Wednesday, January 31, 2007

pacquiao for congressman

(Bulgar newspaper, for: february 01 issue)

MATAPOS tanggihan ni Manny Pacquiao ang sinasabing alok na kumandidatong bise alkalde sa Maynila, lumabas naman ngayon ang tsismis na hinihimok mismo ng Malacanang na kumandidatong congressman ang GenSan living hero.
Mahalaga kasi ang ISANG BOTO sa napipintong pagbuhay ng “impeachment proceedings” sa pagbubukas ng bagong kongreso sa taong ito.
Pero, hindi iyan ang isyu kundi ang KONSENTRASYON at POKUS ng mga ayudante ni Ate Glo sa election period.
Hindi na iniisip ng mga adviser ni Ate Glo ang negatibong epekto sa boxing career ni Pacquiao bagkus ang mahalaga sa kanila—at NAPAKAHALAGA-- ay manatili si Ate Glo sa Malacanang hanggang 2010.
Ang tanong: May ganyan bang taktika o pokus ang oposisyon?
Ang sagot: Wala!
Nakasentro lang ang bawat pagkilos o sistema ng oposisyon sa “personal” o “kanya-kanyang system”.
Kasi'y naman ay wala silang strong leader.
Nakalutang si Pareng Erap, pero hindi naman siya iginagalang ng ilang haligi ng oposisyon tulad nina Sen. Ed Angara; Sen. Ping Lacson; Senate President Manny Villar; Sen. Frank Drilon; Sonia Roco; Susan Roces; Tita Cory; Sen. Juan Ponce Enrile; at mismo ni Madame Meldy.
Baket gaano ba kaloyal kay Pareng Erap sina Makati City Mayor Jejomar Binay at Sen. Aquilino Pimentel?
Kina Sen. Jinggoy at Sen. Dra Loi, may “karga” ba ang mag-ina?
Kapag walang SUPER-LEADER-- wala ring direksiyon ang kampanya.
Nakapalinaw na pagtaya niyan.
Iyan mismo ang NAGPAPALAKAS ng loob ng Malacanang.
Maaring dumami ang oposisyon sa susunod na kongreso—pero ito ay malinaw na TSAMBA lang dili kaya'y totoong HULOG LANG NG LANGIT!
Pero, alin kaya ang mananaig: Ang “hulog ng langit” o ang “kongretong maniobra”?
Dapat na masagot yan ng oposisyon sa lalong madaling panahon.
Hanggang may sapat pang oras, dumiskarte na kayo—kahit isa itong SUNTOK-SA-BUWAN!
-------30---

No visa sa Taiwan

PEBRERO na !
Advanced Happy Valentine's Day po!

----$$$---
RECONCILIATION ang diwa ng buwang ito.
Angkop dito ang UNITY TICKET kahit imposible!
Mas may dating kapag binansagang itong “LOVE TICKET” O VALENTINE'S TEAM.

-----$$$---
NAKA-RECOVER na sa sakit si Cuba president Fidel Castro.
Nalungkot si US prez George Bush.

----$$$---
PORMAL na itinalaga nang bagong DEFENSE secretary si ex-PNP Chief Hermogenes Ebdane.
Hello Garci, Garseee, garseeee!

----$$$--
NA-KARNAP ang kotse ng singer na si DARIUS RAZON.
I-tsek ninyo, baka nasa SANGLAAN na.

-----$$$---
INENDORSO ni Susan Roces ang kandidatura ni Rep. Chiz Escudero.
Siya ngayon ang “DA PRINCE”.

-----$$$---
KAY ginaw na.
Namnamin ang HANGIN mula sa North Pole!

----$$$---
WALANG Pinoy na nadamay sa suicide bombing sa Israel.
Salamat sa Diyos!

----$$$--
PINAYAGAN ng Korte Suprema ang ELECTION SURVEYS.
Mainam naman, ginawa nang LEGAL ang RAKET.

-----$$$---
MAY sakit ang PITONG OFWs na kinidnap sa Nigeria.
Sanay kumidnap din sila kahit ISANG DOKTOR.

-----$$--
MAARI na raw dumayo ang mga Pinoy sa TAIWAN kahit walang VISA.
Pero, hindi raw puwede ang WALANG PERA.

-----$$$---
KINUKUMBINSE ng Malacanang si Manny Pacquiao na kumandidatong CONGRESSMAN.
Pangontra ito sa IMPEACHMENT proceedings.
Talagang PAHAMAK ang mga kolokoy.

----$$---
SASANAYIN ni US trainer Freddie Roach si Oscar dela Hoya sa Wild Card gym kung saan doon din ang ensayo ni Pacman.
Oppps, hindi kaya ITIMBOG ni Roach ang POLITIKONG BOXER?
-----30---

Saturday, January 27, 2007

Bopol blues

(Bulgar newspaper, january 29 issue)

UMIIWAS ang Malacanang na mapasakamay ni Ate Glo ang panukalang batas para sa karagdagang P125 kada araw na suweldo na pinagtibay pareho ng mayorya ng mga kongresista at senador.

Nais ng kanyang mga “tuta” sa Kamara ng mga Representante na ibalik ito sa debate!

Masyadong halatado ito.

Ginagawa nilang TANGA ang mga obrero.

Akala kasi nila ay Grade One lang ang natapos ng mga obrero.

Iyan ang problema sa mga advisers ni Ate Glo, madalas inusultuhin ang “talino” ng kapwa Pinoy.

Pero, sa aktuwal—ay bistadong-bistado sila ng ordinaryong mamamayan sa PANGGOGOYO sa publiko.

Nakapagtataka namang maraming kongresista ang nagpapagamit sa ganitong modus operandi na isang klase ng “kamangmangan”.

Dapat ay magkaroon ng tapang si Ate Glo na i-veto o tanggihan ang pagpapatibay ng naturang batas kung ito ay tunay na MAKAKASAMA sa ekonomiya sa pamamagitan nang maayos na pagpapaliwanag sa taumbayan.

Pero ang lokohin o goyoin ang mga Pinoy sa simpleng pagdiskaril sa naturang batas ay ebidensiya ng PANG-IINSULTO sa katinuan ng mga mamamayan.

Ang ganitong klase ng maniobra ay tipikal sa administrasyong Arroyo.

Hindi ito nalalayo nang ideklara niyang hindi siya kakandidatong pangulo, pero nagsumite rin ng certficate of candidacy.

Naloko rin ni Ate Glo ang CBCP nang sabihin, welcome sa kanya ang “impeachment proceedings” pero idiniskaril ito agad ng kanyang mga ayudante nang hindi man lamang naka-first base sa Kongreso.

Hindi raw siya nagkasala sa “Hello Garci scandal”, pero humingi siya ng sorry.

Kailan kaya siya magbabago?

---30--




No contest kay Pacman

(Bulgar newspaper, jan. 29 issue)

PINAGREREKOMENDA ni Ate Glo ang oposisyon ng ASPIRANTE para sa bakanteng puwesto sa Comelec.
Klap! Klap! Klap!

----$$$--
BINUWAG ng pulisya ang mga anti-Willie at pro-Willie fans ng Wowowee sa tapat ng ABS-CBN.
Natakot sila sa PANIBAGONG STAMPEDE.

----$$$--
NATUKLASAN na magkakaibang grupo ang UTAK ng serye ng SALVAGINGS sa Pilipinas.
Higit pa ito sa CIVIL WAR.
Ibig sabihin, wala nang BATAS.

-----$$$---
PINURI ni US Prez George Bush si Ate Glo sa pagkakapatay sa mga lider ng Abu Sayyaf.
Mistulang pinuri niya ang PAGPATAY NG PINOY SA KAPWA PINOY.

----$$--
SINIMULAN na ang Comelec checkpoint.
Huwag kayong mangongotong hah?

----$$$---
LUMINDOL na naman sa Indonesia.
Huhh, baka magugunaw na ang NATURANG BANSA.

----$$$---
WALA pa ring suspect sa pagpatay sa isang meyor sa Samar.
Baka wala pa silang TINOTORTIYUR.

----$$--
UMAASA si Ate Glo sa UNITY TICKET.
Kung gayon, umaasa siya sa WALA.

---$$--
INALERTO ang NAIA sa mga may BIRD FLU.
Itago ninyong mabuti ang inyong mga BIRDS.

----$$---
NAKIUSAP ang Pilipinas sa Nigeria na huwag gamitin ang COMMANDOS sa pagliligtas ng 24 OFWs na kinidnap sa naturang bansa.
Baka kasi ang mga BIKTIMA ang matepok ng mga bala.

----$$---
KAKANDIDATO raw meyor sa GenSan si Manny Pacquiao.
Ngayon lang siya MANANALO nang “NO-CONTEST”.

----$$$--
KAPAG naging meyor si Pacman, hulaan ninyo kung ano ang kanyang UNANG PROYEKTO.
Bibigyan niya ng tig-iisang PARES NG GLOVES ang mga sundalo ng AFP at MILF.
Tapos ang giyera sa Mindanao.
----30---

Super-Force

(Bulgar newspaper, jan. 28 issue)

HABANG lumalapit ang “deadline” sa pagsusumite ng certificate of candidacy para sa senatorial elections, mistulang naghalo-ang-balat-sa-tinalupan sa mga partidong politikal.
Hindi malaman kung aling grupo, partido, ideolohiya o personal na interest ang mangingibabaw.
Pinakamainit na isyu ay ang pagbuhay ng Nationalist People's Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco—ginamit na behikulo ni Pareng Erap nang magwaging bise presidente.
Ang NPC rin mula sa pamumuno ng pamangkin ni Danding na si Rep. Gilbert Teodoro ang umasiste kaya't nasagip sa impeachment proceedings si Ate Glo.
Kung tutuusin, nakapundasyon na ang NPC kung saan kontrolado nito ang ilang lalawigan at distrito sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa ngayon, parehong may “kabig” ang NPC mula sa kampo ng administrasyon at mismo mula sa kampo ng oposisyon.
Higit itong may puwersa kompara sa Liberal Party wings nina Sen. Frank Drilon at Manila Mayor Lito Atienza; Nacionalista Party ni Senate President Manny Villar; PDP- Laban ni Sen. Aquilino Pimentel; Partido ng Masang Pilipino (PMP) ni Pareng Erap; Kilusang Bagong Lipunan (KBL) nina Madame Meldy at Rep. Imee; Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) ni Sen. Ed Angara; Kampi ni Ate Glo; at maging sa Lakas-CMD nina FVR at Speaker JDV.
Kung magiging seryoso lamang si Danding na pabulasin ang NPC maaaring ito mismo ang magsilbing NEW FORCE dahil magaan niyang maisasanib dito, ma-recruit o kusang buwagin ang ilang partidong politikal na binanggit sa itaas.
Nagpatiuna na sina ex-Senators Tito Sotto at Tessie Aquino Oreta upang samahan si Rep. Teodoro sa NPC senatorial aspirant; kapag isama dito ni Angara ang LDP, ikinusa ni Villar ang NP; at nakisali rin ang LP faction ni Drilon; pabonus ang KBL ni Meldy—malinaw na higit malakas ito kaysa sa ADMINISTRASYON at OPOSISYON.
Walang limitasyon ang “LANGIS” ni Danding—at iyan ang NAKAKANERBIYOS!
Maiiwan kay Ate Glo ang Lakas-CMD at Kampi; at magkakasya si Pareng Erap sa PMP at PDP-Laban.
Hindi simpleng third force ang kanilang KARIBAL-- kundi isang SUPER-FORCE!
Magkatotoo kaya ito, Rep. Gilbert?
-----30--

Kamatayan naki-birthday

(Bulgar newspaper, jan. 28 issue)

BINUBUHAY ni Danding Cojuangco ang Nationalist People's Coalition (NPC).
Inuman naaaaa!

-----$$$---
KAKANDIDATO si Madame Meldy bilang senador sa administration party kahit isang LIDER din ng oposisyon ang kanyang anak na si Rep. Imee.
Hindi lang partido ang nawawasak sa panahon ng eleksiyon—maging ang PAMILYA.

----$$---
HUMIWALAY na rin sa oposisyon si Ex. Sen. Tessie Aquino Oreta kasi'y ang kanyang PAMANGKIN na si Rep. Noynoy Aquino ang pinaboran ng grupo ni Pareng Erap.
Okey lang yan—HUWAG LANG KAYONG MAGPAPATAYAN hah?

----$$$--
HINDI malaman ni Manny Pacquiao kung saan LUGAR niya lalabanan si In jin Chi ng South Korea.
Doon ninyo gawin sa SULU o kaya ay sa BASILAN.

----$$$---
NATUNAW na ang isyu sa ChaCha.
Impeachment ang tunay na ISSUE sa May election.

----$$--
KAPAG naging mayorya sa Kongreso ang oposisyon.
Hindi makakatapos ng TERMINO si Ate Glo sa 2-o-TEN.

----$$$---
IMBES kasi na GASTUSAN ng mga “financers” ang MADUGONG KUDETA, mas praktikal na BADYETAN ang mga “opposition candidates”.
Iyan ay kung hindi GAGASTOS din si Ate Glo!
Mapapaaga ang Pasko sa 2007!

----$$$---
APAT na US troops ang dinukot at tinepok sa loob mismo ng US-IRAQ MILITARY COMPOUND ng mga insurgents commandos.
Ganyan KAHINA ang mga Kano sa Baghdad.

----$$$---
NAGBABA na naman ng PRESYO ang mga oil companies.
Itataas naman ng mga PUTATSING ang kanilang PANTIES.

-----$$$---
INIIWANAN na rin si US Prez George Bush ng kanyang mga KAPARTIDONG Republicans.
Dapat na siyang MAG-RESIGN.

-----$$---
MALAPIT na ang ANIBERSARYO ni Wowowee TV host Willie Revillame.
Ito ang BIRTHDAY na isine-CELEBRATE ang KAMATAYAN ng mga fans?

----$$$--
INAAMIN ng PNP na tino-TOLERATE na nila ang jueteng.
Lintekkkk!
-----30--

Friday, January 26, 2007

Film industry patay na

(Bulgar newspaper, 27 january issue)

NILAMON na ng teknolohiya ang ating henerasyon.
Inamin ni Hollywood movie director David Lynch na PATAY NA ANG FILM INDUSTRY.
Hindi na siya kailanman gagawa ng pelikula gamit ang sinaunang mga dambuhalang camera.
Na-enjoy niya ang paggamit ng light digital cameras sa mga shooting—partikular ang pinakahuling pelikula na “Inland Empire”.
Dati-dati ay mag-aantay pa siya nang isang araw na ma-developed o maproseso ang “film” bago siya mag-edit. Pero, ngayon, ultimo-segundo—ay mabilis niyang napoproseso at nae-edit ang mga eksena.
Bukod dito, ang mga digital films ay diretso na ring mapapanood agad sa internet na makaaabot agad sa bawat tahanan.
Huwag ka, mapapanood na rin ito gamit ang cellphone!
Ano pa ang hahanapin mo?
Ang digital movie industry ay isa lamang na bunga ng modernisasyon na aktuwal na pinagpapasaan ng ating henerasyon.
Nakapagtataka namang ikinagulat ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ang pagsasabatas ng POLL AUTOMATION LAW na para bang bulalakaw na biglang dumating sa kanyang tanggapan.
Dapat ay personal at seryosong pinaghadaan ng Comelec ang naturang batas upang mabilis itong maipatupad.
Imbes na tanggapin ito nang maluwag sa puso, isip at kaluluwa, nagpahayag si Abalos na magpapakulong na lamang siya kapag pinuwersa ng mga atworidad ang implementasyon ng naturang batas.
Nakupp, inililihis lamang niya ang isyu.
Ang mahalagang dapat niyang gawin kung wala siyang kakayahang ipatupad ito, ay MAGBITIW siya!
Kailangan natin ang mga opisyal ng gobyerno na nakakasabay sa NAGBABAGONG KALAKARAN sa lipunan bunga ng modernisasyon sa teknolohiya.
Nagdududa tuloy ang ilang kritiko sa negatibong reaksiyon ni Abalos.
Maaari kayang “tapos na” ang RESULTA NG MAY ELECTION—kaya't hindi na maaaring i“ENCODE” pa ang “BAGONG RESULTA” sa Mayo?
Nananatili pa rin kaya sa Comelec ang kampon ni Garci boy?
------30--

Nakababa ang pantalon

(Bulgar newspaper, 27 january issue)

UMAMIN si Atong Ang sa kasong PANUNUHOL.
Oh, e, di HATULAN na siya agad.

----$$$---
UMAMIN din si Tita Cory na hindi siya kailanman naging IDEAL PRESIDENT.
At least, ALAM NIYA noh?

----$$$---
SANGKATUTAK ang bulaklak na inialay sa pagyao ni dating vice governor candidate na si Raymond Pagdanganan, 27, anak ni ex- Gov. OBET ng Bulacan.
Sa totoo lang, kahit DOBLEHIN ang laki ng CHAPEL kung saan nakaburol ang labi ni Raymond sa Calumpit, ay hindi pa rin ito MAGKAKASYA.
Namatay ang biktima sanhi ng CAR ACCIDENT.
Karaniwang sanhi ng KAMATAYAN ng mga tao ang vehicular accident--higit sa mga biktima ng alinmang epidemya taon-taon.

-----$$$---
KASAMA po nating dumalaw sa burol ni Raymond sa Calumpit ang kakandidatong mayor sa Balagtas, Bulacan na sina ex-Mayor Bert Carating at ang kapartner niyang aspirante bilang bise alkalde na si ex-Councilor Ogie de Guzman.
Kitang-kitang ang KALUNGKUTAN ni ex-Gov. Obet sa pagyao ng kanyang UNICO-HIJO.

----$$$---
HANDANG magpakulong si Comelec Chairman Benjamin Abalos kapag ipinilit daw ang AUTOMATED ELECTION.
Aba, hindi ka naman talaga dapat MAGPAKULONG.
Dapat ay MAG-RESIGN ka.

-----$$$---
NAGMAMANIOBRA na ang Catholic bishops kaugnay ng May elections.
Nag-eensayo na silang MAGTALUMPATI.
At mamudmod din ng BIGAS at SOBRE?

-----$$$---
TUMULAK na tungong Europe si Ate Glo.
Para mag-deposit sa Swiss account o mag-withdraw?

----$$$---
ANO ang pagkakapareho nina Abu Solaiman at ex-Sen. Gringo Honasan?Pareho silang “nasakote” habang “NAKABABA ANG PANTALON”.

----$$$---
MAG-UUSAP ang Iran, Syria at Iraq.
Para PAGTULUNGAN ang US.

----$$$---
DINOBLE ng US ang MILITARY FLEET sa Gulpo.
Indikasyon ito ng panibagong giyera.

----$$$--
AYON sa isang batikang Hollywood movie director: Patay na raw ang FILM INDUSTRY!
Nasapawan na ito ng modernisasyon: DIGITAL MOVIES!
-----30--

Saturday, January 20, 2007

boksingbol

(Bulgar newspaper, january 21 issue)

PANIWALAAN-DILI!
Gamit ang missiles, pinasabog ng China ang isang sattelite na nakalutang ere.
Inatake ng matinding nerbiyos si US President George Bush nang makumpirma ang naturang ulat.
Ang “sattelite” ay mistulang buwan o “moon” na ginagamit ng US at iba pang mauunlad na bansa sa telekomunikasyon hindi lamang bilang ordinaryong gamit sa teknolohiya kundi maging sa PANINIKTIK sa mga kaaway.
Sa Pilipinas, nakatutok din sa ibabaw ng ating teritoryo ang US sattelite na aktuwal na ginagamit sa paniniktik sa Abu Sayyaf kaya't nalalaman nila kung saan nagtatago ang mga kalaban kahit sa pinakaliblib na kagubatan o kabundukan.
Naituturo ng SATTELITE ang “specific targets” na mismong ginamit kung paano napatay si Abu Solaiman at Abu Sabaya ng Abu Sayyaf.
Pero sa totoo lang, ang Sattelite ding ito ang ginagamit sa Afghanistan, Iraq, Iran, North Korea upang matukoy kung saan nakapuwesto ang “nuclear plants” at kuta ng mga kalaban ng US.
Walang ibang bansa na may teknolohiya upang bombahin at wasakin ang mga naturang sattelite kundi ang US lamang, pero nagulat sila nang malamang NAGTAGUMPAY ANG CHINA sa pagwasak ng SATTELITE na nasa atmospera ng daigdig.
Inamin mismo ng US, hindi na ligtas ang kanilang nakalutang na SATTELITE partikular ang ginagamit nilang PANINIKTIK sa Taiwan at Mainland China.
Sakaling magkagiyera o matiyak na China na ginagamit ng US ang SPY Sattelite sa pang-aagrabiyado o paniniktik sa kanilang bansa—walang duda na pasasabugin din nila ito.
At iyan ang pinakadelikadong intriga ngayon: Maaaring pagsimulan ito ng World War III.
-----30---

Boksingbol

(Bulgar newspaper, january 21 issue)

PINAYAGAN ng Korte si ex-Gov. Tony Leviste na makapagpiyansa sa kasong homicide.
Puwede na siyang LUMABAS sa ospital.

-----$$$---
UMAMIN ang PNP na umabuso sila sa pag-atake sa kapitolyo ng Iloilo.
O, paano yan, mag-resign kayo!

----$$$---
MARAMI raw LORO ang MAHUSAY NANG MAGSALITA.
Oooops, puwede nang palitan si Ignacio Bunye.

----$$$---
ISANG judge at isang Bayan Muna leader ang magkahiwalay na binaril at napatay.
May silbi pa ba ang mga parak?
----$$$--
PINEPESTE ng bird flu ang milyong-milyong manok sa South Korea.
At hindi ito MASAWATA.

----$$$---
KINUMPIRMA ng US na BANGKAY ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani ang natagpuan ng mga militar kamakailan.
Sana nga.

----$$$---
PINASABOG ng China gamit ang MISSILES ang isa nilang SATELLITE sa atmosphere.
Nanginig sa takot si US Prez George Bush.
Puwede kasing PASABUGIN ng China ang SPY SATELLITE ng Kano na ginagamit sa PANINIKTIK sa Taiwan at Beijing.

----$$$---
TULAD ng paulit-ulit nating binabanggit, inamin ng mga awtoridad ang PANANATILI NG CIA, FBI at Australian agents sa Mindanao.
Gaya sa World War II-- ginagamit ngayong “battle ground” ng mga dayuhan ang Pilipinas laban sa sarili nilang mga kaaway.

-----$$$---
TINANGGIHAN ng United Opposition ang actor na si Richard Gomez na mapasama sa senatorial slate.
Lintek lang ang walang ganti?

----$$$---
KINOKONTRA ng US Congress ang PLANO ni Bush na PARAMIHIN pa ang US troops sa Baghdad.
Isa na siyang LAMEDUCK PRESIDENT.
-----$$$---
MAGLALARO ang Manny Pacquiao Warriors sa National Basketball Conference (NBC).
Ito ang tipikal na BOKSINGBOL.
-----$$--

Tuesday, January 16, 2007

Bala imbes boto

(Bulgar, newspaper, january 18 issue)

MARAMI ang nagdududa kung makakaya ng Comelec na maging malinis ang eleksiyon sa Mayo at Oktubre (Barangay election).
Pero, hindi nagbibigay ng patas na opinyon ang Comelec kaugnay ng suspension at dismissal sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ipinagbabawal ito sa batas kasi'y may “bahid politika”.
Sintido-kumon ito.
Kasi'y maituturing na “midnight decision” ito ng Ombudsman at DILG dahil ipinatupad, isang araw bago magsimula ang election period.
Kumbaga may impluwensiya pa rin ito ng ELEKSIYON.
Simpleng pag-iisip lang ay madali itong maunawaan.
Maging ang dapat sana ay PATAS SA HATOL ng Ombudsman ay malinaw na nagpapagamit sa administrasyon.
Hindi natin masisisi ang DILG—dahil talagang makakapal ang mukha ng mga taong naitatalaga diyan.
Kung ang Ombudsman at Comelec ay nawawalan ng kredibilidad, magkakaroon kaya ng magandang reputasyon o dignidad ang eleksiyon sa Mayo?
Mas mainam sana ay ihayag ng Comelec na susuriin nilang mabuti ang mga naturang kaso—at kung kinakailangan ay “bawiin” ang suspension at dismissal dahil ginawa ito sa “dis-oras” ng eleksiyon.
Sa bagay, maaring mas may AWTORIDAD dito ang Korte Suprema.
Pero, mahalaga ang bilang ng mga araw upang hindi makaapekto sa kandidatura ng mga taong “sangkot” ang magiging desisyong Korte Suprema.
Sana'y bigyan ng prayoridad ng Kataas-taasang hukuman ang naturang mga kaso sakaling isampa ito sa kanilang hurisdiksiyon.
Ang paglabag sa batas ay normal na nagaganap sa lahat ng klase ng eleksiyon.
At ito mismo ang sanhi ng PAGDANAK NG DUGO.
Mangingibabaw ang BALA, imbes na BOTO!
-------30---

Pinugot

(Bulgar newspaper, january 18 issue)

PINUGOT ang ulo ng isang ayudante ni Saddam imbes na simpleng bigtehin ng lubid.
Ganyan KALUPIT ang kampon ng mga Kano.

----$$$---
BUMALIKTAD ang testigo laban kay Gov. Valentin Valera kaugnay ng kasong murder.
As expected!

----$$$---
TEPOK sa shootout ang witness laban sa aktor na si Dennis Roldan.
Kuno!

----$$$--
KAAWA-AWA naman ang mga testigo.
Kailangang mag-SIRKO-SIRKO kung ayaw MAPATAY.

-----$$$--
NAUPO na bilang bagong gobernador ng Batangas si Vice Gov. Ricky Recto.
Nauna na rin naupong bagong Gobernador ng Cavite si Vice Gov. JonVic Remulla.
Napuwesto rin bagong gobernador ng Iloilo si Vice Gov. Roberto Armada.
Halos kasabay nila si Councilor Allan Panaligan bilang bagong MAYOR NG PASAY CITY.
Simbolo sila ng isang HINDI PATAS NA ELEKSIYON SA PILIPINAS.
Asahan ang NAPAKADUGONG HALALAN sa mga naturang teritoryo.

-----$$$---
PINANUMPA na bilang bagong AMBASADOR sa United Nations si ex-Supreme Court Justice Hilario Davide.
Tinanggap niya ang BONUS mula sa pagse-SEPSEP kay Ate Glo.

----$$$---
FOR SALE daw ang SLOT sa mga Party List para sa mauupong kongresista.
Pagbilhan mo nga ako ng SAMPU.

----$$$--
NAKALIGTAS sa ambush ang isang mayor sa Sultan Kudarat.
BALA ang sumalubong sa unang araw ng Election period.

-----$$$---
KINUMPIRMA ang epidemya ng BIRD FLU sa Japan.
Iyan na ang delikado.

----$$$---
INABSUWELTO ng Korte Suprema si World Chess Federation (FIDE) lifetime honorary chairman Florencio Campomanes sa kasong graft kaugnay ng pagdaraos ng 1992 World Chess Olympiad.
Matagal nang PATAY ang PROMOTOR sa nabigong PAGWASAK ng pangalan ng CHESS GIANT.
Sa edad 79, naantay pa niya ang PAGLILINIS ng kanyang pangalan.

-----$$$---
BUHAY na biktima si CAMPO ng serye ng panlilibelo ng isang diyarista.
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

----$$--
MAGKAKASYA na lamang si Manny Pacquiao kontra sa isang South Korean fighter.
Mukhang NA-RAKET siya ni Bob Arum.

------30--

Monday, January 15, 2007

Kano ang sagwil

(Bulgar newspaper, for january 17 issue)

NAGTAPOS na ang ASEAN Summit at East Asian Conference.
Sana'y maipatupad ang free trade sa naturang rehiyon kasama ang India, China, Japan at South Korea.
Maaaring isang suntok sa buwan ito, pero mahalagang makapagsimula.
Ang lahat naman ay nagmumula sa IDEYA.
Kailangang imarka ang unang hakbang upang makarating sa paroroonan.
Gayunman, hindi sapat ang unang hakbang kasi'y maaaring tumitil ito kapag nahirapan dili kaya'y maligaw nang landas o direksiyon.
Ibig sabihin, magdaraan pa rin ito halos sa butas ng karayom kaya't tinataya ang katuparan sa susunod pang 10 hanggang 20 taon.
Maging ang European Union na may sarili nang “monetary scheme” ay nahihirapang magkasundo—pero hindi ito dapat maging balakid.
Sa totoo lang, nagsimula na ang unang pagsubok sa ASEAN at EAST ASIA BLOCK-- nang maglabas ng negatibong travel advisory ang mga mapanghimasok na BANSA NA PAWANG TUTA NG MGA KANO.
Tinakot ng mga kaalyado ng US ang mga miyembro ng bansa na may banta ng atake ng terorista sa Cebu pero natuloy pa rin ang kumperensiya.
Ganyan katraydor ang mga Kano at kaalyadong bansa nito.
Kapag kasi NAGBUKLOD ang ekonomiya ng ASEAN kasama ang China, India, Japan at South Korea-- hindi malayong bumagsak ang negosyo sa Europe at America.
Ang mga taga-Europe at America ang kakumpitensiya ng ASIAN economy kaya't dapat na maging KWIDAW ang Pilipinas.
Hindi malayong guluhin ng CIA ang mga bansa sa ASEAN tulad ng pagsuporta ng kudeta at kaduda—dudang pambobomba (gaya sa Thailand at Pilipinas) sa hinaharap upang madiskaril ang KAPAYAPAAN.
Kapag mayroong KATAHIMIKAN sa mundo—nalulugi ang negosyo ng mga Kano.
Para matiyak na magtatagumpay ang ASEAN at East Asia—unang dapat bantayan ang US.
Iyan po ang Solomonic advise—at WARNING.
-------30---

AIDS- HIV virus

(Bulgar newspaper, for: january 17 issue)

GINAROTE na rin ang dalawang ayudante ni Saddam Hussein.
Sila ang GOMBURZA sa Baghdad.

----$$---
UMATRAS na rin bilang kandidatong senador si Tourism Sec. Ace Durano.
Huhh, baket may NAKAKAHAWANG SAKIT ba si Ate?

----$$$---
HINDI na raw MAGPAPAGAMIT sa eleksiyon ang AFP.
Ha! Ha! Ha!

-----$$$---
LUBOS na nagpasalamat si Ate Glo sa mga foreigners na dumalo sa ASEAN SUMMIT.
Nagpabola kasi sila.

----$$$---
BUKOD kay Pasay City Mayor Peewee Trinidad, sinibak na rin ng Ombudsman ang gobernador ng Iloilo.
Pukawnamoooo!

----$$$--
ANO raw ang tunay na dahilan sa pag-alis sa Eat Bulaga ng isang LADY COMEDIAN?
Dati-dati ay mayroon ding isang lady comedian na lumayas sa naturang programa dahil umano sa HINIPUAN siya sa WETPU.
Ano naman kaya ang SANHI ngayon ng bagong kontrobersiya?Baka naman “AYAW SIYANG HIPUAN”.
Ngekkkkk!

-----$$$$---
NAGSAGAWA ng “partial strike” ang mga obrero sa pabrika ng HYUNDAI sa South Korea.
Huwag kayong magtaka kung “bawas din ang gulong” ng bagong Hyundai hah?

----$$$----
NAG-FILE na ng certificate of candidacy ang Marcos Loyalist na si Atty. Oliver Lozano bilang kandidatong senador.
Baka kasi siya MAUBUSAN ng forms.

-----$$$---
AYON kay Ate Glo sulit ang BILYONG PISONG inubos sa ASEAN SUMMIT.
Magarbong PAGYAYABANG.

-----$$$----
SINIMULAN na ang bagong “telenovela” ni Angel Locsin .
Kaya pala ginamit niya si “OYO” sa publisidad.

----$$$---
IBINASURA ng Japan ang MOON EXPEDITION.
Baka gagamitin na lang nila ang PONDO sa pagbili ng NUCLEAR BOMB kontra North Korea.

-----$$$--
TEKA, may nag-react kaugnay ng paggamit natin ng “salitang AIDS-HIV virus” na idinikit natin sa katagang “pandidiri”.
Sorry kung nasaktan natin ang mga “nagdurusa” sa problemang ito, pero isang PARAAN din natin ito upang “mamulat” ang lahat—sa PAG-IINGAT.

----$$$---
Pero ang “isyu” ay hindi po AIDS-HIV kundi ang “KANSER” ng lipunan—kung saan idinidikit din mismo ng ilang kritiko sa MASAMANG REPUTASYON ng Malacanang.
Isipin mong mabuti, Sir Eric, puwede ko bang gamitin na may SIPON O LAGNAT si Ate Glo kaya't pinandidirihan?

----$$$---
Gayunman, MARAMING MARAMING SALAMAT po sa reaksiyon.
Hayaan ninyo, iingatan natin ang paggamit ng AIDS-HIV.
Tonsilitis na lang siguro o kaya ay DIARRHEA—may “pumansin” naman kaya sa ating LAST LINE?
Thanks po sa pagsubaybay!
Susundin natin ang payo ninyo!
---30--

Dadanak ang dugo

(Bulgar newspaper, january 16 issue)

EPEKTIBO na ang gun ban dahil nasa gitna na tayo ng election period.
May sumunod naman kaya?Kahit ang pagbabawal ng suspension sa mga local officials at pagtatanggal o pagtatalaga sa mga manggagawa at opisyal ng pamahalaan—ay malinaw na bawal, pero hindi ito nasusunod, bagkus lantarang nilalabag mismo ng mga awtoridad.
Paano susundin ng ordinaryong mamamayan ang mga opisyal ng gobyerno kung sila-sila mismo ay pumipilipit at bumabaluktot ng mga batas gamit ang iba't iba at magkakasalungat na opinyon.
Nakasentro dito ang Comelec na siyang dapat nagpapatupad ng batas sa “election period”, pero nawawalan na ng kredibilidad ang naturang Komisyon kasi'y binebendiyunan nito ang aksiyon ng suspensiyon sa mga local government executives at patuloy din nagbibigay ng permiso sa pagdadala ng armas.
Sa panahon ng gun ban, hindi maaaring dalhin ang armas sa labas ng bahay, pero siyempre, sakop lang nito ang mga lisensiyadong baril, paano ang mga paltik at hindi nakarehistro?
Hindi ba't matagal nang nagkalat ang mga baril partikular ang mga hindi naman nakarehistro?Walang halalan o mayroon man, bawal ang mga baril na walang lisensiya, nasugpo ba nila ang problemang iyan?
Nasaksihan natin ang serye ng ambush at pagpatay, bunga ito ng paggamit ng baril nang walang kontrol.
Paano mapoproteksiyunan ng ordinaryong kandidato ang kanilang sarili kung may hawak ng baril ang mga kalaban nilang “big time politicians”?
Isang maselang isyu ang pagbabawal sa pagdadala ng baril, napatunayang hindi ito ang solusyon sa isang MADUGONG ELEKSIYON.
Makaisip sana ang Comelec na kakaiba pero epektibong solusyon upang mabawasan ang pagdanak ng dugo sa Mayo.
----30--

Drugs sa chess games

( Bulgar newspaper, january 16 issue)

INISNAB ng mga ARAB countries sa Middle East ang bagong strategy ng US sa Iraq.
Ooops, dumarami na ang KALABAN NG MGA KANO.
Kapalmuks kasi, eh.

----$$---
SINUNSPINDE na rin ang gobernador ng Batangas.
Kapwa naman nasasabit ang Batanguenos din na sina ex-Gov. Leviste at ex-DOJ Sec. Nani Perez.
Talagang MINAMALAS ang mga Batanguenos.

-----$$$---
PERO, huwag ka, may isang Batanguenos ang sinusuwerte.
Siya si Eduardo Ermita.
Kaya't mag-SEPSEP na rin kayo, noh???

----$$$---
KINUMPIRMA ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez na susuportahan niya ang ESTAFA case laban sa apat na bigtime businessmen na NANLOKO ng milyon-milyong SCHOLARS gamit ang raket sa EDUCATION PLANS.
Handa raw si MJ na mag-ala Captain Barbell para lang masagip sa pagtigil sa pag-aaral ang mga estudyante na na-RAKET ng milyong-milyong premiums.

-----$$$--
PERO nilinaw ni MJ na hindi siya kakandidatong meyor sa MAYNILA.
Baka raw kasi siya MANALO.
Magkaroon kasi ng traffic araw-araw sa Taft Avenue hanggang Avenida dahil sa NAKAPILANG hihingi ng tulong nang maghapon at magdamag.

-----$$$---
TEKA, kung mananalo si MJ sa kasong $2 million EXTORTION case laban kay ex-DOJ Sec. Nani Perez, mababawi niya ang nakotong sa kanya na kumpirmadong naka-FREEZE ngayon sa Switzerland.
Pwes, puwede na niyang bilhin ang Jolibee at Kenny Rogers—para sa LIBRENG-TSIBOG araw-araw sa mga nagdarahop.

-----$$$--
IBINUNYAG ang “game-fixing” sa serye ng mga national chess tournament.
May isa pa akong expose na puwedeng maka-GULAT sa lahat.
Alam ba ninyong, may mga players din na nagdo-DROGA bago maglaro?
Ano ang motibo?
Para MAKALMANTE at huwag nerbiyusin---isang SECRET WEAPON yan sa chess.
Alam kaya yan ni Butch Pichay?
Kwidaw!

-----$$$---
PERO, mahirap mahuli ang mga “nagda-drugs” na chess players.
Kasi'y hindi naman “steroid” o banned drugs ang kanilang tini-take.
Kundi simpleng “drugs” na puwedeng “gamitin” para mawala ang NERBIYOS.

---$$$--
Mahalagang maimbestigahan din ito upang “maging patas” ang mga laro at siyempre, ipagbawal ang mga “specific drugs” na nakakatulong sa “players”.
Dapat “isama” ang “drugs provision” sa tournament rules.
Wala pa ng ganitong “patakaran” maging sa INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS.
Pag-aralan ninyo—MALAKING TULONG ito sa “daigdig ng chess”.

------$$$--
ANG problema kasi sa kasalukuyang lider ng lipunan, nag-iisip sila “batay” sa nakamihasnan—pero hindi nagi-INOBASYON batay sa aktuwal na karanasan at pagbabago ng kalarakan o kultura.
Taliwas sa “physical sports”, “intellectual game” ang chess-- kaya't dapat bantayan ang mga “drugs” na may kaugnayan sa “nervous system” at “utak”.
High tech ang ating expose na yan, hindi ba?
Kakaiba yan kaya't dapat kakaiba rin ang SOLUSYON!
---30---

Sunday, January 14, 2007

Buwitre

(Bulgar newspaper, january 15 issue)


HINDI pa man lamang napagtitibay ang dagdag na suweldo sa mga nagugutom na obrero, ipatutupad na ng Social Security System (SSS) ang panibagong PATONG sa kontribusyon o premiums mula sa kakarampot na kinita ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
May natitira pa kaya ang kaluluwa ang mga nasa pamahalaan?Bakit kinukunsinte ni Ate Glo ang ganitong klase ng KAWALANG- HIYANG desisyon ng SSS?
Ipinagmamagaling ng SSS na mahusay silang humawak ng “pera ng mga obrero”--e, bakit patuloy nilang sinisepsep ang “dugo” ng mga anak-pawis.
Hindi naman gaanong nabibigyan ng benepisyo ng SSS ang mga obrero dahil wala namang mahusay na programa o proyekto ang ahensiya na tuwirang makakatulong sa mga miyembro.
Hindi natin malaman kung may sapat na katinuan ang mga nangagasiwa sa SSS.
Walang duda na mga buwitre ang mga may kontrol sa SSS.
Dapat na itong buwagin!!!
Nakapagtataka ring walang sinuman sa mga gabinete, senador, kongresista o maging mga militanteng grupo ang kumokontra sa pagtataas ng kaltas ng SSS.
Kasi'y naman ang puro “pamumulitika” ang nasa pamahalaan, ang mga militanteng grupo naman ay “politika” rin ang pinagtutuunan ng pamamahayag.
Nalihis na nang todo ang ating lipunan.
Marami ang nagmamartsa sa gitna ng lansangan—pero mistulang TINATAPAKAN nila ang KALANSAY mismo ng mga obrero.
Wala na tayong maaasahan sa SSS—isa itong lehitimong raket ng pamahalaan.
Kapos na kapos ang suweldo—“kokotongan” pa ito ng SSS.
-------30----

Lutong- Makaw

(Bulgar newspaper, january 15 issue)

WINARNINGAN ng ASEAN nations ang North Korea.
Tuta na rin sila ng Kano?

----$$$---
NAG-AATRASAN ang mga aspiranteng senador ni Ate Glo.
Kumbaga, NATIYOPE ang kanyang mga manok.

----$$--
KAKANDIDATO raw senador si Gov. Chavit.
Jueteng tungo sa Senado.

----$$--
INALERTO ang tsunami matapos ang LINDOL sa Japan.
Umakyat sila sa mga PUNO na parang mga DAGA.

----$$$---
IPATUTUPAD na raw ang GUN BAN.
Masunod kaya ito sa MINDANAO?

------$$$---
NAGSIMULA na ang ELECTION PERIOD.
Asahan pa ang maraming PAGPATAY.

-----$$---
ISANG Korean ang makakalaban ni Manny Pacquiao sa Macau sa Abril 28.
Hindi kaya isa itong tipikal na LUTONG-MAKAW?

-----$$---
TALIWAS sa press release ng SMC, itinuloy ang commercial nina Manny Pacquiao, Erik Morales at Freddie Roach.
Inuman naaaaa!

-----$$$---
WALA na raw boyfriend si Angel Locsin ngayon.
Ehemmmm, ehemmm!

-----$$$---
NAGTAAS na ng KONTRIBUSYON ang SSS.
Pukawnamooooo!

----$$$---
MALABO na raw ang LEGISLATED SALARY INCREASE.
Lintekkkkk!

-----$$$---
ISASABAK na rin ng Britain si Prince Harry sa Baghdad.
Huhhh, baka MAKATAY siya nang buhay.

Thursday, January 11, 2007

Tao nahawa na nang todo sa bird flu

(Bulgar newspaper, January 13 issue)


NANGANGAMBA ang mga eksperto sa natutuklasan nilang bagong impormasyon kaugnay ng panibagong pag-atake ng bird flu.
Ibinunyag na nagkaroon ng bagong “mutation” ng bird flu virus sa China pero inililihim na naman ito ng Beijing.
Nag-aapura na naman ang mga laboratoryo sa pagpormula ng bagong vaccines.
Nasopresa naman ang mga dalubhasa nang malaman na nahawa na rin ang mga tao sa South Korea sa bird flu virus—at walang sintomas na nakita sila.
Ibig sabihin, mas delikado ngayon ang bird flu virus dahil maaaring maging “carrier” kahit walang lagnat—kung saan mababalewala ang “thermal gadgets” sa mga airport kung saan umiilaw ito kapag dumikit sa mga pasaherong may mataas na temperatura ang katawan.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin ang mga health authorities dahil nagagawa ng immune system na talunin ang bagong virus—iyan ay sa ngayon!
Pero, sa Indonesia, patuloy na inaalerto ang mga mamamayan dahil sa patuloy na pananaklot ng naturang virus.
Pinakahuling tinamaan ngayon ang Vietnam at Hong Kong na kadikit lamang ng Pilipinas.
Hindi kasi malayong matangay ng mga wild ducks na napapadpad sa Palawan ang virus at mahawa rin ang mga Pinoy mula sa mga bumibiyaheng OFWs mula sa Hongkong at maging mula sa Europe na sinaklot na rin ng naturang epidemya.
Nagkakaisa ang mga eksperto na kontrolado nila ang paglaganap ng virus kahit nagkukusa ito na “tumigil” kapag nagbabago ang klema ng panahon.
Pero, naniniwala sila na maaaring malipol ang milyong-milyong populasyon sa biglang pagsulpot ng bagong strain ng virus anumang oras—saan mang lugar sa mundo.
------30--

New opponent ni Pacman: Si Misis

(Bulgar newspaper, January 13 issue)

NAHAWA na sa bird flu ang mga tao sa South Korea.
Nanangkupooo!

----$$$--
MAGBUBUO ng “third force” ang mga ex-senators.
O, e, ano ngayon?

----$$$--
HINDI malaman kung sino ang NAMBOBOMBA sa Mindanao.
Baka sila-sila rin!

----$$$---
APAT na head of state ang darating sa bansa.
Kaya pala sinasalubong sila ng BOMBA.

----$$$---
HINDI na pumalag at nagreklamo si Cavite Gov. Ayong Maliksi sa suspension ng DILG.
Nanahimik na lang siya.
Iyan ang NAPAKA-DELIKADO!

----$$$--
NILAGDAAN na ni Ate Glo ang BIO-FUEL Law.
Hindi kaya MAGALIT dito ang Big 3 oil companies?
At suportahan ang “kaguluhan”.

-----$$$--
KAKANDIDATO pala ang biyuda ni dating presidentiable Raul ROCO.
Hindi po ROCA ang gagamitin niya, kundi SONIA.

----$$$---
PINAGBIBITIW ni Rep. Chiz Escudero ang kanyang kumpadreng si Sec. Mike Defensor sakaling hindi makalaya si Pareng Erap.
Oopps, may TALO siya dyan—kasi talagang MAGBIBITIW si Baby Mike dahil kakandidato nga.

------$$$---
NAMATAY sa vehicular accident ang dating Marlboro Tour champion Romeo Bonzo sa habang nagmamaneho ng motoksiklo.
Sinundan niya ang YAPAK ni ex- Tour champion Jacinto Sicam na NAMATAY din nang mabundol ang sinasakyang motorbike.
Nakikiramay po tayo!

-----$$$--
DESIDIDO si Big Mike na idemanda ang lahat ng JOURNALIST na naglalabas ng negatibong artikulo laban sa kanya.
Napaka-POGI pala ni FG.
Pogeeeeee!

----$$$---
MALABONG malabo na ang laban ni Manny Pacquiao kay Marco Antonio Barrera.
At siyempre, naging BATO ang $5 milyong premyo.
Hindi kaya LABANAN siya ngayon ng kanyang misis?
----30---

Wednesday, January 03, 2007

Pagkain, hindi bala

(Bulgar newspaper, january 4 issue)

head:


UMATRAS na si Sen. Ping Lacson bilang kandidatong mayor sa Lungsod ng Maynila—Kapitolyo ng Pilipinas.

Dahil dito, lumuwag na ang labanan kung saan nananatiling aspirante pa rin sina Manila Vice Mayor Danny Lacuna; Sen. Alfredo Lim, Ali Atienza at Rep. Joey Hizon at ex-Manila Rep. Mark Jimenez.

Nakapokus ang mata ng publiko sa Maynila kasi'y ito ang pinakasentro ng ating bansa kung saan popular din ito sa buong mundo.

Mainam ang ginamit na katwiran ni Lacson na natatakot siyang ma-disqualified dahil hindi siya aktuwal na residente ng Maynila—at hindi niya pinakinggan ang payo ng kanyang mga advisers na sumabak sa Maynila.

Agad naman hinugot siya ni Pareng Erap bilang isa sa 12 kandidatong senador ng oposisyon.

Kumpara sa Abra, higit na mabuti ang girian sa Maynila dahil hindi dumadanak ang dugo.

Taliwas sa serye ng patayan sa Abra, nagkukumpitensiya ang mga kandidatong meyor sa Maynila sa pagkuha atensiyon ng mga botante sa higit na makabuluhan aktibidad.

Pinakahuling diskarte dito ay ang pamumudmod ng 250,000 pakete ng regalong pagkain sa mga residente ng Maynila sa binansagang Largest Christmas Party na inihandog naman ni Jimenez na kinabibilangan ng libreng yumburgers, peach mango pies at juice drinks.

Upang ipakitang seryoso, nagregalo rin ng Holy Water at Holy Rosary ang grupo ni Jimenez sa ilalim ng proyektong “Hulog ng Langit”.

Mas mainam sana ay umakto ring mga “Hulog ng Langit” ang mga magkakatunggaling politiko sa lalawigan ng Abra.

Imbes na bala ng matataas na kalibre ng baril ang iregalo sa mga botante at kalaban sa eleksiyon, ay bigyan ng pagkain ang mga mamamayan sa lalawigang itinuturing na isa sa pinakanagdarahop na lugar sa Pilipinas.

Imbes na serye ng ambush at pagpatay, maging popular sana ang Abra sa husay at pagiging pilantropo ng kanilang mga kandidato.

Ipagdasal nating manatiling tahimik at payapa ang kampanyahan hindi lamang sa Maynila at Abra kundi maging sa buong bansa.

--------30----




Libreng rape

(Bulgar newspaper, for: jan. 04 issue)

KINONDENA ng buong daigdig ang video clip na ipinakikita ang PAGBIGTE kay Saddam Hussein.
Ebidensiya ng KALUPITAN ng mga Kano na nasaksihan sa buong daigdig.

----$$$---
INAMIN ni Ate Glo na siya ang nag-utos na AGAWIN si Lance Corporal Daniel Smith mula sa Makati City Jail.
Siya na ang Pangulo, siya pa ang Hukom.
At siya pa rin ang mambabatas.

-----$$---
KINUMPIRMA ni Sen. Ping Lacson ang pag-atras bilang kandidatong meyor sa Maynila.
Agad naman siyang SUMUKO kay Pareng Erap upang kumandidato muling SENADOR.
Isang tipikal na alibughang anak.

----$$$--
ISANG bodyguard ng mayor ang suspect sa pagpatay sa vice mayor.
Isang MADUGONG FIESTA ang May election.

-----$$$---
ITINANGGI ng mga awtoridad ang ulat na natagpuan na ang bumagsak na eroplano sa Indonesia.
Matagal ang epekto ng Ninos Inocentes.

----$$$-
HALOS magkasabay na namatay sina ex-President Gerald Ford ng US at Saddam Hussein.
Baka magsuntukan sila pagdating sa PURGATORYO.

-----$$$---
NAGHANDA ang Istanbul, Turkey para sa isang SUPER-LAKAS NA LINDOL.
At least, nape-PREDICT nila ang earthquake.
Paano kung hindi ito maganap.
Siyempre, nagpapasalamat sila-- araw-araw!

----$$$---
DARATING daw sina Freddie Roach at Oscar dela Hoya upang kumbinsehin din si Manny Pacquiao.
Daig pa ni Pacman ang mga BEAUTY QUEEN.
De-eroplano pa ang mga MANLILIGAW.

-----$$$---
ITUTULOY na raw ang RP-US Balikatan matapos maagaw ang convicted rapist na US marine.
Libre kasi ang TRAINING GROUND ng US troops.
Libre din ang TARGET na Pinoy, at libre din ang RAPE.
-----$$$--
HINDI pa rin napagtitibay ang P1 trilyong budget sa 2007.
Nag-aaway sila sa DAMI ng mananakaw.

----$$$--
PINAKAMARAMI ang bilang ng mga KOREANONG turista kompara sa mga Kano.
Nauulit lang ang kasaysayan.
Koreans din ang karamihan sa Japanese Imperial Army na sumakop sa ating bansa.
Sila ang mga itinuturong “rapist” na Japanese.
----30---

Tuesday, January 02, 2007

Baby Mike: isang paa sa hukay

(Bulgar newspaper, for: january 03 issue)

NAGSISIKSIKAN ang mga aspirante sa pagkasenador sa hanay ng oposisyon.
Taliwas dito, nagsosolo si Sec. Mike Defensor sa inendorso ni Ate Glo sa senatorial slate ng administration party.
Magsasanib ang limang opposition party na pinamumunuan nina Sen. Ed Angara (LDP), Pareng Erap (PMP), Senate President Manny Villar (NP), Sen. Frank Drilon (LP faction) at Makati City Mayor Jejomar Binay (PDP-Laban).
Makakontra nito ang koalisyon ng Lakas-CMD nina ex-President Fidel Ramos at Speaker JDV; KAMPI ni Ate Glo; at Nationalist People's Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco.
Natabunan na ng girian sa senatorial slate ang patuloy na pagtatangka ng ilang ayudante ng Malacanang na tuloy ang ChaCha.
Kapag kinunsinte ni Ate Glo ang ChaCha campaign sa gitna ng kapos-na-sa-panahong senatorial manuevers—hindi malayong pati si Sec. Defensor ay lumayas na rin sa kanyang poder.
Kapag bumaliktad si Defensor—bigla siyang magiging SUPERSTAR sa hanay ng oposisyon.
Pero kapag nanatili siyang sepsep sa Malacanang, hindi malayong mahawa at mabokya ang kanyang batambatang political career.
Kailangang magdesisyon si Defensor nang isang BOLDYAK—nakataya dito ang kanyang kapalaran sa hinaharap.
Maaaring bilyones ang kanyang kayamanan, pero may kabuluhan ba ito kung siya ay magiging isang TALUNANG POLITIKO sa gitna ng kanyang kasibulan?
------30----

Lucky charm ni Ate Glo effective

NAKALIGTAS ang 12 sa 102 pasahero ng bumagsak na eroplano sa Indonesia.
Iyan ang totoong BAGONG TAON, BAGONG BUHAY.

-----$$$---
MAGBUBUKLOD ang limang opposition party para sa senatorial election.
Maghihiwalay muli sila MATAPOS ang nominasyon.

-----$$$--
NAGSOSOLO si Sec. Mike Defensor sa INENDORSO ni Ate Glo bilang senatorial candidate ng administrasyon.
Hindi siya NAKAHALATA na ginagawa lamang siyang “tanga”.

-----$$--
AYON kay Pareng Erap: Sobra-sobra ang aspirante ng oposisyon para sa senatorial slate.
Hindi na pala puwede si Baby Mike.

----$$$----
PANIBAGONG impeachment ang ihahain kay Ate Glo matapos “itakas” si convicted rapist Daniel Smith mula sa Makati City Jail.
Iyan ay kung makokopo ng oposisyon ang mayorya ng mga kongresista sa 2007 election.

----$$$--
MISMONG si suspected gambling lord Bong Pineda ang campaign manager ng kanyang asawa na kakandidatong gobernador sa Pampanga.
Jueteng King and Queen?

----$$$---
ITATAAS na ang toll fees sa SLEX.
Pukawnamooo!

----$$$---
MARAMI na ang naghahanda ng New Years Resolution.
New Years resolution na hindi naman natutupad.

----$$$--
PINAKABUWENAS na lucky charms ngayon ang BABOY at mga mukhang BABOY.
Kaya tiyak na susuwertehin lalo si Ate Glo.
Kasama kasi niya lagi ang kanyang LUCKY CHARM.

-----$$--
MAS marami raw ang NABIKTIMA ng firecrackers at bala ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon ngayon kompara last year.
Puro kasi POLITIKA ang DOH imbes na magtrabaho nang todo.

-----$$$---
HINDI raw kakandidato bilang senador si Sec. Eduardo Ermita.
Nakakaramdam kasi siya ng PAGKATALO.

-----30---

Monday, January 01, 2007

Doble gahasa

(Bulgar newspaper, for: january 02 issue)

NILOLOKO ng Malacanang ang mga Pinoy gamit ang mga engot sa media practitioners sa pagsasabing isang tunay na tratado o TREATY ang Visiting Forces Agreement (VFA) na ginagamit na katwiran nang “itakas” si convicted rapist Lance Corporal Daniel Smith ng US marines mula sa Makati City Jail.
Kahit si Sen. Juan Ponce Enrile ay sumali pa sa pagdedepensa sa VFA sa katwiran daw na kailangang proteksiyunan ang SOBERANIYA ng US at hindi lang ang dignidad ng Pilipinas.
Sa totoo lang, hindi kinikilala ng US ang naturang VFA bilang TREATY—kasi'y pa naman nila ito NIRARATIPIKAHAN upang maging ganap na “kasunduan”.
Para kina Ate Glo at Enrile, para lang proteksiyunan ang Kano—okey lang na bastuhin ang JUDICIAL PROCESS sa bansa.
Sa pagkakatakas ni Smith tungo sa US embassy, hindi lang si Nicole ang kanyang GINAHASA—kundi NAGAHASA na rin ang INANG BAYAN—ang masakit, KUSANG-NAGPAGAHASA ang ating Republika!
Walang kapatawarang ang ganitong modernong krimen.
Ang US embassy, ay bahagi ng US territory batay sa international law—hindi rin masasakop ng Korte Suprema ang mga taong nasa loob ng bisinidad nito!
Inagaw si Smith mula sa Makati City Jail nang hindi idinaan sa “maayos” na judicial process!
Isang napakasamang precedent nito lalo pa't ang mismong Malacanang ang nag-utos.
Nabura na rin ang tinatawag na co-equal branches ng Executive (Malacanang), Legislative (Congress) at Judiciary (Judicial Court).
Hindi natin alam kung paano ito i-interpret ng Supreme Court at mismo ng mga opisyal at enlisted men ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nanumpa kasi ang mahistrado, hukom at sundalo na IPAGTATANGGOL ang Konstitusyon at Republika mula sa interest ng mga DAYUHAN.
Hindi natin isasali sa usapan ang Kongreso.
Obvious kasi na HINDI SILA BILIB sa 1987 Constitution na paulit-ulit din nilang
ginagahasa at pinagtatangkaang i-SALVAGE!
-------30---

Year of the Puppet

(Bulgar newspaper, january 02, 2007 issue)

AY, wakas, natapos na ang 2006.
Ipagdasal nating MABUTI ang hatid ng year 2007!

----$$$--
BUNTALA ng Mars ang kokontrol sa 2007—dahil taglay nito ang No.9.
Ang Mars ang God of War.
Asahan ang mga giyera.
Dito na kaya magaganap ang World War III?
At EDSA 4?

-----$$--
MALABO na ang rematch nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.
Iyan ang unang BAD NEWS sa 2007.

----$$$---
PUMALO na sa 3,000 US troops ang natepok sa Iraq.
Higit ito sa 2,900 katao na namatay sa pagkawasak sa World Trade Center sa New York.
Kumbaga, mas maraming KANO ang natepok kaysa sa bilang ng kanilang IPINAGHIHIGANTI.

----$$$--
INILIBING na ang bangkay ng binigteng si Saddam Hussein.
At least, hindi siya ginawang GINILING.

-----$$$--
IPINAYO ni Saddam sa mga Iraqis na huwag MAMUHI sa mga taong BUMITAY sa kanya.
Naniniwala siya na ang PAGKAMUHI ang SUMISIRA sa isip ng tao upang MAKAPAGDESISYON NANG TUMPAK.
Huwag po tayong MAMUHI kay Ate Glo.
Kahit DAIG pa natin ang BINITAY sa nagdaang taon.

----$$$--
BINASTOS ng Malacanang ang sariling BATAS at SOBERANIYA nang itakas ang convicted rapist na si Daniel Smith sa Makati City Jail.
Wala duda na ngayon ay YEAR OF THE PUPPET.

----$$---
KUNG paano dinidiktahan ng US ang Iraq, gayundin ang PAGHAHARI-HARIAN nila sa Pilipinas.
Hindi puwedeng pumalag ang Malacanang.
Kasi'y maaari silang MA-KUDETA—ng panibagong grupo ng mga TUTA.

----$$$---
ISA pang vice mayor ang binaril at napatay sa Capiz kasama ang dalawang bodyguards.
Ooopp, may BATAS pa ba?

----$$--
NILABAG muli ni Ate Glo ang Konstitusyon nang AGAWIN si Smith sa Makati City Jail.
Ito ang JAILBREAK na tinulungan pa ng Malacanang.
Kakahiya!
Kakasuka!
-----30--