Wednesday, May 31, 2006

Balik- Grade One

(for; BULGAR, June 01 issue)

SINABON ni Ate Glo si Department of Education(DepEd) Secretary Fe Hidalgo nang ibunyag nito ang katotohanan na may malaking pagkukulang sa bilang ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Pinalayas sa cabinet meeting si Hidalgo at inutusan na rebyuhin ang datos at nang magbalik ito ay inamin niya na nagkamali siya—kahit tumpak ang kanyang paga-analisa.
Nakakatawa ang eksena.
Kasi naman ay nais ipilit ni Ate Glo na hindi kapos ang bilang ng silid-aralan kung ang ratio ng bawat klasrum ay 100 bata kada silid-aralan.
Nilinaw naman ni Hidalgo na sinuma niya ang kanyang istatistik batay sa 45 estudyante kada klasrum na siyang ideyal at angkop upang matuto nang maayos ang mga mag-aaral.
Sa ngayon, ipinagmamagaling ng mga awtoridad na may dalawang shift—na gumagamit ng iisang silid-aralan.
Kumbaga, mag-aaral ang 50 bata sa umaga at uuwi na; sa hapon, panibagong 50 estudyante na gagamit din ng naturang klasrum.
Sa istatistika ng Malacanang, hindi kapos ang bilang ng silid-aralan sa ganyang sitwasyon.
Sino kaya ang niloloko ng Malacanang?
Si Hidalgo?
Ang media?
Ang mga estudyante, guro at magulang?
O ang kanilang sarili?
Dapat silang mag-BALIK SA GRADE ONE!
Iyan ay kung mayroon pang natitirang silid-aralan.
-----30----

Una sa telebisyon

(for BULGAR, June 01 issue)

NAKIPAGKITA kay Ate Glo ang tatlong nagke-CLAIM na MGA UNANG PINOY na nakarating sa ituktok ng Mt. Everest.
Ayusin natin nang bahagya.
Unang tatlong Pinoy na na-TELEVISED NANG UMAKYAT SA MT. EVEREST.
Yung mga naunang PINOY na nakaakyat sa Mt. Everest Summit ay hindi NA-TELEVISED!
----$$--

GAGAMIT ng 2,000 sundalo ang Philippine Navy upang palayasin sa kani-kanilang TAHANAN ang 115 overstaying retired enlisted personnel sa Fort Bonifacio.
Diyan na MAWAWASAK ang AFP.
----$$$---

IPATUTUPAD na ang National ID System.
Matapos magka-ID ang mga kobrador ng jueteng, bibigyan naman ng ID ang mga MANDURUKOT, PUTATSING at mga HOLDAPER.
-----$$--

ISASARADO daw ang mahigit 12 DORMITORYO sa Maynila dahil sa paglabag sa building code.
At hindi paglalagay?
----$$$---

PINAGBABARIL ng mga suspected NPA ang Globe telecom tower sa Camarines Sur dahil sa hindi pagbibigay ng REVOLUTIONARY TAX.
Pwede kayang KOPYAHIN yan ng BIR kontra sa mga TAX EVADERS?
Kapag nangyari yan, magmimistulang Baghdad ang Maynila.
----$$--

IBINUNYAG ni Pareng Erap na nagkaroon ng SABWATAN ang pagpapatalsik sa kanya sa Malacanang.
At natalo siya sa DISKARTE.
----$$$--

NANGANAK sa isang ceasarian operation ang Holywood actress na si Angeline Jolie na sinasabing ama si Brad Pitt.
Yun ang akala nila.
-----$$$--

PAPALO na sa mahigit 6,000 katao ang namatay sa lindol sa Indonesia.
Mukhang nabibiyak na ang mundo.
----$$-

DEDBOL ang 54 katao sa serye ng suicide bombers sa Iraq.
Lalong nagiging GRABE ang sitwasyon habang nagyayabang si US Prex George Bush.
---$$$---

PUMAYAT na raw si Manny Pacquiao.
Dahil sa sobrang takot sa “MGA BIYENAN”.
----30---

Tuesday, May 30, 2006

Agawan sa utong

(for BULGAR, May 31 issue



MABABAHIRAN ng kontrobersiya ang pagdating sa Maynila ng nagmamagaling na Unang Pinoy na nakaakyat sa itutuktok ng Mt. Everest na si Leo Oracion at Pastor Emata na kapwa itinaguyod ng ABS-CBN TV network.
Nauna nang nakauwi sa Pilipinas ang umaangkin bilang 3rd Pinoy na nakarating sa Summit ng pinakamataas na bundok sa buong daigdig na si Romy Garduce na inisponsoran naman ng karibal na TV network na GMA- 7.
Pero, naglabas ng dokumento, sertipiko at litrato ang kampo ng beteranong mountain climber na si Dale Abenojar na nagsabing siya ang unang Pinoy na nakarating sa Summit ng Mt. Everest noong Mayo 15, dalawang araw bago isinatelebisyon ang pag-akyat ni Oracion.
Sakaling mapatunayan na lehitimo ang “claim” ni Abenojar, maraming implikasyon ang kauuwian nito.
Malalayo ang isyu kung sino ang FIRST PINOY sa Mt. Everest Summit, bagkus mapapalitan ito ng isyu ng “corruption” sa media o hindi patas na pag-uulat.
Masisira ang kredibilidad ng dalawang dambuhalang television network.
At kahit pa matukoy na mali ang ipinagyayabang ni Abenojar, mababatikan pa rin ng “hindi patas na pag-uulat” at “pagtatago ng impormasyon” ang ABS- CBN Channel 2 at GMA Channel 7.
Bakit nila inilihim sa publiko na may IKAAPAT na mountain climber na handa ring magbuwis ng buhay para maitirik ang Bandila ng Pilipinas sa Mt. Everest?
Bakit ipinokus lamang nila ang TV coverage sa kani-kanilang ALAGA.
Imoral at hindi patas ang ginawang iyan ng dalawang TV network at sinadyang biniktima ditto mismo si Abenojar.
Bakit? Wala kasing PERA o DATUNG ang pobreng mang-aakyat ng bundok!
Paano kung may nangyaring masama kay Abenojar?
Bakit nila ipinalalabas na “sila-sila” lang ang MAGKAKAPAMILYA at MAGKAKAPUSO?
Ang pangyayaring ito ay isang masamang pangitain sa larangan ng pamamahayag: Bulok din ang larangang ito tulad sa mga politikong pulpol at kriminal na kanilang mga binabatikos!
Balewala ang pag-akyat sa ituktok ng PINAKAMATAAS mang bundok kung napaka-BABA naman ng moralidad ng isang bansa!----30----

Bendisyon ng demonyo

(for BULGAR, May 31 issue)


MAY dokumento si Mountaineer Dale Abenojar na siya ang FIRST PINOY na nakarating sa itutuktok ng Mt. Everest at hindi Leo Oracion..
Huhhh, hindi kaya involve na naman ditto si Garci?

----$$--
TINALO ng RP Chess Team ang Iceland, 3.5- 05 upang makaakyat sa 14th place sa 37th Chess Olympiad.
Nabuhay silang MULI!

-----$$--
NAPATUNAYAN ng Commission on Human Rights na may “criminal intent” ang parak na nagmasaker sa mga suspected carnappers sa Ortigas.
Tsk, tsk, tsk, ang PNP mismo ang ugat ng kriminalidad?

----$$$--
LEGAL na ang jueteng.
Gamit ng mga kobrador ang ID ng STL.
Mautak talaga si Edward Hagedorn.
Sino kaya ang kanyang nasa “likuran”?

-----$$$---
KUNWA-KUNWARI lang ang mga pagre-raid sa jueteng.
Tuloy pa rin ang PAGTABO ng milyon-milyong piso ng mga jueteng lord.

-----$$--
SA pagbubukas ng jueteng, walang duda na luluwag ang ekonomiya.
Isipin ninyong nagkaroon ng trabaho ang tig-20 hanggang 50 jueteng personnel (kobrador, rebisador, kabo, clerk) sa 43,000 barangays sa buong bansa.
Dapat bigyan ng award si Hagedorn ng LABOR GROUPS.

-----$$--
KUNG bayani si Hagedorn ng mga NAGDARAHOP, saan naman kaya MAPAPADPAD ang kanyang kaluluwa?
Ano kaya ang sagot ditto ni Bishop Oscar Cruz?
Kailangan muna raw matiyak natin kung MAY KALULUWA si Hagedorn.

-----$$$--
SA pagkabuhay ng jueteng, sino naman kayang MATATAAS na opisyal ng gobyerno ang nagbigay ng BENDISYON ditto.
Dalawa lang ang puwedeng magbigay ng BENDISYON.
Ang tunay na Diyos at ang tunay na DEMONYO.

------$$--
OPENING na ng eskuwela next week.
Buhay na naman ang ‘RAKET nina Mam at Sir.
Raffle ticket, popularity contest at educational trip kuno!

-----30—

Monday, May 29, 2006

Trahedya

DUMARANAS ng sunod-sunod na trahedya ang Indonesia.
Dapat ay makapaglatag ng sistematikong programa ang gobyerno upang mabawasan ang negatibong epekto ng mga kalamidad.
Namumuro ang Pilipinas sa tatamaan ng malakas na lindol, tsunami, flash floods, landslide, epidemya ng bird flu, pagputok ng bulkan at maaari ring sunog.
Kung binigyan ng malaking budget ng publiko at pribadong sektor ang Charter Change campaign kung saan nag-imprenta ng PRIMER—bakit hindi ito gawin sa “disaster preparedness program”.
Maglabas ng milyong piraso ng mga “babala”, posters at paglalathala sa diyaryo at pagbo-brodkast sa radyo at telebisyon ng mga paalala sa mga kalamidad.
Maaari ring ipag-utos agad ng DILG ang paglikha ng Barangay Disaster Task Force at pondohan ang walang patid na training sa mga volunteers ng relief and rescue operations.
Sa ngayon, may espesyal bang training center ang gobyerno para sa mga volunteers sa panahon ng kalamidad?Wala!
Ibig sabihin, propaganda lamang at pang-MEDIA RELEASE ang mga talumpati at reaksiyon ng pamahalaan.
Mas binibigyan nila ng PRAYORIDAD ang mga aktibidad kung paano sila MANANATILI sa puwesyo kaysa sa mga aktibidad na MAGLILIGTAS ng buhay ng mga mamamayan.
Magpasalamat tayo at wala pang trahedya—SA NGAYON!
------30--
(for BULGAR, May 30 issue)

PUMALO na sa 5,000 ang dedbol sa lindol sa Indonesia.
Baka NATUTULOG si Allah.

-----$$--
MATAPOS lumindol sa Indonesia, kinabukasan ay sa Papua New Guinea at ilang oras makaraan ito ay sa bansang Tongo.
Kahapon, nilindol na rin ang Laoag City.
Sa totoo lang, PAGHANDAAN natin ang mas MALALAKAS na lindol anumang oras.

----$$--
MARAMI ang nagtatanong kung hindi kaya KAININ nang buo ng dagat ang SM Mall of Asia na itinayo sa “reclamation area” sa Pasay City.
May mga nagsasabi na sakaling umatake ang Intensity 9 eathquake—maaaring LUMUBOG ang gusali sa sobrang bigat.

---$$--
NOONG Linggo, Mayo 28, umaapaw sa dami ng tao ang Mall of Asia at punumpuno ang mga “restaurant at fasfoods”, walang maupuan ang tao, ikot lang ng ikot.
Maghapong naggigitgitan sa ENTRANCE at EXIT ang mga umuusyoso dito.

---$$---
Ubod nang init sa loob—hindi kaya ng AIRCONDITIONING UNIT.
Sino ang may sabing DAMBUHALA ito?
Maliit ito kompara sa DAMI ng tao na nagpunta noong Linggo.

----$$--
Delikado ang STAMPEDE.
Sakaling LUMINDOL NANG MALAKAS noong Linggo, marami ang MATETEPOK sa Mall of Asia ni Henry Sy.

----$$$---
SA totoo lang, hindi naman sa PAGGUHO ng gusali, matetepok ang mga tao sa loob ng mall kundi sa stampede—o madadaganan sakaling mag-PANIC at magtakbuhan sa ENTRANCE at EXIT.
Dapat suriin ng mga awtoridad ang SM Mall of Asia upang makaiwas sa TRAHEDYA.
Nagpapaalaala lang naman.
Nag-uutos na rin!

------$$---
SA gitna ng banta ng malakas na lindol, maaaring DAMBUHALANG BAHA ang dumating.
Ibig sabihin, dapat ay talagang PREPARADO ang mga mamamayan.

---$$$--
NAKAPAGTATAKA naman ang gobyerno kung bakit panay PRESS RELEASE lang ang preparasyon.
Imbes na magsagawa ng BARANGAY ASSEMBLY sa ChaCha, dapat ay lumikha ng agarang KOMITE SA TRAHEDYA sa mga barangay sa buong bansa.
Iyan ang inyong lagyan ng BUDGET at i-training ang mga tao.

-----30---

Saturday, May 27, 2006

Trahedya

(for BULGAR, May 29 issue)

TINATAYANG hihigit pa sa 2,000 katao ang namatay sa Intensity 6 earthquake sa Indonesia sa isang lugar na malapit din sa naga-alburutong bulkan.
Marami rin ang sugatan at nasira ang mga ari-arian.
Nag-panic din ang mga residente sa takot na maulit ang nakaririmarim na tsunami.
Sa Pilipinas, matagal nang hindi nakakaranas ng malalakas na lindol ang bansa mula nang gumuho ang malalaking hotel sa Baguio City at isang eskuwelahan sa Cabanatuan City.
Wala ring nararanasan tsunami sa alinmang dalampasigan ng archipelago.
Kalmante rin ang mga bulkan at walang nagngangalit tulad ng Mount Pinatubo.
Pero, hindi tayo dapat makalmante dahil ang pananaklot ng trahedya ay dumarating na tulad ng isang pagnanakaw ( huh, araw-araw din dumarami ang magnanakaw sa sobrang pagdarahop).
Mya trahedya man o wala, dapat ay lagging maging handa ang Pilipinas sa ganitong mga pangyayari at regular na iniimbentaryo ang mga relief and rescue operation equipments; o sinusuri ang mga sitwasyon upang hindi gaanong makaapekto ito sa populasyon.
Ang kalamidad ay bahagi na ng buhay ng tao,tulad din ng mga pang-araw-araw na problema sa hapag-kainan.
Kumbaga, iba na ang lagging handa!
----30--

Normal

(for BULGAR, May 29 issue)

MAHIGIT 2,000 katao ang natepok sa isang Intensity 6 earthquake sa Indonesia.
Parang MANOK lang ang tao, bigla na lang nalilipol.

----$$$---
ITINAAS ang suweldo ng mga OFWs sa Israel.
Iyan ang tunay na biyaya ng mga HUDYO.

----$$--
HINDI pa umuuwi sa kani-kanilang BAHAY ang mga pinalayang Erap Five.
Huhh, baka NAMUNDOK na?

-----$$$--
TUMABO raw ng 31 percent PROFIT ang SM Group of Companies.
Pero, INAALIPIN pa rin ang mga CONTRACTUAL WORKERS.
Mga walang kaluluwaaaaa!

-----$$$--
NAKIPAGSAYAW si Madame Meldy sa PCGG Chief.
Areglado na ang BUTO-BUTO.

----$$$--
MAY civil war na sa East Timor.
Nagugulo na ang MUNDO.

----$$$--
SINUNOG ang mga “kopya” ng Da Vinci Code.
Isa na itong JIHAD.

----$$$--
ITINALAGA nang permanenteng komisyoner sa Bureau of Customs si Napoleon Morales.
Ah ganunnnn?

-----$$--
DUMARAMI na ang napapatay dahil sa 2007 elections.
Akala kasi nila ay MATUTULOY.

----$$$--
KOMPARA kina Rep. Imee at Rep. Benjie Agarao, bakit kaya tahimik si Tarlac Rep. Gilbert Teodoro.
Ang tatlo ay mga ex-KBs (Kabataang Barangay) leaders sa kanilang kapanahunan.
Dapat na rin siyang MAKIALAM.

----$$$---
BUMABAGSAK na naman ang halaga ng PISO.
Ibig sabihin, nagbabalik na tayo sa NORMAL.

-----30---

Ang kapitbahay, bow

(for BULGAR, May 28 issue)

DAPAT magbuklod ang mga East Asian nations kasama ang India, China at Japan upang makadepensa kontra sa pagkontrol ng mga European nations, US at mga kaalyado nito.
Ito ang paninindigan ni dating Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad na nagsasabi ring hindi dapat isali ang Australia at New Zealand sa grupo dahil ang mga ito ay TUTA ng mga Kano.
Naniniwala si Mahathir na nanatili pa rin sa mga taga-Europe at US ang ideolohiya ng PANANAKOP sa kapwa bansa imbes na ipatupad ang patas na transaksiyon sa ekonomiya.
“Ang mga Asyano ay simpleng gusto lang magnegosyo at umunlad ang ekonomiya, pero ang mga Kano at Europeo ay may UTAK-PULBURA at pagiging MANANAKOP kaya’t mawawasak lamang nito ang ating mga bansa,” wika ni Mahathir.
Napakalinaw ng direksiyon na nais ni Mahathir na dapat yakapin ng East Asian nations sa pagbubuklod ng ekonomiya.
Sakaling magkasundo ang ating mga kalapit na bansa, walang duda na makakatakas ang Pilipinas mula sa pambubusabos ng mga Kano.
Sakaling iwanan na tayo ng mga Kano, matatahimik na rin ang ating gobyerno at lipunan—na lihim na nais sakupin o kontrolin ng United States.
Sa totoo ang, ang mga Kano ang tunay na naghahasik ng gulo at lagim sa Mindanao dahil batay sa pagsasaliksik, sila mismo ang nagsanay sa mga orihinal na miyembro ng Abu Sayyaf.
At ang dambuhalang MINA NG LANGIS sa Mindanao ang nais makontrol ng mga Kano sakaling makalaya sila na ma-EXPLORE ito o ma-EXPLOIT.
Kumbaga, mahalin natin ang ating mga KAPITBAHAY—sila ang tunay na makakatulong sa ating kagipitan, lalo na kapag may “sunog”.
----30--

LA-ri-OS

(for BULGAR, May 28 issue)

ISA pang Bayan Muna leader ang dinukot sa Makati City ng mga hinihinalang operatiba ng ISAFP.
Hindi kaya siya ang narinig at nakita ng “Erap 5” na kinakatay?

----$$--
SINALUBONG si Mountain climber Romi Garduce nang MISTULANG BAYANI.
Bayani ng GMA-7.

----$$--
SASAGUPAIN ni Sen. Lito Lapid si Makati City Mayor Jejomar Binay sa 2007 elections.
Tatabo ditto nang husto ang mga VOTE SELLERS.

----$$-
KUKUHA ng may 5,000 bagong guro ang mga PUBLIC SCHOOLS.
Watyuseyyyyyy?

----$$--
TINORTIYUR daw ang Erap Five.
Pasalamat sila’t magkakasama pa ang PIYESA ng kanilang katawan.
As of POSTIME.

---$$-
TUMABO raw ang SSS ng P2 bilyon sa first quarter.
Kayrami na naman nilang MADARAMBONG sa mga obrero.

----$$--
DIFFERENT Oscar Larios daw ang makakaharap ni Manny Pacquiao.
Baka naman mabubura ang “RI” mula sa LA-ri-OS!

----$$--
KINAKAPOS ng “hininga” ang RP Chess Team sa 37th World Olympiad sa Italy.
Aba, hagisan na ninyo ng TUWALYA!

----$$---
HINIMOK ni Mahathir Muhamad ng Malaysia ang EAST ASIA nations na labanan ang European union at US sa pagkontrol ng ekonomiya ng kontinente.
Naniniwala si Mahathir na pawing may UTAK “CONQUEROR” ang mga Kano at European nations.
Dapat pakinggan ng mga Asyano si Mahathir na kumokontra sa mga KANO.

----30---

Friday, May 26, 2006

Bush, Blair: TAMA

(fot BULGAR, May 27 issue)

INAMIN nina US President George Bush at Prime Minister Tony Blair na batbat ng pagkakamali at lihis ang mga pamamaraan na ginamit nila sa pananakop sa Iraq.
Ipinahayag nina Bush at Blair ang mga ito nang may halo pang pagyayabang dahil ipinagmamalaki pa rin nila na tumpak ang kanilang desisyon pero mali lang ang sistema.
Tumpak ang desisyon para sa kapakanan lamang ng mga Kano at Briton pero sa paggalang sa karapatang pantao at soberaniya ng isang bansa ay mali at kasumpa-sumpa.
Inaakala ng magkarantsong sina Bush at Blair na ang buong mundo ay pinaninirahan lamang ng mga Kano at Briton ay hindi nila iginagalang ang pagkatao ng bawat lahi at pagkabansa ng mga nasyon sa buong mundo.
Kahiya-hiyang inaamin din ng dalawang may “topak” na libo-libong inosenteng sibilyan ang kanilang napatay at hindi man lamang sila nakukonsensiya.
Ang ganitong klase ng mga lider sa mundo ay hindi nalayo kay Hitler kaya’t mapaparusahan sila sa record ng kasaysayan sa mga susunod na henerasyon.
Malinaw na “MALAKING ANG TAMA” nina Bush at Blair.
----30---

Nabuntis ni Pacman

(for:BULGAR, May 27 issue)

HANDANG magsilbing SUICIDE BOMBERS ang mga Iranian.
Mas mainam kung SABAY-SABAY silang lahat.
Madudurog din ang katabing Iraq.

----$$--
ISANG bank manager ang nahatulan dahil sa MONEY LAUNDERING.
Huhh, napakislot ang puwet ni Pareng Erap?

---$$--
INAMIN nina US Prez George Bush at Britain Prime Minister Tony Blair na natatalo sila sa giyera sa Iraq.
Pero ayaw pa nilang UMATRAS.
Sige lang, antayin ninyong mabangkarote ang London at Washington.

----$$--
IDINEPENSA ni AFP Chief Generoso SENGA ang pag-aresto sa “Erap 5”.
Loyal kasi siya kay Ate Glo pero hindi sa KONSTITUSYON?

----$$--
INATAKE sa puso ang isang kongresista na PUMIRMA sa impeachment complaint pero hindi NAGPAKITA sa araw ng BOTOHAN.
Eh, di NAKARMA siya.

----$$--
TATANGGAP si Manny Pacquiao ng $3 million kontra sa 3rd match kay Erik Morales.
Nanangkupooooo, kaylaking KAYAMANAN.
Darami ang babaeng “magsasabing nabuntis” din ni Pacman.

----$$$--
KAPAG nagging $10 million ang kobransa ng Pacquiao ay tiyak na mas delikado.
Baka pati si Rod Nazario ay “NABUNTIS” din niya.

---$$--
HINDI raw tatanggapin ni Susan Roces ang POSTHUMOUS award ni FPJ bilang national artist.
Siyempre, hindi naman siya ang AWARDEE e.

----$$$--
KUMAKAIN ng alikabok sa chessboard ang RP Chess Team sa 37th Chess Olympiad sa Turin, Italy.
Kailangan nila ang tulong ni Darna.

----$$--
NAGSIMULA nang mag-usap ang mga Kongresista at mga senador kaugnay sa ChaCha.
Kaya pala pinakyaw na ang mga ENVELOP sa Divisoria.

----30-

Thursday, May 25, 2006

Pisenorder

(for Bulgar editorial, May 26 issue)

PARAK na naman ang itinuturong bumaril at nakapatay sa isang broadcast journalist sa Palawan.
Pulis din ang sinasabing kumitil sa buhay ng isa ring journalist na si Albert Ursolino.
Sa simpleng sitwasyon, madaling matukoy ang dahilan kung bakit hindi nareresolba at patuloy ang walang habas na pagpatay sa mga mamamahayag—ito, ay dahil sa ang pangunahing SUSPEK ay karaniwang mismong mga miyembro at opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Maging ang tangkang pagpatay kay Bulgar columnist Pablo Hernandez ay isa ring parak at opisyal ng PNP pero hindi pa rin nareresolba ang kaso bagaman may naarestong aktuwal na suspek sa pananaksak.
Naniniwala ang Commission on Human Rights (CHR) na ang gobyerno ang may responsibilidad na malutas ang mga kaso at sakaling hindi ito maresolba sa lalong madaling panahon, mapupuwersa ang International Community na manghimasok sa mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao.
Ang pagsisinungaling at mismong pag-amin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na dinukot nila ang limang supporters ni dating Pangulong Erap ay isang matibay na ebidensiya ng paglabag sa karapatang pantao.
Kapag ang isang gobyerno na may kontrol ng “malalakas na armas” ay hindi tumutupad sa “social contract” kung saan dapat proteksiyunan ng pamahalaan ang mga mamamayan—nawawalan ng kabuluhan dito ang prinsipyo at PILOSOPIYA NG PAGKAKAROON NG GOBYERNO.
Delikado ang ganyang paglalarawan at sitwasyon dahil aktuwal na masasabing “hindi nage-exist” ang PEACE AND ORDER” sa Pilipinas.
Tanging ang may “peace and order” lamang ay ang mga may kontrol ng armas na pamatay ng tao, pero ang walang-armas na sibilyan—ay pawang hindi nakakatikim ng aktuwal na KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN at KAAYUSAN sa lipunan.
Dapat ay malutas agad ito ni Ate Glo, bago manghimasok ang mga DAYUHAN—partikular ang pakialamerong mga Kano.
---30---

Anbelibabol

(for Bulgar, May 26 issue)

DINUKOT ang limang SUPPORTERS ni Pareng Erap.
Nakupp, paano yan, MAY LUSLOS pa naman siya?
----$$--
NAGSINUNGALING ang ISAFP sa pagsasabing hindi nila inaresto ang 5 Erap Loyalists.
Kasi'y inamin din nila na ito ay nasa kanilang PANGANGALAGA.
At buhay pa, SA NGAYON!
----$$--
NAARESTO na ang pangunahing suspect sa pagpatay sa BRODKASTER sa Palawan.
Tama ang hula ninyo, siya ay isang PARAK.
----$$--
MGA parak din ang sinasabing TUMODAS sa isa pang journalist na si Albert Ursolino.
Alam na natin ngayon kung bakit hindi nalulutas ang PAGMASAKER sa mga mamamahayag.
Kasi'y ang KARANIWANG SUSPEK ay mga PULIS din.
Entiendes?
-----$$--
UMAMIN si Pareng Erap na siya ang lumagda ng “Jose Velarde”.
Abangan natin, baka aminin din niya na siya rin ang pumirma ng “Jose Pidal”.
----$$-
BUMABAGSAK na naman ang HALAGA NG PISO.
Paktaylo!
---$$--
DUMARAMI daw ang PUTATSING na DH sa Singapore.
Balita pa ba yannn?
----$$--
GUSTO raw ng mga kongresista na pagtibayin ang batas para sa P125 a-day salary increase.
Huhh, isang PANIWALAANG-DILI.
---$$--
MAY panibagong P35 milyong pork barrel ang mga kongresista bukod pa ang naunang P40 milyon bawat isang distrito.
Bayad yan sa pagkontra sa Impeachment?
Tsk, tsk, tsk.
----$$--
PALALAYAIN na raw si Nur Misuari.
Nakupp, maiinggit si Asyong Salonga.
----$$--
ITINALAGA bilang bagong auxillary bishop ng Maynila si Fr. Broderick Pabillo.
Eh, father, baka kailangan mo rin ng SEKSING SEKRETARI, sabihin mo lang, ire-release ko.
-----30--

Tuesday, May 23, 2006

Imahinasyon

(for BANDERA, May 24 issue)

Dear David,
BIGYAN mo rin sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Enero 7, 1972.Isa akong taxi driver pero maliit lang ang kita ko kasi’y may karilyebo ako. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. May apat akong anak. Ano baa ng masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.

JAMES NG DAVAO CITY

Dear James,
NUMBER seven (7) at nine (9) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Mars ang kumokontrol sa iyong pagkatao. Kulay berde at pula ang buwenas mo. Matalas ang iyong imahinasyon kaya’t dapat na linangin mo ang iyong natatagong talento sa pagdedesenyo o mga larangan na mayu kaugnayan sa sining. Ibig sabihin, hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pamamasada bagkus ay sikapin mong magbukas kahit maliit na negosyo o pagtitinda ng kahit anong decorative items. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2007, at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na ikabubuhay o negosyo. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Agosto at Disyembre lalo na sa mga petsang 5, 8, 12, 15, 23, 26, 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Lunes. Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No.9 ang No.2.Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-7-11-18-23-25-37-40-42. ASSET tips: 4-2-1/ 7-9-2/ 1-3-2/ 7-4-2. Wiretips: 3-4-6/ 8-1-2/ 7-3-2. Double digit: 4-7/ 8-3/ 1-5/ 7-2. Luzon guide: 2-6-11-19-22-29-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-18-23-28-34-37-40-42. MegaLotto: 3-6-11-18-23-25-34-38-40-42. Four Number: 3-2-3-6/ 8-2-1-2/ 8-2-3-2. Coded tips: ampalaya- patola- okra/ green- red- black/ b-s-d.
----30--

Putatsing

(for Bulgar editorial, May 25 issue)

PANAHON na ng enrollment sa mga eskuwelahan.
Marami nang magulang ang hindi magkandatuto kung saan kukuha o mangungutang ng pang-matrikula ng mga anak at bahala na kung saan magdedelihensiya ng pang-araw-araw na gastusin ang mga magtatagumpay na maging estudyante.
Sa sobrang hirap ng buhay, inaasahang darami ang mga estudyante sa kolehiyo ang pikit-matang magbebenta ng aliw upang makapagpatuloy pag-aaral.
Sa gitna ng krisis, tumitindi ang prostitusyon.
Iyan din ngayon ang nagaganap sa Singapore.
May mga ulat na napupuwersa nang mag-side line ang ilang domestic helpers sa naturang bansa bilang prostitutes upang makapagpadala ng pera sa mga naiiwanang pamilya sa Pilipinas.
Ang inire-remit na pera sa Pilipinas ay ginagamit din upang matustusan ang malaking halaga na kailangan sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Sa ngayon, walang malinaw na solusyon ang gobyerno kung paano masusugpo ang prostitusyon.
Kakambal kasi nito ang krisis sa ekonomiya.
Malayong-malayo ang isyu ng ChaCha sa nakasusulasok na problema ng pagbebenta ng “laman” upang makaahon sa hirap ang mga Pinoy.
Kuwarta at trabaho ang kailangan ni Juan—hindi ChaCha.
---30---

Lider-lideran

for BULGAR, May 25 issue

NAARESTO ang mga pulis at sundalo na nagpa-POT SESSION sa illegal drugs.
May “peace and order” pa ba?

----$$--
INABSUWELTO si ex-Maj. Gen. Carlos Garcia sa isang PERJURY CASE.
Nakaiskor ng isa si Kolokoy.

----$$$---
SINABON ni Mareng Imee si Minority leader Chiz Escudero.
Tuwang- tuwa naman ang mga taga-Malacanang.
Kakaunti na nga ang oposisyon, nag-aaway pa.

-----$$---
IYAN ang problema sa oposisyon, WALANG TOTOONG LIDER.
Puro NAGLIDER-LIDERAN lang.

-----$$--
SA politika, hindi puwede yung puro PORMA-PORMA lang.
Ipakita mo ang TALINO at HUSAY mo.
Kung wala, MANAHIMIK ka.

----$$$--
NAGUGULO na rin ang FRENCH GOVERNMENT.
Nagkaroon din sila ng mga SERYE NG EXPOSE.
Pero, napatunayang PEKE ANG MGA DOKUMENTO.
Sino kaya ang “nag-OPERATE” dun?

------$$--
NINANAKAW ang mga “dokumento” sa mga BETERANO sa United States.
Puwede, dokumento lang ang nawala.
Sa Pilipinas, MISMONG PONDO.

------$$$--
ISANG “Dale Abenojar” ang nagke-CLAIM na siya ang naunang nakaakyat sa ituktok ng Mt. Everest noon ding nakaraang lingo.
Ibig sabihin, sa “kawalan ng TV network” na sponsor—hindi NAPANSIN ang kanyang pagiging “FIRST PINOY” sa Mt. Everest Summit noong Lunes.
Ano kaya ang masasabi ditto nina Oracion, Emata at Garduce?

---$$$--
HINDI nawawalan ng kontrobersiya sa mga kadakilaan ng PINOY.
Showbiz-na-showbiz talaga.
Nabubuhay sa inriga.

------30---

Wednesday, May 10, 2006

Gudniyus

(for Bulgar, May 11 issue)

NANGAKO ang Saudi Arabia na pagkakalooban ng sapat na suplay ng petrolyo ang Pilipinas.
Pinatawad at pinalaya rin ng Hari ng KSA ang may 138 OFWs na nakakulong sa naturang bansa sanhi ng iba’t ibang klase ng kaso.
Iyan ang magandang balita.
Sana’y hindi manatiling nasa media lamang ang mga magandang balitang ito upang mapakinabangan ng publiko.
Pero ang sapat na suplay ng langis ay hindi garantiya na giginhawa ang buhay ng mga Pinoy dahil daraan pa rin sa mga oil traders ang naturang supply kung saan nakasandal pa rin sa umiiral na presyo sa world market.
Basta’t hindi nagkakaroon ng digmaan, mananatili may sapat na oil supply.
Ang problema ay magkano ba?
Mas mainam kung ang Pilipinas ay magkakaroon mismo ng IMBAKAN ng petrolyo sa Subic Bay kung saan maaaring mapaghandaan ang kakapusan ng supply sakaling magkaroon ng digmaan at maaari pang kumita ang ekstra sakaling magbago ang presyo.
Pero kung ang sapat na supply ay magdaraan din sa mga gahaman at sakim na Petron, Shell at Caltex—pagkikitaan lamang ng mga ito ang Pinoy.
Hindi rin naresolba ang problema.
Maganda lang itong pakinggan sa mga ulat ng media.
----30---

Autistic sa US

MAGTATAAS ng TOLL FEES ang Southern Luzon Expressway (SLEX).
Pukawnamoooo!

----$$--
DUMARAMI daw ang AUTISTIC sa US.
At isa ditto ay nagging PANGULO ng kanilang bansa.

-----$$---
BISTADO ang modus-operandi si GSIS General Manager Winston Garcia na nagpahayag na may BUYER siya ng magbabayad ng P95 per share sa Equitable PCIBank.
At matapos guluhin ang MERKADO—umatras ang kanyang buyer.

-----$$$---
MALINAW na sinasabotahe mismo ni Garcia ang nakatakdang MERGER ng PCIBank at Banco de Oro.
May ulat na ang sinasabing “buyer” ni Garcia ay ang nagpapakilalang “panganay” na anak ni dating Pangulong Marcos—na si EDILBERTO MARCOS.
Huhhh, hindi kaya magalit ditto si Mareng Imee Marcos?

-----$$--
KINUKUWESTIYUN sa United States ang pagkatao ni “Edilberto Marcos” na nahaharap din sa iba’t ibang kaso.
Kung totoo na si “Edilberto” ang sinasabing buyer ni Garcia—delikadong makasuhan siya ng PANANABOTAHE.

-----$$--
PINUPUWERSA ng Security and Exchange Commission (SEC) si Garcia na ibunyag ang pangalan ng kanyang “secret buyer”.
Kaya’t bigla itong UMATRAS.
Ngayon, walang duda na MABABARAT na nang todo ang halaga ng “sosyo” sa PCIBank.
Kumbaga, nagulo na nang todo ang isyu.

----$$$---
SA totoo lang, dapat nang sibakin si Garcia dahil malinaw na nabababoy na ang takbo ng GSIS kung saan delikadong mapahamak ang “multi-bilyong-pisong” premiums ng mga government workers.
Dapat nang kumilos ditto si Ate Glo.

-----$$--
NANGANGANIB din mawalan ng halaga ang sosyo ng SSS na nagmula sa private employees at nakalagak sa PCIBank.
Nagkaloko-loko na si Juan.

-----$$--
NAGBALIK na naman ang JUETENG.
At ginamit nang “front” ang PCSO- STL.
Tsk, tsk, tsk, marami na ang NAG-IIPON para sa 2007 elections.

----$$--
BIBIGYAN na ng DAR ng kanya- kanyang TITULO ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita.
Malaking gulo ito.

----30—

Tuesday, May 09, 2006

Media palpak

(Bulgar editorial for; May 10 issue)

MAGULO na naman ang eleksiyon sa National Press Club (NPC).
Hindi na naman malaman kung sino ang dapat mamuno sa media sa Pilipinas.
Pero ang NPC ay isa lamang sa mga media organization sa bansa.
Gayunman, ito ang pinakapopular at malawak.
Bakit nag-aagawan sa puwesto sa NPC?May mina ban g kayamanan ditto?
Mayroon!
Karaniwan kasing iniimpluwensiyahan at nagpapaimpluwensiya sa mga politico ang mga nauupong lider ng NPC.
Marami ditto ay naitatalaga sa maseselang posisyon sa gobyerno kaya’t isang klase rin ito ng korapsiyon sa media.
Kinokontrol din ng mga NPC officials ang pangangasiwa sa NPC building at iba pang transaksiyon.
Ang poder o ang “impluwensiya” na matatanggap ng mga NPC officials ay mabilis na maiko-convert sa personal na biyaya ng mga lider kaya’t pinag-aagawan ang puwesto ditto.
Sa kasamang-palad, walang sinumang lider ng NPC ang nagbibigay ng proteksiyon sa hanay ng mga journalist kung saan karaniwang biktima ng salvaging o pagpatay.
Karaniwangv inutil at mga walang silbi ang nanunungkulan dito dahil imbes na proteksiyunan ang hanay ng mga mamamahayag, ang mga tao sa Malacanang ang kanilang napaglilingkuran.
Sana’y maayos mabuti ng KORTE ang gulo sa hanay ng mga mamamahayag.
---30---

Midyear bonus sa Disyembre

(for Bulgar, May 10 issue)

TUMATAAS na naman ang presyo ng petrolyo dahil sa napipintong US- IRAN war.
Buwisett na mga Kano.

---$$--
TATANGGAP kuno ng MID-YEAR bonus ang mga gov’t employee.
Makukuha nila ito sa DISYEMBRE.

-----$$--
KASI yung VALENTINE’S BONUS nila na-delay din dati.
Natanggap ito ng Agosto.

---$$--
PINATAWAD ng Hari ng Saudi Arabia ang 138 OFWs na nahatulan sa naturang bansa.
Isang simpleng biyaya sa mga KUNSINTIDOR.

-----$$--
NASUGATAN ang 18-preso sa RAMBOL sa loob ng Taguig Jail.
Kasi’y kahit manggulo sila, hindi na sila MAKUKULONG.
Nakakakulong na rin kasi sila.

-----$$--
TYPE ni Manny Pacquiao na KUMANDIDATO.
Hindi kaya maatake rin siya ng STROKE kapag NADAYA?

------$$--
TINIYAK ni Pacman na hindi siya MADADALA sa eleksiyon.
Kasi’y HINDI naman niya lalabanan si ATE GLO.
Baka si Susan Roces ang labanan niya.

----$$--
HINILING ni Ate Glo sa Saudi Arabia na MAG-SUPPLY ng petrolyo sa Pilipinas.
Aba, wala nang dakdak-dakdak, trabahuhin agad yan ahhh.
Tuwad kung tuwaddddd!

-----$$--
NAG-SHOOT ng latest MTV si Manny Pacquiao.
Isa na siyang GANAP NA ARTISTA.
Mapapahamak na siya.

----$$--
TUMULAK na tungong US si Pacman.
Bilisan mo, hinihintay ka na ng iyong “biyenan-biyenan”.
Isang “KOMPRONTASYON” kaugnay ng iyong “Anak sa labas”.

---30—

Sunday, May 07, 2006

Natuwa sa helicopter crash

(for BULGAR, May 08 issue)

NAGLULUNDAG sa tuwa ang mga mamamayan ng Iraq nang makita ng mga katutubo na napabagsak ng mga rebelde ang isang British helicopter kung napatay ang apat na British soldiers.
Nang dumating ang reinforcments pinagbabato ng mga ordinaryong mamamayan ng mga sumaklolo at ang iba ay naghagis ng mga bote na naglalaman ng gasolina.
Ang eksenang ito ay nagpapatunay na ang mga occupation forces ng United Nations-- na nirorobot ng US at Britain ay simpleng mananakop ng ibang lupain.
Napakalinaw dito na kinamumuhian ng mga katutubo ang mga nagpapangggap na "tagapagligtas" ng Baghdad.
Nakapagtatakang kinukunsinte ng United States at iba pang bansa ang "kawanghiyaan ng America at Britons" sa walang pakundangang paghahari-harian sa Iraq at Afghanistan.
Ang tunay na terorista ay ang mismong US at British na nakapatay na nang libo-libong sibilyan sa Iraq at Afghanistan.
Mayorya ng ordinaryong Kano at Britons ay nagsasabi na palpak ang pagkubkob sa Iraq dahil kahit alam nilang wala namang weapons-for-mass-destruction ang Iraq ay itinuloy pa rin ang pananakop at nakumpirma ito mismo ng mga EKSPERTO.
Kung tutuusin, dapat parusahan ng United Nations ang US at Britain--pero patuloy nila itong kinukunsinte.
Dapat nang buwagin ang UN at ibasura natin ang globalisasyon na ginagamit lamang upang agrabiyaduhin at lokohin ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.
Sakaling mawala sa poder at "sa mundo" sina US Prez George Bush at Britain Prime Minister Tony Blair--- doon pa lamang makasusumpong ng katiwasayan ang buong mundo.
Ipagdasal nating maganap ito sa lalong madaling paraan at sa anumang paraan.
---30---

GMA delikado sa eroplano

(for BULGAR, May 08 issue)

NANGANGANIB na masibak dahil sa PALPAK na "cabinet revamp".
Nangatog bigla sa NERBIYOS si US Prez George Bush.
---$$--
APAT na British soldiers ang dedbol nang pabagsakin ng Iraqi rebels ang kanilang helikopter.
Nagsasayaw sa TUWA ang mga mamamayan ng Iraq.
---$$-
NAPAKA-KAPAL ng pagmumukha ng US, at Britain.
Alam nilang KINAMUMUHIAN ng mga katutubo sa Iraq ang mga FOREIGN SOLDIERS doon pero ayaw pang magsilayas.
Walang SINTIDO-KUMON ang mga demonyo.
---$$-
DAPAT na ring BUWAGIN ng United Nations dahil nagpapagamit lang ito sa AMERICA.
At ginagamit din sa PANG-AAPI sa maliliit na bansa.
---$$-
TUTULAK tungong Saudi Arabia si Ate Glo.
Ingat po kayo sa BOMBA sa eroplano.
Alam naman ninyo, DOBLE-KARA ang CIA.
----$$---
MAGI-STOPOVER si Ate Glo sa MACAU.
Para magpasalat sa nakuhang RECIPE dito noong 2004 elections.
----$$-
NABIGO si Rodel Mayol na maagaw ang korona sa WBC minimumweight division.
Beterlaknekstaym!
---$$-
ISANG opisyal ng CIDG ang TINEPOK.
Hindi kaya sa PARTIHAN yan sa jueteng?
----$$--
ELEKSIYON naman sa National Press Club (NPC).
Kandidato naman dito ang mga SEPSEP sa Malacanang.
Mga TAMAD at KOTONGERO.
-----$$--
HINDI nalalayo ang NPC election sa aktuwal na halalan.
Marami rin sa mga BOTANTE ay nagbebenta ng boto.
At mga KANDIDATO naman ay TINUTUSTUSAN ng mga taga-Malacanang.
Sila mismo ang ugat ng KABULUKAN ng media sa Pilipinas.
----30--

Friday, May 05, 2006

Artistahin

(for Bulgar, May 07 issue)

INIHAHANDA na raw ng oposisyon ang panibagong impeachment complaint kontra kay Ate Glo.
Wala itong kauuwian.
Kasi’y mahihina ang kukote ng mga lider-oposisyon.
Akala nila ay makokopya nila ang naranasan ni Pareng Erap na bumagsak dahil sa “impeachment proceedings”.
Malabo ito, kasi’y wala silang originality ng estilo at approach.
Hindi puwede ang gaya-gaya.
Iyan ang dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na isang kumpol ng mga bopol ang mga lider ng kasalukuyang oposisyon.
Nakapanghihinayang kasi’y marami ditto at batambata pa pero mukhang walang kauuwian kundi ang “maging artista, brodkaster at diyarista” sa hinaharap.
Nabaliktad na ang panahon.
Dati rati ang mga artista, brodkaster at diyarista ang nagiging politico.
Pero, ngayon ang mga kabataang politico ay tipong matinee idol at journalist sa paghahayag ng kanilang mga opinion.
Camera-conscious ang mga ito at tipong pa-impress at sabik sa publisidad.
Napakasasuwerte ni Ate Glo kasi’y walang maituturong “matalino” o “tigasing” lider ang oposisyon.
Lahat sila ay “artistahin”.
------30---

Biyenan ng kampeon

(for BULGAR, May 07 issue)

INAMIN ni ex-US Marines na nakipagkutsaba sa tangkang pagpapabagsak kay Ate Glo.
Oh, e di, MAGPAKULONG kang kusa.

----$$$--
NAGING popular ang Egypt sa PYRAMIDING.
Sumikat naman ang Pilipinas sa PYRAMIDING.

---$$--
NAOSPITAL si Pareng Erap dahil sa PAGTATAE.
Masyado siyang na-EXCITE nang makipag-BIRTHDAY sa nanay niya.

----$$--
BILYONG BILYONG piso ang makokobra ng gobyerno sa pakikipag-areglo sa Marcos Family.
Kaya pala TAHIMIK na tahimik si Madame Meldy.

----$$--
LIBO-LIBO pala ang STRAIN ng bird flu virus.
Imposibleng masawata ito kapag nagkaroon ng EPIDEMYA.

---$$--
ISASAMPA muli ng oposisyon ang IMPEACHMENT complain sa Kongres.
Hindi na sila nadala.
Baka mabokya na naman kayo!

----$$--
KINUKUWESTIYUN ang 3-G franchise sa mga cellphone companies.
Baka naghihintay lang ng KUWARTA.

----$$--
MAS may disiplina raw sa sarili si Flash Elorde kaysa kay Manny Pacquiao.
Kasi naman ay BIYENAN ni Flash ang kanyang MANAGER.

----$$--
NANATILI kampeon nang matagal si Elorde sa tulong ng kanyang NAG-IISANG BIYENAN.
Delikadong umikli ang PAGHAHARI ni Pacman dahil sa “2 biyenan”.

-----$$--
BAKIT daw hindi nag-aasawa si Asia’s songbird Regine Velasquez?Baka sumubra ang BIRIT kaya’t naapektuhan ang isang MASELANG BAGAY.
Ang kanyang “ambisyon” na manatiling nasa rurok ng tagumpay.

------$$--
SAKALING maglahong bigla ang ningning ni Pacman, alam na natin ang DAHILAN.
ABS---Alak, Babae, Sugal!
---30—

Thursday, May 04, 2006

Korte Suprema takot

HALATADONG “malasado” pa rin ang hatol ng Korte Suprema kaugnay ng Presidential Proclamation 1017 na nagsasailalim sa State of Emergency sa bansa.
Hindi naman tuwirang tinukoy ng Korte Suprema na paglabag sa batas ang naturang deklarasyon.
Mainam sana’y lantarang ipinahayag ng mga mahistrado na illegal ito pero tipong idinepensa pa ng mga ito ang ilang probisyon.
Nakapanghihinayang ang ginawang diskarteng ito ng Korte Suprema na imbes na mapabilib ang publiko ay nahahalatang “may lihim” na takot pa rin sa Malacanang.
Sinasayang ng mga mahistrado ang pagkakataon na maging HULING PAG-ASA ng mga mamamayan sa pang-aalipin ng mga naghaharing uri sa ating lipunan.
Kung ang mga mahistrado ay “natatakot” na ilantad ang tunay na saloobin, paano pa maglalakas ng loob ang ordinaryong Pinoy na isigaw ang kanilang kaapihan.
Sana’y matuto ang Korte Suprema na magdesisyon nang “walang kinatatakutan at prinoproteksiyunan”.
O, baka natatakot din sila na maaresto o ma-SALVAGE?
-----30--

Journalist nalilipol

(for Bulgar, May 06 issue)

PAHIYA na naman ang Malacanang sa PP 1017.
Dapat nang mag-resign ang mga LEGAL ADVISERS ni Ate Glo.
Napaka-KAPALMUKS ng mga kolokoy.

----$$--
POPULAR na popular ang Pilipinas sa bilang ng PINAKAMARAMING bilang ng natetepok na journalist.
Hindi pa kasama diyan ang mga INAATAKE sa PUSO.
At inaatake ng mga No.1 dahil sa mga No.2.

----$$--
WALANG talab ang Labor Day rally.
Maingay lang ang oposisyon pero walang binatnat.

----$$-
ANG sobrang kahinaan ng OPOSISYON ang NAGPAPALAKAS kay Ate Glo.
Kay buwenas ni GMA—kasi’y walang mahusay na lider ang kanyang mga kalaban sa politika.
Mga duwag MAKULONG kasi.

---$$--
KAPAG mga duwag ang mga lider—talagang hindi makakamit ang IPINAKIKIPAGLABAN.
Mas dapat na MANAHIMIK na lang sila.

-----$$--
SABI noon ng PAGASA Weather station ay MAAGA raw ang TAG-ULAN.
Eh, napakainit ng sinag ng araw.
Hindi sila nalalayo kay MADAME AURING.

---$$-
MINAMALIIT ng kampo ni Manny Pacquiao si Oscar Larios.
Alalahanin ninyo: Ang maliliit ang nakapupuwing!

----$$--
HULAAN ninyo bakit takot si Pacman na magbalik sa US.
Hinihintay kasi siya DOON ng kanyang “biyenan-biyenan”.
Kapag “babae” mahina ang kanyang “tuhod”.

----$$--
ISASAPELIKULA ang buhay ni Pacquiao.
Kaya’t nagiging masyado siyang EXCITED.
Masisira ng showbiz ang kanyang boxing career.
Sayang.
Baka matulad lang siya kay Max Alvarado.

----$$--
KAKANDIDATO raw si Manny Pacquiao.
Kaya pala NATATAKOT na si US Prez George Bush.
---30—

Wednesday, May 03, 2006

Giyera sa Spratlys

APAT na mangingisdang Tsino ang napatay at nasugatan ang tatlo nilang kasamahan matapos pagbabarilin habang nangingisda sa paligid ng pinag-aawayang Spratlys.
Hinihinala ng mga Tsino na mga Pinoy ang umatake sa kanila pero ayon sa isang eksperto sa naturang teritoryo, maaaring mga pirata ang may kagagawan ng insidente pero hindi maaaring akusahan lamang ang mga Filipino kasi'y may mga pirata din sa naturang teritoryo ang nagmula sa Malaysia at iba pang lugar.
Hiniling nga China na imbestigahan ng Pilipinas ang naturang kaso upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkakapatay sa mga Chinese fisherman.
Dapat ay maging mahinahon ang China sa pagresolba sa insidente dahil hindi malayong dito magsimula ang digmaan.
Bukod sa Pilipinas, inaangkin ang mahigit 100 isla ng Malaysia, Indonesia, Brunei, Vietnam at Taiwan.
Pinaniniwalaang may mina ng petrolyo ang naturang lugar at mayaman din ito sa likas ng yaman ng karagatan.
Ipagdasal nating maayos na mapayapa ang naturang isyu upang hindi magkabuhol-buhol pa ang problema sa ating bansa.
----30--
SINUWAY ng Malacanang ang utos ng Korte Suprema kaugnay ng E0 464.
Talagang MATIGAS na ang kanilang buto.

-----$$$---
MAGBABAWAS na ang US ng tropa sa Iraq.
Nababahag na ang kanilang BUNTOT.

----$$--
AKTUWAL na bumubuwelo ang US sa pagsalakay sa Iran.
Iyan ang PATIBONG ni Saddam.

----$$$---
KAPAG nilusob ng US ang Iran, bobombahin ng Tehran ang Jerusalem.
Iyan ang hudyat ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

----$$--
NAGRIRIGODON na kasi ang mga national leaders sa pakikipag-usap sa iba't ibang bansa.
Malinaw na INDICATORS yan ng MANIOBRA sa giyera.

----$$--
LUMOBO ang presyo ng petrolyo dahil paregong nag-ISTAK ang US at China.
Panibagong indikasyon ng napipinting DIGMAAN.[]


-----$$--
KAPAG ay maghanda rin ang Pilipinas sa posibilidad ng isang digmaan.
Pero, NAUUBOS ang kanilang oras sa ChaCha.

----$$--
KAPAG nagiyera, mababalewala ang Konstitusyon dahil MAKUBKOB ng China ang Maynila.
Puro tsekwa ang titira sa Malacanang.

-----$$--
PINAGBABARIL at napatay ang apat na Chinese fisherman sa Spratlys.
Hindi malayong maging ALIBI ito ng China upang KUBKUBIN ang Spratlys.
Sino ang PAPALAG?

-----$$--
KAPAG pumutok ang Iran-US-Israel war, papasukin na ng China ang Taiwan.
Malinaw na damay dito ang Pilipinas partikular ang Ilocos, Pangasinan at Palawan.

---$$---
HINDI lang ang mga bansa ang masalimuot ang sitwasyon sa year 2006 , kundi ang mga PAMILYA at indibidwal.
Iyan mismo ang IPINAHIHIWATIG ng “mahiwagang No.8”--may kontrol sa taong ito.
-----30---