Sunday, November 25, 2012
Saturday, November 24, 2012
RUBBER STAMP (Made in Recto ave.) VS CHINA
LINSIYAK, pesteng Tsekwa ini.
Isipin mong imarka ng China
ang mapa ng Spratlys at Himalayan sa mga pasaporte ng kanilang mga mamamayan
upang palakasin ang pag-angkin sa mga naturang teritoryo na itinuturing na
pag-aari ng ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Napikon ang Vietnam at
Pilipinas sa pagmamarka ng Spratlys sa Chinese passport; at nagalit naman ang India dahil isinama rin
sa mapa ng China ang ilang bahagi ng Himalayan bilang kanilang teritoryo.
Pero nakapagtatakang hindi
isinamanng China ang mga
isla na pinag-aawayan naman nila ng Japan .
Takot talaga sila sa Japanese
Imperial Army , pero di sila takot sa Pinoy at sa Bumbay.
Tulad ng dati-- DAKDAK,
dakdak, at dakdak ang ginagawa ng Pilipinas.
Pero, hindi dakdak ang ginawa ng India .
Desisyon at aksiyon ang
ginawang resbak ng India .
Ang bawat pasaporte ng mga
Tsino na pumupunta sa India —ay
minamarkahan naman ng Indian immigration ng “MAPA NG INDIA ”
na sumasakop naman sa Himalayan na inaangkin ng China .
Yan ang tama, aksiyon at
hindi dakdak.
Kumbaga, imbes na NGUMAKNGAK
si PNoy, dapat niyang iutos agad sa Bureau of Immigration na magpagawa ng RUBBER
STAMP (may okey sa Recto avenue, mura lang!!), na imamarka rin sa PASAPORTE ng mga Tsino na
papasok sa Pilipinas.
Nakaukit sa rubber stamp ang
MAPA ng Pilipinas na sumasakop sa Spratlys, tingnan natin kung HINDI
MASISIYAHAN ang mga Chinese sa ganyang diskarte.
Kung ang paniniwala ng China ay tama at wala silang nilalabag na batas,
aba’y tiyak na TAMA rin ang ginawa ng INDIA na pwedeng kopyahin ng
Pilipinas.
Ang problema, MAY YAGBOLS ba
si PNoy na umaksiyon at magdesisyon nang ganyan klase ng diskarte imbes na
DUMAKDAK NANG DUMAKDAK?
Hige lang.
Hige lang.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper for Nov. 25, 2012
issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)
SA WAKAS, PAHINGA NA SI PNOY
MAINAM naman at nagdesisyon
na si PNoy na MAMAHINGA.
Sinunod niya ang PAYO ng
DOKTOR.
Yan ang GUDBOY!!!
-----$$$---
NANG marinig ang balita na
MAGPAPAHINGA na si PNOY, hindi kaya NAGTATALON sa tuwa si Vice Jojo Binay?
Malamang.
Pero, nadismaya siya nang
linawin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na 2-DAY rest lang ang pahinga
ni PNoy.
Ngekkk!!!!
Namutla lalo si Binay.
----$$$---
MALAKING bagay ang DALAWANG
ARAW na pahinga.
Malaki-laking SCORE din yan
sa computer games.
At ilang KAHA kaya ng YOSI
ang maigugupo niya?
-----$$$--
TAMA po kayo.
Sinunod ni PNoy ang payo ng doktor
na MAMAHINGA.
Pero nilinaw din ni Lacierda
na hindi susundin ni PNoy ang payo ng doktor na TUMIGIL sa paninigarilyo.
Oooppss, kumbaga, PAHINGA ang
kanyang KATAWAN, pero ang kanyang LUNGS ay patuloy na KAYOD-KALABAW sa paghigop
ng malinis na hangin.
Tsk, tsk, tsk.
-----$$$--
MAY nagtatanong:
May epekto ba kay PNoy kapag
napagtibay ang SIN TAX na magtataas sa presyo ng sigarilyo?
Ang sagot: WALA.
Marami kasi siyang ISTAK.
-----$$$--
KUNG ang inyong abang lingkod
ang tatanungin, ano daw ang MAIPAPAYO ko kay PNoy?
Biglang sumagi sa isip ko ang
pinakapopular na naging doktor sa Balagtas, Bulacan na si DR. MARIO PUATU na
akin ding kabarangay sa Barrio Longos.
Nang magkaedad siya nang
sitenta –anyos ay bibihira na siyang MANGGAMOT.
Humina na kasi ang kanyang
resistensiya.
Natuto siyang uminom ng alak
at manigarilyo.
Pinayuhan siya ng KAPWA niya
doktor na TUMIGIL sa paninigarilyo.
Ano ang ginawa niya?
HINDI po niya sinunod ang payo ng kapwa doktor.
HINDI po niya sinunod ang payo ng kapwa doktor.
Bakit? Ano ang kanyang
katwiran?
Ang sabi niya: “Hindi ako
titigil sa paninigarilyo, doon ako masaya. Bakit ako gagawa ng isang bagay na
IKALULUNGKOT ko?, tutal ay lahat naman ng mga TAO ay BABAWIAN din ng buhay.”
Hindi ako ang may sabi niyan.
Hindi si PNoy ang maysabi
niyan.
Isang batikang doktor ang
maysabi niyan.
“Happy Yosi po!!”, hindi ako
ang may “greet” niyan.
Dueto yan ni Kamatayan at ni BIR Chief Kim Henares!!!
Kokolekta ng kaluluwa yung
una; KOKOPO ng SIN TAX yung huli!!
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper
for Nov. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on
twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272)
Friday, November 23, 2012
DEC. 21, 2012: "WAKAS" NG MUNDO, POSITIBOl
MAGTATAPOS ang kontrobersiyal na Mayan Calendar sa Disyembre
21, 2012—-inaakalang PAGWAWAKAS NG MUNDO.
Sinikap ng mga iskolar na i-decipher ang teksto sa hula ng Mayan Calendar na pinakamatanda at pinamaunlad na sibilisasyon sa sinaunang panahon at natuklasan nilang, hindi pagkagunaw ng mundo ang kahulugan nito, bagkus ay PAGTATAPOS ng isang yugtong mahabang panahon sa kalendaryo.
Pero, ito ay simpleng sintido-kumon din kung susuriing mabuti.
Walang iniwan ito sa pagtatapos ng tradisyonal na kalendaryo tuwing Disyembre 31; pagtatapos ng buwan; pagtatapos ng isang linggong singkad; pagtatapos ng 24-oras; pagtatapos ng sikat ng araw sa kinahapunan at pagtatapos sa pagbilang ng mga numero tuwing IKASIYAM na bilang.
Ang tanong: May nagaganap ba tuwing matatapos ang isang yugto?
Sa matematika, physics at siyensiya—-pag may NAGWAWAKAS, siyempre, may nagsisimula.
Iyan din mismo ang paliwanag ng iskolar at santo ng Simbahang Katoliko na si St. Francis de Assissi: Nasa kamatayan ang pagsilang; nasa pagwawakas ang pagsisimula.
Sa Disyembre 21—-dapat ay asahan natin at paghandaan ang ISANG PAGSISIMULA.
Walang argumento dyan. Napakalinaw niyan!
Nagkakatalo lamang o nagkakaroon na isyu sa iisang bagay: Negatibo ba o positibo ang PAGBABAGO na magaganap?
Wala tayong problema, kapag positibo.
Puwede nating hindi paghandaan ang POSITIBO, pero siyempre, higit nating dapat paghandaan ang NEGATIBO.
Sa totoo lang, batay sa PHYSICS, walang matter o bagay na puro positibo; at siyempre wala ring pisikal o sitwasyon puro negatibo.
Iisa ang malinaw, walang duda, makakaranas ang buong mundo ng isang IBAYONG PAGBABAGO—sitwasyon man o PISIKAL na bagay.
Kasi’y puwedeng mauna ang positibo, pero puwede ring mauna ang SOBRANG NEGATIBO na ngayon lang nating mararanasan—sa porma ng trahedya at kalamidad!

(EDITORIAL ni Ka Ambo for Nov. 24, 2012 issue. Bulgar
Newspaper, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter, bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272).
BUWIS-it! BUWIS-it! BUWIS-it!
KAYDAMING nagte-text sa atin kaugnay ng walang
humpay na pagtatangka ng gobyerno na magpataw ng katakot-takot na buwis sa
ordinaryong mamamayan.
Nagtataka ang ilang texters kung bakit maging ang
mga walang hanapbuhay o nagdarahop buhay ay napaparusahan ng pagpapataw ng
buwis.
Dahil diyan ay nag-organisa ang mga nagdarahop na
tagalungsod ng tinatawag nilang “Koalisyon Kontra BUWIS-it (KKB).
Para sa kanila ang buwis sa EVAT ay pinapasan ng mga mahihirap sapagkat ang
lahat ng produkto na kanilang binibili sa palengke ay pinapatawan ng buwis
kaya’t matataas ang presyo.
Maging ang singil sa konsumo ng elektrisidad
at tubig ay dambuhala rin ang buwis at
maging ang mga pasahe sa mga transportasyon—eroplano, barko at iba pa.
Maging ang ipinapanukalang buwis sa sigarilyo at
alak ay babalikatin ng ordinaryong mamamayan sapagkat marami rin sa kanila ay
kumokonsumo nito.
Pero nilinaw naman ng Kongreso ng Pagkakaisa ng
Maralitang taga-Lungsod (KPML) na hindi naman sila tutol sa mga pagpapataw ng
buwis dahil kailangan talaga ito ng gobyerno, pero hinihiling nila na kung
pupuwede ay yung mga MAYAYAMAN at milyonaryo na lamang ang patawan ng buwis.
Kasi’y pati ang TEXT na ginagamit din ng mga
nagdarahop ay binabalak na patawan din ng buwis.
Hiniling ng ating texter na si Pedring Fadrigon
kay PNoy na bilang PAMASKO sa mga mahihirap ay ipatigil na ang mga buwis na
tinatamaan ang hanay ng mga mahihirap.
Sinabi nito na maraming batas na nagpapataw ng
buwis ay mula lamang sa SULSOL at dikta ng mga dayuhan partikular ang International
Monetary Fund (IMF) na nagbubunsod ng text tax.
-----$$$--
PERO kakaiba ang diskarte naman ng Bukluran ng
Manggagawang Pilipino (BMP) na pinamumunuan ng ating SUKI na si Leody de Guzman, inorganisa nila ang mga
urban poor upang mangaroling at kalampagin ang Malacanang.
Imbes na gitara at tambol, gagamitin nila sa KAROLING ay KALDERO at SANDOK.
Kakalampagin nila ang mga awtoridad kung bakit
kaliwa’t kanan ang buwis na kinakaltas sa ordinaryong mamamayan.
Tinukoy nila ang buwis na kinakaltas sa regular
na suweldo, overtime pay, bonus; at pag kumain sila sa fastdfoods ay may patong
ding buwis ang resibo.
Malaki po ang TAMA ninyo.
Talagang dapat magtulong-tulong ang taumbayan
kontra sa BUWIS-it na yan.
BUWIS-it! BUWIS-it! BUWIS-it!
(BISTADO NI KA AMBO column for Nov. 24, 2012 issue. Bulgar

Saturday, November 03, 2012
ELECTION:MOMENTUM, TREND, PEAK
MAINIT na isyu ngayon ay kung
sino ang magwawagi sa labanang Barrack Obama at Mitt Romney sa US presidential
election.
Nakakaungos nang bahagya si
Obama.
Pero, ayon sa kampo ni Romney
ang MOMENTUM ng hugos ng boto—ay papunta sa kanyang PAGWAWAGI.
Ano ba ang momentum?
Ano ang pagkakaiba nito sa
trending?
-----$$$---
SA panahon ng pangangampanya
ng mga kandidato sa 2013 election, mahalagang maunawaan ito ng mga tatakbo sa
nalalapit na eleksiyon.
Mahalagang maunawaan
ito,kasi’y ito ang pinagbabatayan kung mananalo o matatalo pa ang isang
kandidato.
May naniniwala na mahirap
mabago ang momentum o trending.
May naniniwala namang
napupuwersang baguhin o baliktarin ang resulta nito.
Parehong tama paniniwalang
iyan at yan ang magiging pokus ng ating pagtalakay.
-----$$$---
SA Google, ang momentum ay
katagang pang-physics.
Momentum is the product of a
body’s mass and its velocity. It is the impetus of a body resulting from its
motion. It is a driving power or strenght.
It is a quantity of motion of a moving body.
Ano naman ang trending?
It is the general direction
in which something tends to move. A general tendency or inclination.
Sa mga depinisyon sa itataas,
madaling maunawaan na may kaugnayan ito sa PAGKILOS o PAGGALAW ng isang bagay.
Sa politika, hiniram ang
terminong MOMENTUM at TRENDING upang masukat o tantiyahin ang BILANG ng suporta
o inaasahang boto ng isang kandidato at maisapantaha kung magwawagi ba siya o
hindi.
Sa madaling salita, ginagamit
ito upang madaling maunawaan o maikumpara kung SAAN PATUNGO ang resulta ng
isang eleksiyon—papalakas ba o papahina ang suporta na tinatanggap ng isang
kandidato ?
Mas may puwersa ang MOMENTUM
kaysa sa terminong TRENDING.
----$$$--
MAS madali natin itong
mauunawaan kung ikukumpara sa pagkilos o direksiyon ng isang NAHUHULOG na bagay
mula sa itaas.
Maaari ring ikumpara sa isang
bagay na unti-unting umaangat.
Sa wikang Tagalog, ang
papaakyat ay tinatawag na PAPAIMBULOG.
Ang galaw na papaibaba ay
tinatawag na PAPABULUSOK.
Malusog ang wikang Tagalog para
madaling maunawaan ang momentum at trending na napakateknikal.
Ano ang mga bagay na
pumapaimbulog at bumulusok?
Tama po kayo, EROPLANO, SARANGGOLA, KWITIS, BALA ng tirador at iba pa.
Tama po kayo, EROPLANO, SARANGGOLA, KWITIS, BALA ng tirador at iba pa.
Sa madaling salita, hindi
puwedeng gamitin ang katagang PAPABULUSOK kapag naglalarawan ng paitaas. Ang
lahat ng papabulusok ay paibaba ang direksiyon.
Hindi rin maaring gamitin ang
PAPAIMBULOG sa paglalarawan ng paibabang direksiyon.Ang lahat ng papaimbulog ay
PAPAITAAS ang direksiyon.
Maraming reporter at editor
ang hindi NAKAKAUNAWA nito lalo na ang mga NEWS
CAST sa radyo at telebisyon—at mga lengguwahe sa internet.
-----$$$---
SA depinisyon ng physics,
nasusukat ang puwersang ng direksiyon batay sa BIGAT o MATERYAL o KORTE ng
isang bagay na tinutukoy.
Ibig sabihin, ang BILIS ng
isang bagay ay komporme sa kanyang BIGAT, MATERYAL o kayarian at KORTE.
Yan din ang batayan kung
gaanong kabilis o ano ang direksiyon na tatahakin ng isang BAGAY na PAPAITAAS o
PAPAIBABA.
Ngayon, inaangkin ni Obama na
nakakalamang siya—pero may NATITIRA pang araw para sa pagbabago ng boto sa
eleksiyon.
Masusukat ang MANANALO kung
GAANO kalaki ang agwat ng suporta kay Obama kasi’y ilang araw na lamang ay boboto na ang mga
mamamayan.
Inaangkin naman ni Romney na
mananalo kahit “medyo” naiiwan siya ni Obama dahil hawak niya ang MOMENTUM.
May halong matematika ang
PAGTANTIYA dito.
Kasi’y komporme ang MOMENTUM
sa bilis ng pag-angat ng suporta kay Romney.
Kapag batay sa simula ng
kampanya ay mabilis na umangat ang suporta—ay maaaring magwagi.
Kumbaga, kapag dire-diretso
ang pagkopo niya ng suporta mula nang magsimula ang kampanya—at nadodoble ito
habang lumalapit ang araw ng eleksiyon—ay malaki ang posibilidad na magwagi
siya.
Sa kabilang panig, kahit
nakakalamang si Obama, pero ang malaking agwat ay regular o unti-unting
nababawasan (imbes na madagdagan) mula
nang magsimula ang kampanya, ang MOMENTUM sa direksiyon ng pagwawagi ay
pabor kay Romney.
Sa ngayon, hindi natin alam
ang magiging resulta—sapagkat, WALANG AKTUWAL na datos tayo na mapagbabatayan.
Kumbaga sa karera ng
kabayo—ang momentum—ay maaaring kapusin—kahit nasa unahan ka, maaari kang
maging BANDERA KAPOS na maaaring maranasan ni Obama.
Sa kabila panig, maaaring
RUMIMATE si Romney at matimpla niya ang momentum EKSAKTO sa FINISH LINE.
Sa totoo lang, may isa pang
TERMINO na dapat pagbatayan kung PAPAIMBULOG ba ang direksiyon ng isang
kandidato o papabulusok na ang kanyang kampanya.
Ito ang ay tinatawag na PEAK.
Paano titimplahin ang PEAK
upang makontrol ang direksiyon at MAGWAGI ang kandidato?
Tinitimpla ito batay sa petsa
ng ELEKSIYON at sa klase ng akbidad na dapat ipatupad.
Iyan ang ating tatalakayin sa
mga susunod na araw.
(BISTADO ni KA AMBO column, Bulgar
newspaper, Nov. 04, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)
MRT, LRT PAPAKYAWIN NG BUWITRE
NAGKAABERYA na naman ang MRT
kahapon.
Nasunog ang isang coach sa
Kamuning at naperhuwisyo ang mga pasahero.
May mga nagsasabing sinasadya
ito upang mai-justified ang pagpapalobo ng singil.
Kapag kasi laging nasisira at
nadidiskaril ang MRT at LRT, hindi na makakareklamo ang mga kumokontra sa
taas-singil dito.
Isang masamang taktika ito ng
gobyerno.
No choice ang pobreng
mamamayan.
Mahirap namang patunayan na
sinadya ang sunog o ang serye ng mga pagkadiskaril kayat talagang
napakaepektibong taktika yan upang puwersahin ang pagtataas ng singil.
Maaari ring ibenta ang MRT at
LRT sa pribadong sektor matapos magtaas tulad sa ginawa sa NLEX at SLEX.
Mamumunini na naman ang mga
tinatawag na KOMPRADOR o mga dambuhalang MAMAMAKYAW ng negosyo.
Sila ang mga BUWITRENG
ipinoprotesta sa Wall Street sa New
York .
Ibig sabihin, umuunlad ang
ekonomiya ng Pilipinas, hindi pabor sa mga ordinaryong mamamayan kundi pabor sa
mga MULTI-BILYONARYO na naghahangad na pumakyaw sa MRT at LRT.
Ang mga dati nang
multi-bilyonaryong Pinoy ay lalo pang yumayaman, sa international financial
data—magre-reflect yan bilang PAG-UNLAD ng Pilipinas pero sa aktuwal 10 PAMILYA
o LIMANG KORPORASYON lang ang kumopo ng bunga ng pag-unlad.
Pero ang milyon-milyong Pinoy
patuloy lang sa paggapang sa hirap.
Ang mga dambuhalang
negosyante ay pinapaboran sa mga GOVERNMENT POLICY upang mapalaki pa ang
kanilang negosyo.
Ang mga ordinaryong mamamayan
ay lalo pang naghihirap dahil KINOKORNER ng mga korporasyon ang kita ng
kabuhayan ng mga taumbayan.
Ang matataas na opisyal ng
gobyerno at mga mambabatas ay dinidiktahan lang ng mga dambuhalang negosyante
sa POLICY na ipatutupad pabor sa kanilang hanay.
Walang lider ang ordinaryong
mamamayan na may kapasidad na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa isang PATAS
NA PAGTRATO sa lipunan.
(EDITORIAL ni KA AMBO column, Bulgar
newspaper, Nov. 04, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272)