO—ito ay sina (6) Tito Sotto at (7) Manny Villar.
Sa ngayon, mayroon na tayong
12 BOTO sa GUILTY; at may PITO (7) para sa ABUSUELTO.
Kailangan pa ng apat na
senador mula sa nalalabing APAT na senador—Enrile, Estrada, Legarda at Honasan.
Pero, ISANG boto na lang ang
kailangan natin muna sa naturang HULING apa upang maabsuelto si CJ.
Sino sa apat na ito ang
POSIBLENG ika-WALONG boto para maabuelto
si Corona.
Sa tingin ng kolum na ito ay
si HONASAN!!!
Ibig sabihin, yung tatlong
sina Enrile, Estrada at Legarda ay direkta na nating IBIBIGAY sa GUILTY
VERDICT.
Sa madaling salita, sa ating
pagtaya—narito ang posibleng bumuto ng ABSUELTO kay Corona mamayang hapon---(1) Arroyo; (2) Revilla; (3) Defensor-Santiago; (4) Escudero;
(5) Marcos; (6) Sotto; (7) Villar; (8). Honasan.
O, ano sa tingin ninyo, pag
nag-INHIBIT si Enrile mababawasan ang 15 boto sa guilty.
Isa pang analysis, sino ang
may posibilidad na boboto ng GUILTY mula sa binanggit nating WALO sa
pro-corona?
Sige, hugutin—pinakamalapit
dito ay sina Honasan at Villar—kapag nahigop yan, madedeklarang GUILTY si Corona.
Sino naman ang may
posibilidad na mag-absuelto kay Corona
mula sa tinukoy nating na unang 15?
Hugutin natin ang magkapatid
na Cayetano na parehong ABOGADO—kung saan imbes na WALO, magiging 10 ang boboto
ng ABSUELTO.
Sa aktuwal—ang NUMERO sa
HUWETENG ay ito—8-15; 9-14 kung maabsuelto si Corona.
Kung magiging GUILTY ito ay
lalaro sa 16-7; 17-6 pero malabo
ang 20-3 tulad sa sinasabi ng TEXTER natin.
Suriin ninyong mabuti ang
BINANGGIT natin sa itaas—at kayo ang HUMATOL.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper,
May 29, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on
twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09297740745).
orial
HEAD:
NAKATUTOK ngayong maghapon
ang sambayanang Pinoy sa pinakahuling araw ng impeachmeng trial.
Isang malaking tagumpay ito
ng demokratikong proseso sa ating bansa.
Tiyak na hahangaan tayo ng
buong daigdig.
Magiging aktuwal na DUYAN NG
DEMOKRASYA ang Pilipinas sa buong daigdig.
Tiyak na pagsusumundan tayo
ng ibang bansa at magiging daan ito upang makilala ang ating bansa—anuman ang
maging desisyon: Guilty o absuelto man si Chief Justice Renato Corona.
Dapat nating kilalanin ang
lahat ng sangkot sa prosesong ito—hindi lang si Enrile bagkus ang lahat ng 23
na senador at maging ang mga miyembro ng prosecution at defense panel.
Pero, anuman ang kahinatnan,
dapat din kilalanin natin ang mismong BIDA ng eksena—ang nasasakdal na Punong
Mahistrado.
Tanggapin niya o hindi ang hatol,
isa rin siyang kahanga-hanga sapagkat nagpasailalim siya sa demokratikong
proseso na nagtitindig sa KONSTITUSYON na pinakamahalagang SANGKAP sa katatagan
ng isang bansa.
Dapat din nating purihin ang
bawat isang Pilipino na sumubaybay at gumalang sa prosesong ito na ngayon
lamang nating maoobserbahan na isang epektibong kasangkapan sa ating kapayapaan
at katatagan bilang isang ganap na Republika.
Sa kauna-unahang pagkakataon,
ngayon lang nating masasabi na HINDI NANGHIMASOK superpower sa isang POLITICAL EXERCISE sa
loob ng ating bansa—ang impeachment proceedings.
Sa huling araw ng paglilitis,
walang anumang ulat na NANGHIHIMASOK ang ibang bansa partikular ang United
States sa mahalagang prosesong ito sa ating demokrasya.
Ang tagumpay ng impeachment
trial—GUILTY o absuelto man si Corona, ito ay magsisilbing KORONA ng ating
REPUBLIKA—bilang PINAKAMALUSOG na demokrasya sa ibabaw ng lupa.
Gayunman, isang malaking
tagumpay ito ng mga KUMAKALAM ang sikmura.
----30---