KINUMPIRMA ng Malacanang na
may sakit si PNoy.
Ano ang ibig sabihin nito?
Hindi na NAG-IISA si Ate Glo.
Pareho na silang MAYSAKIT
ngayon.
----$$$--
IKINATWIRAN ng mga
tagapagsalita ng Malacanang na “hindi seryoso” o hindi isang grabeng sakit ang
nararanasan ni PNoy.
Hindi ba ninyo natatandaan,
na GANYAN-NA-GANYAN din ang katwiran ng tagapagsalita rin ni dating Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo tuwing magkakasakit nang panahon hawak niya ang poder?
Talagang PAREHONG-PAREHO
sila.
-----$$$--
MAY bumubulong sa likuran.
Hindi kaya naka-KARMA si PNoy
dahil sa pang-iinsulto sa “maysakit” niyang karibal sa politika?
Mahirap sagutin yan.
----$$$--
MAS mainam ay seryosong
suriin natin ang sitwasyon imbes na sagutin ang naturang maselang tanong.
Dapat nating maunawaan na ang
mga “nararamdaman” HINDI GRABENG SAKIT—ay maaring ituring na SINTOMAS ng mas
malalang sakit na hindi pa “natutuklasan”.
Kumbaga, yung itinatagong
“sakit ni Ate Glo” noon—ay napatunayan nating SERYOSONG sakit ngayon.
Ibig sabihin, walang
makapagsasabing “malusog si PNoy” hanggang hindi siya isinasailalim sa isang
masinsinang EXECUTIVE CHECKUP.
-----$$$--
SA totoo lang, ganyan din ang
sitwasyon dati ni dating Pangulong Marcos, hindi rin ibinubunyag ang “seryosong
sakit” at ipinagkikibit-balikat ang mga SINTOMAS.
Nang lumaon, nakumpirmang “grabe” ang sakit ni dating
Pangulong Marcos.
Sina Marcos, CGMA at PNoy—ay
iisa lang ang sitwasyon.
Kahit may grabeng sakit,
hindi maaring IKUMPIRMA o ibunyag ang sitwasyon.
Bakit?
Iisa lang ang paliwanag: Isa
itong NATIONAL SECURITY CONCERN na dapat nating maunawaan.
-----$$$---
MAY maselang tanong.
Sino ang mas malusog ang
katawan habang nakaupo sa Malacanang kina Marcos, Arroyo at PNoy?
Si Marcos ay isang
bodybuilder at may athletic built, pero
tinamaan pa ng LUPUS.
Si Ate Glo ay anak-mayaman at
walang BISYO—pero nabali ang LEEG.
Pero si PNoy—ay chain smoker
at binatang WALANG MAG-AALAGANG ASAWA at
MAGULANG.
Kayo na ang humatol kung sino
ang MAS MALUSOG!!!
-----$$$--
ANO ba talaga ang kumpirmadong
nararamdamang sakit ni PNoy batay na rin sa pag-amin ng kanyang mga ayudante?
Una, may BRACE ang kanyang
braso.
Inaamin at kinumpirma yan ng
Malacanang.
Ikinatwiran na ang PANANAKIT
o PILAY sa braso ay simpleng SANHI sa sobrang dami ng mga PINIPIRMAHANG
DOKUMENTO.
Sa dinami-rami ng naging
PANGULO ng mga bansa sa buong daigdig—bakit si PNoy lang ang nag-LAGAY ng
BRACE?
-----$$$---
IKALAWA, kinumpirma na
SUMAKIT ang tiyan ni PNoy habang nasa Australia
at New South Wales.
Sa sobrang sakit, hindi siya
nakadalo sa MASELANG okasyon pero naunawaan siya ng mga DIGNITARIES.
Kung simpleng sakit ng tiyan
ang kanyang naranasan---alam ng kahit sinong doktor na ang simpleng gamot dito ay “OMEPRAZOLE”.
Pwede siyang uminom ng
generic na PROTONIX, pero ang pinakamabisa ay 40 mg ng NEXIUM.
Kapag ininom niya yan, WALANG
DUDA—tanggal ang pananakit ng sikmura.
Dapat ay nakadalo siya sa
MAHALAGANG OKASYON sa isang “maselang diplomatic meeting”.
-----$$$---
BATAY sa mga eksperto at kahit i-GOOGLE ninyo, lumalabas ang sintomas ng mga sakit—sa iisang
simpleng dahilan—MAHINA ANG IMMUNE SYSTEM.
Ibig sabihin, sa inisyal na
diagnosis, walang duda na MAHINA ang immune system ni PNoy.
Kapag mahina ang immune
system, sasamantalahin ito ng mga VIRUS
at BACTERIA.
Diyan lilitaw, hindi ang
TUNAY na sakit na karaniwang nakatago, kundi ang mga SINTOMAS lamang na
karaniwang DINEDEDMA lang.
----$$$--
BAKIT humihina ang immune
system?
Isang mahalagang tanong ito
na dapat maunawaan ng ordinaryong tao ang sagot.
UNA, mahina ang immune system
dahil maaaring PUWERSADO ito dahil mismo sa grabeng sakit. Ibig sabihin,
dinadaig o tinatalo siya ng mismong mababagsik na virus at bacteria.
----$$$---
IKALAWA, humihina ang immune
system, dahil sa mga pagpupuyat, matinding pagod, malnutrisyon, kakapusang
pag-inom ng malinis na tubig, at kawalan ng exercise.
Simple lang yan, pero
maraming nagkakasakit dahil diyan.
----$$$---
IKATLO, dispalinghado ang
immune system dahil na rin sa masasamang bisyo—tulad ng pagka-adik sa
sigarilyo, sobrang pag-inom ng alak o paggamit ng iba’t ibang klase ng DROGA.
Napatunayang totoo yan, batas
mismo sa press release ng mga nagsusulong ng SIN TAX bill.
-----$$$--
IKAAPAT, isa sa matinding dahilan ng paghina ng immune
system ay ang tension, stress o pressure—sa isip, emosyon at kaluluwa.
Napupuwersa ang isip kapag
maraming nilulutas na problema o palaisipan o sitwasyon—partikular ang mga ehekutibo o boss sa isang opisina, pero mas
grabe kung ikaw ang PANGULO ng bansa.
Napupuwersa ang emosyon,
dahil sa matagal nang naranasang TRAUMA na natatakot maulit muli; kawalan ng
karelasyon o damdamin bilang isang NAGMAMAHAL o MINAMAHAL; sobrang pagkamuhi sa
kapwa, matinding galit o balak na paghihiganti; at maaari ring pagdududa sa mga
kasama o mismo sa “sariling personalidad” at paghihinagpis nang walang dahilan.
Napupuwersa ang kaluluwa o
ispiritwalidad sa kababawan ng PANANAMPALATAYA mismo sa kinaaanibang sekta o
relihiyon; kababawan sa pag-unawa kung ano ang kanyang relasyon sa kanyang
Diyos at pagdududa mismo kung ano ang depinisyon ng Diyos; pero ang
pinakamabigat—napupuwersa ang kaluluwa—dahil sa serye ng pagkakamali kung saan
napahamak ang kapwa tao o isang KASALANANG MORTAL na hindi niya naikumpisal.
----$$$--
IKALIMA, mahina ang immune
system dahil sa genetics o GENES.
Ibig sabihin, likas na mahina
ang immune system dahil mahina rin ang immune system ng kanyang mga ninuno o
ang tinatawag na HEREDITY.
----$$$--
TINALAKAY natin ito, hindi
upang ilihis o bigyan ng ibang pakahulugan ang NARARAMDAMANG sakit ni PNoy,
bagkus ay upang mabigyan natin ang ating MAMBABASA kung paano natin UUNAWAIN
ang ating mga lider.
Sa masususing pagsusuri sa
ating binanggit sa itaas, mauunawaan din
natin ang ating SARILI at ang ating kapwa KUNG BAKIT nagkakasakit.
Kung may iba kayong tanong
tungkol sa sakit ni PNoy—kung ito ba ay sanhi lamang ng pagod o sintomas ng MAS
GRABENG sakit, kayo na lang ang sumagot—batay sa pagtalakay natin sa itaas.
(BISTADO column ni Ka Ambo, Bulgar
newspaper, Oct. 26, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)