Wednesday, November 30, 2005

x'mas, obrero (01dis05)

Bistado—01dis05


Head:

DISYEMBRE na.
Eh, ano ngayon?

----$$$--
PARA sa mayayaman lamang ang X’Mas.
Para sa mga nagdarahop ang Disyembre ay isang KUWARESMA.

---$$$---
NAKAISKOR muli ang PISO kontra dolyar.
Dahil sa mga OFWs na iniwanan ang pamilya para maglingkod sa mga BANYAGA.

-----$$---
AYAW pa ring lumayas ng mga Kano sa teritoryo ng Iraq.
Masarap daw kasing mabuhay sa IMPIYERNO.

----$$$---
MALABO na raw mapagtibay ang 2006 budget.
Komporme yan sa PORK BARREL ng mga buwaya.

----$$--
NANGUNGUNA sa gold medal race ang RP sa ginaganap na 23rd SEAGames.
Salamat sa mga REFEREES.

-----$$---
NALAMPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang mahigit P3 bilyon ang target collection sa buwan ng Agosto.
Klap! Klap! Klap.

----$$---
NAG-IWAN ng mahigit P11 bilyong deficit ang dating komisyoner ng BIR pero kung magpapatuloy ang magandang takbo ng koleksiyon, hindi malayong makaabsuwelto ang administrasyon.
Sana’y gamitin ng gobyerno sa magagandang proyekto ang naturang koleksiyon.

-----$$--
INAASAHANG maabot ni BIR Commissioner Jose Mario Buñag ang target na P 547 bilyon sa taong 2005 at kahit hindi pa naipatutupad ang EVAT ay pumapalo na sa mahigit P400 bilyong koleksiyon.
Sakaling magkaroon ng super-performance si Buñag, ano kaya ang IPREMYO ni Ate Glo?
Baka bigyan siya ng UNIPORME ni SUPERMAN!

----$$--
SECOND placer pala sa bar examination si Buñag kaya’t BUWENAS si Ate Glo sa pagkakakuha sa kanya.
Iyan ay kung hindi siya TETRAYDURIN ng kanyang mga kaibigan.
He, he, he!

------30—

EDITORIAL

Head:

HINIHILING ng mga hanay ng obrero ang karagdagang suweldo dahil sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo tulad sa singil sa kuryente, tubig, pasahe at matrikula sa eskuwelahan.
Pero malabong makapagbigay ng dagdag-suweldo ang mga kompanya kasi’y marami pa rin sa kanila ang hindi nakakasunod sa nauna nang salary increase dahil sa takot na mabangkarote.
Sa totoo lang, dapat at bigyan ng mas maluwag na oras at pribililehiyo ang mga manggagawa upang magkaroon sila ng ekstrang aktibidad na maaaring makaipon sila ng dagdag na kita.
Maaaring kasi imbes na dagdag na suweldo ang hilingin ng mga obrero ay gawing PER-ORA o kada oras ang komputasyon ng pasuweldo tulad sa ibang bansa gaya sa United States upang maabot ng mga obrero ang target na kita sa maghapon at magdamag na pagtatrabaho.
Kumbaga, pasipagan lang yan!
Kahit sa America, kapag iisang klase lang ang kompanya na pinagtatrabahuhan mo ay tiyak na MAGUGUTOM ka, kaya’t karaniwan sa mga obrero ditto ay naglilingkod nang LAGARE sa tatlo hanggang apat na klase ng hanapbuhay.
Sa ngayon, suntok-sa-buwan ang kahilingan ng mga obrero dahil pinaglilideran sila ng mga militanteng kapos sa kaalaman kundi nagbubuyo lamang ng kaguluhan.
Kung kapos ng talino ang mga nasa pamahalaan, kapos din ng kakayahan ang mga lider-obrero na maghanap na solusyon upang maresolba ang problema ng kanilang hanay.
Ano ang sey mo?
------30--

happy anniv

Bistado (02Dis05)


IKA-14 ANIBERSARYO ngayon ng MVRS Publications,
naglalathala ng BULGAR newspapers.
Nananatiling No.1 po ang ating pahayagan.
Congrats at maraming salamat sa inyong pagtangkilik.

---$$$---
NAGREREKLAMO ang mga taga-THAILAND sa ginagawang
pandaraya ng RP officials sa 23rd SEAGames.
He, he, he, magreklamo kayo kay GARCI.
Ha! Ha! Ha!

---$$$---
WALA pa ring natutuklasang VACCINE sa bird flu.
Paktay kang MANOK ka!

---$$$---
NASABAT ang isang grupo ng mga MAGNANAKAW ng sasabunging manok sa Tondo, Maynila.
Nakuhhh, sila rin ang SUSPECTS sa pagnanakaw ng mga manok sa CUENCA,BATANGAS.
Sila ang tinatawag na COCK-NAPPERS!

---$$$---
SABI ng mayorya ng mga SENADOR, ibabasura daw nila
ang CHACHA na pagtitibayin ng mga kongresista.
Nakowwsss, NAGPAPATAAS lang kayo ng PRESYO!
Style nyo, bulokkk.
Iiisang klase lang kayo ng BALAHIBO.

---$$$---
DALAWA raw sa tatlong PINOY ay nais mag-abroad!
Sunugin na lang natin ang BANDILA
kapag ganyan kayo KADUHAPANG sa dolyares.

---$$$---
NAGDIWANG ang MEDIA practioners sa hatol ng KORTE
sa isang ex-PARAK na pumatay ng isang JOURNALIST.
Nalungkot naman ang mga pulis na kinokotongan ng mga HAO SHIAO.

---$$$---
KINUMPIRMA ng mga awtoridad ang pagkamatay ng tig-isang
biktima ng meningococcemia sa Pasay City at Davao City.
Huhhh, iyan na ang delikado.

---30---

ika-14 na anibersaryo

Editorial (02Dec05)

HALINANG samahan ninyo kami sa pagdiriwang ng ika-14 anibersaryo ng MVRS Publications na naglalathala ng No.l newspaper sa buong bansa—BULGAR!!!
Mula sa inyong walang sawang pagtangkilik, lumalakad na tayo ngayon sa ika-14 na taong pamamayagpag sa larangan ng media at patuloy na tinatangkilik ng lahat ng sector ng lipunan.
Sa gitna ng maraming problema sa ating lipunan, nananatiling naglilingkod sa inyo ang Bulgar na walang kinikilingan at nananatiling mataas ang kalidad sa pamamahayag.
Bilang pasimuno ng patas na pamamahayag, tinatangka ng ilan na kopyahin pero nananatiling walang kapantay ang Bulgar sa lahat ng aspeto ng pamamahayag.
Kumbaga, kompletos-rekados ang ating pahayagan na tinatangkilik ng mga mamamayan mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang antas ng lipunan.
Ang tagumpay na ito ay hindi nating mararating kung hindi sa walang sawa ninyong pagsuporta sa mahabang panahon. Umaasa po kayo na sa paglakad pa ng panahon, mananatiling naglilingkod ng tapat at nagtatanggol ng iyong karapatan ang BULGAR na patuloy na maghahandog din sa inyo ng aliw at serbisyo.
Sa ngalan ng may-ari, editors, writers, kawani, advertisers, dealers at newboys, ipinaaabot po naming ang taos-pusong pasasalamat sa iyong patuloy na pagtangkilik.
HAPPY 14TH ANNIVERSARY po sa ating lahat. At maraming- maraming salamat po!
---30---

Tuesday, November 29, 2005

Regalo kay Garci

editorial (30Nob05)

PINUPUTAKTE naman ngayon ng media ang paglutang ni ex-Comelec Commissioner Virgilo Garcillano. Tatangkain ni Garcillano na ibigay ang kanyang panig at sakaling magtagumpay siya sa pinakamatinding pagsubok na ito sa kanyang buhay—maaari siyang biyayaan ng isang magandang REGALO.
Sa ngayon pa lamang ay umaakto na siyang de-facto lawyer ni Ate Glo sa pagsasabing hindi dapat nag-SORRY ang Pangulo dahil wala itong nagawang paglabag sa batas at maging sa moralidad. Ibinunyag ni Garcillano na nakipag-usap din sa kanya ang oposisyon at tulad ni Ate Glo, itinatanong lamang sa kanya ang proseso sa pagbilang at hindi siya inuutusan na mandaya.
Nilinaw din ni Garci na nakipag-usap siya—hindi BAGO MAGHALALAN kundi matapos ang aktuwal na eleksiyon at bilangan sa mga presinto.Sa biglang tingin ay may malilinaw na katwiran si Garci at ipinahayag nito nakahanda siyang humarap sa alinmang pagdinig sa Kongreso anumang oras bagaman maaaring hindi niya sagutin ang ilang katanungan.
Sakali kasing malinis ni Garci ang kanyang pangalan at mismo ang reputasyon ni Ate Glo, hindi malayong italaga siya bilang COMELEC CHAIRMAN na hahawak sa plebisito ng babaguhing Konstitusyon.Iyan na mismo ang MOTIBO ng kanyang paglutang!Ano ang sey mo, Tsong?
---30---

bayani sa karsel

Bistado (30Nob05)


NAGDURUSA ang may kabuuang 5,000 overseas Filipino workers sa mga bilangguan ng iba’t ibang bansa.
Iyan ang kalagayan n gating mga BUHAY NA BAYANI.

----$$$---
Hindi nalalayo kina Dr. Jose Rizal, Gat. Andres Bonifacio at Ka Amado Hernandez ang OFWs.
Kailangang mabilanggo at mapatay bagong maging AKTUWAL NA BAYANI.

----$$$--
MAKARAANG biglang kumambiyo at pumabor sa ChaCha si Sen. Nene Pimentel, umaasa ang Malacanang na gagayahin siya ng iba pang senador.
Komporme yan sa PRESYO.

-----$$---
IPINAGDIRIWANG ngayon ang Gat. Andres Bonifacio Day.
At nagpapasalamat sila kay dating Pangulong Emilio Aguinaldo dahil siya ang UTAK ng pagiging MARTIR ni Ka Andres.

----$$$--
LIMANG sisiw ng KUWAGO ang natagpuan sa Paranaque City.
Baka iniwanan sila ng mga KALAPATING LIGAW sa Roxas Blvd.

-----$$---
NAGBIGTE ang 26-anyos na anak ng may-ari ng SAMSUNG Corp. sa Seoul, South Korea.
Na-DEPRESSED daw siya nang MABIGONG bilangin ang 135 trilyong won (currency sa Korea)-- katapat ng one-sixth na GDP ng naturang bansa.

----$$---
ITINATAGO raw si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano ng kanyang brother Muslims sa Mindanao.
Nakowws, dyan ka lang sa Quiapo, nagkukubli ehhh.

-----$$---
PINEPESTE ngayon Indonesia ng AIDS-VIRUS.
Huhhh, ilang metro lang ito mula sa Mindanao.

----$$--
MUKHANG mag-aagawan sa eksena ngayong Disyembre ang halos magkasabay na PAGLUTANG sa media nina Garcillano at dating Manila Rep. Mark Jimenez.
Paskong Pasko talaga sa Pilipinas.

-----$$---
NANGUNGUNA sa medal race ang host-Philippines sa ginaganap na 23rd Southeast Asian Games.
Iyan ang aktuwal na HOMETOWN privilege.
Okey lang.
Pana-panahon lang yan.

----$$$—
GUSTO ng PNCC na palobohin pa ang TOLL FEES sa South Expressway.
Pukawnamooooooo!

----30---

Wednesday, November 23, 2005

lihis na balita

Editorial (24Nob05)

MARAMI ang nagpa-panic dahil sa pag-e-exodus ng mga doktor at nurses sa ibang bansa. Nagbabala ang mga awtoridad na maaring magsarado ang mahigit 1,000 ospital sa susunod na 10 taon kapag hindi napigil ang paga-abroad ng mga health workers.
Pero, nakapagdududa ang ganyang ulat. Batay kasi sa law of supply and demand, kapag nauubos ang bilang ng mga doctor , dapat ay lolobo ang kanilang suweldo.
Pero sa aktuwal, kabilang ang mga doctor sa mga may maliliit na suweldo kaya’t naglalakas-loob silang iwanan ang pamilya kapalit ng dolyares sa ibang bansa.
Sa kabila ng mga ulat na paglayas ng mga health workers, sobrang liit pa rin ang suweldo ng mga doctor at nurses sa Pilipinas kung saan ang mga nagsisipag-resign ay mabilis na napapalitan ng mga bagong aplikante.
Kung totoo na kapos ang bilang ng mga doctor at nurses, dapat sana’y dambuhalang ang suweldo ng mga naiiwanan sa Pilipinas. Hanggang sa kasalukuyan, binubusabos pa rin ng mga may-ari ng ospital, klinika at mga opisyal ng gobyerno ang mga kaawa-awang doctor at nurses.
Sa dami ng populasyon ng Pilipinas, imposibleng kapusin ng mga doctor at nurses ang mga ospital at klinika.
Isang klase ito ng lihis na pagbabalita at panloloko sa publiko.
---30---

kakanta na si Garci

Bistado (24Nob05)


INAKUSAHAN ng isang Party List Representative ang Simbahang Katoliko
na isang grupo ng mga TERORISTA.
Huhh, ano ba yannnn?

----$$0—
KAKANTA na raw si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Buntiyaya, buntiyaya…
Bunyeyeeeeee!

-----$$---
IIMBESTIGAHAN na rin ng mga kongresista ang FERTILIZERS SCAM.
Para lalong MAGULO ang isyu.
At mailigaw ang publiko!

----$$----
TATLO pang sundalo ang tinepok ng NPA.
Merry X’Mas po, Ka Roger.
Maawa kayo sa mga nauulila ng napapatay ninyo.

----$$--
MAGSASARADO daw ang 1,000 ospitals dahil sa kawalan ng doctor at nurses.
Pagkakataon na ito nina Mang Kepweng at Dr. Spongklong.

----$$$---
IDINEKLARANG non-working Holiday ang Nobyembre 28 imbes na magbakasyon sa Nobyembre 30—Bonifacio Day!
Yipeeee, bakasyon grande na namannn.

----$$$--
INUTAS na naman ang isa pang diyarista.
Mukhang bibili na ako ng BARIL.
Para maipa-ARKILA ko sa mga katropa ko.

---$$$--
LUMANDING sa NAIA runway ang isang US Air Force F-16 fighter jet.
Baka akala nila ay may KUDETA na.

---$$$---
WALA na raw krisis.
Dahil daw sa magagarbong X’Mas décor.
Bakit para lamang ba sa mayayaman ang Pasko?

----$$--
MAS nanganganib daw ang mga Pinoy sa AIDS-HIV kaysa sa bird flu.
Nasa loob na ng Pilipinas ang AIDS epidemic pero hindi inaamin ng gobyerno.

----30—

Tuesday, November 22, 2005

malaking problema

editorial (23Nob05)

DEDBOL agad ang siyam na sundalo at nasugatan ang may 23 nilang kasamahan nang umatake ang New People’s Army (NPA) kamakailan sa Iloilo City. Kinumpirma ito ni CPP-NPA spokesman Gregorio “Ka Roger” Rosal sa pagsasabing simula lamang ito ng higit na matitinding atake ng mga rebelde sa mga susunod na araw upang ipadama na nag-aambag sila ng puwersa sa pagpapabagsak kay Ate Glo.
Maselan ang bantang ito ni Ka Roger. Kumbaga, nakakalalake na siya ah!Mistulang inutil naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag-akusahang lumabag ang NPA sa international law na nagbabawal sa paggamit ng LANDLINE sa mga digmaan.
Ligaw ang isyu ng AFP, dapat ay nakahanda sila sa lahat ng klase ng laban. Hindi ba kayang gumawa ng AFP ng dragnet tulad ng ginagawa nila kontra sa Abu Sayyaf sa Mindanao?
Halos lahat ng lalawigan ay malayang nakapamemerhuwisyo ang CPP-NPA.
Bakit hanggang ngayon ay namamayagpag si Ka Roger? Ano ang silbi ng AFP sa mahigit na 30 taon ng parerebelyon ng CPP-NPA? May malaking problema ang AFP at ito ang tunay na issue. Dapat itong maresolba upang mabawasan ang bilang ng mga nagbubuwis ng buhay.
----30---

duwende sa Disneyland

Bistado (23Nob05)

SABI ng mga agricultural technician ang mga HYBRID RICE
seeds daw ay hindi maaaring i-REPLANT. Hindi po ito, totoo.
Kasi’y sinubukan ng isang MAGSASAKA sa Balagtas, Bulacan
na ITANIM muli ang binhi mula sa HYBRID rice
—at UMANI siya nang maayos.

---$$---
AT huwag ka, kompara sa HYBRID RICE na ipinamamahagi ng DA-Bulacan,
hindi tinamaan ng PESTENG VIRUS ang naturang RE-CYCLED SEEDS.
Nagdududa ngayon ang mga magsasaka na ini-RERECYCLE
at inire-REPACKED nang panibago bago ipamahagi sa mga magsasaka
ang mga “good harvest” mula sa hybrid rice.
At hinihinala nilang ito ngayon ang pinagmumulan ng VIRUS
na nagtulak upang malugi nang malaki ang mga magsasaka sa Bulacan.

---$$---
HUHUBARIN na pala ni Angel Locsin ang UNIPORME ng DARNA.
Baka palitan na lamang niya ito ng UNIPORME ng PEGASUS.

---$$---
DESIDIDO ang mga Kongresista na pagtibayin ang Charter Change.
Magagamit naman ni Speaker JDV ang kanyang
MAHIKA-BLANKA.At MAHIKA-KUWARTA.

---$$---
ILALAAN ang P2.5 bilyong badyet kontra BIRD FLU.
Kay laking KUWARTANG MAKUKURAKOT ng mga demonyo.

---$$---
PABORITO pala ni Presidential media czar Ignacio Bunye
na awitin ang “MY WAY” sa mga videoke bar.
Diyan na siya MATETEPOK.

---$$---
NAMASYAL si Ate Glo at ang kanyang mga APO sa Disneyland sa Hong Kong.
Buti, hindi siya napagkamalang DUWENDE?

---$$---
NAKAKAPAGPABABA pala ng blood pressures ang pag-INOM ng KAPE.
Korek. Pero nakakabutas din ng BITUKA.

---$$---
SINIBAK na ang ANTI-CARNAP chief sa Quezon City.
Hindi kaya KINAPOS SA WEEKLY TARA?

---$$---
SINIMULAN na sa Bacolod ang SEAGames’ football.
Mabuti naman. Ingat kayo sa TERORISTA at AIDS-HIV.

---$$---
NAKAKAAKIT ang mga Ilonggas na nagbebenta ng panandaliang aliw.
Sabi kasi ng Kumpare kong Winchell Campos , puro high school ang BEBOT
sa isang hotel sa Bacolod. Pero nang umakyat ito sa aming ROOM habang
nagko-cover kami ng Marlboro Tour sa huling bahagi ng dekada 90’s, nahimatay kami.
Kasi’y pinaakyat ng BUGAW—ay puro HIGH SCHOOL PRINCIPAL.
Ngakkk, ek, ek, ekkkk!

---30---

Monday, November 21, 2005

ChaCha ng mga ganid

editorial (22Nob05)

HARANGAN-MAN-NG-SIBAT itutuloy ng mga kongresista ang debate sa Charter Change. Kailangan kasing magkaroon ng batas upang maipatupad ang anumang magiging rekomendasyon ng Consultative Commission (ConCom) kung saan inuubos ang pondo ng gobyerno sa pagkuha ng opinion kuno ng taumbayan.
Target ni Speaker Jose de Venecia na makakuha ng 177 signatories na katapat ng three-fourth ng miyembro ng House of Representatives. Naniniwala ang mga nagmamasid na magaan na makokopo ni JDV ang naturang boto dahil nais din mismo ng mga kongresista na baguhin ang Konstitusyon.
Taliwas dito, kontrang-kontra naman ang mga Senador sa ChaCha dahil alam nilang masyadong personal ang motibo nina JDV at dating Pangulong Fidel Ramos na kapwa na nangangarap na maging AMO SA MALACANANG pero imposibleng manalo sa popular election.
Makakakampi nina JDV at Ramos si Senador Edgardo Angara na isa ring TRAPO na imposibleng mahalal o kahit ma-nominate bilang Pangulo ng Republika sa mga susunod na eleksiyon. Nakapagtatakang suportado ng mayorya ng kongresista ang PAKANANG JDV-FVR-ANGARA kaya’t hinihinalang nais lamang ng mga ito na magkamal ng bilyon-bilyong pisong PAYOLA sa porma ng pork barrel funds at dambuhalang allowances at travel expenses.
Ang pagbuhay sa ChaCha ay mistulang MONUMENTO ng PAGNANAKAW ng pondo ng gobyerno at pagiging GANID SA KAPANGYARIHAN ng mga lider ng bansa.
Nakakahiya, nakakasulasok, nakasusuka!-
---30---

exodus

Bistado (22Nob05)

HINDI lang nurses at doctors ang nag-EXODUS patungong US at iba pang bansa.
Nauubos na rin ang mga TITSER.
Sige, TURUAN ninyo ng CORRUPTION ang mga Kano.

---$$---
KINASUHAN ang isang NEDA official dahil sa pagse-SEND
ng SEX MESSAGES sa kanyang tauhang BEBOT.
He, he, he, baka NABITIN.

---$$---
Eh, Sir, puwede pang makiusap.
Paki-FORWARD nga sa 'kin yung sexy messages mo, me padadalhan lang ako.
Hindi kasi TUMATALAB ang sex jokes ko eh.
Maghahanda na rin ako ng PAMIYANSA.
----$$--

NAGKAMPEON si Paolo Castro sa isang world cyber games competition.
Iyan ang Pinoy.

----$$$--
NAKOPO naman ni Agriculture Engineer Justino Arboleda ang FIRST PRIZE sa First World Challenge contest dahil sa pagkakaimbento niya ng makina na LILIKHA ng COCONET.
Lambat ito na yari mula sa coconut husk na maaaring PANGONTRA sa SOIL EROSION.
Mas mainam kung maiimbento mo ring maging CELLPHONE ang COCONUT SHELL.

---$$---
NAGKAMALI ang pangalan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
sa inimprentang P100 bills. Imbes na ARROYO ay nagging ARROVO.
Pasalamat kay Ate, hindi nagging DOROVO. Ha! Ha! Ha!

-----$$---
PROOFREADING error ang tawag diyan.
Mukhang hindi na-PROOF READ ang manuscript bago nai-MOLDE.
Hindi kasi sila sanay sa DIYARYO—oras-oras pinu-proofread.
Pero, namamali pa rin!

------$$--
MALAPIT nang matapos ang eksperimentasyon kung saan, magagamit na ang Bt EGGPLANT.
Ibig sabihin, isang GENETICALLY-TALONG ang ating matitikman.
Marami na agad ADVANCE ORDER.
Mula sa mga BAKLA at MATRONA.

-----$$--
OKEY daw ang Bt-TALONG.
Kasi’y ang balat nito ay tulad ng BALAT NG TAO.
Pero, pag nagkamali ng FERTILIZERS.
Magiging BALAT ay tulad kay LOLO.
Ngekkkk!

-----30---

Sunday, November 20, 2005

gulo na 'to

Editorial (21Nob05)

NAGMAMATIGAS pa rin si US President George Bush sa pananatili ng US troops sa Iraq kahit lumalakas ang kampanya sa America na iatras na lamang ang tropa na nagiging paboritong target shooting ng mga Iraq.
Naniniwala kasi si Bush at mga US generals na ang pag-atras ng mga Kano mula sa Baghdad tulad ng ginawa nila sa Vietnam ay isang PUTAHE na magbubunsod ng trahedya sa United States.
Pero, inakusahan si Bush na nag-iilusyon at nalalayo sa praktikalidad.
Sa totoo lang, malabong umatras ang mga Kano sa Iraq dahil ang kanilang motibo ay hindi ang malipol ang mga terorista kundi upang makontrol ang oil supply sa Middle East at iba pang negosyo na hawak ng mga Asian businessmen.
Higit na malala, lihim na pinaplano ng US intelligence community ang pag-atake alinman sa Syria, Iran at North Korea anumang oras.
Hindi rin lingid sa mga nagmamasid na nagmamaniobra rin ang US na idepensa ang Taiwan sakaling kubkubin ito ng China anumang oras.
Sakaling magkaroon ng digmaan sa Middle East, hindi malayong sumabay na sa kaguluhan ang China at lusubin ang Taipei upang malito si US Prez George Bush kung alin ang dedepensahan at mawalan ito ng konsentrasyon.
Hindi malayong mangyari ang senaryong ito sa 2006 na ayon sa mga ekspertong numerologist ay isa sa pinakamaselang panahon sa ating henerasyon.
----30---

tagtuyo ang Pasko

Bistado (21Nob05)

NAKATUKLAS na ang Britons ng gamut sa AIDS.
Yipeee, pwede nang maglamyerda sa beerhouses.

---$$---
HINDI masawata ang BIRD FLU sa China.
Delikado na rin ang mga MANOK sa Pilipinas.

---$$---
TINANGGIHAN ni US Prez George Bush ang clamor
na UMATRAS na mula Iraq ang US troops.
Pasensiya na kayo, talagang matigas
ang dibdib ng mga DEMONYO.

---$$---
MAGRE-REUNYON ang First Family sa Hong Kong.
Mahawa sana kayo ng BIRD FLU.

---$$---
ARAW-ARAW ay may holdapan sa mga pampasaherong dyip
sa McArtur H-way sa Bulacan. Inutil ditto ang mga PARAK.
Baka may WEEKLY TARA sila sa mga hoodlums?

---$$---
MAGKAKASALUNGAT pa rin ang opinion ng mga SPORTS OFFICIALS
kaugnay ng pagkakabasura ng basketball event sa SEAGames.
ENGOT kasi ang mga kolokoy.

---$$---
NABOBOLA kasi ng PBA at PBL ang Philippine Olympic Committee (POC)
para NEGOSYOHIN ang amateur basketball.
Ayun, sinuspinde ang BAP kahit LABAG sa batas. Lintekkkkk!

---$$---
HINDI na babalik sa Maynila si PBA superstar Rudy Harfield.
Dalawang AKTRES na naging HANGGANG PIER. Ha! Ha! Ha!

---$$---
BUMABA na ang presyo ng produktong petrolyo sa world market.
Hayy, salamat! Maitataas na ng KUMARE ko ang kanyang PANTY.

---$$---
MARAMING parak ang nagugutom dahil sa pagkawala ng jueteng.
Nagugutom din ang ilang MEDIA na umoorbit sa mga gambling operators.
Tuyo talaga ang Pasko sa lahat ng sektor—LEGAL o ILEGAL MAN ang trabaho.

---30---

Saturday, November 19, 2005

nag-panic sa bird flu

Editorial (20Nob05)

HUMINGI na ng saklolo sa buong daigdig ang China dahil sa hindi masawatang pamemeste ng bird flu. Kahit anong klase ng pagku-quarantine o paggamot ay hindi mapigil ang pagkalat ng avian influenza virus kung saan libo-libong manok na ang kinatay at sinunog sa naturang bansa.
Dahil dito, magpupulong na sina US president George Bush, Russian President Vladimir Putin, Japanese Prime Minister Junichiro Koizumi at Chinese President Hun Juntao. Maging ang komunistang North Korea ay nagpa-panic kaya nagpahayag silang makikiisa sa mga kalaban nilang bansa upang mapigil lamang ang bird flu.
Ayon sa World Health Organization, aabot na sa 67 katao ang namatay sa bird flu at karamihan ditto ay mula sa Vietnam at Thailand. Kamakailan lamang ay nagbabala na rin ang Indonesia na malilipol ang may 50 milyong katao sakaling kumalat ang pandemic na bird flu sa buong mundo higit nang 10 doble sa bilang ng namatay sa trahedya ng tsunami sa kanilang bansa.
Magiging pangunahing agenda sa pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ang pagsawata sa bird flu pero nagdududa ang mga eksperto kung masosolusyunan ang pesteng ito.
Sa ngayon, walang pinakamabuting gawin kundi lipulin ang mga hayop na may balahibo at sabayan ang magdasal na sanay hindi madamay ang mga Pinoy na napipintong pagkalipol ng populasyon sa ibabaw ng lupa.
---30---

traydor

Bistado (20Nob05)


INAMIN ni retired Gen. Fortunato Abat na bumubuwelo si ex-President FVR upang mapabagsak si Ate Glo.
He, he, he, hindi talaga nauubos ang mga TRAYDOR.

---$$---
NILALAMON ng apoy ang 2,000 ektaryang lupain sa California.
Nalipat ang IMPIYERNO mula sa Iraq tungo sa US.

---$$-
Dedbol ang 82 katao sa panibagong suicide bombing sa Iraq.
Bakit kaya walang KANO ang nagsu-suicide BOMBERS.
Kasi’y sila ang pinakadakilang DUWAG.

---$$---
INAMIN dawn g TMG ang pag-ambush sa mga carnappers sa Ortigas.
Sige, pa, marami pang AAMININ yan.

----$$---
NATAHIMIK na si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn kaugnay ng JUETENG.
Baka kumita na rin siya.

----$$---
SINO daw ba ang BACKER ni Rep. Prospero Pichay dahil naglakas loob itong hamunin si Speaker JDV.
Sino pa, e di si MJ.
Huhh, Mark Jimenez po!
Mano po!

------$$--
MUKHANG may NEWS BLACKOUT sa pagbabalik ni MJ.
Sino-sino kaya ang kumita-kita ditto?


-----$$---
TEPOK ang apat katao nang sumabog ang BOMBA na naiwan noong World War II sa Cavite.
Hanggang ngayon ay NAKAPAPATAY pa ang mga HAPON.

------$$--
NA-STRANDED ang daan-daang pasahero sa Bicol at Samar dahil sa bagyong PEPING kahapon.
Mas matindi riyan ang BAGYONG ENRILE na papanot sa kabundukan ng SAMAR.

----$$--
NATUPOK ang mga manuscript at MEMORABILIA ni national artist NVM Gonzalez.
Namatay ang mga WALANG KAMATAYAN niyang AKDA.

----30—

Thursday, November 17, 2005

giyera

Bistado(18Nob05)


DALAWANG katao pa ang namatay sanhi ng bird flu sa Indonesia.
Nanangkupoooo!

----$$--
LIBO-LIBONG residente ang nag-evacuate dahil sa bakbakan ng AFP at Abu Sayyaf sa Sulu.
Nagsisimula na ang GIYERA SIBIL.

---$$--
PINAGTATAKPAN ng DOJ ang anim na US Marines na inakusahang nanggahasa ng Pinay sa Subic.
Pukawnamooooo!

---$$---
BANTAY-SARADO raw ang pulisya kontra sa CARNAPPERS.
Kunwari.

-----$$-
PAANO mahuhuli ng mga parak ang mga carnappers gayung KAPWA PULIS ang pangunahing suspek.
Niloloko nila ang taumbayan.

----$$--
BAKIT kaya hindi nasisibak si NCRPO Chief Vidal Querol gayung hindi mapigil ang krimen sa MetroManila at sala-salabat ang hodap at illegal gambling.
Kapag ipinatupad ang ONE-STRIKE POLICY, dapat ay matagal na siyang NASIBAK.

----$$---
DEDBOL ang apat katao at 13 ang grabe nang bungguin ng pampasaherong dyip ang isang truck sa NLEX kahapon.
Akala kasi ng DRAYBER ay isa siyang PILOTO ng PAL.

-----$$---
ISINALIN na rin sa TEXT FORM ang BIBLE.
Tsk, tsk, tsk, nai-CAPSULIZED na rin si Lord?

----$$--
MAGING ang mga akda ni William Shakespeare ay mayroon na ring TEXT VERSION.
Ano ba yannnn?

-----$$--
BINABALAK ko ring isalin ang Noli at Fili ni Dr. Jose Rizal sa TEXT EDITION.
Mag-klik kaya?
Abangan!

----30—

cyber age

EDITORIAL

NAKAKABAHALA ang modernisasyon na tangay ng cyber age. Hamakin mong popular na popular sa Europe ang text form ng Bibliya at mga akda ni William Shakespeare.
Excited ang mga literary writers dahil mabilis na kakalat ang English literature sa buong daigdig at agarang maikakalat naman ang Kristiyanismo sa buong mundo particular sa mga bansang “walang diyos” tulad ng China.
Pero, nababahala ang mga linquist o yung mga dalubhasa sa wika dahil nabababoy ang mismong lengguwahe at ispeling ng kataga dahil sa naka-shorkat na pagbabaybay.
Sa Pilipinas, wala pang nagtatangka na isalin sa text form ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal pero may ilan-ilan na humahalaw sa ilang saknong ni Gat. Francisco Balagtas mula sa Florante at Laura.
Sa totoo, isang grupo ng mga makata ang nagpa-contest ng HAIKU o munting tula gamit ang text messages na sintomas na maging ang panitikang ay sumasabay sa modernisasyon.
Ang problema, marami pa rin ang yumayakap sa prinsipyong dapat panatiliin ang katutubong wika sa orihinal na porma nito kaya’t nagmumukhang baduy sa mata ng kasalukuyang henerasyon.
Kahit ang pagtatangka na isa-Tagalog o isalin sa Wikang Filipino ang mga entradang kataga sa internet ay nagiging CORNY sa mata ng modernong kabataan. Napapagitna tayo ngayon sa isang napakabilis na pagbabago kung saan naiiwanan sa kangkungan ang mga nagpapakilang eksperto sa lengguwaheng Pinoy. Magkaroon sana ng seryosong pagsasaliksik sa nagbabagong lengguwaheng Pinoy para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
---30---

Wednesday, November 16, 2005

suntok sa buwan

editorial (17Nob05)

INUUPAKAN ng administrasyon ang media na inaakusahan nilang panay negatibo ang inilalabas na ulat. Hindi yata makatarungan ang naturang batikos kasi’y imposibleng ang lahat ng media outfit ay ganyan ang maging diskarte sa kanilang negosyo. Maaring may media outfit na may kinakampihan pero imposibleng ganyan din ang maging maniobra ng lahat ng mamamahayag.
Kung may kinakampihan ang isang media entity, karapatan din nilang ihayag ang kanilang paniniwala kasi’y may pribado silang kapasidad. Tulad din naman iyan ng mga government network na panay pabor sa gobyerno o administrasyong Arroyo ang inilalabas.
Ibig sabihin, patas-patas din ang labanan. Gayunman, marami pa ring media outfit ang nagsisikap na maging patas ang pag-uulat pero ang pagpili ng artikulo at pagbibigay ng opinion ay “personal choice” din naman ng mga kolumnista at manunulat at may kalayaan ang editors na ipatas ang presentasyon sa personal niyang pamamaraan.
Maaring tabihan ng magkasalungat ng opinion ang isang artikulo upang maging patas ang presentasyon at may oportunidad ang mambabasa o tagapakinig na pumili ng panig kung alin ang nakakamukha ng kanyang paniniwala.
Kung ang nais ni Ate Glo na kumampi sa kanya ang lahat ng media—iyan ang tinatawag na SUNTOK-SA-BUWAN. Sintomas na iyan ng tinatawag na PARANOIA.---30---.

tumba

Bistado (17Nob05)


IMPOSIBLE raw na maipagpaliban pa ang Pasko.
Kaya’t naghahanap na ng PAGTATAGUAN ang mga Ninong.

---$$---
GINUNITA ang anibersaryo ng MASAKER SA HACIENDA LUISITA.
Hindi kompleto ang selebrasyon nang WALANG TUTUMBA.
Itutumbang BOTE NG BEER.

---$$---
ILANG araw na lamang at magsisimula na ang 23rd SEAGames.
Pero, marami pang VENUE ang hindi pa naaayos.
Isang malaking kahihiyan ito.

---$$---
NAGSIMULA na ang registration para sa ABSENTEE VOTERS na OFWs.
Nagsimula na rin ang dayaan sa 2007 elections.

---$$---
INATAKE na naman ng BIRD FLU ang isa pang liblib na lugar sa China.
Tsk, tsk, tsk, hindi na talaga ito MASUSUGPO.

---$$---
NAWASAK ang mga hybrid rice sa Bulacan.
Nagtatago na ang mga gov’t technicians na hinahanting ng mga magsasaka.

---$$---
RECORD harvests ang naitatala ng HYBRID RICE.
Naitatala nito ang PINAKAMALAKING ANI ng mga magsasaka.
Pero, kapag inatake ng VIRUS, PINAKAMALIIT NA ANI rin ang naitatala rin ng mga nagsipagtanim higit na mababa kaysa sa ordinaryong binhi.

---$$---
MAS marami raw OFW sang nag-aabroad ngayon kompara last year.
Takot kasi silang MAMATAY sa gutom.

---$$---
NAKORNER na raw ng AFP si Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani.
Na namannnnn!

---$$---
HINIMOK ni US Prez George Bush ang China na ipatupad ang DEMOKRASYA sa naturang bansa.
Ha! Ha! Ha!

---$$---
DUMARAMI raw ang quack doctors.
At marami ditto ay NAKAPASOK SA GOV’T HOSPITALS.

---30—

Tuesday, November 15, 2005

closed book ka diyan!

Bistado (16Nob05)


SABI ng Malacanang: Closed Book na ang “Hello Garci”.
Iyun ang akala nila.

---$$--
NAGBABANTA ang bagyong “Pepeng” sa Visayas.
Ninenerbiyos si Sen. Juan Ponce Enrile.
Baka kasi magka-LANDSLIDE sa SAMAR.
Purnada ang kanyang I- “LEGAL LOGGING”.

---$$---
PINALILIPAT ng abogada ng rape victims ng 6 US Marines ang pagdinig ng kaso sa Maynila.
Para PUTAKTIHIN ng demonstrador.

---$$---
NAKUBKOB ng military ang kampo ng Abu Syyaf sa Indanan, Sulu.
Pero, wala silang NAHULI kundi mga LANGGAM at DAGA.

---$$--
NAKIKIUSAP ang International Red Cross na tulungan ng mundo ang nagugutom na 350,000 Iraqis.
Lintek, bakit hindi nila IHINGI NG TULONG sa mga KANO.
Bwisettttt!

---$$---
BUBUKSAN ang dambuhalang aquarium sa Atlanta, USA.
Hindi nilinaw kung ipadadala ditto ang mga BUWAYA sa Kongreso.

---$$---
KAKARAMPOT na lamang ang mga foreign students sa United States.
Pinandidirihan kasi ngayon sa buong MUNDO ang US.
Higit pa sila sa may KETONG at may AIDS virus.

---$$--
MARAMI ang naghihintay sa pagbabalik ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez.
Lalo na yung mga WALANG DATUNG.

---$$--
HINDI pinayagan ng Ombudsman si Pareng Erap na makadalo sa high school jubilee.
Kalahating milyon piso kasi ang GASTUSIN sa kanyang pagdalo.
Napurnada ang GRAND ENTRANCE.

---30—

bad cops

Editorial (15Nob05)

HALOS lahat ng krimen sa MetroManila ay kinasasangkutan ng mga parak. Sala-salabat ang carnapping, kidnap for ransom, holdap, prostitusyon illegal drugs at illegal gambling.
Pinakatalamak dito ang illegal na gambling kung saan tumatanggap ng lingguhan tara ang mga hepe ng pulisya. Natahimik ang isyu sa jueteng pero laganap naman ang video karera, video prutas, bookies sa horseracing, color game sa perya at saklang patay.
Inutil ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Gen. Vidal Querol sa illegal gambling tulad din naman ng paglaganap ng kriminalidad sa buong MetroManila. Inaasahang magiging grabe ang krimen at illegal na sugal sa mga susunod na araw dahil nalalapit na ang Kapaskuhan.
Hindi naman natin masisi ang mga pulis na kunsintehin ang illegal na sugal kasi’y kakarampot din ang kanilang suweldo kaya’t sinisikap nilang dagdagan ito mula sa ektrang “kotong” mula sa illegal gambling.
Ang iba namang parak na higit na malakas ang loob ay pikit-matang sumasama sa panghoholdap, pangingidnap, pagbebenta ng illegal drugs.
Sana’y makatuklas ng solusyon si PNP Chief Arturo Lomibao kung paano malulutas ang krimen at mababawasan ang pagkakasangkot ng miyembro ng pulisya sa mga illegal aktibidad.
Magawa kaya niya ito?Abangan!
---30---

Friday, November 11, 2005

child porno

Bistado (13Nob05)

LAGANAP daw ang child pornography sa internet.
Isang epidemya ito na walang SOLUSYON.

---$$---
KAPAG may krisis lalong nagiging grabe ang prostitution.
Kaysa nga naman mamamatay sa gutom.
Mas mainam na magbenta ng “hilaw ng laman”.
Hindi kaya nakokonsensiya si Ate Glo.

---$$---
GUSTO ng MILF na palayain na ng gobyerno si MNLF founder Nur Misuari.
Huh, delikadong ma-SALVAGE siya.

---$$---
NAGBABA na ng presyo ang ilang gas station.
Para itaas uli sa mga susunod na arw.

---$$---
NAGBALIK sa gitna ng kalsada ang mga SURVIVORS ng water cannon.
Hindi na raw “RALISTA” ang tawag sa kanila ngayon.
Sila ang mga MILITANTENG SIRENA.

---$$---
HINDI raw natatakot si Fr. Robert Reyes kahit MAGKAYUKO-YUKO kapag binobomba ng tubig.
Siya naman ang bagong KAMPANERONG KUBA.

---$$---
MARAMI nang kumpanya ang nagbigay ng KALAHATI ng kanilang 13th month pay.
Huhhh, baka maubos yan.
Mawalan ng PAMASKO ang kanilang mga anak.

---$$---
AYAW pa ring mag-sorry ni Ate Glo sa pangli-LIBELO kay ABS-CBN broadcaster Julius Babao.
Baka kasi SUMIKAT pa ito.

---$$---
NATAHIMIK ang rumor na sangkot si Tabako sa kudeta sa Pasko.
He, he, he!

---$$---
NAGBAWAS singil sa pasahe ang Cebu Pacific.
Hindi kaya NAGTAPYAS din sila ng pakpak ng eroplano?
---$$---

INAMIN ng mga terror suspects na pasasabugin sana nila ang isang KORTE SA MAKATI.
Hindi ka babawiin din nila yan kapag nakalaya sa PAGTORTIYUR ng mga parak?

---30--

matutong magpatawad

editorial (13Nobo5)

HINILING ng isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gobyerno na palayain na si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari. Magandang eksampol ito ng pagiging maka-Diyos lalo pa't nalalapit na ang Kapaskuhan. Dumaranas ngayon ng sakit na rayuma at diperensiya sa puso si Misuari na inakusahan na nagbubunsod ng pag-aalsa sa Mindanao. Nakakulong ngayon si Misuari sa Sta Rosa, Laguna.
Sana'y matutuhan ni Ate Glo na magpatawad ng mga taong nagkakasala dahil ito mismo ang magpapaganda ng kanyang imahe sa taumbayan. Mainam din kung bibigyan din niya ng pagkakataon si Pareng Erap na mabiyayan ng house arrest kahit sa panahon ng Kapaskuhan.
Ang pagtatag ng piso kontra dolyar sa kabila ng implementasyon ng EVAT at pagtataas ng presyo ng mga bilihin ay isang positibong iskor ni Ate Glo at kung sasabayan pa ito ng makataong pagtrato sa kanyang mga kalaban ay malinaw na makakabawi siya sa masamang reputasyong ikinukulapol sa kanya ng oposisyon.
Mahirap bang magpatawad ng mga kaaway sa panahon ng Kapaskuhan?
Ano ba ang diwa ng Pasko? Sana'y maramdaman natin ito bago malipol ang populasyon ng buong mundo ng nakakatakot na bird flu.
---30---

pikon na si ate

editorial (12Nob05)

INUPAKAN naman ni Ate Glo ang media sa pagsasabing hindi ito patas sapagkat laging ibinabalita ang isyu hinggil sa mga talunan sa eleksiyon imbes ang ulat sa kanyang aktibidad gayong siya ang nahalal sa nagdaang halalan.
Hindi na natuto sa kasaysayan si Ate Glo kung saan inupakan ni Pareng Erap sa isang pangunahing broad sheet newspaper bago siya napabagsak sa Malacanang.
Ngayon, halos nilalahat na naman ni Ate Glo ang mga taga-media partikular ang broadcast journalist na nagtutulong na ibagsak ang kanyang administrasyon.
Mukhang napa-paranoid na ang babae sa Malacanang dahil nalimutan niya ang ilang pahayagan, radio station at television networks na nananatiling sipsip sa kanyang pundiya.
Walang duda na napipikon na si Ate Glo at mistulang pag-amin ito na inutil ang kanyang pinasusuweldong MEDIA czar kung saan ibinubulsa lamang ang PR fund kaya't pinagpipiyestahan siya ng mga journalist.
Pag-amin din ito na natatalo ang Malacanang sa psywar at media exposures. Dapat ay sibakin agad ni Ate Glo ang kayang media advisers at mga alipures bago matulad ang kanyang kapalaran kay Pareng Erap.
---30---

maldita

Bistado (12Nob05)

INAKUSAHAN ni Ate Glo ang media practioners bilang BAD BOY.
Igalang po natin ang mensahe ng isang MALDITA.

---$$---
NATUKLASAN sa Compostela Valley sa Mindanao ang PINAKADAMBUHALANG BULAKLAK.
Bubuka ang bulaklak, papasok ang Reyna.
Buntiyaya, buntiyaya, bunyeye!

---$$---
AYON kay DILG Sec. Angelo Reyes, hindi raw dapat paniwalaan ang VIDEO CLIP kung paano sinalvage ang isang grupo ng mga suspected carnappers.
He, he, he, may maniwala naman kaya sa kanya?

---$$---
NAPADPAD sa cybersex web site ang Blackn-white Movement.
Okey lang, PLENTY OF SEX din naman ang kanilang kalaban eh.

---$$---
NAGREKLAMO sa DOLE ang 24 farmer-worker ni FG Mike sa Negros dahil hindi raw sila pinasusuweldo.
Pasensiya na kayo mga iho, WALANG OPERASYON ang jueteng eh.

---$$---
PINALILIKAS na ang mga residente ng Quezon dahil sa bagyong ONDOY.
Ang mga taga-SAMAR, hindi ba ie-EVACUATE dahil sa bagyong ENRILE?

---$$---
IDADAAN daw sa botohan kung babawasan ang 6-year term ni Ate Glo.
Huhhh, e di, tiyak na MANANATILI rin siya.
COMELEC din kasi ang mangangasiwa.

---$$---
IMPLEMENTASYON daw ng EVAT ang nagpatatag sa PISO.
Lintekkkk.
Hindi ba't ang DOLLAR REMITTANCES ng mga OFWs?

---$$---
BABALIKATIN daw ng mga kaklase ni Pareng Erap ang P500,000 gastusin sa pagdalo ng dating pangulo sa kanilang Ateneo High School Jubilee.
Kaysarap maging BILANGGO.

---30---

matutong magpatawad

editorial (14Nobo5)

HINILING ng isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa gobyerno na palayain na si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari. Magandang eksampol ito ng pagiging maka-Diyos lalo pa't nalalapit na ang Kapaskuhan. Dumaranas ngayon ng sakit na rayuma at diperensiya sa puso si Misuari na inakusahan na nagbubunsod ng pag-aalsa sa Mindanao. Nakakulong ngayon si Misuari sa Sta Rosa, Laguna.
Sana'y matutuhan ni Ate Glo na magpatawad ng mga taong nagkakasala dahil ito mismo ang magpapaganda ng kanyang imahe sa taumbayan. Mainam din kung bibigyan din niya ng pagkakataon si Pareng Erap na mabiyayan ng house arrest kahit sa panahon ng Kapaskuhan.
Ang pagtatag ng piso kontra dolyar sa kabila ng implementasyon ng EVAT at pagtataas ng presyo ng mga bilihin ay isang positibong iskor ni Ate Glo at kung sasabayan pa ito ng makataong pagtrato sa kanyang mga kalaban ay malinaw na makakabawi siya sa masamang reputasyong ikinukulapol sa kanya ng oposisyon.
Mahirap bang magpatawad ng mga kaaway sa panahon ng Kapaskuhan?
Ano ba ang diwa ng Pasko? Sana'y maramdaman natin ito bago malipol ang populasyon ng buong mundo ng nakakatakot na bird flu.
---30---

Monday, November 07, 2005

bigo si Bush

editorial (08Nob05)

NABIGO si US President George Bush na kumbinsehin ang 34-nation Summit of Americas” na yakapin ang sistemang “FREE TRADE” o ang tinatawag na globalisasyon sa transaksiyong pang-ekonomiya. Pinamunuan ni Venezuela President Hugo Chavez ang limang bansa upang supalpalin ang agenda ni Uncle Sam na ipatupad ang free trade sa naturang bloke ng mga bansa sa paniniwalang hindi pa handa ang daigdig para dito kung saan ang tanging mamumunini o makikinabang ay ang malalaking bansa tulad ng United States.
Gayunman, sisikapin pa rin ni Bush ang ikampanya ang naturang agenda sa World Trade Organization meeting sa Hongkong sa susunod na buwan.
Sa totoo lang, tanging ang malalaking bansa lamang ang nakikinabang sa globalization kasi’y may sapat silang puhunan kumpara sa mga naghihirap na bansa na nananatiling tagabili o konsiyumer pero hindi kailanman magiging manufacturers o producers.
Pinakamasamang halimbawa dito ay ang pagdagsa ng mga imported rice, imported vegetables at imported na pagkain mula sa iba’t ibang bansa. Ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay at gulay at mga nag-aalaga ng hayop ay mababangkarote dahil babaha sa merkado ang mga produktong may mababang presyo pero may masamang kalidad dahil sa “pesticide” na inilalagay dito upang manatiling sariwa ang pagkain sa panahon ng tranportasyon.
Hindi lamang pababagsakin ang mga maliliit na negosyante ng globalisasyon kundi manganganib din ang kalusugan ng mga konsiyumer.
Sakaling ipatupad ang Free Trade, mananatiling konsiyumer ang mga Pinoy ng imported goods, at mananatiling negosyante ang malalaking bansa.
Kumbaga, hindi mapapatid ang kadena sa kamay at paa ni Juan na ikinabit ng mga dayuhan.
---30---

lihis na balita

Bistado (08Nob05)

TULAD ng binanggit natin kahapon,
IBANG PUTOL ang naaresto ng mga kolokoy na parak.
Mahina talaga ang KUKOTE ng mga awtoridad.
Pati si Ate Glo ay KINUKURYENTE.

---$$---
DESIDIDO ang rape victim ng anim na US Marines na ituloy ang kaso.
Kasi naman ay wala pang INAALOK NA BAYAD.

---$$---
MAGBABANTAY ang 15,000 pulis sa pagdaraos ng SEAGames sa Maynila.
He, he, he, hindi kaya sila ay mga BANTAY-SALAKAY?

---$$---
IPINIPILIT ng mga obrero ang P125 daily minimum wage increase.
Parang pinipilit nilang MAGSARADO na rin ang mga kompanya.

---$$---
ITINANGGI ng AFP na tinitiktikan nila si FVR.
Pero, hindi nila itinanggi na DPA nila si ex-FL Ming.

---$$---
INAKUSAHAN ni terror suspect Tyron “Dawud” Santos na ginagamit SIYA
ng ABS-CBN nang kapanayamin siya mismo ni VP Noli de Castro.
Panibagong kaso ng “LIHIS NA BALITA” ng media outfit ng Pamilya Lopez.

---$$---
NAIS bilhin ng MetroPacific ni Manny Pangilinan ang sosyo ng mga Lopez
sa North Expressway.Tsk, tsk, tsk, talagang TUMATABO kasi ang mga demonyitos.

---$$---
KAKAUNTI lang daw ang INAANING PALAY ng mga magsasaka ngayon.
O, baka itinatago lang ng RICE CARTEL?

---$$---
MABILIS daw dumami ang DAMBUHALANG FRUIT BAT sa mga kabundukan.
Pero mas mabilis dumami ang BLOOD BAT sa Malacanang.

---$$---
ITATALAGANG bagong ambassador ng US sa Pilipinas
si Kristie A. Kenney ng Virginia, USA.
Siya ang unang BABAE na magiging ambasadora sa Maynila.
Siya rin kaya ang unang VIRGIN ambassador?

---$$---
BINAWASAN ni ex-Sen. Loren Legarda ang mga BALLOT BOX
na ipinoprotesta niya kontra kay Vice Noli.
Hindi kasya kasi ang kanyang PAMBAYAD sa mga magbibilang.

---30---

Friday, November 04, 2005

hilo si ate glo

bistado (05Nob05)

DEDBOL ang 4,000 ibon sa panibagong pananaklot ng AVIAN FLU sa Vietnam.
Huhhh, DAGAT lang ang pagitan nito sa PILIPINAS.
Kayang ILIPAD ang VIRUS tungo sa Palawan.

---$$$---
ARESTADO ang anim na US marines sa panggagahasa sa isang PINAY sa Subic Bay.
Tsk, tsk, tsk, hindi kaya magpa-AREGLO lang yan?
Pag SINUPALPALAN ng DOLYARES?

---$$---
PINAGTAWANAN lang ni Sen. Miriam Taray ang tsismis sa KUDETA.
Sepsepppp!

---$$---
BABAWASAN daw ang INCOME TAX ng mga obrero.
Lintek, dapat ay EXEMPTED ang mga obrero sa buwis.
Kasi'y KULANG ang SUWELDO sa pangangailangan ng pamilya.
Mga hinayupakkkkkkk!

---$$---
MAS mainam kung ang lahat ng RANK-AND-FILE employees ay awtomatikong EXEMPTED SA BUWIS.
Pag bayarin na lamang ang mga EXECUTIVES at DIRECTORS ng mga kompanya.
Bwisettttt!

---$$---
MAGRERETIRO na si Supreme Court Chief Justice Hilario Davide.
Mainam yan.Nang magkaroon naman ng JUSTICE ang mga Pinoy.

---$$---
ISA sa pinakamalaking kasalanan ni Davide ay ang pagkunsinte kay Ate Glo na maupo gayong hindi nagre-RESIGN si Pareng Erap.
Kahinaan yan ng UTAK kung hindi man isang KLASE ng CORRUPTION sa pinakamataas na antas.

---$$---
NAGWAKAS na ang RAMADAN.
Pwede nang DUMANAK muli ang DUGO sa tigang na lupa.

---$$---
PUMAYAG na raw si Ate Glo na PAIKLIIN ang kanyang 6-year term.
Ha! Ha! Ha! Hi! Hi! Hi! Ho! Ho! Ho! Ho!
Ano siya HILO?

---$$---
NAGMAMANTINE ng BILANGGUAN ang CIA sa walong bansa.
Demonyo talaga ang mga yan ehhh!

---$$---
HALOS umabot sa 100,000 katao ang namatay sa nagdaang lindol sa Pakistan.
Hindi malayong kasama na dito si Osama bin Laden.
---30---

walang kapatawaran

Editorial (o5Nob05)

IPINALILITAW ng magkasapakat na sina dating Pangulong Fidel Ramos at Speaker Jose de Venecia na sumang-ayon na sa isang kasunduan si Ate Glo upang paikliin nito ang 6-year term upang bigyan-daan ang Charter Change na nagtatadhana ng unicameral system o pagtitindig ng isang Parliamentary System.
Ginagawang ugok nina Tabako at Kuneho ang katinuan ng mga Pinoy. Imposibleng pumayag dito si Ate Glo. Siya pa? Nakakatawa ang ipinalalabas na mga pabalita dahil pumayag daw si Ate Glo na maging transition president at aaktong figure head o honorary president mula 2007 hanggang 2010. Imposible yan at isang klase ng panloloko sa taumbayan kakutsaba ang media.
Sa totoo lang, nagmumula rin sa press release ng Malacanang na ngayon pa lamang nagdedebate at kumokonsulta ang inimbento nilang Consultative Commission (ConCom) sa mga lalawigan at wala pang kongkretong rekomendasyon ang mga "TUTA" kung anong klase ng gobyerno, anong sistema o anong maniobra ang gagawin bago pagtibayin ng Kongreso at bago rin lagdaan ni Ate Glo na rekititos upang maging tunay na BATAS.
Nangangahulugan bang dinidiktahan nina FVR at JDV ang ConCom at alam na nila kung ano ang magiging rekomendasyon? Isang malaking kahangalan ito. Isang pang-iinsulto ito sa taumbayan. Isang klase ito ng corruption sapagkat nilulustay ang salapi ng bayan upang LUTUIN MISMO ang 86 milyong Pinoy sa sarili nilang MANTIKA.
Nakapagtatakang tahimik ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginagawang pamba-BLACKMAIL at pangho-HOSTAGE ng dalawang laos na politiko sa kanilang commander-in-chief at Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Hindi ito biro!Paglabag na ito sa Konstitusyon--isang walang kapatawarang kasalanan kay Juan.
---30---

Thursday, November 03, 2005

uhaaaaaa

bistado (04Nob05)


TUMAAS na ang presyo ng mga delatang gatas.
Uha! Uhaa! Uhaaaaaa!

---$$---
MATATAG ang PISO kontra dolyar.
Dahil sa REMITTANCES ng mga suspected terrorists.

---$$$---
PAYAG na rin pala si Ate Glo sa Charter Change.
Yun ang akala ninyo.

---$$---
OKEY daw sa Malacanang ang LEGISLATIVE WAGE INCREASE.
Kunwari.

---$$---
ISINAGAWA ang isang CLOSED-DOOR session ng US congress kaugnay sa Iraq.
Pinag-usapan nila kung paano AATRAS sa Baghdad ang US troops nang hindi nakakahiya.

---$$---
DUMARAMI na ang kaso ng pagnanakaw.
Sintomas ito ng pagdarahop.

---$$---
SUNOD-SUNOD din ang kaso ng PAGPAPATIWAKAL.
SHORKAT kasi ito sa pagresolba ng problema.

---$$---
NADAGDAGAN din ang mga NABABALIW dahil sa krisis.
At mga NAGBABALIW-BALIWAN.

---$$---
Excuse kasi ang mga BALIW sa PAGTATRABAHO.
At sa pagbabayad ng UTANG.

---$$---
MARAMI nang kabataan ang nagugumong sa CYBERSEX.
Iyan ang PANDEMIC sa modernong henerasyon.
-----30--

maawa naman kayo!

Editorial (o4Nob05)

TUMAAS na ang presyo ng condensed milk, fruit cocktail at iba pang gatas. Maselan ang pagtaas nito, kasi ang mga nagdarahop pamilya na walang pambili ng mga mamahaling infant formula para sa kanilang malnourished na sanggol ay nagkakasya lamang sa ganitong pagpapasuso kay baby.
Kapag naubos ang gatas na kondensada, sasalitan na lamang ito ng kape para huwag umiyak sa baby. Kaawa-awa ngayon ang buhay ng mga sanggol. Dapat ay gumawa ang gobyerno ng sistematikong programa upang matukoy nang aktuwal at malinaw kung sino-sino o alin-aling pamilya ang nagdarahop sa kasuluk-sulukang barangay sa buong bansa.
Hindi na pinag-uusapan dito ang pagtitipid o pagtatrabaho kundi kailangang sagipin sa malnutrisyon, pagkakasakit at pagkamatay ang mga sanggol na maaapektuhan ng implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
May istatistika o record ba ang Department of Social Services ang Development (DSWD) kung alin-aling pamilya ang may bagong silang na sanggol? Dapat ding matukoy ang mga paslit na wala pang edad siete-anyos upang matulungan sila na mabigyan ng masusustansiyang pagkain.
Dapat ay ilaan ng gobyerno ang ilang PORSIYENTO ng kikitain sa EVAT upang mabigyan ng libreng pagkain ang mga kabataang nagdarahop.
Ipagdasal nating seryosohin ng gobyerno ang mungkahing ito.
Para na nilang AWA.
---30---