Friday, September 30, 2005

matatag pa rin

Editorial (01Oct05)

NANINIWALA si Father Joaquin Bernas, dean ng Ateneo Law School na labag sa Konstitusyon ang Executive Order No. 464 na nilagdaan ni Ate Glo. Pinagbabawalan ng naturang direktiba ang lahat ng mga ehekutibo ng gobyerno; opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na dumalo sa mga pagdinig sa Kongreso nang walang pahintulot ni Ate Glo. Malinaw na sinasapawan ng naturang E.O. ang kapangyarihan at kalayaan ng Kongreso na magsasagawa ng mga pagdinig upang mapalutang ang katotohanan.Hinahanting ngayon kung sinong abogado ang “naglatag o gumawa ng draft” ng naturang direktiba dahil sa “kahinaan ng kukote”.
Sa totoo lang, hindi ang legalidad ng naturang direktiba ang isyu—kundi ang pagtatangka ni Ate Glo na PAGTAKPAN ang katotohanan.
Iyan ngayon ang pinakamalaki niyang kasalanan—sa mata ng Diyos at sa mata ng tao!Tuwirang may kaugnayan ang naturang direktiba sa talamak at garapalang pagsisinungaling ng administrasyon kung saan itinatago sa publiko ang katotohanan.
Dapat ay pumostura na nang todo at hindi na dapat magkunwari ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa deklarasyon ng mga ito na dapat lumabas ang katotohanan.
Pero, ang problema, maging ang CBCP ay nahahati sa dalawang paksiyon—isang kumokontra at isang SEPSEP sa Malacanang.
Habang nahahati ang mga Pinoy---nananatiling matatag si Ate Glo kahit pa sabihing nakapundasyon ang kanyang liderato sa pagsisinungaling.
---30---

Makoy na Makoy

Bistado (01Oct05)


LABAG sa Konstitusyon ang pagbabawal ni Ate Glo sa miyembro ng gabinete at sundalo na DUMALO sa Senate hearing nang wala siyang GO-SIGNAL.
He, he, he, MARCOS NA MARCOS ang ale.

---$$--
BATBAT ng corruption at kailegalan ang $503 million Northrail Transit system mula sa Caloocan hanggang Malolos.
At delikadong MADISKARIL ito.

-----$$--
IBINIGAY ni PNP Chief Arturo Lomibao kay Ate Glo ang isang MANIFESTO na nagpapatunay na sumusuporta ang buong puwersa ng pulisya.
Huhhh, eh, bakit, NAGDUDUDA ba si Ate?
Yan, na yan mismo ang NAGPAPAINIT ng tsismis sa KUDETA.

----$$---
IPINATUTUPAD na ang bagong SISTEMA sa trapiko kung saan limitado lamang ang biyahe ng mga BUS.
Panibagong KALOKOHAN na naman ere.

----$$--
NAUUBOS na raw ang TESTIGO ni Pareng Erap.
Aba, puwede naming pakiusapan si Philip Medel at Udong Mahusay ahh.

----$$--
HINDI na raw maaaring isubasta ang mga ALAHAS ni Meldy.
Hindi kaya UMITIN na lang yan ng mga kolokoy?

-----$$---
AATRAS na ang Japanese mula sa Iraq.
KOREK ang mga SAKANG.

------$$---
UMATAKE naman ngayon ang BABAENG SUICIDE BOMBER sa Iraq.
Sige, lipulin ninyo ang mga PAKIALAMERONG KANO.
Nang madala ang mga iyan.

----$$--
TINAMAAN ng bird flu ang dalawa pang PASLIT sa Indonesia.
Talagang nagpa-PANIC na ang mga INDONES.
Ang Pinoy, pakuya-kuyakoy lang!

-----30---

Wednesday, September 28, 2005

hayaang malasing

Editorial (29Sep05)

MAHIGPIT na ipatutupad ni Ate Glo ang "No Permit, No Rally policy". Taliwas ito sa ipinagmamalaking "maximum tolerance" sa panahon ng demonstrasyon.
Malinaw dito na may halong pananakot sa publiko ang naturang patakaran.
Paglabag din ito sa karapatan ng mga mamamayan sa malayang pamamahayag.
Isang buwelo ito sa deklarasyon ng State of Emergency at Martial Law.
Nabunyag din na bumubuwelo ang administrasyong Arroyo ng pag-takeover o pagkontrol sa mga oil companies at iba pang negosyo kapag naging grabe ang krisis bunga ng paglobo ng oil price sa world market, pag-atake ng bird flu at panggugulo ng mga terorista.
Ang mga senaryong ito ay tuwirang naglalarawan ng eksena sa panahon ng Batas Militar. Masyado kasing lumaki ang ulo ni Ate Glo nang "patayin" ang Impeachment complaint sa Kongreso. At ang sobrang kapangyarihan ay NAKALALASING at NAKABABALIW.
Sa bagay, hayaan natin siyang MALASING at ipagdasal nating mahulog na lang sila sa KANAL ng kabiguan at kahihiyan sa mga susunod na araw. Sila kasi ang tunay na ugat ng ating problema.
----30---

pati pantylet?

Bistado (29Sep05)

AABOT sa P8 bilyon ang presyo ng mga alahas,gowns, at sapatos ni Madame Meldy kapag isinubasta.
Kasama kaya dito pati PANTYLET?

---$$--
KONTRAang mga pro-GMA solons sa pag-TAKEOVER ng gobyerno sa mga oil companies kapag nagdeklara ng State of Emergency.
Iyan ay kung hindi SILA BABAYARAN.

---$$$---
PINAKAKANSELA ng Malacanang ang mga PAGDINIG sa Senado kaugnay ng serye ng mga EXPOSE sa mga KATIWALIAN.
Talaga hawak nila sa LEEG ang mga kolokoy at kolokay.

-----$$--
BINURA ang mga laman ng SURVEILLANCE CAMERA kung saan makikilala ang NAGNAKAW ng mga ballot boxes sa Kongreso.
Sino ang may sabing MAY KATARUNGANsa Pilipinas.
Letseeeee!

----$$--
HINDI muna maglalabas ng hatol ang Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay sa karapatan ng mga MAGSASAKA sa Hacienda Luisita.
Baka kasi’y MAPABALIKTAD pa si Tita Cory.
Iyan mo ang demokrasya sa Pilipinas.

----$$-
DUMARAMI ang bilang ng NABIKTIMA ni Hurricane RITA sa US coast.
Pinarurusahan talaga ni Lord ang mga Kano.

---$$--
NAKAREKOBER ang Pinoy boxer na si Tranquilino "Ayon" Naranjo na isinugod sa ICU sa isang ospital sa Tokyo matapos ang isang featherweight bout.
Ganyan kadelikado ang buhay ng iyong boxer.

-----$$--
BAWAL na raw ang mag-rally nang walang permiso.
Pero puwede pang MAGNAKAW sa gobyerno nang walang paalam.

----$$--
ISANG SPO1 Francis Corpuz ng Pandi Police Station sa Bulacan ang inireklamo ng PANUNUTOK ng baril ng isang traffic enforcers sa katabing bayan ng Balagtas, Bulacan.
Namamasada ng dyip si Corpuz pero umaasta-asta itong SIGA-SIGA sa kabayanan ng Balagtas. Bakit NAKAPAGDADALA ng BARIL si Corpuz kahit hindi nakauniporme?
PNP Chief Arturo Lomibao, hindi pa puwedeng masibak ang katulad ni Corpuz na mistulang isang MATON?
------30—

Tuesday, September 27, 2005

gatasang baka

Editorial (28Sep05)


GRABE na ang nangyayari sa National Power Corporation (Napocor) dahil garapalang ginagamit itong “Gatasang-Baka” ng gobyerno.
Isipin ninyong nangutang ito ng kabuuang $400 milyon sa kainitan ng impeachment proceedings upang hindi mapansin ng kritiko.
Ipinagtanggol pa nina Central Bank Gov. Amado Tetangco at Budget Secretary Romulo Neri na kung tutumbasan ng piso ay aabot sa P2 bilyon.
Eh, sino ang magbabayad nito?Hindi ba’t si Juan dela Cruz?Nakakatuwa ang depensa ni Tetangco kasi lumobo pa raw ang dollar reserves dahil sa naturang utang, anong klase ng reserba yan—eh tiyak na dolyares ang interest niya na magpapalubog lalo sa pagkakautang ng Pilipinas.
Ikinakatwiran naman ni Neri na naka-BREAK EVEN ang Napocor noong nakaraang taon, pero lingid sa kaalaman ng publiko, ito ay dahil sa SINAGOT o pinasan ng gobyerno ang P200 bilyong utang ng Napocor kasi’y guranteed ito ng pamahalaan.
Palaging ginagarantiyahan ng gobyerno ang pangungutang ng Napocor kaya’t ang nababaon ditto at ang tunay na magbabayad ay ang 86 milyong Pinoy.
Ibinabaon ng pambansang lider sa utang ang Napocor upang maipagpaliban ang PRIVATIZATION nito o pagbebenta sa pribadong sector, dahil sino nga naman ang magkakainterest sa naturang korporasyon kung lubog na ito sa utang?
Kapag naisapribado na ang Napocor--- mawawalan ng “Gatasang-Baka” ang mangungurakot sa gobyerno.
Dapat nang ibenta sa pribadong sector ang Napocor upang matigil ang graft and corruption at makalikom ng sapat na pondo na magagamit hindi lamang sa aktuwal na pambayad utang kundi matitigil na rin ang pangungutang na pinagdurusahan ng ordinaryong mamamayan.
---30--

Utang na ninyo

Bistado (28Sep05)


PANIWALAAN DILI:
May panibagong utang na $400 milyon ang Napocor.
At si Juan ang MAGDURUSA nito.
Lintekkkk!

----$$---
KATUMBAS ng bagong utang ay P2 bilyon.
Diniskarte ang naturang UTANG sa kainitan ng isyu sa Impeachment proceedings.
Talagang mga TUSONG MATSING ang mga kolokoy.

----$$---
IPINAGMAMAGALING ng Napocor na “BREAK EVEN” sila sa operasyon sa taong ito.
Pero, ito ay isang malaking kabulastugan.
Dahil sinagot ng gobyerno ang P200 bilyon utang nito—kung saan si Juan dela Cruz ang magbabayad.
At iyan ay epekto ng pinagtibay na EPIRA law.
Buwisetttt!

---$$--
NAKAPAGTATAKANG ikinatuwa pa ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Amado Tetangco ang walang habas na pangungutan ng Napocor.
Malinaw na KAKUTSABA siya sa panggogoyo sa 86 milyong Pinoy.

------$$$--
IPINAGMAMALAKI naman ni Budget Secretary Romulo Neri na ang naturang utang ng Nacopor ay ipinambayad sa interest ng mga DATI NANG UTANG ng Pilipinas kaya’t nahinga umano sila nang maluwag.
Nanangkupoooooo!

-----$$--
IPINAGYAYABANG ng Central Bank na nadagdagan ang FOREIGN RESERVES ng bansa dahil sa INUTANG NA DOLYARES ng Napocor.
Ngeekkk, paano mo ipagyayabang na RESERBA ang PERANG INUTANG?
Namputsa naman.

----$$--
DAHIL sa sala-salabat na utang ng Napocor, mahihirapan na itong MAISAPRIBADO, kasi’y sino ang bibili sa isang NEGOSYONG LUBOG SA UTANG?
Utang na… utang na…..utang na ninyo, yan, bayaran ng pobreng si Juan.

----$$--
NASABAT ang pagpupuslit ng PIRANHA.
Nabisto ang cannibal na ISDA nang NGATNGATIN ang daliri ng quarantine inspector.
Buti hindi ka NILAMON nang buo.

---$$--
NAWAWALA ang mga ballot boxes na ipinaprotesta ni ex- Sen. Loren Legarda laban kay Vice President Kabayan.
Kumbaga, MAGHABOL-KA-SA-TAMBOL MAYOR.
-----30—

Monday, September 26, 2005

bird flu

Bistado (27Sep05)


NAGPA-PANIC na ang Indonesia sa BIRD FLU PANDEMIC.
Maari itong lumipol ng milyon-milyong katao sa buong mundo.

---$$--
INAMIN ng gobyerno na binabalak nilang KONTROLIN ang mga PRIBADONG NEGOSYO upang maagapan ang krisis gamit ang EMERGENCY POWER ni Ate Glo.
Huhhhh, MARTIAL LAW din yan.

----$$---
SISIMULAN na ang serbisyo ng FERRYBOAT sa Pasig River next year.
Mayroon na namang TATABO sa KONTRATA.

---$$---
SINIBAK ang DEAN ng College of Law sa UP dahil sa pagiging anti-GMA.
At sinisante rin ang isang EXECUTIVE sa Department of Education (DepEd) na tumangging magpagamit sa paglalabas ng PAYOLA sa isang kongresista kaugnay ng impeachment proceedings.
Sino ang may sabing DEDBOL NA SI MARCOS?

----$$--
WALA raw BIRD FLU sa Pilipinas.
Sa ngayon!

---$$--
PERO, ano ang nangyari sa ulat na nagkaroon ng BIRD FLU ang mga ITIK sa Bulacan?
He, he, he, NO COMMENT daw.

---$$--
IPATUTUPAD daw ang “No Permit, No Rally” policy.
Huhhh, kailangan pa bang i-MEMORIZE yan?

----$$--
KUMPIRMADONG wala nang JUETENG.
Nasapawan na ito ng VIDEO KARERA.

-----$$$---
NAG-PEOPLE’S POWER ang libo-libong Kano upang kontrahin ang PANGGIGIYERA ngf US sa Iraq.
Malapit nang maga-ala-Marcos si US Prez George Bush.
Mapapatalsik dahil sa pagiging MASKULADO.

----$$--
MAYORYA ng mg ARABS ay namumuhi sa KANO dahil sa pagsisiga-sigaan ni Bush.
Siya ngayon ang itinuturing na BAGONG HITLER.

----$$--
SABIT-NA-SABIT ang Malacanang sa $75,000 A MONTH PR CONTRACT upang maisulong ang Charter Change.
Hulaan ninyo kung saan galling ang KUWARTA?
Hindi kaya sa JUETENG O DROGA?

----30---

pandaigdigang epidemya

Editorial (27Sep05)


HINILING ng Indonesia sa buong daigdig na tumulong upang makontra ang bird flu pandemic na maaaring mapatay ang milyon-milyong katao sa iba’t ibang bansa.
Hindi makontrol ng Indonesia ang epidemya ng bird flu kaya’t inalerto nito ang 30 lalawigan kung saan milyon-milyong manok ang napeste at may dalawang bata na ang namatay bukod pa ang 17 kataong iniobserbahan.
Umabot na sa 63 katao ang namatay sa bird flu noong nakaraang taon at karaniwang nagmula ito sa Vietnam at Thailand.
Hindi nalalayo ang Pilipinas sa Indonesia, Vietnam at Thailand dahil nakapagitan lamang ang karagatan na maaaring liparin ng mga migratory birds na karaniwang naglalakbay mula sa buwan ng Oktubre hanggang Enero.
Naniniwala ang mga ekperto na maaaring maganap ang isang world epidemic anumang araw at nakikita nilang ito ay may malaking tsansa na magmula sa bird flu virus kaya’t pinag-iingat ang buong daigdig.
Sa Pilipinas, iniulat na nakapasok ang bird flu virus noong Hunyo sa isang duck farm sa Bulacan pero natuklasan may mahinang klase lamang ito ng strain.
Wala pang natutuklasan vaccine kontra sa bird flu virus dahil bibilang ng taon bago makagawa nito dahil ibinabatay ito sa aktuwal na “strain” na mabilis na nagbubuo sa panahon ng epidemya.
Bago makatuklas ng vaccine, malilipol muna ang milyon katao kaya’t ito ang kinatatakutan ng mga eksperto higit sa nuclear bomb at pag-atake ng mga terorista na ipinamba-BLACKMAIL ng United States.
Nakapagtatakang hindi kumikilos ang US at Britain upang sugpuin ang bird flu gayong mabilis na malilipol ang mga sundalo kapag ito ang umatake sa kanilang mga kampo.
----30---

Sunday, September 25, 2005

wasak

Bistado (26Sep05)

NAHAHATI na rin ang hanay ng mga lider ng Simbahang Katoliko
kaugnay ng isyu laban kay GMA.
Siyempre, marami rin kasing BISHOPS ang mahilig sa kuwarta.

----$--
ITINUMBA ang lider ng mga UNYONISTA sa Nestle Philippines.
Tsk, tsk, tsk, larawan ito ng mga EKSENA
bago magdeklara ng Batas Militar.

----$$--
IBINUNYAG ng isang Cardinal ang detalye ng “election”
sa pagka-Papa ni St. Benedict XIV na ipinagbabawal ng Vatican.
Isang halimbawa ito ng KAHINAAN ng Simbahan.

-----$$$--
SISIMULAN na ang IMBESTIGASYON kaugnay ng kaduda-dudang kontrata
sa North Rail Transit mula Kalookan hanggang Malolos City.
Huhhh, mukhang madadale dito si Kuneho.

----$$--
ISANG mayor sa Bicol ang kinasuhan sa Ombudsman
kaugnay ng jueteng operations sa kanyang bayan.
Ano kaya ang sey dito ni Mayor Edward Hagedorn?

----$$--
OBVIOUS ang pakikialam ng mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
Kaya pala ninenerbiyos na si Ate Glo.

-----$$--
NAGPA-PANIC ang Indonesia dahil sa pagkakawaha ng mga tao
sa avian influenza na mas kilala bilang BIRD FLU.
Ilang metro lamang ang layo ng Indonesia sa Mindanao.
Iyan na ang totoong KALAMIDAD.

-----$$---
PANIBAGONG gulo ang lilikhain ng pagkakakulong ni
Security Adviser Norberto Gonzales mula s autos ng Senado.
Ayaw talagang TANTANAN ng problema si Gloria Labandera.


-----$$--
AYON kay Rep. Imee Marcos, INUUTO lamang ng Malacanang ang kanyang nanay na si Madame Meldy na pinangakuan na ipalilibing na si Apo Makoy sa Libingan ng mga Bayani.
Si Rep. Imee naman kaya ay nakakatiyak na hindi siya NAUUTO ng oposisyon?

-----$$--
IBUBUWAL na ang mga punong kahoy sa kahabaan ng Panay Avenue
upang mapaluwag ang trapiko sa Timog at Edsa Avenue.
Talagang gusto nilang MATIKMAN ang galit ng kalikasan.

----$$--
MALAPIT na ang Southeast Asian Games kung saan magho-host ang Maynila.
Pero, hindi pa rin ayos ang mga pasilidad.
Katakot-takot na sisihan yan sa Nobyembre at Disyembre.

----$$$---
UMIIYAK ang mga traysikel drayber.
Wala nang kinikita ang mga nagbo-BOUNDARY ng P100 kada araw.
Libo-libong tsuper ngayon ang NAGUGUTOM.

----30—

korap

Editorial (26Sep05)


BUBUKSAN na ng Senado ang pagdinig sa kontrobersiyal na $5003-million Northrail project na sasakop sa 32-kilometrong daang-riles mula Caloocan City hanggang Malolos City sa Bulacan.
Pinagdududahan ni Senate President Frank Drilon ang kontrata na pinasok ng North Luzon Railway Corp. at ng isang Chinese state firm na China National Machinery and Equiptment Corp Group (CNMEG) dahil hindi ito nagdaan sa subasta.
Inilalararawan ni Drilon na isang “COLLOSAL CORRUPT DEALS” ang naturang kontrata kung saan uubos ng P1 milyon ang gastos kada kilometro gayon isa lamang itong “diesel-powered commuter trains” na hindi nalalayo sa trambiya o PNR Trains na nalipasan na ng panahon.
Taliwas modernong LRT at MRT na pinaaandar ng kuryente—sinauna na ang desenyo ng naturang tren at malaki ang posibilidad na mawasak agad ang mga ito tulad ng mga tipikal na produktong “Made-In-China”.
Bukod ditto, malinaw din ang “corruption” na nagaganap sa paglilipat ng mga squatter families mula sa daang-riles sa Balagtas, Bulacan dahil DINODOBLE-DOBLE ang halaga ng “lupa at materyales” sa pabahay kung saan marami na ang namatay dahil sa hindi maayos na “relokasyon”.
Kung magsisiyasat ang Senado, matutuklasang “OVERPRICED” ang materyales na ipinagkakaloob sa mga iskuwater na inilipat sa Sitio Galas sa Bgy. Santol at Pulonggubat.
Dapat ay siyasatin ng Kongreso, hindi lamang ang aktuwal na kontrata sa China—kundi kung paano KINUKURAKOT ng mga opisyal ng gobyerno ang “RELOCATION FUND” para sa mga iskuwater.
Manlulumo kayo sa inyong matutuklasan!
----30---

Saturday, September 24, 2005

exodus

Bistado (25Sept05)



NAI-DRAFT na pala ang DEKLARASYON ng Martial Law.
Imposible.
Kasi’y WALANG BAYAG si Ate Glo.

----$$--
NAG-EXODUS ang may dalawang milyong Kano sa Texas at Louisiana dahil sa takot kay Hurricane RITA.
Hindi kayang kontrahin ni US Prez George ang LUPIT NG KALIKASAN.

-----$$---
PABOR ang United States na magbalik si Pareng Erap sa Malacanang kaysa kay Vice President kapag napatalsik si GMA.
Nangingiti na ngayon ang mga nasa oposisyon.

----$$--
PERO, hindi basta- basta papayag si Ate Glo na masibak.
At diyan niya gagamitin ang kamay na baka—MARTIAL LAW!

----$$--
DESIDIDO ang Malacanang na ipagbawal ang STREET PROTEST.
He, he, he, MUKHANG MABUBUHAY SI MARCOS.

---$$--
PINAGHUBO’T HUBAD pala ng US immigration ang mag-asawang Brig. Gen. Raymundo Jarque.
At natawa pa ang mga opisyal ng gobyerno.
Pukawnamooooo!

----$$$--
WEEKLY na raw ang gagawing EXPOSE ng oposisyon kontra kay GMA.
Huuhh, wika nga ni Apo Makoy: The More The Merrier!

-----$$--
AYON sa PNP, nagi-IMPORT na raw ng shabu ang mga DRUG TRAFFICKERS.
Ngayon lang ninyo NALAMAN?

-----$$--
TUMANGGI si Bush sa kahilingan ng mayorya ng US citizen na pauwiin na sa kanilang bansa ang US troops.
Tsk, tsk, tsk, talagang NABABALIW na ang US president.

----$$$--
ISINISISI sa global warming ang pananalasa nina Hurricane Katrina at Rita sa US Gulf Coast.
Akala k okay ALLAH nila isinisisi.

-----$$--
IKO-CLONE na rin pala ang Philippine Carabao.
Eh, magsasaka, iko-CLONE na rin kaya?

---30---

US at si Pareng Erap

Editorial (25Sep05)

GARAPALAN ang pambabastos ng mga Kano kay Vice President Noli de Castro sa pagsasabing walang kakayahan itong maupo sa Malacanang sakaling mapabagsak si Ate Glo.
At lumilitaw, na ito mismo ang DUMISKARIL sa pagtatangka ng “People’s Revolt” noong Hulyo.
Tandisan ding inendorso ng isang US intelligence agent si Pareng Erap na pinakakuwalipikadong maupo muli sa Malacanang dahil hindi kumukupas ang Erap Magic kahit pa nakakalaboso na ito sa nagdaang apat na taon.
Malinaw pa sa mineral water na nagbibigay ng “rekomendasyon” at CLUE ang US spies sa takbo ng gobyerno ng Pilipinas.
Ito rin mismo ang dahilan kung bakit iniutos na ng Malacanang na isulat o “i-draft” ang isang Emergency Power proclamation na magpapairal ng “Mestisong Martial Law” sa loob ng bansa.
Ibig sabihin, ang emergency ay buwelo sa deklarasyon ng Martial Law kung saan pagtitibayin ito sa Kongreso.
Napatunayan na kontrolado ni Ate Glo ang Kongreso nang “i-SALVAGE” nang walang kalaban-laban ang Impeachment Complaint kaya’t magaan na maipatutupad ang Martial Law.
Maaari ring ang mga Kano mismo ang nag-uutos kay Ate Glo na ideklara muli ang Martial Law upang makontrol nila ang takbo ng gobyerno—at maproteksiyunan ang US business interest sa loob ng bansa.
Sakaling pumalpak si Ate Glo, magaan ding maipupuwesto muli si Pareng Erap kasi’y hindi na iiral ang CONSTITUTIONAL PROCESS kung saan magkakaroon ng karapatan si Vice Kabayan.
Ang senaryong ito an gating babantayan sa mga susunod na araw.
Ipagdasal natin huwang itong maganap, kaawa-awa na naman si Juan!
---30---

Thursday, September 22, 2005

wanted: RP president

Bistado (23sept05)



NAGHAHANAP ang US ng Pinoy leader na uupo sa Malacanang sa mga susunod na panahon.
Ngayon pa lang ay BABAYARAN na nila.

----$$--
LUMALAKI ang "PAGITAN" ng mayayaman at mahihirap.
Aba, eh di lagyan ninyo ng TULAY.

--$$--
MAGLALABAS ng "sariling traffic tickets" ang Kyusi.
Kaawa-awa naman ang mga DRIVER, darami ang MANGONGOTONG.

----$$--
WALO ang tinepok ng Bagyong Labuyo sa Bicol.
Huhh, akala ko ba ay READY ang gobyerno sa disaster.

----$$---
AYON kay Gov. Bongbong, BIKTIMA raw ng HUMAN RIGHT abuses ang Pamilya Marcos.
Ha! Ha! Ha!

-----$$---
NAGPAPASOK ng INTRIGA mismo ang US embassy upang mawasak ang tambalang GMA-Noli.
Malinaw na malinaw ang MOTIBO ng mga Kano—GULUHIN ang gobyerno.

----$$---
HANGGANG ngayon, nananatiling No.1 TRAYDOR si Uncle Sam.
Pero, HOPELESS si Ate Glo na kontrahin ang mga Kano.
Kasi’y aktuwal siyang BIHAG ng mga makabagong Hitler.

----$$---
NIRE-RECRUIT na rin pala ng Abu Sayyaf ang mga KRISTIYANO.
Hindi kaya maging MIYEMBRO nila sina Bro. Eddie at Bro. Mike?

----$$--
IBINUNYAG ng United Nations na hinahasa na ngayon ang THIRD GENERATION TERRORISTS.
Ibig sabihin, mas DELIKADO ang mga APO NI OSAMA BIN LADEN

-----$$---
MAPESTE ang Vietnam, kinumpirma na may EPIDEMYA ng BIRD FLU sa Indonesia.
Ang Indonesia ay ilang METRO lamang sa Mindanao.
Kukuya-kuyakoy lamang ang DOH.

-----$$--

Zombie ang Maynila

Editorial (23Sep05)

Head: Zombie ang Maynila

ISANG nakakahilakbot ng balahibo ang modus operandi ng ilang operatiba ng Western Police District (WPD) upang makapagdelihensiya ng kuwarta para lamang makaraos sa pagdarahop ng kanilang pamilya.
Isang Superferry employee na anak ng isang editor ng pambansang diyaryo ang nabiktima ng mga hinihinalang "Manila Finest" noong isang araw.
Nagtapon ng upos ng sigarilyo ang pobre bago sumakay sa dyip na biyaheng Intramuros sa gilid ng Quiapo Church nang agad siyang lapitan ng dalawang pulis- Maynila na nakasakay sa Mobile Patrol Body No.330 na may plate no. SEE 596.
Pinababa siya sa dyip na nasa tapat ng Quiapo Church bago pinasakay sa naturang patrol car at dinala sa SM Manila.
Pinupuwersang hingan ng P3,500 ang biktimang si Ezekiel Basco, 28 at pinaliit ito sa P1, 750 pero talagang walang pera ang obrero kaya’t nagbigay na lamang siya ng P500 para hindi makasuhan kuno.
Gayunman, ibinalik kay Basco ang P100 nang mahalatang wala na itong kapera-pera para sa pamasahe.Tinangka ng "Manila Finest" ni Mayor Lito Atienza na kunin din ang cellphone ng biktima pero nagmakaawa ito at hindi ibinigay.
Hindi nakuha ang pangalan ng mga suspek kasi’y tinakpan ang kanilang mga nameplate pero isinulat ng biktima ang numero ng patrol car at plate number.
Dalawa ang implikasyon ng insidenteng ito.
Bagaman gasgas na ang modus-operanding ito ng pulis- Maynila (napakarami nang nabiktima sa Maynila nang ganitong hulidap), patuloy na nagtatagumpay pa rin ang mga hoodlums-in-uniform.
Sintomas ito ng pagdarahop mismo ng mga PARAK.
Talamak pa rin ang KRIMEN sa gitna ng lansangan—mismo sa sentro ng ating bansa.
Propaganda lamang ang diskarteng: Buhayin ang Punong Lungsod".
Mas angkop itong tawaging "ISANG ZOMBIE ANG MAYNILA".
----30--

Wednesday, September 21, 2005

Ayaw kay Kabayan

bistado (22Sep05)



HINDI pabor ang mga Kano na maupo si Vice Kabayan kapalit ni Ate Glo.
Siya ang dahilan kung BAKIT HINDI MASIBAK si PGMA.

------$$--
KINUMPIRMA ng US na nagkaroon ng tangkang kudeta noong buwan ng Hunyo.
He, he, he, maraming NAMUTLA sa paligid ni Ate Glo.

----$$--
IPINAGYAYABANG ni Speaker JDV sa America na walang MAKAKAPIGIL sa ChaCha.
Kahit MASUNOG ULI ang kanyang MANSION?
Kasama siya?

-----$$--
DINOBLE ang budget para sa Office of the Vice President.
He, he, he, may LABAN pa kasi siya kontra kay Loren Legarda.

----$$--
AGAW-BUHAY na si ex-Rep. Romeo Jalosjos kaya't PALALAYAIN na.
Para que?

----$$-
ITINAKDA ang Barangay at SK election sa Oktubre, 2007.
Sa 2007 din, nakaiskedyul ang local at national elections kasabay ng Cha-Cha.
PASKO BUONG TAON sa 2007.

-----$$--
MAUUPO raw na bagong hepe ng SBMA ang tatay ni singer-actress Lea Salonga na si Phil Salonga.
Para hindi magreklamo ang pamilya Gordon at pamilya Magsaysay.
Nakinabang si Salonga sa AWAY ng kapwa tao.

-----$$--
INAAPURA na ng China ang pagsisimula ng North Rail Transit System mula Kalookan City tungo sa Malolos City.
Para MAKOBRA na ang KURAKOT.

----$$--
DEDBOL ang 1,000 katao sa India sanhi ng ENCEPHALITIS na sakit na tangay din ng mga LAMOK.
Dapat ipagbawal ang pagpasok ng mga BUMBAY, baka kasi may DALA-DALA silang lamok sa kanilang clutchbag.

----$$--
HINDI pa nakakarekober ang New Orleans sa dambuhalang baha ay nagbabanta naman ngayon si Hurricane Rita.
Talagang ayaw silang TANTANAN ni Allah.

----$$----
INAMIN ng al-qaeda network na sila ang may kagagawan ng pambobomba sa London na nakapatay ng 52 katao.
Tulad ng US, palpak ang Britain sa pagkontra sa terorismo.

-----30---
EDITORIAL

HEAD: Inang Bayan

NAPAKALINAW na seryoso na minamanmanan ng US spies ang bawat galaw ng matataas na lider ng bansa.
Sa totoo lang, mas dapat magbigay ng paliwanag dito ay ang mga American officials imbes ang mga Pinoy na sina Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Isang sagradong tungkulin at pagmamahal sa Inang Bayan ang ginawa nina Aquino at Aragoncillo na kunin ang impormasyon na may kaugnayan sa kanilang tinubuang lupa.
Ang isyu hinggil sa pagpapatapon o pagsusurender sa US authorities ng mga Filipino leaders na tumanggap ng naturang impormasyon ay isang MALAKING KATANGAHAN.
Guilty lamang na maituturing sa pag-ESPIYA ang mga Pinoy leaders kung impormasyon ay may kaugnayan sa PAGPAPABAGSAK sa American government.
Isang banal na tungkulin ng isang Pinoy na alamin ang kaganapan sa kanyang bansa kahit sa papaanong paraan.
Malinaw ang mga ebidensiya na NANGHIHIMASOK ang mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
At dapat kuwestiyunin ng Kongreso at Malacanang ang kalokohang ito ng mga US spies.
Nakakadismayang isipin na maraming gunggong na Pinoy ang sumasakay at kumakampi sa PRESS RELEASE ng US embassy.
Hangga't ngayon, marami pa rin ang MAKAPILING may talukbong ng bayong sa ulo!
----30---

Inang Bayan

Editorial (22Sept05)

NAPAKALINAW na seryoso na minamanmanan ng US spies ang bawat galaw ng matataas na lider ng bansa.
Sa totoo lang, mas dapat magbigay ng paliwanag dito ay ang mga American officials imbes ang mga Pinoy na sina Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Isang sagradong tungkulin at pagmamahal sa Inang Bayan ang ginawa nina Aquino at Aragoncillo na kunin ang impormasyon na may kaugnayan sa kanilang tinubuang lupa.
Ang isyu hinggil sa pagpapatapon o pagsusurender sa US authorities ng mga Filipino leaders na tumanggap ng naturang impormasyon ay isang MALAKING KATANGAHAN.
Guilty lamang na maituturing sa pag-ESPIYA ang mga Pinoy leaders kung impormasyon ay may kaugnayan sa PAGPAPABAGSAK sa American government.
Isang banal na tungkulin ng isang Pinoy na alamin ang kaganapan sa kanyang bansa kahit sa papaanong paraan.
Malinaw ang mga ebidensiya na NANGHIHIMASOK ang mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
At dapat kuwestiyunin ng Kongreso at Malacanang ang kalokohang ito ng mga US spies.
Nakakadismayang isipin na maraming gunggong na Pinoy ang sumasakay at kumakampi sa PRESS RELEASE ng US embassy.
Hangga't ngayon, marami pa rin ang MAKAPILING may talukbong ng bayong sa ulo!
----30---

Tuesday, September 20, 2005

Martial Law

bistado (21Sept05)

GINUGUNITA ngayon ang ika-33 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Diyes sentimos lang ang PASAHE SA DYIP noon.
Ngayon ay P7.50 na!

---$$---
SA Batas Militar, may SURPLUS ang palay at bigas na inaani ng mga magsasaka.
Nage-EXPORT tayo ng rice sa ibang bansa.
Sa oras na ito, IMPORTED RICE ang 100 percent na itinitinda sa mga palengke.

---$$---
SA panahon ng Martial Law--iisa lang ang MAGNANAKAW.
Ngayon, PULU-PULUTONG ang MANDARAMBONG sa lahat ng sangay ng gobyerno.

---$$---
DALAWANG beses lang nag-abroad si dating Pangulong Makoy.
Ang mga pumalit sa kanya, REGULAR ang LAMYERDA sa abroad.
Lintekkkk!

---$$---
IPAGPAPALIBAN daw ang implementasyon ng EVAT.
Panibagong PAGSISINUNGALING.

---$$---
SUMUGOD ang armored personnel carrier ng PNP sa Clark Air Base
kamakalawa dahil sa UGONG NA KUDETA.
Natakot sila sa SARILI NILANG MULTO.

---$$---
INIREKOMENDA ni Sen. Ramon Magsaysay na ihatid
sa Libingan ng mga Bayani si ex-PCGG Chairman Haydee Yorac.
Para daw MAWALA ang GHOST transactions sa Fort Bonifacio.

---$$---
HINDI raw makikialam si Ate Glo hinggil sa kaso ng Hacienda Luisita.
He, he, he, may NANINIWALA naman kaya?

---$$---
IPATATAWAG daw si Mayor Edward Hagedorn sa Senado upang linawin kung sino-sino ang JUETENG LORD na kanyang kinausap kaya natigil ang illegal gambling sa kanayunan.
He, he, he, MAGSALITA naman kaya siya?
---30---

bigasss

Editorial (21Sep05)

PINAPLANO ng National Food Authority (NFA) na itaas ang presyo ng ibinibenta nilang bigas pero pinigil ito ng Malacanang.
Balak na dagdagan ng piso ang P16 per kilogram na regular NFA rice na nasa merkado ngayon at gagawing P21 ang well-milled rice na kapwa inaangat sa China.
Nadoble sa halos dalawang milyong metric tons ang imported rice kompara sa 990,000 metric tons na inimport noong 2004.
Sa ngayon, hindi pa halos nag-aani ang mga magsasaka kaya't nobenta'y nuwebe porsiyento ng bigas na nabibili sa palengke ay pawang "imported rice".
Ang mahuhusay na bigas o ang tinatawag na laon--ay simpleng mula sa pinaghalong "remilled na imported rice" at bigas na nagmula sa palay na inistak sa malalaking bodega.
Nais ng NFA na itaas sa piso ang presyo ng kanilang bigas sa katwiran nalulugi sila at sakaling ipatupad ang utos ni Ate Glo na manatili ang presyo at mawawalan ng P8 bilyon ang gobyerno sa taong ito.
Umaabot sa P28 bilyong piso ang halaga ng imported rice na binibili ng gobyerno at isang malaking parusa ito sa kaban ng bayan.
Sa ika-33 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa araw na ito, mainam alalalahin na ang Pilipinas ay nagi-EXPORT ng bigas sa mga karatig bansa imbes na umangkat ng naturang produkto tulad sa nagaganap sa kasalukuyan.
Tuwirang may koordinasyon ang Department of Agriculture (DA) at Department of Local Government (noon ay Presidential Arms for Community Development, PACD) sa magsasaka kaya't nagagabayan sila sa mga pangangailangan sa panahon ng Martial Law.
Sa ngayon, walang malinaw at kongkretong programa ang DA at DILG upang malalalayan ang mga nagdarahop na magsasaka.
Sakali kasing magkaroon ng SURPLUS sa supply ng bigas sa Pilipinas, hindi TATABO ng malaking kita ang matataas na opisyal ng NFA na siyang nangangasiwa sa pag-IMPORT at pagre-REMILL nito kakutsaba ang commercial traders.
Bukod dito, mawawalan din ng saysay ang tone-toneladang SMUGGLED rice na pumapasok sa loob ng bansa kaya't MABOBOKYA sa kurakot ang mga mandarambong sa pamahalaan.
Habang naghihirap ang ordinaryong mamamayan, lalong yumayaman ang mga nasa pamahalaan!
----30---

Saturday, September 17, 2005

hindi mukhang pera

Editorial (18Sep05)


NAGBABALA ang mga awtoridad na maaapektuhan ang health care programs sa Pilipinas dahil sa hindi maawat na pangingibang bansa ng mga doctor at nurses upang samantalahin ang bakante at dambuhalang suweldo.
Pero, hindi naman ito totoong magaganap.
Libo-libo ang mga doctor at nurses sa Pilipinas kung saan kahit araw-araw ay mag-abroad ang mga iyan ay hindi kayang maubos ang mga manggagamot at health workers sa bansa.
Masama ang ganyang pananaw kasi’y hindi naman lahat ng doctor at nurses, tulad din naman ng ibang professional ay MUKHANG PERA.
Higit na marami pa rin ang nagnanais na manirahan sa lupang tinubuan at makasama ang buong pamilya sa loob ng bansa.
Higit na masaya ang manirahan kung saan ka isinilang at mas panatag ang kalooban kaysa makipagsapalaran sa isang lipunan na talamak sa diskrimasyon.
Sa totoo lang, ang mga doctor sa Pilipinas ay isa sa may pinakamababang suweldo at ito ay dahil sa “over supply”.
Kung totoong nauubos ang mga doctor, dapat ay malaki ang suweldo ng mga ito, pero sa aktuwal ay higit pa ang kinikita ng mga fish ball vendors at master carpenter sa mga doctor at nurses sa mga ospital at klinika.
Kung totoong kapos ang bilang ng mga doctor, dapat ay pinag-aagawan ang kanilang serbisyo at siyempre—iyan din mismo ang magpapalobo ng kanilang suweldo.
Kung bayani ang mga OFWS, dapat din nating ituring na bayani ang mga mangggamot na nanatili sa ating Inang Bayan kahit hindi tumatanggap nang maayos na bayad sa kanilang serbisyo!
----30--

Mang Kepweng

Bistado—18sept05


PAPALPAK daw ang health care system sa Pilipinas dahil sa paga-abroad ng mga doctor at nurses.
Di naman siguro.
Eh, ano ang ginagawa nina Mang Kepweng at Dr. Sponklong.

----$$--
IBABALAM daw ang implementasyon ng EVAT sa langis at elektrisidad.
Hangga’t HUMIHINGA pa si Juan.

----$$--
MULA daw sa pribadong tao nagmula ang DOLYARES na ginagastos sa PR ng Chacha.
Lokohin ninyo lelong nyo!
Pweeeee!

-----$$--
TATLO ang nalunod sa baha kamakalawa.
Akala ko ba ay DAIG ng RP ang US sa disaster management?
Mga hambogggg!

-----$$--
MAY 20,000 bakanteng trabaho dawn a maaaring aplayan sa pamamagitan lang dawn g TEXT o pagtipa sa INTERNET.
He, he, he, hindi kaya iyan ay front ng CYBER SEX?

----$$$---
UTANG na loob daw natin kay Bishop Oscar Cruz ang PAGKAWALA ng jueteng.
At pagkawala ng TRABAHO ng libo-libong NAGDARAHOP SA KANAYUNAN.
Mga pesteeee at ipokritoooooo!

----$$--
MAGBABALIK sa negotiating table ang gobyerno at MILF.
Bago muling MAGPATAYAN.

-----$$---
DUMARAMI daw sa mga American women ang nagiging TOMBOY o nakikipag-sex sa kapwa BEBOT.
At marami daw ditto ay nagpapa-TRANSPLANT ng MIDDLE FINGER patungo sa pagitan ng HITA.
Mas okey daw ito, kasi’y HINDI LUMALAMBOT at NAKAKAIKOT nang todo.

-----$$--
APAT na Indonesian na ang natetepok sa BIRD FLU.
Dapat ay mag-ingat ang mga KELOT na dumarayo sa Jakarta.
Baka mahawa ang kanilang mga BIRD.

-----$$---
IGINAWAD ng isang Korte sa Hong Kong ang $3.5 bilyong kayamanan sa biyuda ni Teddy Wang The-huei na idineklarang patay matapos ang siyam na taong pagkawala matapos kidnapin.
Puwede na niya PAKASALAN ang HUKOM na naglabas ng DESISYON.

---30—

Friday, September 16, 2005

hindi biro

Editorial (17Sep05)

PUMALO na sa $4.7 bilyon ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hindi biro ang naitutulong ng OFWs upang makontra ang krisis sa ekonomiya. Malinaw dito na aktuwal na "TAO" ang export products ng gobyerno na tumatabo ng dolyares. Siyempre, kasama na dito ang mga Japayukis at GRO's sa Japan; domestic helpers, construction workers, nurses, caregivers at mga professional executives sa iba't ibang panig ng bansa.
Pero, kasama kaya dito ang $1 milyong dolyares ni Manny Pacquiao?
Next year, pinakamababang $10 milyon ang makokorner ni Pacman sa kanyang kontrata kasi'y haharapin niya sa rematch sina Erik Morales, Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez na pawang prize fighters mula sa Mexico. Ang dolyares na maipapasok ni Pacquiao ay sisiw lamang sa billion-dollar worth na publisidad upang makilala ang Pilipinas sa mapa ng daigdig na hihigop ng bilyong dolyares sa porma ng turismo at investments.
Umuwi na kahapon si Pacman mula sa United States, pero dinedma lamang ng Malacañang ang kanyang pagbabalik maliban sa pagparada sa mga lansangan sa Maynila. Kung si Pacquiao na hindi masusukat ng salapi ang naihahandog na karangalan sa bansa ay iniisnab lamang ng gobyerno, paano pa kaya ang pobreng OFWs na pundasyon ng ekonomiya ng bansa.
Tulad ni Pacquiao, aktuwal na dugo at buhay ang ibinubuwis ng mga OFW sa pagpapaaalila sa ibang bansa. Sana'y bigyan natin sila ng magandang pagkalinga.
----30----

atake

bistado (17sept05)


TATLO lang ang RP officials na isinasabit sa pag-ESPIYA sa US.
Pero, sangkatutak ang PUMIPIYOK.
----$$--
SABI ng PNP, hindi raw handa ang Pilipinas sa BIOCHEM ATTACK.
Eh, kahit ka sa SIMPLENG SNATCHING, hindi kayo preparado, yung pang atake ng lason.
Buwisetttt.
-----$$--
IBINASURA naman ng Korte Suprema ang apela ng pro-IMPEACHMENT.
Magkano kaya?
----$$--
KINASUHAN ng TAX EVASION ang isang school owner.
Iyan ang hindi dapat MATUTUHAN ng mga estudyante.
----$$-
NAMI-MISS na raw ni Big Mike si Ate Glo.
At ang jueteng operators at smugglers?
---$$--
HINDI naman pala KANSELADO ang passport ni Michael Ray Aquino.
Hindi kaya siya ay totoong isang GOVERNMENT AGENT.
-----$$---
MAGMUMULA raw sa private donations ang $75,000 monthly budget sa international PR para sa CHARTER CHANGE.
Hindi kaya ito ay mula rin sa mga JUETENG LORDS?
-----$$--
HINDI raw popular ang vasectomy.
Huhh, isang klase pa ito ng hamburger o instant noodles?
-----$$--
NASABAT ang P8 milyong illegal logs sa Sierra Madre.
Talagang ayaw paawat ang mga ILLEGAL LOGGERS.
Malaki na ang kinikita ng mga taga-DENR.
-----$$--
AABOT na sa $ 5 bilyon ang remittance ng mga OFWs nagdaang pitong buwan.
Pero, hindi pa rin sila NATUTULUNGAN ng gobyerno.
---30--

Thursday, September 15, 2005

masarap magluto

Bistado—16sept05


ISUSURENDER daw ng gobyerno ang tatlong RP officials sa United States dahil sa kasong page-ESPIYA.
Nagkaloko-loko na ang oposisyon!

-----$$---
PINURI ni US Prez George Bush ang Pilipinas.
Masarap daw MAGLUTO ang mga Pinoy.
Lalo na raw si Comelec chairman Benjamin Abalos.

-----$$---
HALOS 50 porsiyento ng kinikita ng mga negosyante ay nauuwi sa BUWIS sa gobyerno.
At 100 porsiyento ng buwis ay nauuwi sa BULSA ng mga public officials.
Kumbaga, ginagamit lang na KOLEKTOR ng mga BUWAYA ang BIR.

----$$--
TULOY na ang court martial sa 29 lider ng Magdalo Group o mas kilala bilang Oakwood Mutineers.
Iyan na ang SIMULA ng gulo.

----$$--
NABABAHALA sina Sen. Ping Lacson at Pareng Erap na isabit sila sa page-ESPIYA ni Michael Ray Aquino sa US government.
Ayaw nila nun, malilibre ang kanilang BIYAHE SA US MAINLAND?

-----$$--
INAMIN ng gobyerno ang $75,000 kada buwan na bayad sa PR group upang maisulong ang Charter Change sa Pilipinas.
Ganyan NILULUSTAY ang pondo ni Juan.

-----$$--
DEDBOL ang isang obrero sa piket line sa Caloocan City.
Oh, sino ba ang gusting mag-labor strike?

-----$$--
PINAGBAYAD ng $16,000 ang isang Fil-Am pedophile sa kanyang biniktimang tinedyer.
Gawin mo nang $32,000, para puwede ka pang TUMIKIM ng isa pang binatilyo.

-----$$---
WALA sa Singapore, US at Malaysia si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Eh, baka nariyan lang sa BORACAY.

-----$$--
SITENTA (70) katao na ang namamatay sa DENGUE.
Ang DOH, kalmante pa rin!

-----$$--
IPAGPAPALIBAN daw ang EVAT para sa kuryente at langis.
Korek kayo dyan!

-----30—

hawak sa kuwelyo

Editorial (16Sep05)

MASELAN ang isyu hinggil sa kaso na kinasasangkutan nina dating PAOCTF officer Michael Rey Aquino at Leandro Aragoncillo na inakusahang nagnakaw ng intelligence information sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa United States.
Tinukoy na kasabwat ditto ang isang dating mataas na opisyal ng gobyerno sa Pilipinas at dalawang kasalukuyang “mataas na opisyal” ng pamahalaan.
Agad nagbigay ng pahayag sina Sen. Ping Lacson at Pareng Erap na wala silang kinalaman sa naturang kaso bagaman inamin nila na personal nilang kaibigan sina Aquino at Aragoncillo.
Isang malaking dagok ito sa hanay ng oposisyon sakaling sina Lacson o Erap man ang tinutukoy na tumanggap ng “maseselang dokumento?”.
Mistulang binubuwenas naman si Ate Glo na kasalukuyang nagtatalumpati bilang presiding officer sa United Nations Security Council (UNSC).
Kinumpirma ng Malacanang at mismo ng kampo ni Lacson na walang kinalaman ang sinumang Pinoy sa pagkakatungkab ng kaso kaya’t malinaw na walang halong pulitika ang pagbubunyag ng eskandalo.
Anu’t anuman, ang kasong ito ay gaganap ng mahalagang papel sa takbo ng pamahalaan dahil mawawalan ng PANGIL ang oposisyon at maba-BLACKMAIL ng United States ang buong Republika.
Sa ngayon, hawak ng mga Kano sa KUWELYO ang damit ng oposisyon at maipapaling nito ang mga kalaban ni Ate Glo saan man nila gusto—kontrahin o kampihan ang Malacanang!
Iisa lang ang makikinabang sa sitwasyon ito—si UNCLE SAM!
-----30----

Wednesday, September 14, 2005

espiya

Bistado (15sept05)


TIKLO ang kanang kamay ni Sen. Ping Lacson sa page-ESPIYA sa America.
Siya ngayon ang RERESBAKAN ng administrasyon.

----$$--
MARAMI ang pumupuri kay ex-PCGG Chairman Haydee Yorac.
Kung kailan siya PATAY na.

----$$---
INAMIN ni DENR Sec. Mike Defensor na tuloy pa rin ang ILLEGAL LOGGING sa 14 rehiyon.
Pero, hindi inamin ni Sec. Mike na siya ay isang INUTIL.

----$$--
KINUMPIRMA naman ni anti-jueteng czar Edward Hagedorn na tuloy pa rin ang JUETENG kahit nagbigay siya ng TANING na Setyembre 15.
Hindi rin inamin ni Hagedorn na siya ay isa ring INUTIL.

------$$$---
NAKIUSAP si Vice President Noli de Castro na ipatupad ang CEASEFIRE habang nananatili si Ate Glo sa United National Security Council (UNSC).
May nakikinig naman kaya?

-----$$--
ANIM na Pinoy daw ang namamatay sanhi ng ATAKE SA PUSO kada isang oras.
Matapos ninyong basahin ang kolum na ito, may ISANG MATETEPOK.
Sana’y hindi IKAW YUN.

----$$--
WALA raw sa New York o kahit sa New Jersey si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Eh, baka naman nasa NEW ORLEANS at inanod na ng malaking baha!
At least, hindi na natin siya hahanapin pa.

----$$-
Eh, nasaaan naman kaya si Atty. Sammy Ong.
Nalipasan ng panahon ang kanyang EXPOSE.
Hindi kaya nasa loob na siya ng Malacanang?

-----$$--
DAPAT daw bigyan ng tsansa si Lt. Edilberto ADAN bilang bagong hepe ng Southcom.
Matuwid daw na commander si ADAN—huwag lang tutuksuhin ni EBA.

----$$--
PINALAKAS pang lalo ng US troops ang pag-atake sa Iraqi rebels.
He, he, he, gusto pa nila ang isang pang HURRICANE KATRINA mula kay Allah.

------30---

parang boksing

editorial (15Sep05)

MASELAN ang isyu hinggil sa pagkakaaresto kay ex-PAOCTF officer Michael Ray Aquino na inakusahan nage-espiya at nagnakaw ng mga intelligence information mula sa United States. Idinadawit sa kaso si Sen. Ping Lacson na nagpahayag namang maaaring palakihin ang isyu upang sirain ang kanyang reputasyon. Marami ang nasorpresa sa naturang ulat kasi’y isang malaking dagok ito sa hanay ng oposisyon pero isang "biyaya naman ito ng langit" para kay Ate Glo kung saan umiinit naman ang disgusto ng military factions sa loob ng AFP dahil sa mga kaduda-dudang pagtatalaga ng mga commander.
Kay buwenas naman ni Ate Glo! Iyan ang karaniwang bulalas ng mga ordinaryong Pinoy na nagmamasid dahil sa kabila ng hindi matapos-tapos na kabulastugan sa kanyang administrasyon ay nananatiling matatag pa rin ang pundasyon ng liderato sa gobyerno. Kumbaga sa boxing, kahit tadtad na siya ng tama sa mukha at bodega, hindi pa rin siya tumutuwad sa lona—at nananatiling nakapagpapakawala ng jabs at counterpunch.
Ang oposisyon naman ay nagmukhang amateur sa ibabaw ng lona kasi’y hindi mapabagsak ang isang bugbog-saradong kalaban. Anu’t anuman, hinihintay pa rin ng marami kung ano ang magiging hatol ng judges sakaling matapos ang walang katapusang bilang ng "round".
Kung kailan magwawakas ang laban, walang nakakaalam.
----30---

Sunday, September 11, 2005

ala-Magsaysay

Editorial (12Sep05)

LULUWAS tungong New York si Ate Glo ngayong gabi. Tayming ito sakali mang may nagpaplano ng kudeta dahil kapag nakubkob ang lahat paliparan sa bansa, hindi makakabalik sa Malacanang si Ate Glo. Maaari bilang buwenasin si Vice President Kabayan kasi’y sa pagkabalam o pagkawala ni Ate Glo sa Malacanang ay awtomatiko siyang biglang uupo.
Nangangahulugan ito na maaaring makipagkutsabahan ang kanyang mga ayudante sa isang military faction na naghahangad na maagaw ang poder mula kay Ate Glo. Pero, sakaling ang kumokontrol sa mga airport at Malacanang ay ang mga hardliners mula sa hanay ng mga kabataang opisyal ng AFP, maging si Vice Kabayan ay maaaring bihagin o kornerin sa isang sulok. Madaling matunugan ito kasi’y tiyak na magsasagawa muna ang mga mga coup plotters ng surveillance kabilang ang pag-tap sa cellphone at pagtiktik ng galaw ni Kabayan.
Bagaman, naibasura ang impeachment, hindi nangangahulugan na natapos na ang problema bagkus ay nagpaliyab ito ng negatibong sintimyento at pinalala ng “deadlock” na appointment sa hepe ng Southern Command—na may hurisdiksiyon sa pinakamaraming bilang ng mga aktibong sundalo na aktuwal na sumabak sa sagupaan.
Isa ring delikadong mangyari ang mapabilang si Ate Glo sa mga biktima ng pagbagsak ng eroplano tulad sa naging kapalaran ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.
Nagkakasunod-sunod ang pagbagsak ng eroplano at huwag sanang mangyari ang ganitong kalagim na senaryo sa ating Pangulo. Anu’t anuman, iisa lang ang mabibiyaan ng mga negatibong eksenang ito — si Vice Kabayan!
---30---

jobless program

Bistado (12Sep05)

UMISKOR ng knockout win kahapon si Manny Pacquiao.
Isang karangalan ng Pinoy!
Nakangisi na naman ang BIR.

-----$$--
SASAMA na rin sa protesta ang dating aktres na si Amalia Fuentes.
Star-studded na ang oposisyon.

----$$--
LIHIM na natutuwa si Madame Meldy.
Maililibing na kasi sa Libingan ng mga bayani si Apo Makoy.
Delikado yan, madame, baka MATEPOK ka sa sobrang SAYA.

----$$--
BABAWASAN dawn g Meralco ang singil sa konsumo ng elektrisidad.
Klap! Klap! Klap!

----$$--
KINATAY ng isang TSIMAY ang kapwa TSIMAY sa Singapore.
Pati krimen ay ini-EXPORT ng mga Pinoy.

-----$$--
NAGTAAS na naman ng presyo ang mga OIL COMPANIES.
Lintekkkkkk!

----$$--
TUTULAK si Ate Glo tungong New York ngayong gabi.
Huhhh, tuwang- tuwa ang mga nagpaplano ng KUDETA.

-----$$$---
ITINALAGANG Officer-in-Charge sa Southern Command si AFP Deputy of Staff Edilberto ADAN.
Nag-aaway kasi sa naturang puwesto ang magka-MISTAH na sina Maj. Gen. Bagasin at Hello Garci general na si Maj. Gen. Gabriel Habacon.
Hindi malayong maulit sa dalawa ang istoryang ABEL at CAIN na kapwa anak ni ADAN na NAGPATAYAN.

-----$$--
NAHAHATI na rin ang Mindanao na naglulunsad ng sariling PEOPLE’S POWER.
Hindi kaya i-SALVAGE na rin ang mga nagpoprotesta?

----$$-
KALAHATING milyong government workers ang masisisante sa REORGANIZATION na idinidikta ng IMF-World Bank.
Bahagi ito ng ONE-MILLION-JOBLESS program ng pamahalaan.

-----30—

Saturday, September 10, 2005

dakilang tanga

Bistado (11Sep05)

ANIBERSARYO ngayon ng Sept. 11 terrorist attack sa World Trade Center sa New York at Pentagon sa Washington.
Ginugunita dito kung gaano KATANGA ang mga Kano.

----$$--
SA paggunita sa 9/11 attack, nagpa-PANIC ang mga Kano sa pagsalba sa New Orleans na GINUNAW ng Hurricane Katrina na pinalakas ng isang electronically-induced weather disturbance.
Iniimbestigahan ng CIA kung paano ito NAGAWA ng foreign experts.

----$$--
AMINADO rin ang international political observers na NATATALO ang US troops at allied forces sa giyera sa Iraq.
Panibagong TANDA ito ng isang NALALAOS na US government.

-----$$--
KINUMPIRMA na may 100,000 Pinays ang nag-AANDOT ng “sarili” bilang date partners mula sa Internet.
High tech na pati PROSTITUTION.
Huwag ka, dolyares ang kita dyan.

----$$--
NI-REJECT ni Tita Cory ang REKONSILYASYON na iniaalok ni Ate Glo.
ISA pang BIYUDA na NANGANGALIT ang panga.

----$$---
BIGLANG itinalaga ni Ate Glo si Deputy AFP Chief Lt. Gen. Edilberto Adan bilang SOUTHCOM CHIEF imbes ang rekomendado ng Board of Generals na si Maj. Gen. Samuel Bagasin.
Hindi kaya ito ang maging MITSA ng first Mindanao Revolt?

----$$--
WALA na raw talab ang Edsa People’s Power.
Sa pagkadismaya ng mga SOUTHCOM soldiers, hindi malayong SIMULAN ng MINDANAO ang “REBOLUSYON”.
Susundan ito ng pagkubkob sa Visayas na tiyak na MAGPAPAGUHO sa Luzon.

-----$$---
ITINANGGI ni Rep. Imee Marcos na “NABILI” siya.
May naniniwala naman kaya?

-----$$--
NAGTATWA rin ang mga Catholic Bishops na tumanggap sila ng “gambling money” mula sa Pagcor.
Sila ang MODERNONG SAN PEDRO.
Nagtatatwa tuwing TITILAOK ANG MANOK.

-----30---

Mindanao revolt

Editorial (11Sep05)

MATAPOS makalusot sa impeachment proceedings, may higit na malaking problema ngayon si Ate Glo. Ito ang umuugong na Mindanao Revolt. Bunga ito ng pagbasura ni Ate Glo sa rekomendasyon ng Board of Generals na italaga bilang bagong Southern Command chief si Army’s 4th Infantry Division commander Maj. Gen. Samuel Bagasin.
Umuwi mula sa United States ang pamilya ni Bagasin para sa pormal na pagtatalaga pero nadismaya ang mga military personnel nang biglang i-appoint si AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Edilberto Adan bilang hepe ng Southcom na may hurisdiksiyon sa buong Mindanao Island. Hindi biro ang kinakaharap na problema ngayon ni Ate Glo kasi’y naiirita ang mga sundalong nasa front line at mismo mga junior officers na nasa field na aktuwal na nakakaranas ng “maruming politika” sa loob ng kanilang hanay.
Walang duda na mabilis na magniningas ang disgusto ng mga sundalo dahil isa sa iginagalang na heneral si Bagasin kaya’t kung nanaisin nito magaan niya makokontrol ang buong Mindanao sa isang iglap lamang.
Nakakatakot din ang scenario na bihagin ang mga local officials at magdeklara ng revolutionary government kasabay ng pagpasok sa Cebu province mula sa Cagayan de Oro na territoryo mismo ni Bagasin bago tumalon sa Palawan mula sa Sulu at Zamboanga upang makubokob ang Negros at Panay Island.
Sa ganyang senaryo, magpa-PANIC ang MetroManila na sentro ng Luzon at seat of government na maaaring ikabagsak mismo ni Ate Glo. Wala nang talab ang Peoople’s Power. Pero, hindi pa nasusubok ang talim ng dulo ng baril!
Ipagdasal nating huwag maganap ang malagim na senaryong ito. Kaawa-awa na naman si Juan.
---30----

Friday, September 09, 2005

Atlantis

Editorial (10Sep05)

NAGPA-PANIC ang mga Kano sa pagre-rescue at pagsasalba sa New Orleans na sinalanta ng Hurricane Katrina. Tinatayang mahigit 10,000 ang napatay ni Katrina, higit sa 3,000 namatay sa 9/11 terrorist attack at maging sa bilang ng mga natepok ng US troops sa Iraq.
Nagdiwang ang mga Islam bloggers sa pagkakalat sa internet na kinasiyahan ni Allah at Mohammed ang nakakarimarim na trahedya sa popular na estado sa US. May ulat din na isang klase ng “man-made disaster” ang Hurricane Katrina dahil may iba’t ibang klase ng direksiyon ang bayo ng hangin na imposibleng mangyari sa isang “normal hurricane”. Matagal nang sinasaliksik ng mga eksperto ang pagmanipula sa “weather” o “lagay ng panahon” kung saan unang ginamit ng mga US scientist sa walang patid na pag-ulan at pagpapabaha sa Vietnam upang lumabas sa lungga sa ilalim ng lupa ang mga Vietcong pero madalas na tumatama ang unos sa kabilang pampang sa Pilipinas.
Kinumpirma sa isang ulat na nagtagumpay ang mga anti-US terrorist na imanipula ang Hurricane Katrina na malinaw na kahinaan muli ng mga American experts.
Malinaw ngayon na isa nang LAOS NA BANSA ang United States sa larangan ng military, science at economics. Susundan nila ang yapak ng naglahong sibilisasyon ng Atlantis!
-----30---

Hurricane

Bulgar (10sept05)

KINOKOLEKTA na ng mga kongresista ang PAYOLA sa mismong CONDO ni Kuneho sa Salcedo.
Bilisan ninyo ang pagpanaog, BAKA MATUSTA kayo kapag muling nasunog yan.

----$$--
PINALAYAS na ang jueteng witness na ARMY CAPTAIN mula sa tirahan niya sa Camp Aguinaldo.
Kailangan pa ba ang ebidensiya sa PANGHIHIMASOK ng AFP sa politika?
Buwisettt!

----$$--
MALINAW na malinaw na NAGPAGAMIT ang ISAFP sa Malacanang sa paglusob sa safehouse ni Segundo Tabayoyong na nagsusuri ng mga election returns.
Gunggong talaga ang mga military.
Pesteeeee!

----$$--
ISANG scientific report ang nagbunyag na MAN-MADE disaster ang Hurricane KATRINA na nagwasak sa New Orleans.
Ginamitan ito ng MICROWAVE transmitter upang MASALANTA ang Unites States.
Resulta ito ng RESEARCH work ng Yakuza na may lihim nag alit sa mga Kano.

----$$--
MAHIGIT 3,000 lang ang nasira nang gumuho ang World Trade Center New York.
Mahigit 5,000 ang Iraqi soldiers ang napatay ng US troops sa Baghdad.
Pero, mahigit 15, 000 ang tinatayang tinepok ng Hurricane Katrina.

----$$--
MISMONG si Bush ang nagdadala ng MALAS sa mga uto-utong US citizen.
Sa Pilipinas, sino naman kaya ang MALAS?

---$$--
ANIBERSARYO bukas, Sept. 11 ng terrorist attack sa World Trade Center sa New York at Pentagon sa Washington.
MONUMENTO ito ng KATANGAHAN ng US INTELLIGENCE.

-----$$--
NAMATAY na sa edad 74 si Junjie Lopez, anak ni dating Vice President Fernando Lopez.
Kilala siya sa pagiging BULAGSAK, pero hindi MAGNANAKAW.

-----$$$--
MATETEPOK din ang matataas nating opisyal ng gobyerno.
Na kilala naming BULAGSAK at MAGNANAKAW.

---$$--
WALA na raw talab ang PEOPLE’S POWER.
Eh, kung gawin kaya nating ANIMALS’ POWER.
Ipagitna natin sa kalsada an gating mga HAYOP—kambing, baka, baboy, aso, pusa, manok, kalabaw.
Eetsas sa gitna ng MENDIOLA at EDSA Shrine ang mga hayop hangga’t hindi nagre-RESIGN si Ate Glo.

----$$--
PERO, may pangontra rin sa ANIMALS’ POWER na yan ang MALACANANG.
Dahil idedepensa sila ng mga TUTA at BUWAYA.

----30----

Sunday, September 04, 2005

Pasko postpone

BISTADO (05Sep05)


MADADAGDAG pa ng 7,000 US troops si US Prez George Bush sa Iraq.
Siya talaga ang MODERNONG HITLER.

----$$--

ISANG boto na lang ang kulang sa Impeachment Complaint.
Kailangan na lang ang lagda ni Jose Pidal.

----$$--

PINAKA-UNPREDICTABLE president si Ate Glo.
Hindi siya nalalayo sa isang BAGYO.

----$$--

BINUO ang “Black En White Movement” upang maiupo si Vice Kabayan sa Malacanang.
Nagsimula na ang TRAYDURAN.

-----$$--

WALA nang hadlang sa implementasyon ng EVAT.
Magsisimula na ang SIBILWAR.

----$$--

MAHIGIT nang P33 kada litro ng gasoline.
Marami nang TAXI ang tumigil sa pagpasada!

-----$$--

KAPAG lumobo pa ang presyo ng petrolyo, maraming produkto ang hindi maidedeliber sa probinsiya—at vice versa!
Aktuwal na krisis na ere.

----$$--

SASALUBUNGIN ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng patong patong na krisis.
Delikadong ma-POSTPONE ang Merry X’ Mas.
X’ ma slang, wala nang MERRY.

----$$$--

KAPAG nangggulo ang mga terorista, lalong magugulo ang hanay, pero sasaya ang Pasko.
Mauuna kasi ang SABOG NG BAGONG TAON.

-----$$--

DEDMA lang ang matatas na opisyal ng gobyerno sa krisis sa ekonomiya.
Sandamukal kasi ang kanilang KUARTA.
Na ninakaw sa taumbayan.
Lintekkkkkl!

----30—

Susuko si Kristo

EDITORIAL (05Sep05)

MASELAN pa rin ang kalagayan pampulitika sa bansa, makalusot o hindi man maiakyat sa Senado ang Impeachment Complaint kontra kay Ate Glo. Ang mabigat dito, napapagitna ang isyu sa higit na maselang sitwasyon tulad ng hindi mapigil na paglobo ng presyo ng langis sa world market at ang wala nang atrasang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Sa susunod na ilang araw rin, maaaring magsunod-sunod ang malakas na patak ng ulan at pagdating ng malalakas na unos na magbubunsod ng matinding pagdarahop dahil sa pagkasira ng pananim at paglaganap ng epidemya. Kung susuriin, hindi lamang dalawa ang krus na papasanin ni Juan dela Cruz kundi apat—kaguluhan pulitikal, unos at trahedya sa tag-ulan, oil price increase at EVAT.
Kung ang Dakilang Kristo ng Jerusalem ay mabubuhay sa Maynila bago mag-Disyembre, kahit pa sino ang kanyang ama at ina, makayanan kaya niya ang pagdurusa sa Golgota? Hindi kaya sumuko si Jesus Christ at isumpa niya ang parusa ng mga Eskriba’t Phariseo na may control ng politika sa ating bansa? Kahit si Haring Solomon ay mahihirapan magbigay ng lunas sa krisis na nakaamba sa ating Inang Bayan. Kahit 10 ulit tayong mag-Rosaryo araw-araw habang gumagapang patungo sa altar ng Quiapo at Redemptorist Church, may milagro kayang maganap?Kailan kaya kukunin ni Lord ang mga Herodes sa ating lipunan?
----30---

Saturday, September 03, 2005

nag-climax kaya?

Bistado (04Sep05)

NAG-ALYANSA ang Pamilya Lopezes at Ayalas
upang itumba si Ate Glo at ipuwesto si Vice Kabayan.
Iyan na ang TOTOONG DELIKADO.
-----$$---
MUKHANG mauulit ang kasaysayan.
Mararanasan ni Ate Glo ang naranasan noon ni Pareng ERAP.
Nag-TRAYDOR ang Bise President sa kanyang PRESIDENTE.
----$$---
KAPAG nawalan ng BAYAG si Vice Kabayan,
mag-ala-ERAP pa rin ang kasaysayan.
TATRAYDURIN ng AFP Chief
ang kanyang COMMANDER-IN-CHIEF.
-----$$---
AT tulad ni Gov. Chavit,
may kakambal din siya sa istorya.
Iyan ay si GOV. DY.
-----$$---
HINDI na mapipigil ang implementasyon ng EVAT.
Higit pa ito sa 10 doble ng epekto ng BAGYO.
Iyan ang tunay na KALAMIDAD.
-----$$---
IBABALIK daw ng Senado ang exemption
sa ENERHIYA kaugyan ng EVAT.
Aba’y hindi ba’t NAUBOS ang panahon
nila sa DEBATE hinggil dito?
Hindi pa naipatutupad, eh, BABAGUHIN agad.
Isang DAKOT KAYONG UGOKKKKKK!
-----$$---
ITINANGGI ng DLR na ginamit nila ang MARCOS FUND
sa pangangampanya sa 2004 election.
May naniniwala kaya sa mga SINUNGALING?
-----$$---
IBINASURA ng Korte Suprema na humihiling
na makialam sila sa IMPEACHMENT.
Korek kayo dyan!Huwag muna kayong umaksiyon
hangga’t hindi malinaw KUNG MAGKANO.
-----$$---
NAGBABALA si Sen. Rodolfo Biazon na NAGMAMASID
at BUMUBUWELO na ang military establishment.
Hindi na nagkakalayo sina Sen. Biazon at Madame Auring.
-----$$---
KAUNA-UNAHANG Pinay si Karina Dayondon
na maakyat sa pinakamataas na taluktok ng Mt. Everest
sa pagitan ng Pakistan at China.
Hindi nilinaw sa ulat kung nag-CLIMAX siya
nang marating ang RUROK ng bundok.
------30---

tag-tanga

Editorial (04Sep05)

TULAD sa halaman na may panahon ng tag-TANGA kung saan maraming pipis na bunga ang palay at iba pang halaman, masasabi natin ngayong tag-TANGA ngayon ang panahon n gating mga lider pambansa particular ang mga mambabatas.
Isipin ninyong hindi pa halos naipatutupad ang kontrobersiyal na Expanded Value Added Tax (EVAT) na nilagdaan ni Ate Glo at pinaboran ng Korte Suprema—ay aanyendahan agad ng 11 senador.
Sa totoo lang, mahabang panahon ang naubos sa pagdedebate sa naturang EVAT law bago nailusot sa bicameral conference at ngayong isa nang batas ay muling babaguhin.
Nais kasi ng mga senador na bigyan ng exemption ang oil at power generating companies upang hindi lumobo ang presyo ng produktong petrolyo at konsumo sa elektrisidad pero hindi ito nasunod.
Ginagamit kasi ng mayorya sa Kongreso ang kanilang “dami” upang puwersahin ang mga batas na nakakaperhwisyo sa taumbayan.
Kung paanong brinaso ang EVAT ay ganyan din mismo ang ginawa ng mayorya sa pagbasura sa tatlong impeachment complaint.
Nalimutan ng mga gunggong na mambabatas na ang MINORYA ay may likas na karapatan sa batas at demokratikong institusyon.
Nais ng MAYORYA na ipatupad ang mga batas na nakakaapekto nang masama sa mayorya ng populasyon pero hindi kayang idepensa ng MINORYANG bilang ng mga mambabatas.
Kung si Marcos ay tinawag na One-man dictator, ang mayorya sa administrasyong Arroyo ay maituturing ding MODERNONG DIKTADOR—dahil binabastos nito ang demokratikong institusyon.
Pinakamasakit, kinukunsinte sila mismo ng Korte Suprema at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kung hanggang kailan ito magaganap ay walang nakakaalam!
------30--